Chapter Twenty Nine


Parang may lamay sa mesa namin ni Brave dahil sa sobrang tahimik naming dalawa. Busy lang ako sa pagkain at busy naman siya sa kakasulyap sa kanyang love of his life.

Dahil naiinis ako sa kanya kanina, pinili ko lahat ng mga pinakamahal na pagkain sa restaurant. Nagreklamo pa siya pero sinabihan ko lang siyang consequence niya 'to sa pagpili sa akin bilang pekeng Girlfriend niya.

"Ano? Suko ka na ba?" nakangising tanong ko sa kanya. Tingnan lang talaga natin hanggang saan aabot ang kahibangan nito.

Madilim ang mukha nitong tumingin sa mga mata ko. "This will not last long. I'm gonna take her back."

"Edi ikaw na ang in love. Sana talaga hindi na siya bumalik sa 'yo," bulong kong sabi. Pero mukhang narinig niya dahil mas lalong nagsalubong ang dalawang kilay niya.

"I should have picked another girl to do the job. You are a pain in the ass," inis na sagot niya. Tinawanan ko lang siya kaya mas lalong siyang naiinis.

Ang pikon. Sarap asarin.

"Basta ang rules ay dapat--" biglang naputol ang sasabihin ko dahil pinahiran niya ang gilid ng labi ko gamit ang tissue habang matamis na nakangiti.

Nabigla ako sa ginawa niya at parang natunaw ang puso ko sa ngiti niya. First time ko siyang makita na nakangiti ng ganito katamis. Kahit peke lang ito pero ang laki ng epekto nito sa akin.

Bwiset ka heart. Huwag kang titibok-tibok diyan. Hihiwain talaga kita at ipakain sa aso!

"She's looking at us," sabi nito habang suot pa rin ang pekeng matamis na ngiti.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig. Nakalimutan kong nagpapanggap lang pala kami. Tangina!

Dahil sa inis ko kinagat ko ang hintuturo niyang malapit sa labi ko. Napaaray siya pero hindi niya pinahalata. Baka nakatingin pa ang love of his life niya.

Maya-maya pa ay kita ko ang umaapoy na mga mata niyang nakatingin sa akin. "Why did you bite me?!"

"Akala ko desserts eh," kibit balikat kong sabi at patuloy lang sa pagkain.

"You witch!" hinang bulyaw niya. Tinawanan ko lang siya kaya mas lalo itong nainis.

"Basta ang rules ay no touching--"

"As if I would touch you," sabat niya. Hindi ko na lang pinansin at nagpatuloy.

"No kissing--"

"As if I would kiss you," sabat na naman niya.

"Gusto mo saksakin kita nitong tinidor?" sabi ko habang itinutok ang tinidor sa kanya, "kita mong nagsasalita pa ako."

"You already said those rules," bagot na sagot nito.

"Meron pa kasi. Sabat ka kasi ng sabat. Sapakin ko mukha mo diyan eh."

"Tss. That's so unlady-like." He even rolled his eyes.

Hindi ko na lang pinatulan. "Basta ang ibang rules ay dapat sa harap lang nila Stalwart at April tayo magpapanggap. Sa mga friends mo at friend ko dapat alam nilang nagpapanggap lang tayo."

"What if Stalwart and April find out? And why do my friends have to know? May gusto ka ba sa isa sa kanila?"

"Hindi lang isa. Silang lahat gusto ko. Pati si si Stalwart gusto ko. Pati si Gareth at Jeb gusto ko. Maliban lang sa 'yo. Ano may angal?" sarkastiko kong sagot. Ang dami alam sa buhay eh.

"Tss. Just don't make my friends to become your next victims," bagot na sagot pa nito.

"Ikaw talaga ang magiging victim ko kapag sinaksak kita nitong tinidor!" banta ko na naman sa kanya. Kaloka ang bibig. Nakaka-stress.

"Tss. You're so brutal. And your language, parang hindi babae," salubong na kilay pa na sabi nito.

"Brutal talaga ako dahil diyan sa lumalabas diyan sa bibig mo. Sana nagdala na lang ako ng karayom at sinulid para tahiin 'yan. Kaloka."

He just rolled his eyes at hindi na nagsalita. Kaya nagpatuloy na lang din ako sa pagkain. Sarap na sarap na sana ako sa pagkain at katahimikan nang naamoy ko ang pabango niya malapit sa akin.

Paglingon ko sa kanan ko ay nakita ko ang mukha ni Brave na sobrang lapit habang ang isang braso ay nakapatong sa likod ng upuan ko.

"Hoy," hindi makatingin na bulong ko sa kanya, "bumalik ka nga sa upuan mo."

Nakatingin lang ang kulay brown na mata niya diretso sa mga mata ko kaya naiilang ako.

Ang lapit-lapit niya. Kaloka!

"Did I make you uncomfortable?" nakangising sabi pa nito. Mas lalo akong nailang sa boses niya na parang bumubulong sa kaluluwa ko.

"Additional one thousand 'to," nilalabanan ko na lang ang naghuhumayaw kong puso.

Ipapahiwa ko na talaga 'to mamaya.

