Chapter 26:
Sa bugso ng mga tao sa Calle Crisologo ay napili ni Leni na mamili na lamang ng bibilhin niyang mga souvenirs na ibibigay nila sa mga kaklase at mga miyembro ng ibang club na hindi pinalad na makasama sa school trip. Namimili siya ng mga pagkain at mga souvenirs na aangkop para sa mga bibigyan nito.
Leni is currently at a souvenir shop in Calle Crisologo—choosing some pasalubong to give those students, her parents, and her sister. There were so much to choose from since it’s a large, there were large quantities of food products, things such as handkerchiefs, keychains, ornaments, display figures, and more.
“Leni!” Napalingon si Leni nang makita niya si Sara na tumatakbo palapit sa kaniya, she smiled and nodded as a reply.
“Namimili ka na ng mga pasalubong?” Sara added, dahilan ito upang tumango muli si Leni.
“Yeah, samahan mo kaya akong mamili.” Leni requested, pumayag naman si Sara sa kaniyang gusto.
“Sige ba, patingin ako riyan.” Kaagad na lumapit si Sara kay Leni upang mamili ng maganda at angkop na pasalubong.
“Ano bang magandang bil’hing pasalubong? Naguguluhan ako, ang dami kasing maganda rito eh. I can’t choose properly.” Nagpatulong na si Leni sa pagmimili ng pasalubong.
“Keychains na lang siguro, o kaya panyo or whatever. Nakaisip na ’ko ng ipapasalubong sa parents ko eh, sa iba na lang ang hindi.” Dagdag pa ni Leni.
“May tinda naman silang cookies dito, maybe tig-iisang mga box para sa bawat tao. I would prefer the longganisa though, pero baka kasi mapanis since hanggang bukas pa tayo rito sa Vigan.” Suhestiyon naman ni Sara.
“What about a box of cookies and a keychain? Puwede na ’yon.” Leni announced, Sara just smiled and she already went to choose the best cookies and keychains. Si Leni naman ay nagtungo sa t-shirt section para tumingin naman ng ipapasalubong kay Salvacion, Antonio, at Lourdes.
“Siya nga pala, nasa’n si Pia?” tanong ni Leni habang tinitignan nito ang mga t-shirt na may mga tatak ng Vigan—madalas ang tatak ay ang Calle Crisologo.
“Maglilibot pa raw siya kaya pinabayaan ko na lang, pero alam ko naman kung sa’n pupunta ang babaita. Pupunta ’yon sa resto kasama si Lito para kumain ng tanghalian.” Ngumisi si Sara, saglit pang napalingon sa kaniya si Leni at nagtataka itong nagtanong.
“Bakit? Ano bang siste kay Pia?” she asked. Naguguluhan si Leni sa mga pinagsasasabi ni Sara sa mga oras na iyon.
“I saw the convo between her and Lito earlier when she’s busy reading her fortune. Pinahawak niya sa ’kin ang cellphone niyang sa una pa lang eh nandidiri na ’kong hawakan dahil nga alam mo na kung sa’n niya ’tinago.” Nagsimula itong magkuwento habang namimili siya ng mga keychain.
“Pinilit niya ’kong pahawakan and wala naman akong nagawa. Then no’ng pinahawak niya sa ’kin ’yong cellphone niya, nag-notify ang message ni Lito sa kan’ya. It seems that she’s entertaining Lito all along, ’di lang niya ’yon pinapakita sa ’tin kasi nahihiya siya. If I were her, I would feel the same though. I can’t blame her for that.” Dagdag pa nito.
“Yeah, if I were her I would’ve done the same thing also. It’s hard to let people know na in a relationship ka.” Tugon naman ni Leni, she then chose three t-shirts to give both her parents and her sister
Habang namimili si Sara ng mga cookies ay napansin niyang pumasok sa loob ng shop si Bongbong na wari ba ay may hinahanap, Bongbong then looked at the beautiful ornaments and he’s ready to buy two or three. Napangisi naman si Sara at nagdesisyong lumapit sa binata.
“Hey, Ferdinand! Nice seeing you here!” she chimed in. Napalingon naman si Bongbong kay Sara at napangiti rin ito, lumapit si Sara sa binata upang papiliin ito kung anong keychain ang mas maganda.
