Chapter Twenty Three


Kanina pa kami nakaupo ni Karen sa lamesa kasama sila Stacy, Chastity at Brave. Umalis si Chino sandali para sunduin si Angel. Tumirik daw kasi ang sasakyan nito sa gitna ng daan. Si Gareth, hindi ko rin namataan simula pa kanina. Baka busy sa paghahanda para sa party.

Hindi kami nagkikibuan sa mesa. Si Stacy at Chastity lang ang nag-uusap habang parang timang si Brave sa kakatitig sa akin. Sa harap ko talaga siya umupo at kanina pa niya hindi inaalis ang mga mata niya sa akin.

Nakakailang na ang mga titig niya. Hindi na ako natutuwa.

Alam ko namang maganda ako. Pero ang O.A naman niya kung makatitig. Eh mas maganda pa nga siguro si Stacy sa akin.

International model ba naman. Lol.

Natatawang iniwas ko na lang ang tingin ko sa kanila at kinalabit si Karen.

"Hoy, ang bait-bait natin ngayon ah," natatawang bulong ko sa kanya.

Kanina pa kasi siya hindi nagsasalita at parang estudyanteng pinatawag sa principal's office ang pagkaka-upo niya at halata ang nerbiyos sa mukha.

"Des, ang sososyal kasi ng lahat ng mga nandito," bulong na sagot niya sa akin, "parang hindi tayo belong. Ay, ako lang pala." Yumuko siya pagkatapos ng sinabi.

Nabura ang ngiti ko sa huling sinabi niya at seryosong tiningnan siya sa mata.

"Karen, makinig ka. Huwag mong eda-down ang sarili mo. Maganda ka at bagay ang suot mong gown sa 'yo. Mas maganda ka pa nga sa kalahating mga babaeng nandito. At wala naman silang paki-alam sa atin. Wala tayong dapat patunayan sa kanila. So, dapat taas noo ka lang and be yourself."

"Talaga, Des?!" medyo napalakas na deklara niya.

"Ahm. Medyo hinaan lang ang boses at huwag masyadong madaldal," paalala ko sa kanya. Baka kasi kapag sabihin kong 'be yourself lang', magdadaldal ang Bruha.

"Hehe. Okay, Des. Salamat."

Tumango na lang ako at ibinalik ang tingin sa harap. Nagkasalubong ang mga mata namin ni Brave.

Ngayon ko lang napagmasdan ang porma niya dahil naiilang ako sa mga titig niya kanina.

Nakasemi-formal siya na nakabukas ang dalawang butones na puting long-sleeve sa loob ng itim na coat. Kaya medyo nakikita ang mga maninipis na chest-hair niya. Medyo magulo rin ang kulay brown na curly niyang buhok.

Para siyang Greek God. Lol.

Umiinom siya ng wine habang deretso pa rin ang tingin sa akin. Seryoso ang mukha.

Hindi ko alam ano ba ang iniisip niya.

"Des," biglang tawag ni Stacy. Kaya naputol ang titigan namin ni Brave at tiningnan si Stacy.

"Yep?"

"Your dress looks expensive, where did you get that?" medyo nakataas ang isang kilay na tanong niya.

"Ahh, sa boutique ni Gareth," simpleng sagot ko sa kanya.

"I see. That's why it looks familiar. I doubt you can afford that kind of dress, so is it Gareth's expense? Or Chino's?"

Hindi ako bobo para hindi mahalata ang ibig niyang sabihin. Parang pinamukha niya sa amin ni Karen na hindi namin afford ang ganitong klaseng gown. Na kailangan pa naming magpabayad kina Chino para makasuot ng ganito.

Hindi ko hahayaang makita nilang nagpapaapekto ako sa mga sinasabi niya. At dahil trip ko ang mang-inis ngayon ng maarteng babae, pinatulan ko ang pagiging bitch niya. Maarteng tumawa ako at hinawi ang mga hibla ng buhok sa tenga.

"I don't remember sino sa kanila eh. Maybe Chino? Sayang nga kasi dapat cash na lang ang binigay. Gusto ko kasi ng Iphone XI," maarteng sagot ko sa kanya.

Kita ko ang disgusto sa mga mukha nila at mas dumilim ang mukha ni Brave sa huling sinabi ko.

'Di ba 'yan naman talaga tingin nila sa amin? Mga walang pinag-aralan at gold-diggers? Eh 'di panindigan na lang. Wala akong oras magpaliwanag o ibahin ang kadumihan ng mga utak nila. Isipin nila ang gusto nilang isipin.

"Who invited you two here, by the way?" tanong ni Chastity. Blangko lang ang kanyang mukha.

"Ahh si Opp--" naputol ang sasabihin ni Karen dahil hinawakan ko ang kamay niya sa ilalim ng mesa. Deretso lang ang tingin ko sa dalawang babae sa harap.

"Hala!" kunwaring gulat na reaksyon ko, "we thought this is open for everyone."

"It's obviously not--" naputol ang sasabihin ni Chastity dahil bigla kong tinawag ang waiter na may dalang wine.

"Pakilagay ng wine sa glass ko please. Hehe," malanding saad ko sa lalaking waiter. Namula ito at hindi makatingin sa akin. Malanding tumawa ako sa naging reaksiyon niya.

Nakatingin lang ang tatlo sa akin. Uminom ako nang konti sa wine tapos naka-crossed arm na sumandal sa upuan. "What did you say again?" tanong ko kay Chastity dahil naputol ang sasabihin niya kanina.

Umirap na lang ito at hindi sinagot ang tanong ko.

Akala ko blangko lang parati ang reaksiyon ng mukha niya. May pagka-bitch din pala. Nasa loob ang kulo.

"We can never really buy class," saad ni Stacy habang nakangisi. Tumawa pa si Chastity sa sinabi niya.

"I already bought one," ngiting sagot ko sa kanila.

Napatigil sila sa kakatawa at tumingin sa akin. Madilim pa rin ang mukha ni Brave na nakatitig sa mga mata ko. Ramdam ko rin ang kaba ni Karen sa gilid. Pero hindi ako nagpatinag sa dalawa.

They asked for this. So better face the consequence.

"You know what's the payment?" ngiting tanong ko pa sa kanila. Hindi sila sumagot at hinihintay ang sasabihin ko.

"Natural beauty," nakangising sabi ko, "and I doubt you two have that."

Kita ko ang pagkabigla at inis sa mukha ng dalawa. Pero nakangising tiningnan ko lang sila ng deretso sa mata.

Tumayo ako at kinuha ang pouch na nasa mesa. Sinadya kong yumuko nang bahagya. Nakita kong napatingin si Brave sa cleavage ko.

"Huwag masyadong tumitig. Nakakabulag," malanding pahayag ko. Namula ito at napaiwas ng tingin.

"Can you come with me to the restroom, Karen?"

"Sure!" Tumayo siya at kinuha rin ang pouch sa mesa.

Oh diba. Nakapag-English pa ang Bruha kahit one word lang. Lol.

Taas noo kaming naglakad ni Karen patungo sa restroom. Halos lahat ng bisita ay nakatingin sa aming dalawa. Pagkarating namin sa restroom, napabuga ako nang malalim na hininga.

Hindi pa nga nagsisimula ang party, napasabak na agad ang Lola mo. Kaloka!

=========
A.N: Part Two chapter of Party. Hehe.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top