Chapter Thirty Five


Kahit maaga pa ay pumasok na ako sa club. Hindi kasi natuloy ang pag-uusap namin ni Apollo kaya alas syete pa lang ay nasa club na ako. Pagkatapos ng shift ko na lang iisipin ang mga kinikilos niya kanina.

Nasa isang mesa lang ako nakaupo habang hinihintay dumating ang Bruha. Nakita kong nasa bar area si Brave at Jeb. Umiinom.

Simula kanina ay hindi ako pinapansin o tapunan man lang ng tingin ni Brave. Hindi ko na lang pinansin.

Parang babae kung magtampo. Lol.

Sa halos isang buwan ko ng nagtatrabaho sa club na 'to, ngayon ko lang napagtanto na si Jeb pala ang may ari ng club. Akala ko kasi dati na Manager lang siya.

Pero wala namang Manager na umiinom kasama ang customer kahit kaibigan niya pa ito. At tsaka 'yong increase na sahod na sinabi niya kay Karen sa group chat. Kaya baka siya talaga ang owner ng club na 'to.

Bumalik na lang ako ng locker area at doon hinintay si Karen. Pagkapasok ko ay nakita ko ang mga dating kaibigan ni Gorgie na nagtatawanan habang nagmi-make-up. Nakita kong nakatayo lang si Gorgie sa nakabukas na locker niya. Doon siya nag-aayos ng kanyang sarili.

Rinig kong maarteng tumatawa ang mga impakta habang pinag-uusapan nila si Gorgie. Nanliit ang mga mata kong tiningnan sila at ang malungkot na mukha ni Gorgie.

May civil war bang nangyayari sa kanila?

Maya-maya pa ay may pumasok na bouncer.

"Gor--" naputol ang sasabihin ng bouncer dahil dali-daling lumabas si Gorgie ng locker area.

Maarteng nagtawanan ang mga dating alipores ni Gorgie.

"Gorgonya Dilatmata," maarteng tapos pa ng isang impakta sa sinabi ng bouncer at tumawa ang mga kasama niya.

"Des, her name is ugly, right?" tanong sa akin ng pinakapandak sa kanila. Sobrang trying hard naman mag-English.

Hindi ko siya sinagot at tiningnan lang sila gamit ang straight face ko. So ito na pala ang bagong leader nila?

Ang paplastik ng mga impaktang 'to.

"Come here, Des," tawag pa ng isa, "I have a brand new make-up galing US."

Tinaasan ko sila ng kilay at humalukipkip. "Ayaw ko. Baka kapag lumapit ako diyan masusunog ako."

Medyo naguluhan ang mga mukha nilang tiningnan ako dahil sa sinabi ko.

"What do you mean?" pekeng tumawa pa ang pandak.

"You know na, Global Warming. Baka masunog kayo dahil hindi lang ang mga mukha niyo ang pinaplastik surgery, pati ugali at buong pagkatao niyo plastic," nakataas na kilay at ngisi na sabi ko pa sa kanila.

Kita kong napanganga sila sa sinabi ko. Mas lalong lumaki ang ngisi ko dahil sa mga mukha nila.

Wala akong oras makipagplastikan sa mga impaktang 'to.

"How dare y--" naputol ang sasabihin ng pandak dahil sumabat ako.

"Hep! Dahan-dahan sa paggalaw ng mukha. Nakatabingi na ilong mo," mapanuksong tiningnan ko ang mga galit sa mukha nila.

Sarap magsunog ng mga plastic na tao! Lol.

Tumawa ako at hindi na hinintay ang sasabihin nila at lumabas ng club. Pagkalabas ng club ay nakita ko si Gorgie sa malayo na may kausap na lalaking medyo may edad na. Parang nagtatalo sila.

Nakita kong sinampal si Gorgie ng lalaki at umalis ito. Napaupo si Gorgie habang umiiyak.

Sino 'yon?

Nilapitan ko siya at inilahad ang panyo na nasa bulsa ko. Nakatingalang tiningnan niya ako.

"Kunin mo na," ikling lahad ko sa kanya.

