Chapter Thirty Four
Kinaumagahan ay maaga na naman akong nagising. Naghanda na lang ako ng almusal. Tulog kaagad ang Bruha pagkarating niya galing trabaho. Mukhang masyado siyang napagod sa trabaho kanina. O baka kay Brave at Apollo siya napagod. Lol.
Habang nagkakape ay hindi ko mapigilang isipin ang mga nangyayari sa mga nagdaang araw. Para kasing medyo gumugulo ulit ang tahimik kong buhay.
Hindi ko alam kong bakit nagkakaganito. Hindi naman ganito dati sa nagdaang isang taon. Hindi ko na lang iniisip pa. Maybe I'm just overthinking things.
Habang nagkakape ay umilaw ang selpon ko at nakita kong may nag-text. Binuksan ko ito at nakita ang dalawang numero na hindi nakarehistro sa contacts ko.
09738489392
Good morning, Ember. Eat your breakfast and see you later. 😊
Napakunot noo ako sa nabasa. Alam ko namang si Apollo 'to. Pero paano niya nakuha number ko? Ipinagkibit balikat ko na lang. He always has his ways. Kahit noon pa.
Binuksan ko ang isa pang text galing sa isa pang hindi nakarehistro na numero.
09158903024
6 PM tonight. I won't take NO as an answer.
Mas lalo kumunot ang noo ko sa nabasa. Kahit hindi nagpakilala, alam ko na kung sino 'to. Sa paraan pa lang ng pagkaka-text.
Ano na naman ba 'tong kaabnoyan ni Brave? At saan niya nakuha number ko?
Hindi ko kasi ino-open ang messenger ko dahil alam kong puro lang 'yon kalokohan ng group chat na gawa ni Chino. Kaya siguro napa-text ang Brave na 'to.
Nakakaasar na ang mga pinapakita at kinikilos niya ha. Kung makaasta akala mo naman naka-move on na sa love of his life niyang si April.
Baka naaapakan lang ang ego nito kaya siya ganito. Dinadamay niya pa talaga ako sa kaartehan niya sa buhay. Bwiset.
Hindi ko sila nireplayan pareho at hinugasan na lang ang pinagkainan. Gusto kong matulog ulit dahil mas mapapaaga ako mamaya. Ayaw kong umabsent. Baka wala na akong sahod sa katapusan ng buwan.
******
Mga alas kuwatro na nang gumising ako. Kita ko pa rin si Karen na nakadapa habang malakas na humihilik.
Natatawa ako sa mukha ng Bruha kaya kinuha ko ang cellphone at pinikchuran ang mukha niyang nakanganga. Binuksan ko ang GC at sinend ang picture ng Bruha.
Wala pa ngang sampong segundo nakita ko nang nag-react ang mga Damuho.
Pusong Virgin: Hahaha so funny. Hello Des.
Pusong Inapak-apakan: Hi Angel.
Pusong Maingay: 1 Like=1 prayer.
Pusong Mabalbon: Karen looks cute. Hahaha.
Lol. Cute? Saang banda? Para ngang tuhod ng kalabaw ang mukha ng Bruha. Haha.
Pusong Maingay: Sayang. Ang bait na bata pa naman. Ganyan siguro talaga ang buhay.
Pusong Virgin: Don't joke like that Chino. She will be your future wife.
Pusong Mabalbon: Hahahah.
Pusong Maingay: Mamatay na lang akong single! Hahaha. Joke lang. Ikaw Anghel ha, natuto ka ng manukso.
Natawa na lang ako sa mga kalokohan nila. Sana mabasa 'to ng Bruha pagkagising niya.
Pusong Matapang: 6 PM.
Nanliit na naman ang mata ko dahil sa message ni Brave. Parang abnormal. Sinarado ko na lang ang messenger at nagsimulang magbihis.
Baka naghihintay na si Apollo.
Alas singko pa lang ay tumungo na akong papuntang club. Medyo traffic dahil rush hour kaya na-late ako ng 20 minutes.
Pero pagkarating ko sa labas ng club ay wala akong nakitang Apollo na naghihintay. Lumilingon-lingon ako sa paligid pero wala talaga.
Tumunog ang selpon ko at may tumatawag. Isa sa mga numerong hindi nakarehistro. Baka si Apollo kaya sinagot ko na lang.
"Saan ka na ba? Nandito na ako."
"I'm waiting for you here in the high way where I dropped you last time."
Nabigla ako sa narinig. Kabisado ko na ang boses ni Apollo at alam kong hindi siya ang kausap ko ngayon. Tiningnan ko ang numero at napagtanto na si Brave ito.
Ang lalim at lamig ng boses niya.
