Chapter 28:
Hapong-hapo si Leni nang marating niya ang Plaza Burgos, ito ang Plaza sa harapan ng Saint Paul Metropolitan Cathedral o mas kilala sa tawag na Vigan Cathedral. Kaagad niyang kinuha ang kaniyang cellphone sa kaniyang bulsa hinihingal siyang nagtipa ng mensahe sa messenger, tumakbo lang kasi siya mula sa City Hall hanggang sa Plaza Burgos.
“I’m infront of the Vigan Cathedral now.” It was sent on twelve eighteen pm, inilinga-linga ni Leni ang kaniyang paningin sa mga tao sa paligid. Maraming mga taong pumapasok at lumalabas sa katedral ngunit hindi niya mahanap si Bongbong.
“Where are you?” she chatted again. But still, there’s no answer. Hindi man lang din si-neen ang kaniyang message. Napahinga siya nang malalim at pinatay niya ang kaniyang cellphone, umaasa siyang hindi siya bibiguin ni Bongbong.
Sandali pa ay naramdaman niyang may tubig na pumapatay mula sa kaniyang itaas, it was then she discovered that it’s now currently raining. Kaagad siyang tumakbo paloob sa katedral upang maiwasan ang ulan at sumilong.
Habang bumubuhos ang malakas na ulan ay hingal na hingal na tumatakbo si Bongbong patungo sa Vigan Cathedral, napatagal ang pagsama niya kila Isko at Ping kagaya ni Leni kila Pia at Sara. Isko and Ping however was more brutal than them, talagang hindi nila timantanan si Bongbong sa katutukso nila rito.
Nang makarating siya sa Plaza Burgos ay malakas na ang buhos ng ulan, hindi siya nakapagdala ng payong dahil maaraw naman ang panahon kaninang umaga. Basang-basa na ang suot niyang academical uniform nang dahil sa ulan, sinubukan niyang hanapin si Leni sa paligid ng Plaza Burgos ngunit hindi niya siya nakita roon.
Because he’s soaked in rain, he didn’t managed to go inside the cathedral, baka hindi rin siya papasukin dahil basang-basa nga siya. Maraming tao rin ang pagtitinginan siya mula ulo hanggang sa talampakan, ayaw niyang mapahiya nang ganoon sa maraming tao.
Tumakbo siya patungo sa candle area sa gilid ng katedral ngunit wala pa rin doon si Leni, hindi niya naisip na nasa loob lang pala ng katedral ang dalaga at nagpapalipas ng ulan. Aligagang-aligaga na siya, kahit gusto niyang sabihing naroroon na siya sa kanilang tagpuan ay hindi niya masabi dahil wala sa kaniya ang kaniyang telepono.
Ilang minuto pa ang lumipas ay nawalan na siya ng pag-asa, he took a deep breath and he decided to leave. But his decision changed when he saw Sara and Pia walking together to offer a candle. Nagkaroon siya ng pag-asa, hindi niya na sinayang ang pagkakataon at hindi na siya pinangunahan ng hiya.
“Ang ganda rito hano? Sayang lang at ’di natin kasama si Leni.” Dismayadong saad ni Pia at sinindihan niya ang kandila.
“He’s probably meeting up with somebody right now, we can’t blame her. May sarili siyang buhay.” Sinindihan rin ni Sara ang kaniyang kandila.
Samantala, inilabas na ni Leni ang dala niyang payong mula sa kaniyang bag, nagdesisyon na siyang umalis na sa katedral dahil naniniwala siyang hindi siya sinipot ni Bongbong. When she’s leaving, she saw Riza and Robin running together with their bags on their head, laughing as they finally found shelter.
“That was extreme! ’Di ko inaasahang uulan!” tawa ni Robin at kumuha siya ng towel sa loob ng kaniyang bag. After that, he wiped it on Riza’s hair to dry her.
“Salamat, Babe. Oh, ikaw naman.” Riza wiped Robin’s wet hair using the towel, Leni just smiled as he watched the two having a good time. Isinindi niya ang kaniyang payong.
“He’s not answering me.” Saad niya sa kaniyang sarili at napaiwas siya nang tingin kila Robin at Riza, tumingin siya sa kalangitan na ngayon ay kulay puti na habang tumatagaktak ang ulan mula rito.
“We’re not even dating.”
“I didn’t gave him an answer.”
“Why did I go here in the first place?”
***
“Nagtataka lang ako, sino or ano kaya ’yong pinuntahan ni Leni, ano?” nagtanong si Pia nang maitulos niya na ang kandila sa candle wick.
