Chapter 36:
Nakarating si Leni sa harap ng public library ng kanilang baranggay, huminga muna siya nang malalim bago niya binuksan ang pinto. Nang pumasok na nga siya sa loob ay doon niya na nakita si Bongbong, nakangiti ito sa kaniya habang nakaupo sa isang upuan sa hirela ng mga lamesa sa gilid ng mga bookshelf.
“Salamat naman at nakarating ka.” Ngiti niya kay Leni at tumayo sa kaniyang kinakaupuan, he immediately went to Leni to accompany her inside.
“Hindi ako pamilyar sa lugar na ’to, mero’n na palang public library dito sa baranggay natin?” Leni just giggled, sumunod nga siya kay Bongbong nang maglakad na ito patungo sa mga upuan.
“Kaunti na lang ang taong pumupunta rito, marami na kasing mas gustong mag-search na lang sa internet other than search it up in books here. Madalas na ’ko rito no’ng junior high school ako, nakita ko rin ang pagbaba ng mga parokyano ng library na ’to.” Kuwento ni Bongbong at umupo na nga siya sa upuan at ipinatong nito ang kamay niya sa isang lamesa.
“I see, kailan lang kasi ako lumipat dito sa baranggay natin kaya ’di ko pa halos alam ang pasikot-sikot. Matagal na ’ko sa Epiphany, yes, but I live in the baranggay next to ours then.” Ngiti rin naman ni Leni.
“Leonor, hindi na ’ko magpapaligoy-ligoy pa.” Bongbong looked at Leni straight to the eye and he smiled to her gently, dahan-dahan niyang hinawakan ang kamay nito, bagay na ikinabigla naman ni Leni.
“I wanted to talk to you alone, gusto kitang makausap at gusto kong marinig kung pa’no ka magsalita, tumawa, I also wanted to know more about you since... you’re my girlfriend.” Leni couldn’t utter more, she just looked at Bongbong until her face turned red like a buffering tomato—red as a ripe strawberry.
“We don’t get to talk at school. Then no’ng sinubukan kitang solohin, your friend interrupted. Alam kong galit ka pa rin sa ’kin about do’n, pero sasabihin ko sa ’yong nagkataon lang talaga sa halos sabay kayong dumating kahapon nang tanghali sa school library.” Napaiwas siya ng tingin kay Leni pero nanatili siyang nakahawakak sa mga kamay nito.
“Yeah, alam ko naman ’yon dahil may tiwala ako sa ’yo. Alam kong ’di mo ’ko lolokohin, I’m just mad yesterday because we couldn’t meet up properly.” Sagot naman ni Leni kay Bongbong.
“We’re finally going out, so... let’s do this more often.” Dagdag pa ni Leni sa sinabi niya.
“Makakapag-usap tayo nang maayos dito sa public library, wala namang halos pumupunta rito. Wala rin ngayon ’yong librarian kasi may kinuha siyang donations na libro sa baranggay hall, he let me use this though. Kaibigan ko rin siya at alam niyang may ka-relasyon ako, idea niya nga na mag-meet tayo rito eh.” Saad naman ni Bongbong.
“Oh, I see. Tapos ka na ba sa cram school mo?” tanong naman ni Leni.
“Kanina pang alas sais y media ako natapos, dumating ako rito five minutes after I got out of my cram school. Then, pinabantayan sa ’kin ng kaibigan ko ’tong library kasi nga kuhanin niya ’yong donation mula sa baranggay hall. He’ll be back by eight.” Paliwanag pa ni Bongbong.
Kalaunan ay nagharap na sila ni Leni at nag-usap sila nang masinsinan, Leni was was holding her teddy bear stuffed toy while pressing it. Hindi ito dahil sa kaba kung ’di dahil sa nadarama niyang mga paro-paro sa kaniyang tiyan—that particular feeling ignites wether someone felt the concept of romance.
“You know...” Panimula ni Leni habang nakatingin siya kay Bongbong, pasimple siyang ngumiti sa binata.
“Yes?” Bongbong asked.
“Hindi talaga ako gan’to ka-talkative sa loob ng school natin, even though I’m a member of the track and field club. Pili lang ang mga kaibigan ko, ’di rin naman ako gano’n ka-popular.” Leni shared her story to Bongbong.
“Ako rin, parehas pala tayo.” He giggled and he smiled at her.
“Sorry pala ulit dahil sa nangyari sa library, nagkataon lang talaga ’yon.” He apologized to Leni once again.
“Like I said, it’s okay. Siya nga pala, is Sara going to your cram school?” tanong naman ni Leni.
“Oo, unang araw niya kahapon.” Tugon muli ni Bongbong.
“Ay, gano’n pala.” Ngumiti rin naman si Leni.
“How did your exam go?” Bongbong asked.
“Mataas naman ang nakuha ko, kinausap din ako ni Professor Miriam kanina na pagbutihan ko pa raw kasi ako ang pangalawa sa pinakamataas sa room natin. I wonder who’s the top student though?” Leni smiled once again and she looked at the booksheves on their right.
“I’m the top student, ’di ko na itatago ’yon sa ’yo.” Napanganga si Leni at at kaagad napabaling ng tingin kay Bongbong, hindi siya makapaniwala sa narinig niya.
“Talaga?! Congratulations! I’m happy for you!” masayang sambit nito.