“Dali, pumili ka kung anong bet mo sa dalawang cookies at keychain na ’to.” Ngiti pa ni Sara kay Bongbong, saglit pa ay narinig ni Leni ang usapan nilang dalawa at napalingon ito sa kanilang direksiyon. Her eyes widened when she saw Sara talking to Bongbong, she felt anxiety and apprehension at the same time when she saw them talking together.
“I think the one with the kalesa looks nice on a bag. The bigger box is the better for the cookies.” He giggled.
“Tama ka nga naman, the bigger box the better.” Tawa ni Sara.
“Personally, I would like ornaments a lot than keychains. So what about giving that one a shot?” alok pa ni Bongbong dito.
Saglit pa ay nahagip ng mata ni Bongbong si Leni kaya naman kaagad siyang lumingon dito, ngunit kaagad namang tumakbo palayo si Leni dahilan kung bakit bahagya siyang nadismaya. He just continued talking to Sara about the pasalubongs, Sara doesn’t seem to notice that Bongbong wasn’t paying attention that much because he saw Leni.
***
Napabuntong-hininga si Bongbong habang tinitignan nito ang mga nakaraang conversation nila ni Leni nitong mga nagdaang araw, hindi na nadagdagan pa iyon dahil walang paramdam si Leni kay Bongbong. Paunti-unti na rin siyang nawawalan ng pasensiya, para kasing hindi na siya handang sagutin ni Leni.
Gabi na nang mga oras na iyon, they are inside a hotel the school rented inside the Calle Crisologo in Vigan—still. Some students are still wandering outside even though they have a curfew of until seven in the evening. Some students are currently sleeping and some are still talking to each other, just like Isko and Ping while playing a mobile game on their cellphones.
“Ayon oh, combo!” tawa ni Isko. Hindi sila pinansin ni Bongbong dahil Kapwa lamang naglalaro ang dalawa ng mobile games.
“Ayan, double combo. Triple! Aha! Quadruple! Lagot ka ngayon!” Ping boasted as he try to beat Isko at their game.
“Quadruple pala ah, ayan super combo!” Pinaulanan ni Isko ng mga tira ang karakter ni Ping sa kanilang mobile game, he laughed evilly as Ping starts to loose.
“Andaya mo naman, sabing walang gamitan ng super combo eh!” Ping complained, habang nagtatalo sila ay abala si Bongbong sa pag-iisip ng ititipa nito sa kaniyang cellphone para mensahe kay Leni.
Inside Leni and the other girls’ room, they were pretending to be asleep because they heard some footsteps coming from outside. Dahan-dahan ngang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Professor Miriam na mas mataas pa ang mga mata sa agila. Seryoso niyang tinignan ang buong kuwarto, she suspected it to be normal so she just closed the door.
“Wala na ba ang bruha?” tanong ni Cynthia sa pabulong na tono. Saglit pang napahagikgik ang lahat bago sila bumangon sa kanilang higaan.
“Grabe ka naman kay Prof Miriam, ang harsh no’n ah!” Riza then talked back while still laughing.
“Ang harsh ninyo, teacher namin ’yon tinatawag niyong bruha, masumbong nga kayo bukas.” Si Grace naman.
“Ay ba’t may sumbungan? Hindi kayo makasabay sa trip.” Riza scratched her head, napangisi rin ito.
“Would you keep it down, I’m tired.” Reklamo ni Sara at Pia tinakpan niya ng unan ang kaniyang tainga.
“’Yan ang ’di makasabay sa trip.” Saad naman ni Cynthia.
They all got up from their beds and started to form a circle where they all tell some stories of themselves, kadalasang tampok sa kanilang mga istorya ay ang tungkol sa pag-ibig at relasyon. They all laughed and got amazed at each other’s stories.
“Now, who’s next?” tanong ni Pia. Pinagmasdan niya ang kaniyang mga kasama at na-focus ang kaniyang paningin kay Leni na ngayon ay hawak ang kaniyang cellphone.
“Si Leonor kaya.” Nanlaki ang mga mata ni Leni at napatingin sa kanilang lahat, she’s quite shy.
“A-ako?” she asked awkwardly.
“Oo naman, so... is there someone you’re interested with? Or someone you like?” Napaiwas ng tingin si Leni nang dahil sa tanong nila, she looked at her messenger and she smiled. Pasimple siyang tumango.
“Me’ron!” Biglang napadilat ang mga mata ni Sara at Pia at otomatiko silang napabangon sa kanilang kama, they rushed to Leni as fast as the wind.
“Who was it?!” sabay na tanong nila Pia at Sara. Kapwa nagkatinginan sila Grace, Cynthia, at Riza at pare-pareho silang napatawa dahil sa nangyari.