“Baka totoo lang naman kasi ’yong sinasabi niya, baka nga namili lang ng souvenirs. Hayaan mo na ’yon.” Sara added, she did the sign of the cross and prayed afterwards, ganoon din si Pia.
Nang makita ni Bongbong na nagdadasala ang dalawa ay hinayaan niya muna silang matapos bago siya lumapit sa mga ito, nang matapos na nga ang dalawa sa pagdarasal ay hindi na siya nag-alangang tumakbo palapit sa kanila.
“Ah, S-Sara!” tawag ni Bongbong sa dalaga na naghahanda nang umalis. Napalingon naman sa kaniya ang dalawa at nabigla nang makita ito, they are also shocked because Bongbong was literally soaking wet because of the rain.
“Ferdinand?” Sara was still confused on how to react.
“Basang-basa ka sa ulan ah? ’Di ka ba nilalamig?” si Pia naman ang nagtanong. Pasimple namang umiling si Bongbong nang tanungin siya nito.
“Tinakot mo naman ako, akala ko kung sino ka na!” tawa naman ni Sara.
“Ay tama nga si Pia oh, basang-basa ka nga! Sa’n ka ba nanggaling at nilusob mo na ’tong napakalakas na ulan.” Kumuha si Sara ng towel mula sa kaniyang bag at walang kaano-ano’y pinunasan niya si Bongbong, nabigla naman ang binata dahil sa ginawa nito.
“Ah, salamat... I can do it myself.” Saglit niyang kinuha ang towel sa kamay ni Sara at siya na ang nagpunas sa kaniyang sarili, bahagya siyang nag-iinit dahil sa ginawa ng nito. Nakaramdamn siya ng hiya.
“May lakad pa ’ko, Sara. Kasama ko si... alam mo na, mauna na ’ko.” Pia excused herself.
“Ay sige lang, see you later.” Ngiti naman ni Sara at tuluyan na ngang nagpaalam si Pia sa kanilang dalawa ni Bongbong.
“So, what’s the matter?” Ibinaling ni Sara ang kaniyang atensiyon kay Bongbong na ngayon ay napunasan na nga ang kaniyang sarili gamit ang towel na ipinahiram niya.
Bongbong didn’t hesitate to answer, he was in a desperate situation. Hindi niya na alam ang gagawin niya at wala na siyang ibang maisip na sulusyon sa mga nangyayari.
“P’wede ko bang mahiram ang cellphone mo kahit saglit lang, Sara?” Tinapangan na ni Bongbong ang kaniyang loob. Saka na lamang napagtanto ni Sara ang isang bagay, pasimple siyang ngumiti.
“Huh, oo naman. Pero ’di ba may dala ka?” tanong ni Sara habang kinukuha na ang kaniyang cellphone sa kaniyang bulsa. Nang makuha niya ang kaniyang cellphone ay ibinigay niya iyon kay Bongbong.
“Oh, ito na oh.” Pasimpleng ngiti nito.
“Na-capture ni Prof Miriam ang phone ko eh, I need to call somebody. Salamat nga pala.” Ngiti ni Bongbong, ngunit nanlaki ang mga mata niya nang mapagtanto ang isang bagay.
Kung tatawagan niya si Leni mula sa account ni Sara ay baka mairehistro ang tawag sa mga mensahe nito, hindi rin naman niya maipapalit ang kaniyang account dahil kasalukuyan pang naka-log in ang account niya sa sarili niyang cellphone.
Naisipan niyang tawagan na lamang si Leni gamit ang dialer ngunit nadismaya rin siya nang maalala niyang hindi niya pala alam ang number nito. Napatingin siya kay Sara at huminga siya nang malalim.
“If I call Leni using Sara’s contact... hindi ko alam kung anong iisipin niya. I couldn’t handle any more of this tension.” Bongbong whispered to himself.
“What’s that?” Napatagilid ang noo ni Sara nang magtanong siya.
“Ah, ’di bale na lang, Sara. ’Di ko na pala hihiramin ’tong cellphone mo.” Ibinalik ni Bongbong ang cellphone na hawak niya kay Sara, napakunot naman ang noo nito.
“Let me guess, si Leni ba?” nanlaki ang mga mata ni Bongbong at napaawang ang kaniyang labi. Naramdaman niyang umiinit ang kaniyang muka at alam niya nang namumula ang kaniyang muka.
“I will take your reaction as a yes.” Ngisi ni Sara at kaagad pinindot ang call button sa chat box ni Leni upang tawagan siya.
~Crossing Trail.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top