Chapter Thirty Nine


Hindi na magkahumayaw ang puso ko sa kaba. Pabalik-balik akong naglalakad sa sala habang hawak-hawak ang cellphone.

Hindi ko talaga alam kung ano ang gagawin ko kay Mirasol kapag may ginawa siyang masama.

"Des, ayos ka lang?" Kakalabas lang ni Karen galing banyo. Hindi na ako nag-abalang pahiran ang mga luha sa mukha ko.

"Karen," garalgal ang boses ko na tawag sa pangalan niya. Nabigla ang mukha niya nang makita niya ang hitsura ko pero bigla siyang lumapit sa akin at niyakap ako.

Napahagulhol ako at niyakap siya nang mahigpit. Hinihimas niya ang likod ko para pakalmahin. Pero hindi pa rin nawala ang pag-aalala ko kay Dodong at Nanay.

"Shhhh," patuloy niyang pagtatahan sa akin, "tahan na Des."

"Si Nanay at Dodong. Nasa kapahamakan sila." Mas lalo akong naiyak habang iniisip ang pwedeng mangyari sa kanila.

Pinaharap ako ni Karen at hinawakan ang mukha ko ng dalawang kamay niya. "Des, makinig ka. Hindi ko man alam ano ang nangyayari, pero lakasan mo lang ang loob mo at magpakatatag ka. Okay?"

"Wala akong magawa," hagulhol na sabi ko. Nanghihina na ako dahil wala man lang akong magawa para iligtas sila.

"No. Huwag mong isipin 'yan," seryosong pahayag ni Karen sa akin. Kita ko ang tapang sa mukha niya. "Kailangan mong maging malakas para sa kanila. Okay?"

Nanghihinang napatango ako sa sinabi ni Karen. Patuloy lang ang pag-agos ng mga luha ko. Hindi pa rin nawawala ang pag-aalala ko sa pwedeng mangyari sa kanila doon.

Biglang napakalas ako sa pagkakayakap ni Karen nang tumunog ang cellphone ko. Nakita ko ang numero ni Nanay sa screen kaya dali-dali ko itong sinagot.

"Nay?! Ayos lang ba kayo ni Dodong? Nasaan kayo? Nakahingi ba kayo ng tulong? Nakapunta na ba kayo sa baranggay hall?" mahabang lintanya ko habang nanginginig ang kamay na nakahawak sa cellphone.

"Ate," iyak na sampit ng kapatid ko.

"Dong..." Nanlambot ang tuhod ko nang marinig ang boses ng kapatid ko.

"Ate si Nanay..." halos hindi na makabigkas nang maayos si Dodong dahil sa sobrang pag-iyak.

Nanigas ang buong katawan ko at hindi ko maibuka ang bibig para magsalita.

Natatakot ako. Sobrang natatakot ako.

"Ate si Nanay duguang nakahiga sa sahig!" malakas na sabi ng kapatid ko at malakas na humagulhol.

Napaupo ako sa sahig sa narinig habang walang katapusan ang pag-agos ng luha sa mga mata ko.

Gusto kong patayin ang demonyong Mirasol na 'yon. Silang dalawa ng putanginang tatay ko! Kung hindi sana siya pumunta sa bahay, hindi sana mangyayari 'to kay Nanay!

"Des," tawag ni Karen sa akin at umupo rin sa sahig para yakapin ako. Umiiyak na rin siya.

"Ate, papunta kami ngayon sa hospital. Will Nanay be alright Ate?" garalgal na boses na sabi ng kapatid ko. Ramdam ko ang takot sa boses niya.

Nanghihina ako at hindi ko na alam ang gagawin ko. Pero hindi ako pwedeng panghinaan ng loob. Alam kong lalaban si Nanay. Alam kong magiging maayos lang siya.

Pinahiran ko ang mga luha sa mukha. Kailangan kong magpakatatag para kay Dodong at Nanay.

"Dong, makinig ka nang mabuti. Bantayan mo si Nanay sa hospital at i-report mo sa pulis ang nangyari. Sabihin mo sa kanila ang lahat ng nangyari at mag-request ka ng bantay niyo sa hospital. Huwag kang lalabas ng hospital. Maliwanag?"

"Opo Ate," sagot ng kapatid ko pero bakas pa rin ang takot sa boses niya.

"Be strong. Okay? Kailangan nating maging matatag para kay Nanay," dagdag na paalala ko sa kapatid kahit mismong sarili ko takot na takot na ako.

"Yes Ate. I will."

"Sige Dong. Be strong for Nanay ha. I love you and take care alwaya there." Gusto kong umuwi para bantayan sila. Pero sobrang layo ko sa kanila.

"I love you too Ate and take care," iyak na sagot niya at binaba ang tawag.

Tumayo ako at hinarap si Karen. "Pwedeng ikaw muna ang pumasok ngayon? At sabihin mo kay Jeb na hindi muna ako papasok."

