Chapter 34:
Mabilis na tumatakbo si Leni patungo sa library habang nakangiti siya, nananabik siya sa makasama nang solo si Bongbong at sa wakas ay makakapag-usap na rin sila nang sila lamang dalawa. When she reached the door of the library, she gradually took a deep breath and she put her hands inside his pocket—getting her teddy bear stuffed toy.
Saglit niyang pinisil-pisil iyon bago siya nagdesisyong pumasok na nga sa loob, she then opened the door and the smell of the well-maintained library got on the tip of her nose. It was mesmerizing, malamig din sa loob dahil sa nakasinding aircondition.
She closed the door and she walked inside, pero kaagad niyang narinig sa ’di kalayuan ang isang lalaki at babaeng nag-uusap sa isang table. Pamilyar sa kaniya ang boses ng dalawa, hindi siya maaaring magkamali.
“I’ll ask my parents to get me there, then.” Sara smiled to Bongbong as they talk to each other, wala ngang nagawa si Bongbong kung hindi ang sakyan na lang ang lahat.
“Salamat ha, kung ’di dahil sa ’yo baka naghahanap pa ’ko ngayon. You saved my life!” tawa pa nito. Saglit pa ay nakita na nga ni Bongbong si Leni na nakatayo sa hindi kalayuan, napaiwas ito ng tingin dahilan kung bakit nagtaka si Sara at tignan ang tinignan nito kanina.
“Leni?!” gulat na tanong ni Sara. Saglit nang napatayo si Bongbong sa upuan nito habang tingnan niya na nang diretso ang dalaga.
“Teka... kayo ba eh—” she didn’t had the chance to continue her sentence when Leni talked back.
“Ha? Ay hindi, hindi, wala! Napadaan lang ako rito kasi may ipinakukuhang libro si Prof Miriam!” kaagad nitong tanggi.
“Ay, akala ko naman kung ano. Okay lang ’yon, ’di ba, Ferdinand?” Bumaling ng tingin si Sara kay Bongbong na ngayon ay naiipit na sa situwasyon.
“Ah, oo.” Pasimple nitong ngiti.
“Alam mo kasi, papasok ako sa cram school kung sa’n pumapasok si Ferdinand. No’n pa kasi ako humahanap ng cram school na matino-tino kasi tagilid ’yong grades ko, alam mo naman ’yon, Leni.” Nanlaki ang mga mata ni Leni nang marinig niya ang sinabi ni Sara.
“Ano? Talaga ba?” tanong niya naman.
“Yeah, gusto samahan mo ’kong bisitahin ’yon after ng club natin?” tanong naman ni Sara.
“Ay, hindi na siguro ako makakaabot. Marami rin kasi akong priorities ngayong araw, may isa nga lang na parang hindi ako ang priority.” Tumawa siya, pero sa pagtawa niyang iyon ay makikita sa sarili niya ang nadarama nitong pagseselos.
“Ay gano’n ba, okay lang naman. Aalis na ’ko ah. Salamat ulit, Ferdinand.” Ngumiti kay Bongbong si Sara at Minsan pang humawak sa balikat nito na mas lalo pang ikinakulo ng dugo ni Leni. Pasimpleng huminga nang malalim ang dalaga at pinigilan niya ang kaniyang sariling mag-react.
“See you around, Leni.” Paalam niya naman sa kaibigan at tuluyan na ngang umalis si Sara sa library. Nang makalabas sa pintuan si Sara ay dito na nakahinga nang maluwag si Bongbong, pero si Leni... hindi pa yata.
Tinignan ni Leni si Bongbong na para bang hinugusgahan nito ang buong pagkatao niya. May galit—kung galit nga ba? Halo-halong emosyon, basta’t ang nararamdaman ni Leni sa kasalukuyan ay ang pagseselos.
“Ano... gusto mo rin bang sumama do’n sa cram school—” Bongbong attempted to have a proper conversation with Leni, but she stopped him from speaking by interrupting him.
“Hindi! Kumain na lang tayo ng tanghalian.” Pero kahit na gano’n, alam naman ni Leni ang sitwasyon. Kahit galit siya, alam niya ang limitasyon niya.
***
“Isa, dalawa, tatlo... takbo!” sigaw ni Kiko. Leni ran as fast as she could but she couldn’t help but to think about what happened at the library earlier at lunch. Dahil dito ay hindi siya makatakbo nang maayos.