Sasagutin ko na sana pero nakita kong mabilis na naglakad papalapit sa akin si Apollo. Pinatay ko ang tawag at hinarap ang namamawis na mukha ni Apollo.
"Bakit ngayon ka lang?" tanong ko sa kanya habang pinagmamasdan ang mukha niya, "bakit hinihingal ka at namamawis?"
"Ember," hinihingal pa ring sabi niya, "let's talk somewhere else." Lumilinga-linga pa siya sa paligid na parang may binabantayan.
Kinabahan ako sa mga kinikilos niya.
"Anong nangyayari? May problema ba?" concern na tanong ko sa kanya.
Hindi siya nagsalita at hinigit ang kamay ko patungo sa isang sasakyan.
"Ember dapa," bulong niyang sabi kaya napasunod ako sa kanya at napaupo.
Sumisilip siya sa bandang unahan habang nakatago kami sa likod ng sasakyan. Sinundan ko ang tinitingnan niya at nakita kong may tatlong lalaki na palinga-linga sa paligid. Parang may hinahanap.
Kinakabahan ako.
Ayaw ko muna siyang tanungin dahil baka marinig at makita pa nila kami. Mga ilang minuto kaming nakayuko bago umalis ang tatlong lalaki.
Kita ko pa rin ang pawis sa noo ni Apollo. Malakas pa rin ang tambol ng puso ko. Hindi ko alam ano ang nangyayari.
"Apollo," tawag ko sa kanya, "sino sila?"
Hindi siya nagsasalita ng ilang segundo. Nakatitig lang siya sa mukha ko at pilit na ngumiti.
"It's nothing, Ember." Kita pa rin ang kaba sa mukha niya.
"Sabihin mo sa akin sino sila, Apollo. Bakit tinataguan mo sila?"
Matamang nakatitig siya sa mga mata ko. Nagtatantiya kong sasabihin niya ba o hindi. Bumuntong hininga siya nang malalim bago ako sinagot.
"I'll tell you when the right time has come."
"Bakit hindi na ngayon?" Hindi ko mapigilan na magtaas ng boses. Nag-aalala ako sa mga susunod na mangyari.
"Promise, I'll tell you everything kapag nasa tamang oras na. I don't want you to be involved, Ember."
Mas lalo akong nag-alala dahil sa sinabi niya.
Pipilitin ko pa sana siya na magsabi ng totoo pero may tumawag sa kanya. Lumayo siya nang bahagya sa akin para sagutin ang tawag. Hindi ko man rinig ang sinasabi niya pero kita ko ang hindi mapakaling mukha niya habang kausap ang nasa telepono.
Nang matapos na siya sa tawag niya ay lumapit siya sa akin at hinawakan ang dalawa kong kamay.
"Ember, I'm sorry. I have to go." Bakas pa rin ang kaba sa mukha niya at pawis sa noo.
"May problema ba Apollo? Nag-aalala na ako."
Binigyan niya ako ng isang pilit na matamis na ngiti. "I'm glad you still care, Ember."
Nahihiyang napayuko ako sa sinabi niya.
"I'm really sorry. I'll just text you, okay?"
Napatango na lang ako. Bako ako makapagsalita ay niyakap na niya ako nang mahigpit. Nabigla ako sa ginawa niya. Nakatayo lang ako hanggang sa kumalas siya.
Nakita ko ang matamis na ngiti niya at tumalikod paalis.
Hindi magkahumayaw ang puso ko dahil sa mga nangyayari. Nang tumalikod ako ay tumambad ang madilim na mukha ni Brave.
Lumapit ako sa kanya at kita ko ang mga salubong na kilay niya.
"You chose him over me, huh?" parang asido ang mga salita ng pagkakasabi niya. Naka-smirk siya pero kita ko ang umaapoy na mga mata niya.
"Wala akong natatandaang pumayag ako sa date na sinasabi mo," nakataas na kilay na sagot ko sa kanya.
Hambog na tumawa siya nang mahina. "Okay," kibit balikat niyang sabi, "do whatever you want. I don't fucking care."
Tumalikod siya at nagsimulang maglakad papasok ng club.
"Iinom ka na naman? Hindi pa bukas ang club," pigil ko sa kanya. Huminto siya at hinarap ako ulit.
"Why do you care?" nakataas na kilay na sagot niya, "you are not even my girlfriend."
Tumalikod ito ulit at pumasok ng club.
Jusko! Ano ba ang mga nangyayari? Ang sakit sa bangs!
======
A.N: Yey! Nakapag-update kahit busy. Haha.
Vote or leave a comment. I will appreciate it a lot. Muah!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top