Chapter Twenty Seven


Niyaya kong umuwi si Karen pagkatapos ng nangyari. Dinahilan ko na lang kina Chino at Gareth na may gagawin pa kami bukas na hindi dapat ipagpaliban. Umuwi na kasi si Brave nang walang ni isang salita. Kaya natatakot akong magkabangayan ulit kami ni Mirasol o ni Apollo.

Wala nang magliligtas.

Alam kong hindi sila naniwala sa dahilan kong may lakad pa kami bukas pero hindi rin sila nagpumilit na manatili kami. Nag-offer pa nga sila na ihahatid kami pauwi. Pero tumanggi ako.

Ramdam kong ramdam nila ang tensiyon kanina. Hindi rin sila nagtanong pa tungkol sa ginawa ni Brave. Ipinagsalamat ko na lang ito. Wala na akong lakas magpaliwanag pa.

********

Nahiga agad ang Bruha pagkarating namin ng apartment. Hindi naman siya nagtanong sa mga nangyari kanina. Baka hindi niya namalayan. Busy siya sa pagkain.

Kababaeng tao, ang lakas kumain. Lol.

Humiga ako pagkatapos kong maligo. Binuksan ko ang dummy account ko sa Facebook. Wala na akong oras gumawa ng ibang account at hindi rin naman nangulit pa ang apat sa kaka-add sa akin.

Nakita kong may nag-send ng friend request.

Pusong Matapang sent you a friend request.

Napapamura na lang ako sa nakita. Kakasabi ko pa nga lang kanina na hindi na sila nangulit sa akin. I accepted it na lang at nag-send ng message dito.

Pusong Inapak-apakan: Hoy! Chino! Ikaw ba to?!

Pusong Matapang is typing. . .

Mga ilang minuto na siyang nagta-type. Hinihintay kong matapos siya. Parang ang haba kasi ng tinitipa niya sa tagal niyang mag-reply.

Pusong Matapang: Hi :)

Tangina? Iyan lang pala sasabihin niya? Gago talaga 'tong Chinito na 'to. Puro kalokohan.

Pusong Inapak-apakan: Gusto mo sapakin ko mukha mo?! Puro ka talaga kalokohan Chino!

Pusong Matapang is typing. . .

Mga ilang minuto na naman bago siya matapos magtipa.

Pusong Matapang: I'm not Chino :)

Ang creepy ng smiley na emoticon niya. Hindi na lang ako nag-reply sa kaabnoyan ng Loko. I searched Charles Niño Tan at nag send ng message dito.

Pusong Inapak-apakan: Hoy! Ikaw ba 'yong Pusong Matapang? Kapag hindi ka umamin, iba-block talaga kita!

Hindi naman nag-seen ang Loko. Parang hindi siya online. Kaya natulog na lang ako. Wala akong oras sa kalokohan niya.

*******

Kinabukasan ay nagising ako sa ingay ng cellphone ko at sa hagik-ik ni Karen. Tiningnan ko ang Bruha at tumatawa itong nagtitipa sa cellphone niya. Kaya kinuha ko rin ang cellphone ko kasi parang ang daming message sa ingay ng notification. Tumambad sa akin ang isang Group Chat.

♡Da Puso Squad♡

Pusong Magwapo: Online na si Pusong Inapak-apakan!

Pusong Maganda: Oo Oppa! 😘

Kunot noong tiningnan ko ang Bruha na parang baliw sa kakangisi. Nakahiga pa rin habang hawak-hawak ang cellphone. Kaya kinuha ko ang suklay sa gilid at binato sa mukha niya.

"Aray!" reklamo ng Bruha at napatingin sa akin.

"Ano na naman ba 'tong kaabnoyan nyo ni Chino, Karedad?!"

Tumawa lang ang Bruha. "Hindi ko alam, Des. Pagkagising ko may GC na tayo. Hehe."

Kinuha ko ang cellphone at hindi na inabalang basahin ang mga kaabnoyan nila ni Chino. Parang kanina pa sila sa kalokohan nila dahil ang haba na ng mga message sa taas.

Pusong Virgin: What is this? Is this one of Chino's childish doings?

