Chapter Twenty Five
Nagsimula ang party nang nakarating sila Jeb at Gareth. Pumunta sila agad sa stage kasama ang Nanay at ibang mga relatives ni Gareth. Kaya hindi kami nakapag-tsikahan nang maayos.
Tutuksuin ko sana ang Ate mo kung gaano kahaba ang buhok niya. Member of the family na ba naman.
Simula rin kanina, hindi na bumabalik si Brave. Kanina pa siya umalis.
Walang salita lang itong tumayo at naglakad palabas ng venue. Hindi rin nag-uusap ang mga kaibigan niya tungkol kay Stalwart at ang kasama nitong babae. Parang iniiwasan nila ang topic na ito.
Nagkibit balikat na lang ako at hindi na iniisip ang mala-MMK na love story nila. Lol.
Mag-iisang oras nang nagsimula ang party pero puro lang ito pasasalamat at salita tungkol sa accomplishments ng business nila. Kaya si Karen napahikab na lang sa antok.
"Des," bulong na tawag niya sa akin, "birthday party ba talaga 'to?"
Medyo natawa ako sa sinabi ng Bruha. "Oo. Ganito ang party ng mga mayayaman."
"Ang boring naman," bulong na dagdag niya, "akala ko may pa games gaya ng trip to jerusalem o bring me. O hindi kaya 'yong sayaw tapos aapak sa newspaper kapag huminto ang music."
Hindi ko mapigilang matawa sa nai-imagine niyang party. "parang Christmas party naman sa High School 'yan. Haha."
"Ang party na kagaya nito ay parang palengke," dagdag na sabi ko pa.
"Palengke?" takang tanong niya.
"Oo. Kasi lahat ng mga anak ng mga mayayaman ay nandito para ihanap ng mapapangasawa ang mga anak nila."
"Parang arranged-marriage?" tanong niya pa. Tumango ako bilang sagot.
"Totoo pala talaga ang mga ganyan. Akala ko sa teleserye lang 'yan nangyayari," hindi makapaniwalang saad niya.
"I would also like to welcome our one of the important guests who flew from Cebu just to come here for my birthday. I'm really so honored. Please give around of applause to Governer Mirasol Cabañero."
Malakas na nagpalakpakan ang mga tao. Pero napatigil ako sa narinig sa sinabi ng Nanay ni Gareth. Hindi ko maigalaw ang kahit na hintuturo ko habang pinagmamasdan ang babaeng umakyat ng stage. Nakangiti ito at nakikipagkamay sa mga tao.
Nanginginig ang kalamnan ko sa nakita.
Anong ginagawa ng Demonyo dito?
Nanginginig pa rin ang buong katawan ko habang hindi inialis ang mata sa kanya. Suot pa rin nito ang alam kong plastik na ngiti. Na akala mo sobrang bait.
Kung alam lang nila kung gaano kademonyo ang babaeng 'yan.
Napakuyom ako ng kamao.
Sa mesa ng pinanggalingan niya ay may namataan akong pamilyar na lalaki.
"Apollo..." hinang sambit ko sa pangalan nito.
Parang hinahaplos ang puso ko habang pinagmamasdan ang Chinito nitong mga mata. Ang napakaganda nitong ngiti. Ang napakatangos na ilong. Ang mapupula nitong labi.
Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Naiiyak ako. Miss ko na ang lahat sa kanya.
Hindi ko pa rin iniaalis ang mga mata ko sa kanya nang bigla itong lumingon sa akin. Kita ang gulat sa mukha nito habang nakikipagsukatan ng titig sa akin.
Pero napalitan ang lahat ng nararamdaman ko ng galit. Naalala ko ang kaduwagan niya. Ang pagtataksil nila.
Iniiwas ko ang tingin ko sa kanya at tumayo para dumeretso sa banyo. Kinalma ko ang sarili habang pinagmamasdan ang mukha sa salamin. Ilang minuto pa akong nakatitig sa sarili sa salamin.
Kita ko ang gulat na mukha ng isang pamilyar na babae na kakalabas lang sa cubicle nang nagkasalubong ang mga tingin namin.
