Chapter Twenty Four
Nasa banyo pa rin kaming dalawa ni Karen habang inaayos ang sarili. Tumatawa siya at ginagaya niya pa kung paano ko pinakain ng alikabok si Stacy at Chastity.
"Grabe ang mga linyahan mo d'on, Des. Lakas maka-kontrabida. Natural beauty ba naman ang panlaban. Haha," pahayag pa niya.
Tumawa na lang ako sa pinaggagawa niya. "Actually, maganda naman 'yong dalawang 'yon. Mas maganda pa nga siguro sa akin. Pero never ever let them feel na nagagandahan ka sa kanila," payo ko sa Bruha.
"Bakit naman, Des?"
"Para ma-question nila ang sarili nila kung maganda ba talaga sila. Then mawawala self confidence nila at magsisimula na silang maging insecure," dagdag ko pa.
"Ganoon ba 'yon? Sige susubukan ko," excited niyang sabi.
"Pero huwag kang mag-English ha?" banta ko sa kanya.
"Bakit naman Des?"
"Limang English words lang ang baon mo. Mauubusan ka. Haha."
"Oo nga no. Sige-sige, hindi na lang ako magsasalita. Hehe."
Tumawa na lang ako sa mga kalokohan namin. Pero sa totoo lang, natatakot ako kung ano pa ang pwedeng mangyari sa gabing 'to. Hindi pa nga kami nag-iisang oras, may ganoong eksena na.
"Prepare yourself, Karen. Napasali tayo sa contest nang hindi natin alam," seryosong sabi ko kanya.
"Contest? Anong contest, Des?"
"Beauty contest."
"Beauty contest?" takang tanong niya.
"Oo. Maraming judgers dito. Para na rin tayong sumali sa beauty contest. Kaya dapat taas noo ka lang at lumaban ka."
"Hala kinakabahan ako," sabi niya pa.
"Dapat ka talagang kabahan," seryosong sabi ko sa kanya, "kasi may criteria for judging. Fifty percent for beauty. Wala ka niyan."
Kinakabahan pa rin ang mukha ng Bruha.
Sarap tumawa nang malakas.
Niloloko ko lang naman siya. Pero parang paniwalang-paniwala siya sa pinagsasabi ko. Natatawang napailing na lang ako at nag-apply ng red lipstick.
"Tara na."
**********
Pagkabalik namin sa table ay nandoon na rin si Chino, Angel at Gareth. Tumatawang nag-uusap sila kaya hindi nila namalayang nakalapit na pala kami ni Karen.
"Hi Des. Hi Karen!" bati ni Chino sa amin.
"Hello," balik na bati namin sa kanila at umupo.
Nagbatian rin kami nila Angel at Gareth. Pinuri pa kami ni Gareth kong gaano raw kabagay sa amin ang gowns na gawa niya. Hinayaan ko na lang ang pambobola niya.
Umalis din siya agad para abangan si Jeb sa labas dahil malapit na raw itong dumating.
Iba talaga ang kamandag ni Ate Jeb mo. China oil talaga may love life. Lol.
"You look beautiful, Des." Napatigil ang lahat sa sinabi ni Angel. Kita ko kung paano nabura ang ngiti sa mukha ni Chastity.
Hmm. Lihim na napangisi ako sa naisip na kalokohan.
Hinarap ko si Angel at binigyan siya ng napakatamis na ngiti. Napakagat siya sa labi at medyo namumula ang tenga.
Hindi na ito nakasalamin at naka-brush up ang buhok. Medyo badboy ang dating niya sa porma niya ngayon. Parang maginoo pero medyo bastos na pormahan. Ganun.
"Thank you, Angel. Ikaw din, ang gwapo mo sa suot mo at buhok mo," malanding pahayag ko pa.
Mas lalo itong namula at napaiwas ng tingin. "Thank you . . Des."
"Angel," tawag ni Stacy, "Chas looks beautiful with her dress, right?" Mahinhin na ngumiti pa si Chastity at nilagay ang mga tumatakas na buhok sa tenga.
Wow, ang bait-bait ah? Bilis niyang magpalit ng maskara.
Pero napa-smirk ako sa sinabi ni Stacy. Ibig sabihin tumalab ang kalokohang naisip ko. Lol.
