Chapter Twenty Six
Salubong pa rin ang mga kilay ni Brave na nakatingin sa akin habang hawak niya ang kaliwang pisngi.
"What was it for?!" Parang dragon na naman ang mukha niya sa galit.
"Bakit gumanti ka ng halik?!" balik na singhal ko sa kanya.
"What?!" hindi makapaniwalang pahayag niya, "are you on drugs?"
"Sinabi ko bang gumanti ka ng halik?!" muling tanong ko sa kanya.
"Hey, you woman," turo niya sa mukha ko, "you threw yourself at me and you kissed me without my permission. You molested me."
Nawindang ako sa sinabi niya. "Anong molested pinagsasabi mo diyan?!"
Parang babae kung maka-molested. Jusko!
Umiiling siya at maldito pa rin ang mukha. Parang hindi makapaniwala sa mga pinagsasabi ko. "You should have thanked me that I saved you from your boyfriend. Tsk!" reklamo pa niya.
Nakapamewang akong sinalubong ang mga tingin niya. "Hindi ko sinabing gumanti ka ng halik," pagmamatigas ko pa rin sa ginawa niya, "at tsaka hindi ko 'yon boyfriend."
"I don't care whatever you say," salubong pa rin ang mga kilay niyang sabi, "you should pay for what you've done to me."
"Hoy!" apila ko sa sinabi niya, "pasalamat ka nga na nakahalik ka ng isang diyosang kagaya ko."
"Ikaw ang magpasalamat sa akin," pagtatagalog niyang sabi, "if I know, you planned this all along just to kiss me."
Naantig ang tenga ko sa narinig. "Wow ha! Kapal ng fes mo po!"
Nag-iba ang expression nito at naka-smirk na nakatingin sa akin.
"Anong nginisi-ngisi mo diyan?!" sigaw ko sa mukha niya.
"Did you like it?" nakangising sabi pa niya.
Naiinis ako sa mayabang niyang mukha. "Hindi ka marunong humalik," pagloloko ko sa kanya at umirap.
Nawala ang ngisi nito at nagsalubong na naman ang mga kilay. "You wanna do it again? For all I know, gusto mo lang halikan kita ulit."
Ang yabang talaga! Grabe.
"Hindi ka marunong humalik!" ulit na sabi ko. Tumalikod ako at iniwan siya d'on.
Bahala siya! Hindi ko sasabihin sa mukha niya na kung gaano siya kagaling humalik. Baka lumaki pa ang ulo.
*****
Pumunta muna ako ng banyo para ayusin ang sarili bago bumalik sa table.
Malayo pa lang ako ay nakita ko na kung sino ang nakatayo sa table namin.
Ang Demonyong si Mirasol.
Nakangiti siyang nakikipag-usap kina Chino. Nasa gilid niya lang sina Apollo at Patricia. Papatalikod na sana ako nang tawagin ako ni Chino.
Shit!
Nanlambot ang mga tuhod ko nang magkasalubong ang mga mata namin ni Mirasol.
Pero hindi ko ipapakita na natatakot ako sa kanya. Kaya nilalabanan ko ang takot at taas noo akong lumapit sa kanila at pekeng ngumiti.
Tahimik lang sina Apollo at Patricia sa gilid ni Mirasol habang matamang nakatingin ang demonyo sa akin. Nakangiti pa rin.
Ang galing niya talagang magbalat-anyo. Kaya maraming Cebuanos ang naloloko ng demonyong 'to. Kung makangiti aakalain mong isang napakabait na Public Servant.
"Des, saan ka galing?" tanong ni Chino sa akin, "umuwi na si Angel kasama sina Stacy at Chastity. Akala kasi ni Angel umuwi ka na at may emergency lang daw sa bahay nila."
"Ahm. Nagpahangin lang ako sa labas," pagsisinungaling ko sa kanya.
Nasa akin ang lahat ang atensiyon nila. Kahit si Apollo ramdam kong matalim na nakatitig sa akin. Pero hindi ko siya nilingon. Hindi ko kaya.
"Who's this beautiful lady?" nakangiting sabi ng Nanay ni Gareth.
"She's Des, Mom," sagot ni Gareth.
"Hello po." Lumapit ako sa kanya at nakipagbeso-beso.
"Hello iha. Where's your friend? I saw you two before the start of the party," nakangiting pahayag nito.