“Well, I’m still worried about the incoming semestral exams though, ’di ko sinasabi sa iba at sa sarili kong mga magulang na ako ang nangunguna sa klase natin dahil ayo’kong ma-pressure.” Bongbong leaned his back on the chair he’s currently sitting.
“Narinig ko ring writer ka, kamusta ’yong sinusulat mong nobela?” tanong muli ni Leni.
“Stable, I’m updating it everyday though. Kahit ilang salita lang ang madagdag sa chapter.” Ngiti naman ni Bongbong.
“Have you even considered of sharing it?” Leni asked once again.
“No, I doubt that it’s good enough to be shared to many. Maybe someday I’ll publish my writings but not now.” Sagot naman nito.
“Okay lang ’yon, gusto ko ring mabasa ang mga gawa mo someday.” Leni replied, she felt that genuine feeling once again. But this time, hindi na siya kinakabahan, hindi na mabilis ang pagtibok ng puso niya.
“Pero kinakabahan talaga ako sa mga mangyayari, I’m our class’ front runner and... there’s an opportunity waiting for me at the end of this tunnel. ’Di ko alam ang gagawin ko.” Tinawanan na lang ni Bongbong ang kaniyang problema, ayaw niyang maging hadlang iyon sa kaniyang relasyon kay Leni.
“Kinakabahan rin ako, sa totoo lang. Nerbiyosa kasi ako and I could feel the pressure dahil ako ang nanalo sa nakaraang track meet, malapit na rin ang laban namin sa regionals.” Napangiti si Bongbong sa narinig niya.
“Yeah, nanalo ang buong track and field club sa nakaraang divisional meet.” Ngiti nito.
“But... I can’t improve my runtime at all, that way I can feel the pressure in me. Lalo na’t ako ang inaasahan ng track and field club na magbuhat ng bandera ng Epiphany Christian Academy sa regionals.” Leni took a deep breath, silence then grew in between them but just Bongbong broke it in a matter of seconds.
“Kapag pinapanood kitang tumakbo, it’s really... I guess it’s really... I-I like it.” Medyo nauutal si Bongbong nang sabihin niya iyon.
“These last few days, I’ve been watching you from the library while I’m doing my work. You’re... you’re awesome, Leonor.” Muling namula si Leni sa narinig niya, napangiti na lamang siya at hindi siya nahiyang ipakita ang namumula niyang muka sa kaniyang kasintahan.
“Salamat, Ferdinand, salamat dahil ’yan ang tingin mo sa ’kin. Nitong mga nakaraang araw, I kept messing up with my runtime. But I’ll do it because someone thinks that I’m great.” He smiled.
“Hindi lang naman ako, Leonor, you have the whole school with you. Your friends, your classmates, and your clubmates in the track and field club. We all think you did great and you’ll do greater.” Sambit naman ni Bongbong.
“I think, I’ll go watch and cheer you at the regionals.” Kaagad na napalitan ng pagkagulat ang nadaramang ligaya ni Leni.
“A-ano? I u-uh...” Leni couldn’t think of what to say nor what to react.
“Ah, kung ayaw mo ’di na lang ako pupunta.” Kaagad binawi ni Bongbong ang sinabi niya upang pakalmahin si Leni, pero kaagad namang tumugon ang dalaga upang kunin namang muli ang mga salitang binitawan ni Bongbong.
“Hindi, it’s not like I don’t want you to cheer on me and watch me run. Kaso lang...” Leni couldn’t utter anymore since she’s out of words to say.
Blushing—that’s a normal thing to express romantic excitement. Butterflies, however, is felt due to romantic thoughts. The silence in between Bongbong and Leni justifies this concept. Mahirap sabihin para sa isnag tao ang kanilang nararamdaman, ngunit tinapangan ni Bongbong ang kaniyang loob upang igalaw na ang baso ng kaniyang kapalaran.
Muli, dahan-dahang hinawakan ni Bongbong ang kamay ni Leni na mas lalo nitong ikinapula. Their eyes met, Leni’s eyes is glimmering as Bongbong’s. Leni could see Bongbong’s reddish pupils, and Bongbong could see Leni’s rose-colored one.
Dahan-dahan ding tumakbo ang oras para sa kanilang dalawa, nagdesisyon si Leni na humawak nang pabalik sa kamay ni Bongbong. Pinagdikit nila ang kaniyang mga palad, they grasped each other’s fingers as they sense the each other’s company.
May isang bagay na mayroon ang mga tao kaysa sa mga hayop. Mayroong mga sikreto ang bawat tao, may kakayahan silang itago iyon, may kakayahan rin silang sabihin iyon.
Pero... ang sikreto ay nakadepende pa rin talaga sa isang tao, kung itatago o ilalabas niya.
Nagulantang si Leni nang marinig niyang tumunog ang kaniyang cellphone dahil sa messenger notification, kaagad siyang napahiwalay ng hawak sa kamay ni Bongbong nang kuhanin niya iyon.
“Ah... sorry.” Pasimpleng ngisi niya rito.
“Okay lang ’yon.” Ngiti rin naman ni Bongbong.
Kaagad ngang tinignan ni Leni kung sino ang nagpadala sa kaniya ng mensahe—si Sara. Leni then pressed her contact and she was petrified on what she saw.
“Leni, I think I have a crush on Ferdinand.”
~Interconnected Hearts.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top