Chapter Thirty Eight
Mga ilang araw na rin ang lumipas nang medyo tumahimik ang araw ko. Hindi na nagparamdam si Apollo simula noong una naming pag-uusap. Hindi ko alam kung may inaasikaso siya o tungkol ba ito sa mga lalaking pinagtataguan niya.
Wala rin akong nakitang kahit na anino ni Brave na pumupunta sa club. Hindi na ito bumalik simula noong naglasing ito. Baka busy na sa buhay niya or baka nahiya sa pinaggagawa niya habang lasing.
Ipinagsamalat ko na lang ito. At least nagbalik sa normal ang tahimik kong buhay.
Sabado ngayon at birthday na ni Dodong. Kanina ko pa tinatawagan si Nanay pero hindi ito sumasagot. Baka na-busy lang sa paghahanda. Nag-iwan na lang ako ng birthday message para sa maldito kong kapatid.
"Des, kain na," aya ni Karen sa akin. Siya ang nagluto para sa tanghalian namin.
Pumunta ako sa mesa at nakitang marami ang pagkain na niluto niya.
"Bakit ang dami? Birthday mo ba?" takang tanong ko sa kanya habang isa-isang tiningnan ang mga pagkain sa mesa.
"Hindi. Tapos na kaya ang birthday ko. Noong nakaraang buwan pa. Hindi mo nga ako binati n'on. Hmpf!"
"Hindi ko alam kailan birthday mo. At mas mabuti nang huwag mo ng sabihin. Baka makagastos pa ako pambili ng regalo sa 'yo," natatawang pagloloko ko sa Bruha.
"Ang bait mo talagang bestfriend Des," sarkastikong pahayag pa niya, "buti pa ako, alam ko birthday mo kahit hindi mo sabihin sa akin. Ganyan ang totoong bestfriend, Des."
Napailing na lang ako sa sinabi ng Bruha. Ipinagpipilitan niya talagang bestfriend ko siya. Dami talagang kadramahan sa katawan.
"Ewan ko sa 'yo Karedad. Pero bakit nga ang daming pagkain na nakahanda? May bisita ka ba?"
Nahihiyang tumango ang Bruha habang parang kinikilig na nakangiti. Pinanliitan ko siyang tinitigan at napansin na naka-make up pa talaga siya.
"Tanghaling tapat ang landi-landi mo Karedad!"
Tumawa pa ang Bruha bago ako sinagot. "Kung makasabi ka namang malandi Des. Hindi pwedeng friendly lang talaga ako?"
"Itigil mo na iyang kahibangan mo. Sino ba ang bisita mong pupunta dito?"
"Si Chino at Angel," simpleng sagot niya sa akin.
Medyo nabigla ako sa mga pangalang binanggit niya.
"Bakit mo sila pinapapunta dito?!"
"Bakit naman hindi Des?"
Napasapo na lang ako sa noo. Nakalimutan kong bobita pala 'tong si Karen. Sinabihan ko na siya dati na bawal magpapunta ng mga bisita sa apartment namin lalo na kung mga lalaki ito.
"Hindi ba parati kong sinasabi sa 'yo na close friends o relatives lang pwedeng pumunta dito?"
"Friends naman natin sila Oppa at Angel."
"Close friends lang ang pwede. Hindi lang basta-bastang friends," pagdidiin ko pa sa salitang close.
"Wala namang pinagkaiba 'yan Des. Pareho lang meaning niyan. Kaibigan."
Napapailing na lang ako sa kabobohan ng Bruha.
"Ewan ko talaga sa 'yo. Sana lumaki na 'yang monggo mong utak."
Tumawa lang ang Bruha at nagsisimula na siyang maglapag ng mga plato para sa dalawang bisita.
Hindi ko na hinintay pa na dumating si Chino at Angel. Nagsimula na akong magsandok ng kanin at ulam nang biglang malakas na bumukas ang pintuan.
"Hello! Haha."
Nakita ko ang malaking ngisi ni Chino habang maliit na naka-smile lang sa gilid niya si Angel.
"Oppa! Angel! Dali pasok kayo."
Nagmistulang bahay ng duwende ang apartment namin dahil sa tangkad ng dalawa. Nakasimpleng t-shirts lang sila at shorts. Pero ang lakas pa rin ng dating ng dalawa.
"Hi Des. Haha," bati ni Chino sa akin at umupo sa tabi ni Karen.
"May plano ka bang sirain pintuan namin? Hindi ka man lang kumatok," sita ko sa ginawa ng loko.
"Para-intense ang entrance namin ni Anghel. Haha. May dala kaming ice cream at desserts," natatawang sagot ni Chino.
"Hi Des," nakangiting bati sa akin ni Angel.
"Hello Angel," sukling bati ko sa kanya. Medyo nahiya ako sa hitsura ko. Wala kasing pasabi ang Bruha na may bisita pala siyang inimbitahan. Sana nakapagsuklay man lang ako.
At buti na lang parating naglilinis ang Bruha sa apartment. Nakakahiya sa dalawang 'to kung magulo ang maabutan nila. Mga rich kids pa naman 'to.
"We brought ice cream and desserts," sabi pa ni Angel at nilapag ito sa mesa. Umupo rin siya sa bakanteng upuan sa gilid ko.
"Salamat," ngiting sagot ko na lang.
"Ang sarap naman nito. Tamang-tama talaga hindi pa kami kumain ni Anghel," natatakam na sabi ni Chino.