“Was it Kiko?” Hindi na napigilang magtanong nila Grace at Riza dahil sila ang unang nakasaksi ng pagpapapansin ni Kiko sa dalaga. Nanlaki ang mga mata ni Leni at bahagya siyang namula, hindi kagaya ng iniisip nila ang nasa isip ni Leni—she was petrified.
“So siya nga?! Confirmed! Did he asked you out?” ngiti naman ni Pia. Kaagad napaiwas ng tingin si Leni at umiling ito.
“No, it wasn’t even what you guessed it is.” Huminga nang malalim si Leni.
“Huh? Eh sino?” they all asked confusedly.
“Sa ngayon ayo’ko munang sabihin sa iba, maging sa inyo. Sorry ha.” She apologized, napangiti naman silang lahat at tumango na lamang.
“We understand, nasa girls’ code namin na huwag dapat mamilit kung ayaw magsabi.” Ngiti nila.
Saglit pa ay narinig nilang bumukas ang pinto kaya kaagad silang tumakbo patungo sa kanilang mga higaan, saglit nilang pinagmasdan ang pintuan at nakadama sila ng ginhawa nang mamataan nila sila Lito, Bong, at Robin na pumasok sa loob.
“Babe, what are you doing here? Bawal kayo rito.” Saad ni Riza at kaagad siyang lumapit kay Robin, he was Riza’s boyfriend since she said yes that afternoon Bongbong saw them under the three on that grassfield in their school.
“Lito, bakit kayo nandito? Lumabas na kayo’t kami ang malalagot sa mga ginagawa niyo!” payo naman ni Pia kay Lito.
“Kaya nga—” hindi na narinig ni Leni ang mga pinag-uusapan nila nang mag-vibrate ang kaniyang cellphone, dito niya napansin na may mensahe si Bongbong sa messenger.
“What are you doing right now? Just checking.” Bongbong sent it to Leni while he’s smiling. Patuloy pa rin sa pagkakaladyaan sila Isko at Ping.
“Talking about relationship stuff.” He received Leni’s reply, bahagyang nanlaki ang kaniyang mga mata at tumingin siya kila Ping at Isko na ngayon nagkakaldyaan pa rin at nagtalukbong siya ng kumot.
“Nakapag-desisyon ka na ba ’tungkol do’n sa sinabi ko?” Bongbong sent his message.
“Hindi pa, sorry ha.” Napatugon si Bongbong sa kaniyang cellphone.
“If you want tomorrow, we could meet.” He sent his message, pero nang maipadala niya na ang kaniyang mensahe ay biglang may sumulpot na kamay mula sa kaniyang ulunan. Nanlaki ang mga mata ni Bongbong nang mamataan niyang hawak na ngayon ni Isko ang kaniyang telepono.
“Nagtatago ka pa ah, patingin kami!” Pilit na hinahablot ni Isko ang cellphone sa kamay ni Bongbong.
“Ano ba?! ’Wag niyo!” Pilit naman itong binabawi ni Bongbong.
“Ping, do your thing!” Kaagad siyang hinawakan ni Ping at ipinaloob nito ang mga braso ni Bongbong sa loob ng mga braso ni Ping. Pilit na nagpumiglas si Bongbong ngunit hindi siya makawala.
“Ihinto niyo na! Please lang oh!” Bongbong complained once again while still escaping Ping’s capture.
“Oy! May ka-chat siya!” Isko giggled while he’s scrolling to his messenger.
“Ihinto niyo na ’yan sabi eh!” Finally, Bongbong escaped Ping and he managed to snatch his phone back. Kaagad siyang tumakbo palayo sa kanila at nagtipa.
Ngunit... nabigla ang tatlo nang bumukas ang pintuan at bumungad sa kanila si Professor Miriam. Nanlaki ang kanilang mga mata at kaagad nilang itinago ang kanilang mga telepono ngunit nakita ito ng propesor.
“Mister Moreno, Mister Lacson, Mister Marcos! Why are you not sleeping yet?! It’s passed bedtime! Lend me your phones, now!” sigaw ng propesor na galit na galit nang dahil sa kaniyang nadatnan.
Just then, Bongbong sent the message he typed for Leni just before Professor Miriam could capture his phone.
“If you want, let’s meet at the Vigan Cathedral at twelve noon tomorrow. I’ll be there.”
~Caught Communication.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top