“Sorry po, Sir Harry, babawi na lang po ako sa semestral exams.” Narinig ni Leni ang pag-uusap nila Sara at Sir Harry sa gilid ng tracks habang tumatakbo siya.
“Kaya mo ’yan, Sara, alam kong makakabawi ka sa susunod kaya bibigyan pa kita ng pagkakataon.” Ngiti naman ng guro nito. totoo ngang nanganganib ang grado ni Sara at hindi ito nagsisinunging tungkol do’n.
Nang marating ni Leni ang finish line ay pagod na pagod siyang nagpahinga sa isang sulok. Ilang beses na rin kasi siyang umulit sa pagtakbo ngunit hindi pa sapat ang bilis niya. Nagdesisyon siyang tumigil na muna at maghilamos na ng muka.
Habang naghihilamos siya ng muka sa katabing gripo ay nakarinig si Leni ng mga yapak muka sa kaniyang likuran, nang tumigil ito ay nagsalita rin ang taong iyon. When it spoke, Leni instantly knew who it was—Kiko probably.
“Leni, can I have a word?” Kiko asked her while she’s still washing her face.
“Ah, sige lang.” Sagot naman ni Leni habang nakatalikod pa rin dito, kinuha niya ang kaniyang towel at kaagad niyang pinunasan ang kaniyang muka.
“Sira ang timing mo ngayong hapon, Leni, hindi ko alam kung ano ba ang nangyayari sa ’yo pero alalahanin mong kailangan mong pagbutihan sa regionals.” Ngumiti si Kiko sa paalala nito.
“Sorry ah, pagbubutihan ko na lang bukas. I was pretty stressed today.” Bumuntong-hininga naman si Leni, ikinataka naman ni Kiko ang sinabi nito.
“I’ll go home with you later, want to talk about it on our way home?” he asked again. It made Leni flutter and Kiko even made it more dense when he ran away after he said that.
Naiwang tulala si Leni habang tumingin ito sa direksiyon kung saan tumakbo si Kiko, hindi niya alam ang gagawin. Hindi rin naman siya makatatanggi. Hindi sa ayaw niya pero isa si Kiko sa mga matatalik niyang kaibigan.
Sumapit ang hapon, nang pauwi na si Leni ay sinabayan siya sa paglalakad ni Kiko. Kahit naman ayaw niya ay hindi niya masabi sa binata dahil mas lalo pa siya nitong pipiliting sabihin kung ano nga ba ang problema niya. Knowing Kiko, he was persistent to comfort his friends in time of need.
Habang naglalakad sila ni Leni ay umiinom si Kiko ng apple juice na nakalagay sa isang plastic container, tahimik lamang si Leni habang sinasabayang maglakad si Kiko. She couldn’t bring herself to speak, she thought that if she’ll break the silence between them, Kiko might ask about earlier—in short, nakadagdag pa si Kiko sa problema ni Leni.
“Leni, about earlier...” Ito na nga ang kaniyang sinasabi, kaagad siyang bumaling sa kabilang direksiyon upang huwag nang harapin si Kiko.
“Ano bang problema? You’ve seem out of your usual self earlier?” tanong ni Kiko. Nang makita niyang hindi siya tinitignan ni Leni ay doon na siya napahinga nang malalim.
“Leni, kaibigan mo ’ko, ’wag mo naman sana akong ituring na ibang tao. ’Di naman ako backstabber eh.” Mungkahi niya.
“Sa studies ko lang, Kiko. I got scolded at our home because mas prina-prioritize ko raw ’tong club sa pag-aaral ko. Pero ginagawa ko naman lahat, gusto ko lang mapag-isa ngayon... sana. Para makapag-isip ako nang maayos, pero sumama ka naman sa ’kin ngayon.” Leni thought of her greatest lie towards Kiko to hide what she really feels.
“Gano’n ba, sorry naman kung gano’n. Ang sa ’kin lang, dapat ’di mo na pinapakinggan ang mga gan’yan dahil malapit na tayong matapos. Just hang in there.” Ngumiti siya kay Leni at saka siya uminom ng juice sa container na hawak niya.
“We don’t have that much longer... to run together.” Ngumisi si Kiko at huminto siya sa paglalakad. Ang kaniyang sinabi naman ay ang nag-udyok kay Leni na mapasinghap, her heart trembled as it feels that awkward feeling—but it’s not the same feeling she feels when she’s with Bongbong.
It’s that but... it’s just clearly different.
