Chapter Twenty Eight


Ilang palit na ako ng damit at pabalik-balik sa salamin para pumili ng susuotin. Tinukso pa nga ako ng Bruha kung may date ba ako. Sinabi ko na lang na libing ang pupuntahan ko. Naniwala naman siya.

In the end, mas pinili ko na lang ang simpleng dress na kulay beige. Pinarisan ko ito ng nude na wedge. Simplehan lang natin. Baka isispin n'on pinaghandaan ko talaga.

Bakit ba kasi ako nag-eeffort?

*********

Habang nasa biyahe papuntang Greenbelt, hindi pa rin nawala sa isip ko kung bakit pumayag ako sa date na ito.

Kanina ko pa rin iniisip ang paraan ng pakikitungo ni Brave sa chat. Parang ang layo-layo sa personality nitong napakasungit. Pinaglihi kaya 'yon sa sama ng loob.

Nakakapanibago.

Hindi ko na lang inisip pa at hahayaan na lang ang mangyayari sa kalokohan kong 'to. Maya-maya pa ay nakarating na ako sa mall. Medyo napaaga ako nang kaunti kasi may kense minutos pa bago magaalas singko. Kaya naglibot-libot muna ako bago pinuntahan ang sinabi nitong restaurant na meet-up place namin.

Ayaw kong magmukhang excited. Dapat pakipot muna. Baka isipin n'on atat na atat ako sa date na 'to.

Nang mag 5:20 na ay pumunta na ako sa sinabi nitong restaurant. Sa labas pa lang ay alam kong sosyal ito. Halos lahat ng kumakain parang mga mayayaman.

Taas noo lang akong pumasok. Ayaw kong magmukhang ignorante.

Sa isang sulok ay namataan ko si Brave na salubong ang mga kilay na nagpipindot sa cellphone niya. Pero kahit nakabusangot pa ang mukha, ang gwapo pa rin ng leche. Hindi niya ako napansing nakaupo na sa harap niya. Busy siya sa kakapindot ng cellphone niya habang salubong pa rin ang mga kilay. Parang badtrip.

"Masisira 'yang cellphone sa ginagawa mo."

Napaangat ito ng tingin habang maldito pa rin ang mukha. "Damn! I chatted you. You are late."

"Twenty minutes lang."

"You are still late. Tss."

"Dami mong arte. Ganyan ka ba ka-excited maka-date ako?" pang-aasar ko sa kanya.

Mas lalong nagsalubong ang mga kilay nito. Natawa na lang ako sa mukha niya. Ang layo-layo sa Brave na ka-chat ko kaninang umaga. Baka hindi talaga siya 'yon.

"Sa 'yo ba 'yong Pusong Matapang na account?" tanong ko pa sa kanya.

Nahihiyang napaiwas ito ng tingin at tumango.

"Hindi ako naniniwal--" naputol ang sasabihin ko dahil bigla niyang hinawakan ang kamay ko na nakapatong sa lamesa.

"What's your order Babe?" malawak pa ang ngiti niyang sabi sa akin. Halata namang peke.

Nagtataka ako sa inasta niya. Kaya pinanliitan ko siya ng mata at binawi ang kamay.

"Ano ba--" hindi na naman natapos ang sasabihin ko dahil nagsalita ito.

"She's not even looking at us. Tss," bulong pa nito tapos sumandal sa upuan. Nagbalik ang salubong na mga kilay niya na nakatingin sa kung sino man ang nasa likod ko.

Nilingon ko ang nasa likod at nakita sa malayong table si April at Stalwart. Mukhang kakarating lang nila.

Humalukipkip ako at taas kilay na tiningnan si Brave. "What's your motive Mr. de Loyola?"

"What?" maang-maangan pa nito.

"Pinapunta mo ba ako dito para sa kalokohan mo?" Nakataas pa rin ang isang kilay kong sinalubong ang tingin niya.

