WAKAS


"Mommy, where are we going?"

Nilingon ko ang tatlong taong gulang na anak kong babae na nakaupo sa backseat habang busy sa kakalaro ng barbie doll niya.

Lahat ata ng phycial features niya ay namana niya sa papa niya. She's so cute and smart. Pero medyo maldita rin minsan. But I love her so much.

"We are going to visit your Grandpa and Tito, baby." Binigyan ko ng matamis na ngiti ang anak.

"Yehey! I'm going to talk to them again. I miss talking to Tito and Grandpa. Will Uncle Agosto and Grandma Feb be there as well, Mommy?"

"No, baby. But we are going to visit them this weekend," sagot ko sa anak.

"Okay, Mommy," sagot nito sa akin at muling naglaro sa barbie doll niya habang kinakausap ito.

"Pati pagiging madaldal, namana niya sa 'yo," natatawang sabi ko kay Tristan na nagmamaneho ng sasakyan.

He chuckled. "I have strong genes, perhaps."

Natatawang inirapan ko na lang ito. "Sana hindi 'yan mag-abogado paglaki kagaya mo."

"What's wrong being a lawyer, Ember?" Nilingon niya ako na may multong ngiti sa labi.

"Masyadong stress ang trabahong 'yan. Nakakabawas ng kagandahan niya," natatawa kong saad sa kanya.

"So I looked stress?" Kunwaring pagtatampo niya habang nakanguso.

"Slight..." sagot ko sa kanya. Kaya mas lalong tumulis ang pagnguso niya. Natawa na lang ako sa kakulitan niya.

"Sus, nagpapalambing ka lang eh," tukso ko pa.

"Give me a kiss para mawala na ang tampo ko," ngising pahayag niya habang diretso ang tingin sa daan.

"Ang daya mo!"

Tumawa siya nang malakas at tinuro ang pisngi niya. "Dali na. Give me a kiss..."

"Nakakahiya. Nandiyan anak mo..." I know na namumula na ang mukha ko.

"Just give Daddy a kiss, Mommy..."

"Thank you, baby." Kita ko na lumawak ang ngisi ni Tristan at kinindatan ang anak. "Give me now a kiss, Ember."

Pinagkakaisahan na talaga nila ako.

"Nakakainis ka, Tristan! Abogado ka nga talaga!"

He chuckled and muling itinuro ang pisngi. "I'm waiting, Ember."

Binasa ko muna ang labi bago inilapit ang mukha para halikan siya sa pisngi. Nang malapit nang lumapat ang labi ko sa pisngi niya ay bigla siyang lumingon sa akin kaya sa lips ko siya nahalikan.

"Tristan!" Hinampas ko siya sa braso. Pero tinawanan niya lang ako.

"Buo na ang araw ko..."

"Kainis ka talaga kahit kailan!.."

"Haha. I love you..."

"Hmph! Ewan ko sa 'yo..."

"Haha. We're already here, Ember. Pero 'I love you too' ko muna bago tayo bumaba..."

"Umaabuso ka na ha! Ginagamit mo pagiging abogado mo sa akin!"

"Haha. Come on, Ember. Joleigh and I are waiting for your 'I love you too'..."

"Wala talaga akong laban sa 'yo. O siya sige na, I love both of you..."

"I love you too, Mommy!"

Napapangiti na lang ako na bumaba sa sasakyan. Kinuha ko ang dalawang vases ng bulaklak habang bitbit ni Tristan ang plastic na may kandila, mga pagkain at kumot.

Habang naglalakad patungo sa puntod ni Tatay at ni Apollo, nag-ring ang selpon ko at nakitang tumatawag ang Bruha.

"Hello..."

"Hello, December!"

"Karen! Stop calling me that!"

Tinawanan lang ako ng Bruha. "That's your name, December."

"Isa pang tawag mo sa akin niyan, ibababa ko talaga 'tong tawag..."

"Hahaha. 'Di ka naman mabiro. You still hate December as your name, huh?"

Hindi ko siya sinagot. Naalala ko ang araw na tinalikuran ko ang pangalan na
nagbigay sa akin ng mga masasakit na alaala. I went back to the name na nagpapaalala sa akin ng isa sa pinaka-importanteng tao sa buhay ko. Si Apollo.