Pusong Magwapo: Anghel! Nagustuhan mo ba nickname mo? Hahaha.

Napailing na lang ako sa mga kalokohan ng Chinito na 'to. Kung maka-virgin kay Angel akala mo naman nagka-girlfriend na.

Pusong Matapang: Hi :)

Pusong Maganda: Oppa! Nandito na si Brave! Sayang hindi ko nasaksihan kagabi ang ginawa niya. Kinikilig ako. Waaaa!

Pusong Virgin: What did Brave do?

Pusong Magwapo: Wag mo ng alamin Anghel. Baka maging devil ka kapag nalaman mo. Hahah.

Pusong Matapang: Hi :)

So hindi pala si Chino ang may-ari ng Pusong Matapang na account? So si Brave talaga 'to? Pero para siyang tanga sa kaka-Hi niya at sa creepy niyang emoticon.

*Pusong Magwapo set Gareth's nickname to Pusong Mabalbon.

Pusong Mabalbon? Lol. Parang rambotan ang nai-imagine ko sa Pusong Mabalbon.

*Pusong Magwapo set Jeb's nickname to Pusong Kikay.


Hindi ko na lang mapigilang matawa sa mga kalokohan ni Chino. Para talagang bata ang Loko. Kaya sinabayan ko na lang ang kalokohan niya. Pinalitan ko rin nickname nilang dalawa ni Karen.

*You changed Pusong Magwapo's nickname to Pusong Maingay.

*You changed Pusong Maganda's nickname to Pusong Mapangit.

Narinig kong umangal ang Bruha sa pagpalit ko ng nickname niya sa GC.

Pusong Inapak-apakan: Kapag pinalitan nyong dalawa ang nicknames niyo, magli-leave ako dito sa GC!

Pusong Maingay: Ang sama mo, Des! T_T

Pusong Mapangit: Pakyo ka talaga Desyembre!

Pusong Matapang: Hi :)

Ano bang problema sa Brave na 'to? Parang nasisiraan ng ulo. Isasara ko na sana ang messenger nang mag-direct message si Brave.

Pusong matapang: You didn't greet me back, Girlfriend :)

Biglang kinabahan ako sa nabasa. Mga ilang minuto ang nakalipas pero nakatitig lang ako sa cellphone. Wala akong maisip na sasabihin. Kaloka!

Pusong Matapang: Still there?

Pusong Matapang: Hey. :)

Pusong Matapang: Let's have a date later.

Nahulog ang cellphone ko sa huling sinabi niya. Kaya mabilis na pinulot ko ito at nagtipa ng reply.

Pusong Inapak-apakan: Ikaw ba 'to Brave? Kapag nalaman kong pinagloloko niyo lang ako, wawasakin ko talaga mga pagmumukha niyo!

Pusong Matapang: Haha that's brutal. Let's have a date later. :)

Mabilis pa rin ang tibok ng puso ko.

Magpapa-check up na talaga ako. Baka may sakit na ako sa puso.

Pusong Matapang: Let's meet at Greenbelt, 5 PM.

Hindi pa rin ako naka-reply sa kanya. Bura lang ako ng bura sa message na ere-reoly ko sana. Napapikit na lang ako nang isend ang reply.

Pusong Inapak-apakan: K

Pusong Matapang: :)

**********

Alas tres pa lang ay nakabihis na ako. Kanina ko pa kinukumbense ang sarili na huwag nang tumuloy. Pero parang may sariling isip ang katawan ko na ang aga pa lang nakabihis na ako.

Gusto ko lang masigurado kung si Brave ba talaga 'yon. Tama. Iyon ang dahilan bakit pupunta ako.

Iyan lang ang patuloy na kumbinse ko sa sarili.

"Des," tawag ni Karen sa akin, "saan punta mo? Bakit nakabihis ka?"

"Ahh. Wala. May pupuntahan lang."

"Sama ako."

"Huwag!" mabilis na deklara ko.

Nagtataka ang mukha niya sa reaksiyon ko. "Okay."

Napabunga na lang ako ng malalim na hininga.

Hindi na lang kaya ako tutuloy?

=======
A.N: Hahaha kalerky!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top