Chapter 18:
“Literature, Psicom Publishing Incorporated.” Binasa ni Bongbong ang nakasulat sa magazine na kasalukuyan niyang binabasa, nakaburaot siyang tumingin doon. Nababanaag mula sa loob ng simbahan kung saan siya naroroon ang katahimikan dahil sa walang gaanong tao sa lugar dahil weekdays.
He’s inside the San Jose Parish Church in La, Trinidad for his church duties as a youth member, katatapos lamang niyang maglinis ng simbahan kasama ang ibang mga miyembro ng youth member at siya na lang din ang naiiwan sa loob. Just then, an old priest came over to the altar to check the retablos and he noticed Bongbong sitting at one of the chairs and reading.
“Oy, Bongbong. You have been here before, tapos na kayo kanina pa ah? ’Di ka pa ba uuwi?” tanong ng pari. Nakangiti namang sumagot si Bongbong dito.
“Ay opo, Padre Juan, maaga po kasi kaming binitawan ng prof namin kasi po midterm exams naman na po.” Tugon ni Bongbong sa paring si Juan Valentin Furagganan Enrile Sr.—known simply as Padre Juan by the locals. Ngumiti naman ito sa kaniya at masigla itong tumango.
“Kaya pala. I tell you, midterms are the worst. Actually, every term was.” Bahagyang natawa si Bongbong sa sinabi ni Padre Juan, he then changed the subject because he doesn’t wanna talk about his exams.
“What are you up to right now, Padre Juan?” he asked.
“Actually, I just cleaned the halls earlier and now, I’m checking the retablos for some defects so that it can be repaired.” Saglit pang itinago ni Bongbong ang binabasa niyang magazine sa kaniyang likuran.
“Uy, Bongbong!” Saglit siyang napalingon sa pintuan sa gilid ng simbahan at napansin niya si Ramon, may dala itong isang kahon na hindi niya alam kung ano ang nilalaman.
“Kanina ka pa nandito ah, what about school?” Ramon followed by asking, pasaglit namang isiniksik ni Bongbong ang hawak niyang magazine sa kaniyang bag upang hindi na ito mapansin ni Ramon.
“Araw po ng midterms namin ngayon, Kuya Ramon, maaga po kaming pinakawalan ng prof namin.” Kagaya ng tugon niya kay Padre Juan ay ganoon din ang tugon niya kay Ramon.
Bongbong had some troubles fitting the magazine inside his bag so Ramon noticed what’s the magazine he holds, napangiti naman ito at binanggit na niya ang patungkol sa nasabing magazine.
“Ay, ’yan ba ’yong magazine na sinasabi mo sa ’kin? Did you enter the manuscript that I proofread? ’Yong pinabasa mo sa ’kin no’ng nakaraan?” Wala na ngang kawala si Bongbong nang dahil doon, he doen’t want anyone to know but Ramon knows now.
“Pangalawang story ko po ’yong ipinakunsulta ko sa inyo, ’yong pang-una po ’yong isinabak ko rito.” He replied with an awkward smile, nginitian lamang din siya ni Ramon.
“Oh, I see. May tiwala naman ako sa skills mo kaya kayang-kaya mo ’yon even without my help. I see potential in your literary writings.” Ngiti nito.
“Sige, I’m going to put this instruments to the hall for the folk dance practice this incoming week.” Dagdag pa nito, saka na lamang din naalala ni Bongbong na malapit na pala ang kanilang pag-eensayo ng folk dance para sa Adivay Festival.
“Siya nga pala, Bongbong. Inaasahan kitang pupunta dito sa practice.” Sumabad si Padre Juan.
“Opo, ’di ko po kayo bibiguin.” Tugon naman ni Bongbong.
“Oo nga pala, nasubukan mo na bang sumali sa mga gan’yang pakulo ng Psicom? Maglalabas pa lang ng results niyan ah?” Napalingon muli si Bongbong kay Ramon ngunit nang marinig niya ito ay napayuko na lamang siya, nahihiya sa kung ano ang dapat niyang sabihin.
“I feel your stress, parang wala ka na nga yatang panahong isipin ’yong exams mo.” He just simply nodded and he took a deep breath.
“No, Kuya Ramon. Kahit naman po busy ako sa club at sa pagsusulat ko ay naisasabay ko naman po ’tong pag-aaral.” Bongbong smiled after, he then packed his bag.
“Uuwi na po ako, Padre Juan, Kuya Ramon.” Paalam niya sa mga taong naroon, nilingon naman siya ni Padre Juan at nginitian siya nito.