"Hello? Still there?"

"Kinarer mo talaga ang spokening dollar mong Bruha ka?" sita ko sa kanya.

"Of course, Ember! Haha. Afam ba naman ang boyfriend. Kailangan talaga para magkakaintindihan kami. Haha..."

Natawa ako sa sinabi ng Bruha. Naka-jackpot pa siya sa Autralian boyfriend niya. "I thought mga Oppa ang type mo?"

"Haha. Ganyan siguro talaga ang love, Ember. Ang mga inaakala nating para sa atin ay hindi para sa atin. Kasi may makikilala tayong taong bumabali ng standards natin..."

"Naks! Love Guru ka na pala ngayon?"

"Yeah. Haha. Sort of..."

"Taray mong Bruha ka. Pakita ka sa akin at tsaka sa inaanak mo. Huwag puro travel. Nang-iinggit ka eh..."

"Haha. Send my regards to Joleigh and Tristan. We'll catch up soon. Okay?"

"Oo na. Itatakwil na talaga kita bilang bestfriend ko kapag hindi ka magpapakita sa akin..."

"That threat still works up until now. Haha. O siya sige na. Ba-bye! Love ya. Muah!"

"Haha. Love you too..." sagot ko at binaba ang tawag.

*****

Inilapag ni Tristan lahat ng pagkain naming dala sa nakalatag na habol habang isa-isa kong nilagyan ng bulaklak at kandila ang puntod nina Tatay at Apollo.

Renato June Montellano
☆ June 5, 1974
🕇December 29, 2019

Apollo Christopher Cabañero
☆ March 21, 1994
🕇December 2, 2019

Hinihimas ko ang ang mga lapida nila. Nagbabadya na namang tumulo ang luha ko sa mga mata. May kirot pa rin sa puso ko dahil sa nangyari 5 years ago.

. . . . .

"December!" sigaw ng pulis sa labas, "may bisita ka."

Mugto ang mga mata at parang wala nang buhay ang katawan ko na naglakad sa visitor's area. Ilang araw na akong walang ganang kumain. Ni hindi ko maikwento sa mga pulis ang nangyari. Magtatatlong linggo na akong nakabilanggo. Pero fresh pa rin sa utak ko ang mukha ni Apollo bago binawian ng buhay.

Wala na akong pakialam. Gusto ko na ring mamatay. Nauubusan na ako ng lakas para mabuhay pa. Sana ako na lang ang namatay. Sana ako na lang ang binaril. Sana ako na lang lahat ang sasalo ng problema at pasakit nila. Ako na lang sana. Huwag lang ang mga taong malapit sa puso ko.

Kasalanan ko ang lahat.

"Anak..."

Napatigil ako sa paglalakad at nakita ko ang tumatandang mukha ng Tatay ko. Hindi ko alam kung ilang taon na nang muli ko siyang nakita at nakausap. Hindi maipagkakaila na tumatanda na siya.

Mas lalo akong naiyak. Napakawala kong kwentang tao. Nagkasala ako sa mismong Tatay ko dahil sa mga maling desisyon ko sa buhay. Hindi ko man lang siya binigyan ng pagkakataon na pakinggan ang side niya. Nabulag ako sa galit.

Dahil sa galit ay may nakitil na buhay.

Kasalanan ko ang lahat. Wala akong kwentang tao.

"Anak..."

Bumuhos ang mga luha ko at niyakap ng mahigpit si Tatay. Nauubusan na ako ng lakas para mabuhay. Gusto ko nang magpahinga.

"Anak... I'm sorry..."

Mas lalo akong naiyak. Umiiling ako habang umiiyak sa balikat niya. "Tay... sorry po..."

"Shhhh... it's fine Anak. It's not your fault..."

Patuloy pa rin ang pagsinghot at pagbuhos ng mga luha ko. "Tay... pagod na po ako..."

Kumalas siya sa pagkakayakap at hinawakan ng dalawang kamay niya ang mukha ko. "Anak, listen... huwag kang mawalan ng pag-asa. It's not your fault. You have to be stronger for Dodong and Nanay mo..."