"Ember," hinang sambit niya.
Magkasama pala talaga sila dito. Ang galing.
Seryoso ang mukha ko nang hinarap ko siya. Hindi pa rin nagbago ang mukha niya. Maamo at sobrang bait.
"Ember," muling tawag niya sa akin.
Tinaasan ko siya ng kilay at naka-crossed arms na tinitigan ko siya sa mukha.
"My name is Des," seryosong sagot ko sa kanya.
"Emb--" naputol ang sasabihin niya dahil malakas na sinampal ko siya sa mukha.
"That's long overdue, Patricia."
"Emb--" muling naputol ang sasabihin niya dahil sinampal ko na naman siya sa kabilang pisngi.
"Sabing my name is Des!"
Napahawak siya ang pisngi niya at naluluhang tumingin sa akin. Maamo pa rin ang mukha.
"Pwede ba!" galit na singhal ko sa kanya, "stop acting na mabait ka! Tayong dalawa lang ang nandito. Labanan mo ako! Show me your true color. You snake!"
"Des..." garalgal na tawag niya sa akin. Nakita ko ang mga luhang nagbabadyang tumulo.
"Nabigla ba kita?" walang emosyon na tanong ko sa kanya. Nakayuko lang ito at hindi umiimik.
"Em-- Ahm Des. You changed. A lot,"" hinang pahayag niya. Nakayuko pa rin habang pahid-pahid ang mukha.
Mas lalong kumulo ang dugo ko sa narinig. "Hindi ako nagbago. Binago niyo ako."
Napaangat siya ng tingin. Pero walang emosyon lang ang ginawad ko sa kanya.
"Please let me explain--" hindi na niya natapos ang sasabihin dahil nagsalita ako.
"Save it. Hindi ko na kailangan ng explanation mo."
Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya at pumihit na papalabas ng restroom.
Nagulat ako nang buksan ko ang pinto. Tumambad ang mukha ni Apollo. Diretso ang mga mata niyang nakatitig sa akin. Parang kanina niya pa ako hinihintay na makalabas. Or baka si Patricia ang hinihintay niya.
Mabilis na naglakad ako papalayo sa kanya. Hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya. Baka hindi ko mapigilang yakapin siya.
Tangina! Nagtaksil na nga sila, pati puso ko ba naman gusto rin magtaksil?!
Mabilis pa rin ang lakad ko papalabas ng venue. Alam kong hinahabol niya ako. Kaya mas lalo kong binilisan ang paglalakad. Hindi ko na alam saan man ako dalhin ng mga paa ko. Basta gusto ko lang mapalayo sa kanila.
"Ember!" Rinig ko pa ring tawag ni Apollo sa akin.
Tumakbo ako nang tumakbo hanggang sa hindi ko namalayan na napadpad na pala ako sa likod ng venue. Sa dalampasigan.
Patuloy pa rin ang buhos ng mga luha ko.
Tangina!
"Ember!"
Hindi pa rin ako lumilingon kay Apollo. Nakita ko sa malayo ang isang pamilyar na lalaki. Nakatalikod ito sa amin at nakatanaw lang sa harap ng dagat.
"Ember!"
Mas lalo kong binilisan ang pagtakbo papalapit sa pamilyar na lalaki.
"Babe!" tawag ko sa pamilya na lalaki kaya humarap siya sa akin.
Bago pa siya makapag-react, sinabit ko ang dalawang kamay ko at siniil siya ng halik.
Nabigla si Brave sa paghalik ko sa kanya. Pero mga ilang segundo ay hinapit niya ako sa bewang at naramdaman kong gumaganti siya sa paghalik. Sinakop ng malambot niyang labi ang akin.
Hindi ko na alam kung ilang minuto na kami naghahalikan. Pero ramdam kong umalis si Apollo sa nasaksihan.
Tumigil ako at kumalas ako sa pagkakahapit niya sa akin.
Hinarap ko siya at sinampal siya sa mukha.
"What the fuck?!" gulat na reaksiyon niya sa ginawa ko.
==========
A.N: Waaaaah!! Your thoughts about this chapter? Hahah
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top