Chapter Three

Sunod-sunod na ang pag-buzz ng mga tables. Kaya medyo na-stress ako nang kaunti. Meron din kasing isang grupo ng mga babae sa isang table na ang daming arte. Parang first time makapasok sa isang high-end club. Daming requests. At kung maka-arte sobrang trying hard. 'Di nga match ang foundation sa skin color nila. Kulang na lang kabaong sa sobrang puti ng shade ng foundation na gamit.

Halos dalawang oras akong busy sa kase-serve ng mga orders. Nagiging wild na rin ang mga tao. Pinalitan na ang banda kanina ng isang DJ kaya maganda na ang tugtog. Kaya marami na ang sumasayaw sa dance floor.

Almost 2 a.m na kaya halos wasted na ang mga tao. At sa mga ganitong oras medyo naka-relax na kami. Wala ng masyadong order.

Nakatambay lang kami ni Karen sa service area. 'Di naman nag-buzz ang Table 7 kaya baka nagkasarapan na sa table nila at nalimutan na ni Chinito ang kalokohan niya. Ipinagsalamat ko na lang.

"Des! Off natin pareho bukas. Gala tayo," aya ni Karen sa akin.

"Ayoko."

"Libre kita," dagdag na sabi niya.

Nilingon ko siya kaagad. "Anong oras ba?"

"Tingnan mo! Kapag libre ang bilis pumayag!" reklamo pa niya sa sinabi ko.

"Ganyan talaga," kibit balikat kong saad.

"Ang user mo talaga, Des! Para namang 'di tayo mag-bestfriends. Hmph!"

"Hindi naman talaga tayo bestfriends."

"Sus! Parati mo na lang dine-deny friendship natin."

"Wala akong mapapala sa 'yo, Karedad. Wala kang pera..."

"Pakyo ka, Des! Ahaha sampalin kita ng isang milyon diyan eh."

"Haha. Tigilan mo na ang ilusiyon mo, Karedad. Pambili nga ng tawas wala ka," tukso ko pa sa kanya.

"Hoy! Ipakain ko pa sa 'yo ang isang box ng rexona ko." Tinawanan ko na lang siya. Kung saan-saan na umaabot ang kalokohan namin.

Nakita ko ang grupo ng mga babae kanina sa dance floor. Parang naghahanap ng mabibingwit. May naisip akong kalokohan kaya kinalabit ko si Karedad at tinuro ang mga babae.

"Mga friendship mo oh."

"Saan?" Hinanap niya ang tinuro ko.

"Iyong tatlong babae na corn starch ang foundation."

"Ahahah, grabe. Bakit ang puputi ng mga mukha nila?" natatawang pahayag niya.

"Baka mga endorsers sila ng St. Peters..."

"Nahiya ang mga leeg nila. 'Di pa nilagyan."

Tumatawa kami pareho dahil sa mga kalokohan kaya napatingin ang tatlo at naglakad patungo sa amin.

"Hala. Baka narinig nila tayo, Des," medyo kinabahan na sabi ni Karen.

Hindi na lang ako kumibo at hinintay makarating ang tatlo sa amin. I already prepared myself. Baka biglang susunggab ang tatlo. Pero nang makarating sila sa tapat namin, ngumiti sila at medyo tumakbo papunta sa likod.

"Gorg!"

Nabigla kaming dalawa ni Karen. At rinig ko ang sigh of relief niya sa gilid. "Ay muntik na. Friends pala ni Gorgie."

Napatingin ako sa kanila at biglang natawa.

"The Squad and The Mother Squid," wala sa sariling sabi ko. Maitim kasi si Gorgie tapos ang puputi ng mukha ng mga alipores niya.

"Baliw ka talaga, Des," natatawang pahayag niya.

"Gets mo ba?" natatawang tanong ko pa sa kanya. Medyo may pagka-slow kasi 'tong si Karen.

"Oo naman. 'Di ba pusit ang squid?" Tumango ako at natawa kami pareho.

"Whatcha laughing?" sabi ni Gorgie. Jusko, dudugo ilong ko nito sa English niya.

Pinaharap ko si Karen sa kanila. "Oh! Ikaw na kumausap diyan. Pareho kayong magaling mag-English." Natatawang tumayo ako at iniwan sila.