“Sige, Bongbong, basta’t ’wag Kang mawawala sa practice, ha.” Bilin nito.
“Opo, makakasama po kayo.” He smiled and walked.
“Mag-aral Kang mabuti ha, Bongbong. Good luck sa exams mo.” Saad naman ni Ramon, kaway na lamang ang itinugon ni Bongbong at lumabas na nga siya ng simbahan.
***
Staring at the blank paper and his textbooks full of null words he can’t even comprehend, Bongbong leaned his back on his chair and stared at the white ceiling. He’s now on his room, studying for the second day of his midterms tomorrow. Saglit pa ay narinig ng binatang may nagsalita galing sa ibaba ng hagdan kung saan malapit ang kaniyang kuwarto.
“Bongbong, you’d better be studying in there. Lalabas lang ako saglit para tignan sila Inang at Tatang sa farm, mag-aral ka riyan ha.” Narinig niyang nagsalita si Imee mula sa unang palapag ng kanilang bahay.
“Opo, Manang Imee.” He replied with a sense of boredom, narinig niya ngang bumukas ang pinto sa labas at nakita niyang lumabas si Imee dala ang isang basket.
“Kukuha ka lang ng strawberries eh.” He lauhed when he saw Imee outside with the basket, napahinga siya nang malalim at imbis na mag-aral kagaya ng sinabi ni Imee ay inuldag niya ang kaniyang kama at kaagad niyang inabot ang kaniyang cellphone.
He checked on his messenger, particularly Leni’s contact. He wanted to chat him because he didn’t found a way to talk to her since earlier this day.
“I don’t feel like studying.”
Saglit pa ay napag-isip-isip niya ang nais niyang sabihin, he exhaled and erased his message. Instead he sent another one. Meanwhile, Leni was studying for her exams when she received a message from Bongbong, she opened her phone to answer his message.
“Nagre-review ka rin ba ngayon?” Bongbong messaged, making Leni smiled. She then started typing.
“Oo, kanina pa nga actually.” Leni replied, it made Bongbong smile also.
“Nakakaabala ba ’ko sa ’yo?” he then asked. Bumangon si Bongbong sa kamang kaniyang kinahihigaan at nag-hintay siya sa isasagot ni Leni.
Saglit pa ay sasagot na sana si Leni sa message ni Bongbong nang mapansin niyang bumukas ang pinto ng kaniyang kuwarto, iniluwa noon ang kaniyang Ate Lourdes na naghahanap ng shampoo para sa kaniyang paliligo.
“Nakaligo ka na ba, Leni?” she asked.
“Oo, bakit, Ate Lourdes?” Leni replied by asking too.
“Naubos na ’yong sachet ng shampoo sa banyo, me’ron ka ba riyan? Gagamitin ko sana.” Dito na siya nanghingi.
“Sa may ibaba ng aparador ko, Ate Lourdes. May Palmolive pa riyan.” Pagtakapos niyang tugunan si Lourdes ay bumalik siya sa pagre-reply kay Bongbong.
“Not at all.” Leni replied to Bongbong’s message.
“How’s your day?” Bongbong then asked.
“Fine, I’ve practiced even though I got some exams while my friends skipped the practice to go to an ice cream shop. How about you?”
“I have to go to my club and to San Jose Parish for church youth duty, I returned home late and I got a lot of reviewing to do.”
“Nakakabagot talaga ang club ano?” Leni started a new topic.
“Yeah, kahit na sa literature club lang ako nahihirapan pa rin ako.” Tugon naman ni Bongbong. It’s just weird, for the two of them it’s just unusual. Nakakapag-usap sila through Messenger but they can’t even talk to each other in school.
“I wish I could make things work according to what way I wanted it to work.” Si Leni.
“Beats me, what do you do when you can’t make things work?” Si Bongbong naman.
“Actually, wala. Pero alam mo, ayos na ring gan’to para sa ’kin.”
“Things are just fine the way they are, I guess. Kagaya nang sinabi mo sa ’kin no’ng intramurals.”
“I think that you’re just fine the way you are too.”
Bongbong realized the words he said to her that afternoon, dahan-dahan siyang napahagikgik at naramdaman niyang umiinit ang kaniyang pisngi. Saglit pa ay ibinigay niya ang kaniyang likod sa malambot na kutson at tinakpan niya ang mukha niya nang malambot na unan.
He screamed in excitement.
~Comfort Zone.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top