Chapter 31:

“Kindly excuse me.” Ngiti ni Bongbong at tuluyan na nga siyang lumabas ng faculty room. Palabas niya ay bumungad sa kaniya si Sara na ngayon ay nakasandal sa pader katabi ng pintuan.

“Narinig ko ang pag-uusap niyo ni Prof Miriam, ang galing mo naman!” Napangiti si Bongbong sa sinabi ni Sara, tumango naman siya at tumugon dito.

“I’m just lucky, I guess.” Ngiti ni Bongbong, saglit pa ay naalala ni Sara ang sinabi nito no’ng intramurals. Napangisi siya at tumugong muli sa sinabi no Bongbong.

“You said the same thing back in the intramurals, still, I don’t believe you.” Tawa nito, napahagikgik naman si Bongbong.

“’Di ko rin kasi inakalang ako pala ang pinakamataas sa academics sa ’min eh.” Hagikgik nito.

“Siya nga pala, ’di ba kasali ka sa literature club?” She proceeded to ask Bongbong, Bongbong simply nodded at her and he answered.

“Yeah, why?” he asked back.

“Nanganganib kasi ’yong grades ko sa Oral Communication at Twenty-First Century Literature eh, may alam ka bang magandang cram school dito sa Benguet?” Sara asked him directly.

“’Di naman gano’n kasama ’yong pinapasukan kong cram school after ng club, so...” Hindi na naituloy ni Bongbong ang sasabihin niya nang kaagad na nagsalita si Sara.

“Is that so?! I guess I’ll try to go there!” Bongbong looked away at her, thinking that she’ll be a distraction or something. But he couldn’t deny the fact that Sara doesn’t know anything and that she was one of his friends or so.

She makes him feel that there’s always something that makes her hold back.

Some time later, natapos nga ang klase sa pang-hapong periodiko at balik nanaman ang lahat sa kani-kanilang mga club activities. The track and field club was working and aiming hard for the regional track meet so they practice as early as possible.

“Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim, pito, walo...” Bumibilang ngayon ang mga miyembro ng track and field club habang nagwa-warm up para sa kanilang bagong araw ng pag-eensayo para sa darating na regional track meet.

Sara is constantly giggling while stretching his legs, para bang may bulate sa kaniyang puwetan dahil hindi magkamayaw ang pag-ngisi at pagtawa niya nang mahina. Dito na nagtanong si Pia kung ano bang nangyayari kay Sara at panay tawa ito.

“Hoy, tatawa-tawa ka diyan.” Parinig niya kay Sara kaya naman lumingon siya habang nakangiti pa rin.

“Bakit? May restrictions ba ang pagiging masaya?” banat nito. Napasimangot naman si Pia at nagpatuloy sa pag-inat ng kaniyang mga braso.

“Ewan ko ba sa ’yo, Sara, Ikaw naman ang inaatake ng kabaliwan ngayon.” Leni sighed and continued her routine.

Sandali pa ay namataan nilang naglalakad si Kiko patungo sa direksiyon nila Leni at may hawak itong isang pirasong papel na naglalaman ng kanilang mga plano para sa daraan na mga araw ng kanilang pag-eensayo.

“Leni, Pia, Sara, take this.” Ngiti ni Kiko at ipinamahagi niya sa bawat isa ang papel na kaniyang hawak, the three is quite confused about what to do with the papers so they asked what was it for.

“Ano ’to?” tanong ni Pia habang nakatingin sa papel. Nakangiti namang sumagot si Kiko habang nakahawak siya sa kaniyang baywang.

“Schedule ’to ng mga plano natin before the regionals. We’re going with this until then. Kung makapasok tayo sa Nationals, magbibigay ulit ako ng bago.” Ngiti ni Kiko.

Binasa nila Leni, Pia, at Sara ang mga nasa papel at halos mahilo sila Pia at Leni sa dami ng oras nilang gugugulin sa kanilang bawat araw na pag-eensayo. Pero si Sara naman ay napangiti nang abot-langit at kinuyom nito ang kaniyang mga kamay.

“Yes! Let’s do this!” she yelled with pride.

“Sana kami rin bigyan mo ng motivation to practice more, halos mamatay-matay na kami sa everyday schedule pero nadagdagan nanaman ngayon!” reklamo naman ni Pia.

“I hope so, pero para naman sa ikabubuti natin ’to kaya magtiis na lang kayo. Mas mabuting sumunod na lang kaysa dada tayo nang dada, it’s for us and the for Epiphany.” Ngiti rin naman ni Leni.

“Yeah, this is also our last year so why not grab the gold for the last time? Sa kolehiyo, wala nang mga gan’to.” Minsan pang sambit ni Sara at ngumiti siyang muli.

“Let’s do our best, Leni and Pia!” she encouraged the two. Napangiti naman din sila Leni at Pia at tumango na lamang.

“Yes! Para sa Epiphany!” the three yelled.