Pumunta na lang ako sa Table 7 kahit hindi sila nag-buzz. Mas matitiis ko pa ang kalokohan ni Chino kesa sa pagmumukha ni Gorgie. Papalapit pa lang ako sa table ay rinig kong tinawag ako ni Chino. Excited ang mukha niyang kumakaway sa akin.

Parang timang. Ano kayang kalokohan ang nasa isip nito?

"Des! Des! Bakit ngayon ka lang?" malaking ngiti na deklara niya.

Sobrang feeling close talaga nitong lalaking 'to.

"O.A mo. Na-busy lang." Naiilang ako nang kaunti kasi lahat sila nakatingin sa akin.

"We're having fun. Dali sali ka," atat na atat na deklara ni Chino.

Ayaw ko sanang sumali sa kalokohan niya kasi ramdam ko ang tingin ng dalawang babae sa akin. May pa-head to foot pa ang tingin ng babaeng Tuko sa akin habang nakataas ang isang kilay.

Pero dahil mas lamang ang bitchy side ko at talent ko talaga ang mambwesit ng tao, ngumiti ako nang malawak at tumabi kay Angel.

Nabigla si Angel at parang namumula ang tenga. Nakita kong napaangat ng tingin ang babaeng nagseselpon. Poker face lang pero alam kong there's more to it than the facade.

Interesting. Parang I smell something. Mas lalo akong umusog sa tabi ni Angel. "Baka mahulog ako hehe," pa-cute na dagdag ko.

"S-sorry," medyo kabadong sabi niya. I just smiled at him. Ang tensed niya.

"Sali ka, Des. We're having a fun game," si Chino.

"Anong laro?"

"Spin the bottle."

"Wow! Sobrang bago ha," hindi ko mapigilang mag-react. Jusko 2021 na. Sobrang old school naman ng naisip nitong pakolo.

"With a twist," mayabang na dagdag pa niya. I just rolled my eyes. Daming alam sa buhay.

"The rule is just simple. Kapag sa 'yo tumapat ang bote, you will say three things about you. Two of them are truths and one of them is a lie. Tapos pumili ka who will guess which one is the lie. 'Pag nahulaan niya, you will drink a one full glass of alcohol. Pero 'pag mali ang hula niya, siya ang iinom," mahabang instruction ni Chino.

"Naguguluhan ako," sabi ko kay Chino.

"Say it in tagalog or demonstrate it for her to understand."

Tumahimik sila sa sinabi ng lalaking Kawayan. Pero kita ko ang multong ngiti ng babaeng katabi niya. First time niya nga lang sumali sa usapan. Iyon pa ang lumalabas sa bibig niya.

Well, sanay ako sa ganyang klaseng ugali. Nature ng tao yan. Ang pagiging judgemental. Wala rin akong planong e-explain ang sarili ko. What for? Mag-aaksaya lang ako ng laway. Gan'on din naman. As if naman it offended me.

"Oo nga. Sampolan mo, Chino. Hindi ma-absorb ng maliit kong utak ang lahat ng sinabi mo," medyo sarcastic kong pahayag. Umigting ang panga ni lalaking Kawayan.

Problema ng lalaking 'to? Deadma na lang ako.

"Ahh ganito, Des," sabat ni Gareth. Siguro ramdam niya ang tensiyon. Pinaikot niya ang bote tapos tumapat ito kay Chino.

"Chino will say... I mean magsasabi si Chino ng tatlong bagay about sa kanya."

"Accounting graduate ako. February birthday ko. NGSB ako," dali-daling sabi ni Chino.

"Des, saan ang false or lie sa tatlo?" tanong niya pa sa akin.

Ay, sus ganun lang pala. "Ang lie ay ang NGSB ka. Ang easy naman," confident kong sabi.

"Engk! Wrong!" Pinag-ekis niya pa braso niya. "March birthday ko. Kaya inumin mo 'to." Binigay niya sa akin ang baso na puno ng Bacardi.

"Ang daya naman. Trial pa lang," reklamo ko. Tumawa lang ang loko.

"Paano namin malalaman na nagsasabi ka ng totoo?" pag-uusisa ko pa kay Chino. Kasi sobrang hindi kapani-paniwala na wala pang naging girlfriend ang damuhong 'to.

"Bawal magsinungaling. May nakatingin sa taas." Tinuro niya pa ang taas, pertaining to God.

Napailing na lang ako sa kalokohan niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top