Kailangan ko munang masigurado na ayos lang ang lahat.

Matahang nakatitig siya sa akin at tumango. "Sige Des." Dali-daling nagbihis si Karen at nagtungo na agad sa club.

Tiningnan ko ang messages sa inbox ko at nakita ang isang hindi naka-rehistro na numero. Agad ko itong tinawagan at sinagot naman ito agad.

"Hello," bati ko sa kabilang linya.

"Hello Ember? Is this really you?" malamunay na sagot ni Apollo. Bakas ang excitement sa boses niya.

"Apollo. Tulungan mo ako." Bumuhos muli ang mga luha sa mata ko.

Hindi siya sumagot ng ilang segundo. "Ember what happened? Are you crying? Where are you? Are you fine?" bakas ang pag-aalala sa boses niya.

"Si Nanay Apollo napahamak. Tulungan mo ako." Hindi ko mapigilang mapahikbi.

"What?!" hindi makapaniwalang pahayag niya, "what happened?"

Hindi ako kumibo at kinuyom lang kamao habang iniisip ang ginawa ni Mirasol kay Nanay.

"Is it Tita Mirasol again?" napagtantong tanong niya sa akin. Kahit hindi ko sabihin, alam kong alam niya na si Mirasol lang ang pwedeng gumawa nito sa amin.

"Saan si Tita Feb and Agosto?" nag-aalalang tanong niya pa.

Muli na namang pumatak ang luha sa mga mata ko nang naalala saan si Dodong at Nanay. Suminghot at pinahiran ko ang luha bago ko siya sinagot.

"Nasa hospital sila ngayon. Si Nanay..." hindi ko matapos ang sasabihin dahil nasasaktan ako kapag naiisip ko ang lagay ni Nanay na duguang nakahiga sa sahig.

"It's fine Ember. Shhh. It will all be fine," alo niya sa akin. Kaya mas lalo akong naiyak.

"Tulungan mo ako Apollo. Please."

"Saang probinsiya sila ngayon? I will go there," determinadong pahayag pa niya.

"Nasa Negros sila. Iti-text ko na lang sa 'yo ang address nila. Please Apollo, hindi ko na alam ang gagawin ko," iyak na sabi ko habang pinapahiran ang mga luha na walang balak tumigil sa pag-agos.

"I will Ember. I will. Just be calm and strong for Tita Feb and Agosto. Okay?"

Napatango ako kahit hindi niya naman ako makita. "Thank you," singhot na sabi ko.

"You're always welcome Ember. Everytime."

Napatango na lang ako at kinalma ang sarili. Wala na akong pakialam sa pride. Ang importante ay ang kaligtasan nila. Alam kong naging pamilya na rin ang turing ni Apollo kina Dodong at Nanay.

********

How many cans of beer have I already drunk? Five? Ten? I don't know. I already lost count.

I'm done with my work in the office and I want to drink alcohol but I don't want to go to Jeb's club. So I drink inside my office. Alone.

I might see her again if I go there.

It has been days since she's always inside my head. But I still can't forget those beautiful eyes. Those soft and pinkish lips. Her soft skin rubbed against mine. Her cute nose. Her funny reactions. Her contagious laugh.

Damn! I don't know kailan pa naging ganito ang epekto niya sa akin.

That's why I distanced myself. I don't wanna fall deep in her trap. It's dangerous.

I am busy with my thoughts when my phone rings. I saw my sister's name on the screen so i picked it up.

"Hello Kuya?"

"Hello Precious," I greeted back my sister.

"We're on our way back home ni Mommy. Anong pasalubong gusto mo?" she excitedly said.

I smiled for what she said. "Anything. Just ,you two, come back here already. I miss you both."

She sweetly laughed. "Yes Kuya. We might buy more signature bags and shoes if we stay here longer," she laughed harder, "we also bought bags for Ate Stacy and Chastity. Tell them, okay? Especially Ate Stacy."

I just sighed. Hindi pa rin siya tumitigil sa kakatulak kay Stacy sa akin. "Fine," I just simply replied.

"Okay Kuya. I love you. Bye--"

"Ahm Precious," I stopped her.

"Yes Kuya?"

I contemplated if I should ask her. But I have to confirm it again. "What's the name of the waitress again who you saw with your cheating Ex-boyfriend in a restaurant?"

Seconds have passed before she responded. "I forgot. Des? Desiree? Daisy? I honestly forgot Kuya. Why?"

"Nothing. Okay I have to put this call down. Take care and I love you."

"I love you too Kuya Brave," she replied and dropped the call.

I balled my fist dahil sa sinabi ng kapatid ko. So it's really her.

She's the reason why my sister almost killed herself.

I clenched my jaw and throw the empty can on the wall. I really hate women who ruin someone else's relationship for money.

Is she really like that? Why it must be her?

=======

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top