"Yeah," simpleng sagot lang ni Angel at binalik ang tingin sa akin. Kaya nawala ang ngiti ni Chastity at kita ang pagkadismaya sa mukha.
Sarap tumawa. Sila lang din ang naghuhukay sa sarili nilang libingan.
"Sa akin ba walang pupuri?" biglang sabat ni Chino.
"Ako Oppa," nakataas na kamay pa na sabi ni Karen, "sobrang gwapo mo."
"Yon! Salamat Lisa. Ikaw din ang ganda mo." Malaki ang ngisi ng Loko sa sinabi ng Bruha, "ikaw pusong inapak-apakan? Anong masasabi mo sa look ko ngayon?" Tinaas baba pa niya ang dalawang kilay niya.
"Isang tawag mo pa sa akin niyan, aapakan ko na talaga mukha mo."
Tumawa silang lahat sa sinabi ko maliban sa dalawang babae at si Brave.
"Eww. Nahawaan na si Chino sa barbaric language nila," maarteng pagtatagalog na sabi ni Stacy.
"Matagal nang barbaric si Chino. Haha," sagot ni Angel. Kaya natawa na lang kami.
Marunong naman pala silang magtagalog. Siguro sanay lang sila sa English. Si Chino lang kasi ang madalas na nagtatagalog.
Ang dami nilang kaartehan.
"Oppa, pareho pala kayong apat na suot no?" tanong ni Karen kay Chino.
Napatingin ako sa suot ni Angel, Chino at Brave. Pareho nga na nakabukas ang dalawang butones at medyo kita ang mga umbok na chest nila. Parang kay Gareth ganun din.
"Labanan ng dibdib ba 'to?" tanong ko sa kanila.
"Brotherhood tawag dito," mayabang na sabi pa ng Loko.
Napairap na lang ako. Daming alam sa buhay.
"Parang boys over flower, Des. Tapos ikaw si Sanchai. Kasi kita din cleavage mo. Hehe," sabi ni Karen.
"Ulol," apila ko sa sinabi niya, "sa meteor garden si Sanchai," pagtatama ko pa sa sinabi ng Bruha.
"Ay, iniba na pala?"
Natawa na lang kami sa kalokohan namin.
Napadayo ang mata ko kay Brave at kita ko na naman ang matulis na mga titig niya.
Kanina pa siya ha. Tusukin ko na kaya mata niya?
"Is that Stalwart?" biglang saad ni Stacy. Kaya natahimik ang lahat at sinundan kung saan nakatingin si Stacy. Nakita namin si Stalwart kasama ang isang parang anghel na babae. Nakakapit ito sa braso niya.
"He's with April pala," hinang sambit ni Stacy.
Naramdaman ko ang biglang awkwardness sa mesa. Walang nagsasalita at nakatingin lang ang lahat sa dalawa.
Sa unang pagkakataon, nakita ko ang ibang emosyon sa mga mata ni Brave. Diretso ang mga mata niyang nakatingin sa babae.
Lumambot ang mukha niya at kita ang sakit at pangungulila sa paraan ng pagkakatitig niya.
Sino siya?
Umupo sa malayong table ang dalawa. Pero hindi pa rin iniaalis ni Brave ang mga mata niya sa babae.
"Ahh. Hehe," awkward na basag ni Chino sa katahimikan, "gusto niyo desserts? Kukuha ako."
"Yes please!" sabay-sabay na sagot ni Angel, Chastity at Stacy.
Nagtaka ang ang lahat dahil biglang tumayo si Brave.
"Ako na ang kukuha," seryosong sagot pa nito.
Bago pa ito tumalikod, tinawag siya ni Chino. Seryoso rin ang mukha ni Chino at umiling. Malayong-malayo sa Chino na puro kalokohan.
"I know," ikling sagot ni Brave at tumungo sa mesa ng pagkain para kumuha ng desserts.
Sino kaya ang babaeng 'yon? Bakit ganun ang epekto niya sa kanila?
======
A.N: Next chapter is the last chapter for Party. Hehe.
Salamat pala sa mga magagandang comments niyo sa story ko. Hindi ko na kayo maisa-isa. Pero kinikilig ako. Awee! Haha.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top