Lumilinga-linga ako para hanapin ang Bruha. Namataan ko ito sa table ng mga pagkain. Malapit sa mga desserts, kasama si Jeb.
"So you're here, December," nakangiting sabi ni Mirasol. Pero alam kong peke lang ito.
Ginantihan ko rin siya ng pekeng ngiti.
"You know her Gov?" tanong ng Mommy ni Gareth kay Mirasol.
"Yes. I know her," may pagkakadiin na sabi niya at suot pa rin ang pekeng ngiti, "umalis na pala kayo ng Cebu?"
Kita kong tumaas ang gilid ng labi niya sa huling sinabi. Kaya napakuyom ako ng kamao.
Sinalubong ko ang mga mata niya at taas noong sinagot siya. "Cebu is no longer safe, Governor. Maraming masasamang tao at patayan."
Kita ko kung paano nawala ang ngiti nito. Napalitan na ng madilim na aura. Napangisi ako sa naging reaksiyon niya.
Ganyan. Ipakita mo ang totoong kulay mo. Pero ngumiti ito ulit at tumawa nang mahina.
"Baka may atraso kayo," hinang tawang sabi niya, "delikado talaga kahit saan kapag may ginawa tayong masama o may atraso tayo sa ibang tao."
"Wala naman, Gov. May mga tao lang talagang demonyo," ngiting sagot ko sa kanya, "sana masosolusynan na 'yan ng Gobyerno. Parang traffic na ang krimen, palala nang palala."
"You"re right iha. Sobrang delikado na talaga ng mga tao ngayon," pagsasang-ayon sa Mommy ni Gareth sa akin.
Nakita kong pasabog na si Mirasol sa galit. Hindi naman nahalata ng iba ang tensiyon. Maliban na lang kay Apollo at Patricia na alam ang totoo.
"Anyways, have you heard the news?" biglang sabi ni Mirasol sa akin, "Apollo and Patricia are getting married. Congratulate your friends, December."
"Tita," pigil na sabi ni Apollo.
"What? Hindi ba you are college friends with December? Baka hindi niya pa alam na ikakasal na kayo."
Nakayuko lang si Patricia habang kita ang pag-aalala sa mukha ni Apollo na nakatingin sa akin.
Ang demonyo talaga ng babaeng 'to. Alam niya kung paano umatake. Hindi ko kayang magsalita. Nasasaktan pa rin ako. Hindi ko kayang mag-congratulate sa kanila. Parang winawasak ang puso ko.
"Ember," malambing na tawag ni Apollo sa akin.
Nagbabadyang tumulo ang luha ko. Na-miss ko ang malambing niyang boses. Na-miss ko ang lahat sa kanya.
Hindi ako makagalaw. Hindi ko maibubuka ang bibig para magsalita. Nangingig ang tuhod ko habang tinitingnan ang mukha ni Apollo.
"Babe, you're here."
Bago pa ako maka-react, naramdaman kong may nakapulupot na braso sa bewang ko at hinalikan ako sa kaliwang pisngi.
Napalingon ako kay Brave. Diretso ang tingin nito sa mga mata ko habang nakangiti.
Ang ganda ng timing! Parang naiiyak ako.
Nakita kong medyo napanganga si Chino at Gareth sa ginawa ni Brave. Pero diretso lang ang tingin ni Brave kina Apollo.
"Okay lang ba na hiramin ko muna girlfriend ko?" sabi pa ni Brave.
"Sure iho," malaking ngiting sagot ng Mommy ni Gareth.
Bago pa ako makapag-react ay giniya niya na ako papatalikod sa kanila habang hawak pa rin nang mahigpit ang bewang ko.
"Pwede mo ng bitiwan bewang ko," sabi ko sa kanya nang nakalayo na kami sa kanila.
"Just stay still. She's still looking at us," seryosong sabi niya. Kaya napalinga-linga ako para hanapin kung sino babaeng tinutukoy niya. Nakita kong nakatingin sa amin si April.
Napatango na lang ako sa napagtanto. "I see."
Hinayaan ko na lang si Brave. May utang din ako sa kanya sa pagligtas niya sa akin kanina. Baka umiiyak na ako kung hindi pa siya dumating.
Pero ano na naman ba itong kalokokohang pinasok ko? Kaloka ka December!
=========
A.N: Thank you sa pagbabasa. Mwa! Hehe.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top