Nanghihinang napatango ako habang pinapahiran niya ang mga luha ko sa mukha.

"Promise me na lalaban ka..."

"Opo..."

"Anak... I don't have much time left. Mirasol already got what she needed from me. Ano mang oras ay alam kong ipapaligpit niya rin ako..."

Napahinto ako sa kaiiyak dahil sa sinabi niya. "Ano pong ibig niyong sabihin?"

"It's a long story, Anak. Ito, iligpit mo ito. That first man will help you get out of here." May ibinigay siyang papel na may nakasulat na tatlong pangalan.

Zeuseff Tristan Navarrete
Renato Gervacio
Teresita Gervacio

"Sino po ang mga ito?"

"Tristan is my scholar. He's now a lawyer. Tutulungan ka niyang makalabas dito..."

"Si Renato at Teresita po?"

Malungkot na ngumiti siya bago ako sinagot. "Apollo was adopted by Mirasol. She knows that she can't inherit the money from her father nang walang anak at asawa. So she adopted Apollo and faked a marriage with me dahil she knows that I also have a part sa kayamanan ng Tatay niya."

Muli na namang bumalot ng galit ang puso ko dahil sa sinabi ni Tatay. Napaka-demonyo talaga ng babaeng 'yon.

Pero napatigil ako sa napagtanto. "Si Renato at Teresita ang totoong magulang ni Apollo, Tay?"

Matamlay na napatango siya. "He's been looking for them. Matagal na. So if makakalaya ka na, please look for them, Anak. That's his only wish..."

Muli akong naiyak dahil hindi man lang nabigyan ng pagkakataon si Apollo na makita ang totoong mga magulang niya.

"Opo, Tay. Promise po. Tutuparin ko po ang wish ni Apollo..."

"Thank you, Ember. But I have no more time now. Basta ask Tristan everything. He knows it..."

"Opo, Tay..."

Matamis pero may lungkot sa mga mata na ngumuti si Tatay na nakatingin sa akin. "I love you, Anak. Tell Dodong and your Nanay that I love them so much..."

Muli kong siyang niyakap nang mahigpit bago nagpaalam.

Ilang araw lang simula n'ong pagbisita ni Tatay, nabalitaan ko na lang na namatay si Tatay sa isang car accident. But I know na hindi lang 'yon aksidente. Mirasol is behind it.

Napakahayop niya!

Parehong month of December sila namatay. At sa mismong birthday ko pa namatay si Tatay. Kaya simula sa araw na 'yon, kinalimutan ko na ang malas na pangalan ko.

I fucking hate December!

"Mommy..."

Napabalik ako sa kasalukuyan nang tinawag ako ng anak ko. Pinapahiran niya ng panyo ang mga luha sa mukha ko.

"Don't cry anymore, Mommy. Me and Daddy are here to make you happy..."

Napangiti ako sa sweetness ng anak ko. Niyakap ko siya at hinalikan sa ulo. "Thank you, baby. You can now talk to Grandpa and Tito Apollo, baby."

"Okay po..." sagot nito at umupo sa harap ng puntod at nagsimulang kinakausap niya ito.

"What's your plan now, Ember?"

Nilingon ko si Tristan habang seryoso ang mga mata na nakatitig sa mukha ko. "Nothing..."

Napatango siya. "Won't you take any revenge?"

Matamlay na binigyan ko siya ng maikling ngiti. "Hindi na. The last time na may galit sa puso ko, hindi ito nagdulot ng maganda..."

Niyakap niya ako. "I'm so proud of you..." Hinahalikan at sinisimhot niya pa ang buhok ko.

Niyakap ko siya pabalik habang may mga ngiti sa labi. "It's because of you... thank you for saving me..."

"Don't mention it, Ember. You deserve to be happy..."

"So, are you ready to open yourself to the public?" tanong niya pa sa akin.

Napatango na lang ako sa sinabi niya. Siguro, sapat na ang limang taong pagkakakulong ko sa nakaraan.

It's now time to open for a new chapter of my life.

***********ENDING************

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top