Chapter 15:
“Ready, get set, go!” Sumunod dito ang pito ng facilitator ng relay. Nagsitakbo naman ang mga unang tatakbo dala ang iba’t ibang klaseng kulay na baton. Nauna nang tumakbo si Koko kasama ang kaniyang mga kalaban—sila Robin, Lito, at Bong.
Sa magkaibang team napunta ang tatlong bagong member ng track and field club, kasama nilang apat ang isa pang kalahok—si Kiko. Magkalaban silang lahat ngunit nangunguna talaga si Kiko sa takbuhan, sumusunod lamang si Koko sa kaniya kasunod ang tatlo.
Dikit ang laban sa pangalawang puwesto ng yellow at pink team, nangunguna pa rin ang red team na ngayon ay nagdala na ng forty five na puntos, ang yellow team at pink team na parehong forty two, at ang mga sumunod ay hindi na lalampas sa kanila ang puntos.
Kung mananalo man ang pink o yellow sa larong ito at mauukupa nilang pareho ang una at pangalawang puwesto ay sila na ang makakakuha ng pinakamalaking puntos. Either the two of them are going to be placed first or second while the red team will drop a third.
Otherwise, if the green, blue, or white team got on the top, the red team’s placement will not be replaced. Instead, it’s the pink or the yellow’s. Gano’n din ang mangyayari kung ang red team ang mananalo, either kung ang yellow at pink team ang kasunod niya o ang iba pang mga team.
Koko underestimated the abilities of those, Robin surpassed him making him feel quite surprised and exited. Mas binilisan niya pa ang pagtakbo at natapatan niya na si Robin, nalampasan niya rin naman ito kalaunan at nang malapit na sila sa pagpapasahan nila ng mga baton ay nag-amba na ring tumakbo ang mga sasalo nito.
“Leni, okay ka na ba?” tanong ni Sara sa kaniya.
“Oo nga, nahanap mo na ba ’yong stuffed toy mo?” sapaw naman ni Pia.
“H-hindi pa nga eh... ki-ki-kinakabahan ako, wa-wala a-akong mapagla-labasan ng nerb-nerbiyos.” Utal na siya kung tumugon, her friends doesn’t know what to react either, sanay na silang inaatake ng nerbiyos si Leni ngunit naiiba ang situwasyon ngayon.
“Think what we told you earlier, maybe that could help.” Sara comforted her, napaiwas na lamang ng tingin si Leni.
“N-no, kaya ko na ’to. D-don’t worry.” She smiled awkwardly, wala naman nang nagawa ang dalawa nang senyasan na sila ng facilitator na parating na ang mga kasama nilang magpapasa sa kanila ng baton.
Tumayo silang lahat at dahan-dahang tumakbo, kinakabahan pa rin si Leni, hindi niya alam kung anong gagawin niya ngunit pinapakiramdaman niya kung maipapasa na ba ang baton sa kamay niyang nakapuwesto sa kaniyang likuran habang siya ay bumibiwelo ng takbo.
It was then he felt something that touched her hands–it was the baton. She tried to grasp it but unfortunately... it fell from her hands.
“Oh crap!” she yelled. Nanlaki ang mga mata niya at kaagad itong pinulot, alam niyang maraming taong umaasa sa kaniya kaya naman nang mapulot niya ito ay tumakbo siya nang mabilis.
Siya na ang mahuhuli sa karera ngayon, it made people quite disappointed of the race—including her. Sa kaniyang pagtakbo ay ay napansin niyang may isang lalaki ring tumatakbo pababa sa corridor ng kalapit na building sa stadium, he saw Bongbong running down as he holds into her stuffed toy.
Napangiti siya at natuon lamang ang kaniyang paningin kay Bongbong, parang bumagal ang ikot ng mundo nang mangyari ang tagpong iyon. Leni smiled and gripped the baton she’s currently holding, in a matter of seconds, she is the one who’s in the place of second.
She tried to surpass her opponent, Cynthia of the red team. But unfortunately, she failed when the race ended. Hapong-hapo siya sa mga oras na iyon, patuloy pa rin ang pagkabog ng kaniyang dibdib habang tumutulo ang luha sa kaniyang mga mata.
Nanginginig ang kaniyang mga kamay nang dahil sa nadaramang kahihiyan sa sarili at sa kaniyang mga ka-grupo. She couldn’t even look at her groupmates’ eyes, they tried to comfort her but she couldn’t stop with it. Hindi niya matanggap, para siyang pinagbagsakan ng langit at ng lupa.
***
“Bagong intramurals, bagong muka. Kami’y lalaban at ’di papipiga. Mananalo, kabahan na kayo. Kami ang red team, hey! Panalo!”
The red team chanted thier official yell when their team won the relays that afternoon, ang pagkapanalo nila sa relays ang nagtulak sa kanila sa pananatili sa unang puwesto sa rankings.
Pumangalawa naman ang pink team at pumangatlo ang yellow team, habang ang iba naman ay hindi na nakasama dahil tatlong puwesto lamang ang naroroon. Sara’s statement to Leni some time earlier does quite an oxymoron.
“’Di papatalo, aming pink na team yeah! Di papatalo, lalaban pa
rin kami. Viva rosas team, let’s go!”
The pink team chanted as they get their award in second place, hindi maharap ni Leni ang kaniyang mga ka-grupo. Siya sana ang kukuha ng kanilang overall award pero si Riza na lamang ang pinakuha nila dahil kasalukuyan pang nagbre-breakdown si Leni sa kanilang area sa stadium.
“Taas noo, tayo ay dilaw. ’Di papatalo, kami ay marangal. Handang talunin, kalaban namin. Panalo ay batid, panalo ang hatid. Panindigan, ikaw ay dilaw!”
Chanted the yellow team, masayang-masaya na sila sa kanilang nakamit dahil kahit paano naman ay nakapasok pa rin sila sa top three, si Kiko ang kumuha ng kanilang award. Nagsihiyawan naman ang ibang mga manonood lalo na nang iproklama ang mga nanalo.
Pagkatapos ng announcement ng overall ay idinaos na ang kanilang closing program, sa mga pagkakataong iyon ay tinanggap na ni Leni ang nangyari pero about pa rin ang pag-hingi niya ng tawad dahil sa nangyari.
Hindi niya ginusto iyon, nauunawaan naman din siya ng kaniyang mga ka-grupo dahil marami nga namang maaaring mangyaring hindi maganda, at nataon na si Leni ang napag-abutan nito. Even though she’s disappointed, she picked herself up and just let it slip slip through.
“Ganito pala ang naramdaman ni Ferdinand.” Huminga siya nang malalim at naglakad palayo para nagligpit ng mga kagamitan at maglinis na rin sa campus kasama ang ibang mga mag-aaral.
~Not a Loss.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top