“Street ko na ’to, ingat ka sa pag-uwi mo ah. See you at school tomorrow!” Kiko said goodbye and he ran along, naiwang nakatayo si Leni sa gitna ng sidewalk habang malakas pa rin ang pagkabog ng kaniyang dibdib.
Hindi niya alam, pero may pahiwatig.
Pahiwatig na hindi niya alam kung ano.
***
“Now, we’ll discuss about the greatest love story in Philippine History, the romance between Dr. Jose Rizal and Leonor Rivera. This is an interesting topic actually, class...” Kasalukuyang nakikinig si Bongbong sa discussion sa loob ng cram school na pinapasukan niya, nagsusulat siya ng lecture habang nakikinig.
Sandali pa ay nakita niyang pumasok si Sara sa loob ng kanilang classroom, basta na lamang umupo ang dalaga sa isang desk at kumaway pa ito sa kaniya. Kumaway naman siya pabalik kay Sara ngunit nang dumaan ang buong klase nila ay hindi niya pinansin ang dalaga.
After their classes, Sara and Bongbong both ended up the same way home since they live in the same Baranggay but just different streets. Ayaw man niyang sabayan si Sara ay wala rin amang mangyayari dahil ang dalaga na Ang lumapit sa kaniya—kagaya ni Kiko kay Leni. Maliwanag ang sinag ng buwan, it compliments the skies full of stars. Bongbong and Sara are walking together on the side of the road.
“Walang masyadong istudyante ang mula sa school natin do’n sa cram school, ano?” she asked while scratching her head.
“Oo, wala ngang masyado.” Pasimpleng tumawa si Bongbong.
“Yeah, saka kapag wala kang gano’ng kakilala sa isang cram school eh mas mapapadali ang pagcra-cram mo.” Bongbong laughed at Sara’s statement.
“Totoo, I can relate to that.” He replied while still laughing.
“I’m gonna attend there everyday! Ang gagaling din magturo ng mga teachers do’n.” Ngiti naman ni Sara.
“Ay, siya nga pala, I’ll chat you often about lessons I’ve missed there kung may araw man na ’di ako maka-attend.” Ngumiti muli siya, pasimple namang tumango si Bongbong sa dalaga.
Dito na napagtanto ng binata, she’s a great friend to have. Sara was more than just someone, he feels like she wanted to be close to him. Handa naman si Bongbong na kaibiganin si Sara dahil mabuti naman siyang tao, kaibigan rin naman ito ni Leni kaya mas ayos pa iyon.
Sandali pa ay dumating na nga sila sa Kanto kung saan sila maghiwalay ng landas, saglit pang tumigil si Sara upang magpaalam kay Bongbong.
“Dito na ang street ko, see you tomorrow at school—sa cram school din.” Ngumisi siya, handa na siyang tumawid sa kalsada nang mapansin ni Bongbong na may rumaragasang kotse papunta sa direksiyon ni Sara.
Kaagad niyang kinuha ang kamay ng dalaga at hinatak ito papunta sa kaniya, sa gulat ni Sara ay napasunod siya sa ritmo ng paghatak ni Bongbong. Her face landed on his chest while her other hand was holding on to his shirt tightly.
Napansin ni Bongbong na may ilaw sa traffic light sa kantong iyon, it was red. Malinaw na lumabas sa patakaranang kung sino mang driver ng kotseng malapit nang mabangga si Sara.
“Mga tao talaga!” sigaw ni Bongbong habang mahigpit pa ring hawak si Sara. Dahan-dahang nag-sink in sa kaniya ang kasalukuyan nilang posisyon ng dalaga kaya naman kaagad niya rin itong binitawan.
“Sorry, did I held too tightly?!” natatanranta niyang tanong. Dito na rin nakabalik sa reyalidad si Sara matapos ang hindi inaasahang pangyayari.
“Hindi, s-salamat nga p-pala dahil niligtas mo ak-ako.” Nauutal namang saad ni Sara, malalim ang pag-hinga nito nang dahil sa nararamdamang presyon.
“Salamat talaga, salamat talaga!” Hindi napigilang maglabas ng luha ni Sara, kaagad siyang sumunggab ng yakap kay Bongbong.
“It’s okay, it’s okay.” Bongbong comforted her, she patted her head as they both stand on the sidewalk.
Hindi na nagawang mag-react pa ni Bongbong dahil sa biglang pagyakap ni Sara. Hindi niya naman iniisip na may ibig-sabihin ang nangyari. Someone just almost got hit by a car, it’s natural for people to react like that.
Walang ibig-sabihin iyon.
~Not Two Have.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top