Chapter 27:

“You have free time today until this evening. Once again, stay safe and be careful, enjoy your school trip but don’t get too carried away.” Professor Miriam announced to the students who’s now taking their breakfast in the dining area of the hotel they checked in.

Maganda ang panahon sa labas, maaraw ngunit may kaunting ulap sa kalangitan. The Calle Crisologo is at it’s usual also, marami nanamang mga tao ang naglilibot doon at marami ring ibang mga turista ang patuloy pang dumadating.

Habang kumakain si Bongbong ay naisip niya ang pagka-capture ng kaniyang telepono kagabi, hindi niya alam kung ano ang sumunod na mensahe ni Leni sa kaniya. Pinagmasdan niya sa kabilang table ang dalaga na ngayon ay kumakain na rin ng umagahan, napabuntong-hininga na lamang siya at nagpatuloy sa pagkain.

Makalipas ang kanilang umagahan ay nagtungo sila Leni at Sara sa lobby ng hotel at binasa nila ang isang tourism magazine na naglalaman ng mga maaari nilang puntahan sa Vigan, binabasa ni Sara ang magazine habang nakatutok naman si Leni sa kaniyang cellphone. It was then Leni noticed that Pia isn’t around.

“Nasa’n si Pia?” tanong niya. Ibinaba naman ni Sara ang magazine na binabasa nito at tumugon siya.

“Probably with Lito, ’di ako sure pero parang gano’n na nga. ’Di man lang nga nagsabi kung sa’n siya pupunta eh, so let’s just assume that it’s that way.” She sighed.

“Now, sa’n ba tayo pupunta?” Nanlaki ang mga mata ni Leni nang marinig niya iyon mula kay Sara, she remembered the message that Bongbong sent to her last night.

She agreed to him, but she’s quite confused that Bongbong didn’t reply to her message. It makes her feel uneasy, but she still wanted to go to tell Bongbong her answer to his confession last Sunday.

“Kanina ka pa nakatingin sa cellphone mo ah? You look suspicious, Leni.” Leni’s eyes widened once again when she heard from Sara.

“Walang taguan ng sikreto, remember? No’n pang grade nine ’yong deal na ’yon between Pia, me, and you.” Ngiti ni Sara—isang sarkastikong ngiti.

“No, ano lang kasi...” tumanggi siya kaagad.

“Nagpapabili ng Vigan products sila Mama, gusto nila ng  longganisa.” Pasimple siyang gumawa ng dahilan, napangiti muli si Sara ngunit hindi na sa sarkastikong pamamaraan.

“’Yon lang pala eh, ’di bumili tayo mamaya bago umuwi. Gala na tayo, walang mangyayari kung mags-stay pa tayo rito sa hotel.” Sara replied, Leni just nodded and she hid her phone in her pocket.

Kapwa nila kinuha ang kanilang mga bag at sinukbit ito. Palabas na sila ng hotel nang makita sila ni Bongbong, kanina pa hinahanap ni Bongbong si Leni dahil nais nitong sabihin na na-capture ang kaniyang cellphone, gusto rin nitong humingi ng tawad kung hindi man siya nakatugon sa mga sumunod pang mensahe ni Leni.

“Sa’n ba tayo pupunta? Sa’n mo gusto?” tanong ni Leni.

“I wanna go to the National Museum if that’s alright, I’ll look for more exciting stuff there before lunch.” Leni awkwardly smiled.

“Good idea, then let’s head to the Bantay Church Bell Tower next!” Sara recommended.

Tatawagin na sana niya si Leni nang mapansin ni Bongbong na kasama pala niya si Sara, he restraint himself on calling her. Napansin rin niyang parating na sila Isko at Ping na kinuha lamang ang kanilang mga gamit sa loob ng kanilang kuwarto.

Napaiwas siya ng tingin sa Banda nila Leni at Sara at nagdesisyong gawin na lang ang nakasaad sa plano nito. He’ll just meet Leni at the Vigan Cathedral at twelve, then he’ll say everything that had happened after he sent his last message last night.

***

“Aren’t these sorbetes famous here or not? It’s the first time I’ve tasted something like this!” Dinilaan ni Sara ang kinakain niyang ice cream, sarap na sarap ang siya at tipong-tipo ng kaniyang dila ang lasa nito.

“Sinabi mo pa, Sara, this is the best!” ngiti naman ni Pia na ngayon ay kasabay na nilang kumakain. Nang makarating sila sa harapan ng Vigan City Hall ay nasalubong nila roon si Pia na mag-isang tumatakbo, inaasahan na nila ito dahil doon naman talaga sila magkikita-kita bago sila pumunta sa Museum.