"Ako ang nagluto lahat niyan Oppa. Hehe," pagmamayabang pa ng Bruha. Pero masarap naman talaga siyang magluto.
"Wow! Galing mo Lisa! Haha."
"Bakit kayong dalawa lang?" casual na tanong ko sa dalawa. Nakakapanibago lang kasi na hindi magkasama silang apat.
"Kami lang kasi ang available ngayon. Busy si Matapang sa trabaho. Ilang araw kasing hindi pumapasok. Baka natambakan na 'yon ng mga gawain. Haha," paliwanag ni Chino sa akin.
"At tsaka, ako na ang gumawa ng first move para sa manok ko. May hinahanap ka bang iba Des?" ngising sabi pa niya. Tinaas-baba pa niya ang dalawang kilay niya habang nakatingin sa akin.
Puro talaga kalokohan ang Chinito na 'to.
Hindi naman nagtanong si Angel at Karen sa ibig sabihin ni Chino. Hindi ko na lang din pinatulan ang kalokohan ng Loko. Kaya nagsimula na kaming kumain.
Naaliw ako sa mga kaabnoyan ni Karen at Chino. Kahit saan-saan na umabot ang mga kabaliwan nila. Natatawa na lang kami ni Angel sa dalawa.
Pagkatapos kumain ay nagpasya kaming manuod ng movie. Horror ang pinili ko bago pa makaisip ng kalokohan si Chino.
Lovestory kasi ang gusto ni Chino at Karen. Sinabi ni Angel sa akin na paborito ni Chino ang mga baduy na lovestories. At matakutin ito kaya Horror ang pinili ko para makaganti sa Loko.
Habang nanunuod ay parang bakla na tumitili si Chino kahit hindi naman nakakatakot. Minsan napapayakap pa siya kay Angel. Nagpresentar pa ang Bruha na siya na lang daw ang yakapin ni Chino.
Iba rin ang landi ng Bruha. Lol.
Natawa na lang ako sa dalawa. Minsan nahuhuli ko rin na tumititig si Angel sa akin. Kaya nahihiyang napaiwas na lang ako ng tingin at nag-focus sa palabas.
Mga hapon na nang natapos namin ang movie. Nagpaalam na rin si Chino at Angel dahil may kanya-kanyang lakad pa raw sila.
"Salamat Lisa! Salamat Des!" Malaki pa rin ang ngisi ni Chino at ngiti ni Angel nang hinatid namin sila sa kanilang sasakyan.
"Thank you Karen and Des," nakangiting pasasalamat din ni Angel.
"Salamat din sa inyo. Nag-enjoy kami. Ingat kayo sa pag-uwi," sukling ngiting paalam ko sa dalawa. Tumango sila bago umandar paalis.
Naligo ako agad pagkatapos pagkarating ng apartment. May pasok kami ni Karen at sabado ngayon kaya kailangan naming maagang pumasok dahil maraming customers.
Habang nagaayos ng sarili ay narinig kong may tumatawag. Nakita ko ang numero ni Nanay kaya dali-dali ko itong sinagot.
"Hello Nay! Musta birthday ni Dodong?" excited kong sabi.
"Ate."
Nawala ang ngiti sa labi ko dahil sa narinig. Isang salita lang ang sinabi ni Dodong pero parang nanigas ang buong katawan ko.
"Dong," kabadong sampit ko sa kapatid ko. Kinakabahan ako dahil huling narinig ko na tinawag ako ng kapatid ko na Ate ay iyong muntik na siyang mapahamak.
"Ate," muling sampit ni Dodong. Ramdam ko ang kaba sa boses ng kapatid ko. Parang umiiyak din siya.
"Dong. Ayos lang ba kayo? Nasaan si Nanay?" kabadong tanong ko sa kapatid.
"Ate," rinig kong umiiyak na siya. Mas lalo akong kinabahan, "pumunta si Papa kaninang umaga dito sa bahay."
"Ano?! Paanong nangyari? Paano niya nalaman saan kayo nakatira?" Tumaas lahat ang balahibo ko sa katawan dahil sa narinig.
"I don't know. But he already left," singhot niyang sagot, "Ate, may mga lalaki sa bahay. Hinahanap nila kung nandoon pa si Papa."
Mas lalong lumakas ang tambol ng dibdib ko sa sinabi ni Dodong. Napamura ako sa narinig.
"Nasaan si Nanay Dong?!" hindi ko na napigilan na tumaas ang boses. Kinakabahan ako nang sobra.
"Nasa bahay Ate. Pinapatakbo niya ako palayo. Ate, natatakot ako kung anong gagawin nila kay Nanay." Mas lalo siyang umiyak.
"Magtago ka lang at hintayin mo lang si Nanay. Maliwanag ba Dong?"
"How about Nanay Ate? They might do something bad to her," hagulhol na sagot niya.
Hindi ko na napigilan ang umiyak din. "Basta magtago ka lang at papuntahin mo lahat ng kakilala mo sa bahay. Hindi sila gagawa ng masama kapag maraming tao. Maliwanag ba?"
"Yes Ate."
Nasa kapahamakan si Nanay. Silang dalawa lang ni Dodong doon. Hindi ko alam ano ang gagawin ko kung may mangyaring masama kay Nanay at Dodong.
Papatayin ko talaga ang demonyong Mirasol na 'yon kung may gagawin siyang masama!
========
A.N: Thanks for the continuous support.
Your thoughts about this Chapter?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top