Pinahiran niya ang kanyang mukha at tumayo. Hindi niya tinanggap ang panyo. Nakita kong kumalat ang maskara sa mukha niya. Hindi siya nagsalita at tumalikod.

"Gorgie," pigil ko sa kanya at tumigil ito sa paglalakad, "huwag ka munang pumasok habang hindi mo inaayos mukha mo. Pagtatawanan ka lang nila."

Hindi siya sumagot at tumakbo papunta sa kaharap na comvenient store. Baka doon siya
mag-aayos ng sarili. Napabuntong hininga na lang ako.

"Des."

Napalingon ako at nakitang matamang nakatitig sa akin si Karen. Nanliliit pa ang mga mata niya.

"Tama ba ang nakita ko kanina?" tanong pa niya.

"Hindi. Namalik mata ka lang," biro ka sa kanya.

"Ang bait natin ngayon ha. Samantalang kaninang hapon lang ang demonyo natin," sabi pa niya.

"Anong kadramahan na naman 'yan Karedad," pagmamaang-maangan ko pa.

"Bakit mo sinend ang ganoong mukha ko sa GC, Des!" pagmamaktol pa niya.

Natawa na lang ako sa mukha ng Bruha. "Wala namang pinagkaiba sa mukha mo ngayon. Haha."

"Ang yabang mo. Kapag ako gumanda, itatakwil kita bilang bestfriend ko."

Mas lalo akong natawa sa sinabi ng Bruha. "Pa-check up ka. Malala ka na."

Tumalikod na lang ako at nagsimulang maglakad pabalik ng club habang rinig ko pa rin ang reklamo ng Bruha.

*********

I am on my deep thoughts when Jeb interrupted me. I thought he already left.

"What's your plan with Des?" he asked.

I frowned with his questions. "What do you mean?"

I saw seriousness sa mukha niya while looking directly into my eyes.

"Des is a kind woman Brave. Stop it already if may binabalak ka," he said and left me alone.

I just drank the alcohol in the glass and clenched my jaw. I don't want anyone to ruin my plans.

She has to pay for something she has done.

While busy with my thoughts, I saw her entered from the door with her friend. Our eyes met and she started walking towards me. I sat properly and looked away.

Her eyes are dangerous.

"Ang aga mo namang planong maglasing," she said while casually staring at me.

I hate how she creates panic within me with just her simple stares.

"Why do you care? You are not my girlfriend, remember?" I spit the words like they are acid.

"Okay. Bahala ka sa buhay mo. Malaki ka na," she simply replied and started walking.

"Wait!" I stopped her.

"Ano?" She's waiting for my reply.

I hate how she's so tough when talking to me while she's like a child kapag kausap ang instik na 'yon. She even let him hug her many times.

"You are still my girlfriend for hire. I paid you to be one. So stop flirting with another guys," I challenged to look at her beautiful yet dangerous eyes.

I saw her raised her brow. "Kung makapagsalita ka diyan akala mo naman nakapagbayad ka na. Bayaran mo muna ako bago ka mag-demand diyan."

I clenched my jaw and balled my fist dahil sa sinabi niya. She's really the girl I thought her to be. Gold-digger and money-hungry.

I want to punch myself for caring kahit ano pa siya. That's not my plan. I don't want to get trapped with her potion.

I will use her to take April back and let this girl pay for what she had done.

"If you are that hungry for money, then I will double it tomorrow." I saw hurt in her eyes for a while bago napalitang ng ngisi.

"Good. Pakibilisan na lang. Wala ng libre ngayon. Mahal na ang bigas," she said while the smirk is still on her face.

Why is she so tough to other people, including me? Pero kapag kausap niya ang intsik na 'yon, she's so vulnerable.

"Wala ka ng sasabihin? Aalis na ako. Mahal ang bayad ng oras ko," she said and left me.

I balled my fist while following my eyes sa nilalakaran niya and drank the alcohol in the glass in just one gulp.

I fucking hate a woman like her.

==========
A.N: Late update. Sarrey ahahah

Shout out pala sa mga readers ko na nagpo-promote ng stories ko sa iba. Salamat po.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top