"I don't get your point," pagmamatigas pa niya. Ayaw talagang umamin.

"Pinapunta mo ba ako dito para pagselosin ang babaeng nasa likod ko?"

Medyo nabigla siya sa sinabi ko. Pero straight face lang ako.

"Huwag ka ng magtanong kung paano ko nalaman. I'm a Psychology graduate, remember?" dagdag ko pa.

Bahagya siyang tumitig. Parang pinag-aralan ang mukha ko.

"Ano? Hindi ka pa rin ba naniniwalang college graduate ako?"

Seryoso pa rin ang mukha nitong nakatingin sa akin tapos umiling.

Tangina lang? Kung malapit lang 'to sa akin, baka sinapak ko na 'to sa mukha o sinaksak ng tinidor. Napakagago eh.

"Uuwi na ako," sabi ko at tumayo.

"Wait!" pigil niya sa akin.

Nilingon ko siya at hinihintay ang sasabihin niya. "Ano? Wala akong oras sa kalokohan mo."

"This is your payment for kissing me without my permission," hinang sabi pa nito. Madilim pa rin ang mukha.

Umupo ako ulit dahil sa narinig. "Kapal mo ah! Pasalamat ka nga nakahalik ka ng libre sa akin. Umabuso ka pa ngang gumanti."

"Still. You molested me," seryosong sabi pa nito.

Napapitlag ako sa narinig. Hindi pa rin ba siya tapos sa molestiya niyang kalokohan? "Kung maka-molested ka naman diyan. Hayok na hayok ka ngang hinalikan ako."

Nakangisi na itong nakatingin sa akin at humalukipkip na sumandal sa upuan.

Sarap sapakin!

"Okay. Let's call that quits. But you still owe me for slapping me and saving you from that Governor."

"Hindi mo ako niligtas no," apila ko sa sinabi niya, "ginawa mo lang 'yon dahil nakatingin ang love of your life mo."

Muling sumeryoso ang mukha niya. "Her name is April."

"Whatever. Uwi na ako."

Akmang tatayo ako nang magsalita na naman ang Gago.

"Name your price," diretsong tingin na sabi pa niya.

Tumaas ang isang kilay ko sa narinig. "Para mo namang sinabing bayarang babae ako."

"Aren't you?" bilis na sagot nito.

Medyo nabigla ako sa sinabi niya. May kung anong kirot akong naramdaman sa puso. Hindi pa rin pala talaga nagbabago ang tingin niya sa akin.

"I mean," bawing sabi niya pero hindi ko siya pinatapos sa sasabihin niya.

"Save it," seryosong sagot ko sa kanya, "three thousand per hour. No touching, no kissing."

Hinayaan ko na lang kung ano man ang isipin niya. Wala akong oras mag-drama sa kong ano man ang iisipin ng ibang tao sa akin. Sanay na akong mahusgahan. Edi panindigan na lang.

"That's too overpriced," reklamo pa niya.

"Take it or leave it," salubong na tingin ko sa kanya.

"How about holding hands?" suhestiyon pa niya.

"Additional one thousand," simpleng sagot ko sa kanya.

Tingnan lang natin saan aabot 'yang kahibangan niya.

"Fine. Deal."

Medyo nabigla ako sa sagot niya. Kasi akala ko hindi siya papayag sa presyong binigay ko. Sino ba kasing taong magbabayad ng ganyang klaseng halaga para lang magkaroon ng pekeng girlfriend para pagselosin ang Ex?

Ngayon alam ko na bakit ganoon na lang kung maka-chat ang Brave na 'to. Gumawa pa talaga siya ng second account at sinali ako sa kahibangang naisip niya.

Sa ngalan ng pag-ibig. Iba rin!

Ang haba ng hair ng April na 'yon ha. Sarap bumili ng razor para kalbuhin!

=====
A.N: Your thoughts? Please vote and comment.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top