It’s currently eleven thirty-six, mainit ang sikat ng araw ngunit nagpapalamig sila sa ilalim ng isang puno. They are sitting on a bench while eating their ice cream. Napahinga nang malalim si Leni at pasimpleng nginuya ang apa nito, hindi niya alam kung paano ba gagawa ng dahilan upang makapunta na sa Vigan Cathedral nang mag-isa.

“Umn... Pia, Sara, may gagawin lang sana ako.” Leni encouraged herself to say that, Sara and Pia confusedly looked at her.

“Ano ’yon?” Sara simply asked.

“Bibili lang sana ako ng souvenirs.” Pasimple namang ngumiti si Leni.

“’Di ba kabibili mo lang kahapon?” si Sara muli.

“Eh... may nakita akong magagandang souvenirs kanina eh, gusto kong bumili.” She excused again.

“Then we’ll come with you, baka ano pang mangyari sa ’yo.” Si Pia naman, napaiwas ng tingin si Leni sa kanilang dalawa.

“’Di bale na lang.” Ngiti niya.

“Sige na, sabihin mo na kung sa’n para masamahan ka nga namin.” Pia uttered once again, kinain niya ang apa ng kaniyang ice cream pagkatapos.

“We’re friends for what?” Sara again.

“Bibili lang ako ng maiinom.” Tumayo siya at nagbabadyang umalis na at iwan silang dalawa ngunit hindi niya itinuloy ang balak.

She just bought a drink and returned to them. She doesn’t want to cause enough errands for the two to think about, ayaw rin niyang isipin nila Pia at Sara na may itinatago siyang sikreto sa kanila—kahit mayroon naman talaga. She also doesn’t want them to think that she’s being cold.

Bago pa makabalik si Leni sa pagbili ng inumin ay hindi kinalabit ni Pia si Sara habang parang nangangati ang butsi nitong nagsalita.

“Siguro may itinatago sa ’tin si Leni.” Ngiti niya kay Sara.

“No doubt, I knew how she acts.” Huminga nang malalim si Sara.

“I think so also, maybe it’s a guy or something. Aligagang-aligaga siya eh, parang kating-kati na siyang umalis. But it seems like we’re on the way.” Pia leaned her back on the bench.

“Yeah, kagaya mo. Nangangati kang umalis kahapon habang namimili tayo, and I know who it was.” Pia’s eyes widened when she heard it from Sara, her jaw dropped as her hands shook.

“What do you mean?” Pia asked in a nervous tone, pinilit nitong ngumiti kahit kinakabahan na ito.

“I saw your Convo with Lito, dumbass, ’wag mo bang i-deny dahil ’di naman namin ipagkakalat ni Leni.” Ngumiti si Sara kalaunan, wala man nang nagawa si Pia kung ’di Amin ang totoo.

“You’re right, Lito and I are dating. Itinago ko sa inyo dahil ayo’kong kumalat muna na kami na. Sinabi ko rin ’yon kay Lito.” She told Sara, sa wakas ay nakahinga siya nang maluwag.

Ilang minuto ang lumipas, it’s currently eleven fifty-five. Kinakabahan na siya dahil baka paghantayin lang niya si Bongbong sa harap ng Vigan Cathedral sa Plaza Burgos. Pasimple niyang ibinaba ang kaniyang cellphone at pumikit, huminga siya nang malalim at ibinaba niya ang kaniyang telepono.

“You look bummed, what’s wrong?” Nanlaki ang kaniyang mga mata nang sabihin iyon ni Pia, she focused her sight on to her and Sara.

“What’s wrong? Gusto mo ba talagang bumili? Samahan ka na kasi namin.” Ngiti naman ni Sara, but Leni didn’t answered. She kept her words to herself while her heart pounds rapidly because of the pressure.

“We get it, Leni, this is enough. Sara, we’re torturing her. Let’s just call this a day. If you want to meet us after your thing, just chat us.” Kinuha ni Pia ang kamay ni Sara na siyang ikinabigla nito.

“What the?! Bitiwan mo ’ko!” But Pia didn’t listen to her and just pulled her together out of Leni’s sight. Nang makaalis ang dalawa ay napangiti na lamang si Leni at tumayo sa kaniyang upuan.

Now, Vigan Cathedral awaits.

~Secrets Revealed.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top