***

“Manong inta kitaen man, kinapintas ti kabakiran, nga isisturya-en ti kaaduan.” (Brother, let’s discover the beauty of the forest. Foretold by the multitude.)

Kasalukuyang kinakanta ng isang babae ang awitin na kung tawaging Saludsod ni Ading. Tumutugtog ang mga instrumentong gamit ng mga manunugtog habang sumasayaw si Bongbong at ang iba nitong mga kasama sa tribal dance.

“Ay ading ibagak kenka, nangadot nagbaliwan na ti aglawaw idi ken itatta.” (This, my brother, I tell you that there have been many changes from then and now.)

Hawak ni Bongbong ang isang pula at mahabang scarf na ginagamit niya para sa sayaw, iwinawayway niya iyon sa daloy ng ritmo at bagsak ng musika. Sumasama naman sa hangin ang scarf dahil may kanipisan ito, bagay na mas ikinagaganda ng kanilang ethnic folk dance.

“Ayan dagiti tuatu, aglagtu-lagtu idiyay ngato, aga man lamok ken daduma nga insekto.” (Where are the grasshoppers that keeps flying up above? That feeds on mosquitos and other insects.)

As the sound of the Gangsa and Tongali combined with the angelic voice of the girl singing, there formed a wonderful piece. The dancers swaying thier red scarves to the air while doing their routines, hands travelling to the open spaces of the church hall where they practice.

After a while of dancing, they stopped to their current phase because it’s going to be too dark outside. It’s passed eight in the evening yet they’re still inside the San Jose Parish Church.

“Salamat po ulit dahil pinayagan niyo po kaming gamitin ang church hall para sa practice namin, Padre Juan.” Pagpapasalamat nila Bongbong at iba pa nilang nga kasama sa sayaw Kay Padre Juan.

“Walang anuman ’yon, papahintulutan ko naman kayong gamitin ang church hall sa practice niyo basta’t magpaalam kayo sa ’kin.” He smiled back, dito na nga sila tuluyang nagpaalam sa pari at tuluyan na ngang umalis sa simbahan.

Habang magkasabay na naglalakad pauwi ay nag-uusap sila Ramon at Bongbong patungkol sa mga bagay na umiikot lamang sa kanilang pang-araw-araw na buhay. While drinking soft drink from a can, Bongbong randomly asked Ramon something about dating.

“Kuya Ramon, can I ask you something?” he began to speak. He’s holding to the can of soft drink from the can.

“Yes, why?” Ramon asked back, hawak nito ang kaniyang Japanese-style bicycle habang kaniya itong itinutulak. Lumalagitik ang kadena nito habang umuusad ang pedal dahil sa pagtulak ni Ramon.

“Iniisip ko ang susunod kong nobela, Kuya Ramon.” Napakamot si Bongbong sa kaniyang ulo, he drank some of the soft drinks in the can he’s holding.

“Actually, I wanted to ask how are the things going for you.” Bigla siyang napatingin kay Ramon, Bongbong misinterpreted what Ramon has said into something way deeper than what it means.

“A-anong...” Hindi niya na naituloy ang kaniyang sasabihin dahil nauutas siya.

“Ay, ang ibig kong sabihin eh sa school. Nakapag-aral ka na ba sa entrance exams sa balak mong pasukang university sa Baguio?” tanong ni Ramon.

“Stable for now, though I’m into blocks sometimes.” Ngisi naman ni Bongbong.

“Anyway, Kuya Ramon, I wanted to ask you something like I said earlier.” Ibinalik ni Bongbong ang usapan sa gusto niyang itanong kanina pa.

“Ano nga pala ’yon ulit?” pag-uulit naman ni Ramon sa tanong. Sandali pa ay napatingin si Bongbong sa lata ng soft drinks habang iniisip nito kung ilalabas nga ba niya ang kaniyang hinanaing, he thought of the right decision.

“What are you supposed to do when you’re in a relationship?” Tanong ni Bongbong dahilan upang manlali ang nga mata ni Ramon, kaagad niyang tinignan nang seryoso ang binata—serious means totally serious.

“Para sa nobela ko po! Si Kuya Ramon naman eh!” Bongbong defended himself.

“Oh really?!” ngumisi si Ramon.

“Kuya naman eh!” Bongbong defended once more.

“Oo na, oo na, sorry na.” Tumawa na lamang si Ramon at pinagmasdan ang namumulang si Bongbong.

“Stop denying it, are you really? ’Di naman ako magalit or tututol eh, ’di ka na bata para pagbigyan pa ng restrictions.” Ramon asked once again, hindi naman kaagad nakaimik ang binata. Sa mga nagdaang segundo, dito na siya huminto sa paglalakad at sumagot.

“Opo, Kuya Ramon.” Tumango si Bongbong at ngumiti siya.

“I’m on a relationship.”

~The Inquiry Evader.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top