"I didn't even touch you," malumanay na reklamo nito habang diretso pa rin ang mga matang nakatingin sa akin.

Hindi ako nakasagot dahil nakatitig ako sa mukha niya. Sa kulay light brown niyang mata. Sa makapal na kilay. Sa mahabang pilikmata. Sa matangos na ilong. Sa manipis na pulang labi. Bumagay talaga lahat sa medyo curly niyang buhok.

Para talaga siyang Greek God.

"What's with that lustful look? Are you planning to rape me?" nakangising sabi nito.

Hinang kinurot ko siya sa tagiliran. "Bumalik ka nga sa upuan mo. Ang baho mo."

Nawala ang ngiti nito at inamoy ang sarili. "My perfume is from France. Baka bibig mo lang 'yan." Bumalik na naman ang mapanuksong ngisi niya.

Hinampas ko siya sa braso. "Mabaho talaga. Baka masusuka ako dito. Kaya balik na. Chu!" bugaw ko sa kanya.

Hinang napabuntong hininga siya habang nakatingin sa likod namin. "It's still not effective."

Na-double kill na naman ako sa narinig. Bwiset. Bakit ko ba kasi nakakalimutan na may pinapaselos siyang Ex?

"They are gonna leave. Let's follow them," biglang sabi niya.

Nilingon ko sila Stalwart na nakatayo na. Parang aalis na. Tumayo na rin si Brave pagkatapos humingi ng bill.

"Teka lang!" pigil ko sa kanya, "ipapabalot ko muna 'to."

Nagtatakang tiningnan niya ako dahil sa sinabi ko.

"Sayang naman kung itatapon lang 'to," dagdag na sabi ko pa. Marami pa kasing natirang pagkain dahil sa rami ng in-order namin, "kuya pakibalot na lang po."

"Okay, Ma'am," sagot ng waiter na humingi ng bill namin.

Habang binabalot ang pagkain ay kita ko ang nakabusangot na mukha ni Brave na naka-upo sa harap ko. Salubong ang mga kilay niya at parang sobrang badtrip niya.

"Anong mukha ba 'yan? Para kang binagsakan ng langit diyan. Haha," tukso ko sa kanya. Mas lalo lang itong naiinis.

"You do realize that we're eating in a fancy restaurant, right?" malditong sabi niya, "and dahil sa pagiging patay gutom mo, we were not able to follow saan sila pumunta."

"Edi sinundan mo na lang sana. Problema ba 'yon?" natatawang sagot ko sa kanya, "hindi ko sinabing samahan mo akong maghintay dito."

"Tss."

Natatawa na lang ako sa mukha niya. Maya-maya pa ay dumating na ang ipinabalot naming pagkain at binigay ko 'to sa kanya.

"Dalhin mo," iniabot ko sa kanya ang plastic bag.

"What?" hindi makapaniwalang sabi niya, "no way."

"May dala akong bag. Pili na, bag ko dadalhin mo o itong plastic?"

Hindi na maipinta ang mukha niya sa inis. Pero kinuha niya ang plastic at naunang naglakad. Natawa na lang ako sa kalokohan ko.

Naglakad kami patungong parking lot. Sa may pila ng taxi sana niya ako iiwan pero mahaba ang pila kaya pinilit ko siyang ihatid niya na lang ako. Nagreklamo siya pero binantaan ko siyang sasabihin ko kay April ang kalokohan niya. Kaya mas lalo siyang nainis at hindi ako kinakausap habang naglalakad kami patungong sasakyan niya.

Habang naglalakad kami ay biglang napahinto si Brave at humarap sa akin. Medyo mabilis ang hakbang niya papunta sa akin.

"I hope this time it will work," sabi niya.

Bago pa ako maka-react ay hinapit na niya ako sa bewang at siniil ng halik. Naramdaman ko ang malambot niyang labi. He bit my lower lips and encouraged me para gumanti.

Hindi ko alam kung may sariling buhay ang labi ko dahil gumaganti na ito sa halik ni Brave. Sobrang lakas ng tambol ng dibdib ko. Nangangatog ang tuhod ko at hindi ako makagalaw.

Dinilat ko ang mata ko habang patuloy pa rin sa paghalik si Brave. Nakapikit ito at mas lalo niyang idiniin ang katawan ko sa kanya.

Nang tumigil siya at lumayo, nakita ko ang pumupungay na mga mata niya habang kagat-kagat ang ibabang labi. Mas lalo itong namula.

"That's. . damn hot," sabi niya pa.

Wala akong lakas para iangat ang kaliwang kamay para sampalin siya.

"Additional ten thousand 'yon," iwas na tingin na sabi ko na lang sa kanya at naunang naglakad.

"What?!" rinig ko pang reklamo niya pero naglakad lang ako nang mabilis.

Ayaw kong mahalata niya ang panginginig ng katawan ko at baka marinig niya pa ang tambol ng dibdib ko.

Ipapahiwa ko na talaga 'to pag-uwi. Jusmiyo marimar!


========
A.N: Damn! Longer chapter siya. Hahah bawi ko sa inyo.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top