Chapter Thirty
Mabilis pa rin ang lakad ko palayo kay Brave. Hindi pa rin magkahumayaw ang tibok ng puso ko. Parang gusto itong lumabas sa dibdib ko sa lakas ng tambol.
Habang patuloy sa paglalakad ay namataan ko si April at Stalwart sa isang bahagi ng parking space. Nakatingin silang dalawa sa amin.
Na-triple kill na naman ako sa napagtanto. Hindi ko na alam kung ilang beses na akong naging bobo sa araw na 'to. Parang wala ako sa matinong isip.
"Babe!" tawag ni Brave sa akin. Nilalakasan niya talaga ang boses niya kahit hindi naman kami gaanong malayo sa isa't-isa. Sinadya niyang iparinig sa love of his life niya. Pumasok na sina April at Stalwart sa sasakyan at umalis.
Everything just went according to his plans.
Kukwentahin ko talaga ang lahat ng dapat niyang ibayad sa akin. Maraming beses na niyang akong naisahan. Hindi na ako natutuwa.
He was able to catch up at parang tanga siya sa ngisi niya. Mukhang natutuwa siya sa mga nangyayari.
"Why do you walk so fast?" tanong niya pa habang sinasabayan ako sa paglalakad.
"Gusto ko ng umuwi," sagot ko sa kanya. Pero hindi ko siya nilingon. "Nasaan ba ang sasakyan mo?"
"It's on the other way. You're walking away from my car."
Napahinto ako sa sinabi niya at hinarap siya. "Bakit hindi mo sinabi?!"
"Because you walked too fast," nakangising sagot pa niya. Parang tuwang-tuwa talaga siya sa mga nangyayari.
Hinampas ko siya ng bag kong dala. "Bwiset ka talaga!"
Hindi siya nagreklamo at tumatawa lang siya. First time kong makita siyang tumatawa nang malakas at genuine.
"Bakit parang ang saya-saya mo ata?!" galit na singhal ko sa kanya.
"Is it bad to be happy?" pigil na tawa niya pang sabi.
"Hindi ko gustong masaya ka!" asik na sabi ko sa kanya.
Mas lalo pa itong tumawa. Namumula ang cheeks niya at nawawala ang mga mata. Kaya taas kilay ko lang siyang tiningnan. Hinihintay matapos siyang tumawa.
"Gusto mo ipa-mental na kita?" sabi ko sa kanya.
"What are you talking about?" Kita pa rin ang pigil na tawa niya sa mukha niya.
"Ewan ko sa 'yo. Saan ang sasakyan mo?" Hindi ko na lang pinatulan ang kaabnoyan niya. Baka nahawaan na ito kay Chino.
Tumigil na siya sa kakatawa pero parang timang siyang nakangiti.
"I saw her reaction after what she saw," hinang sabi niya habang nakangiti. Dinedma ang tanong ko. Parang kausap niya lang naman ang sarili niya. But it seems like it's about April.
**********
Habang nasa biyahe, tahimik lang akong nakatingin sa bintana. Iniisip ko pa rin na itigil na itong kahibangan namin. Medyo delikado na. Natatakot na ako. Binalik ko na lang ang atensiyon sa daan. Medyo traffic kaya mas lalo akong nainis.
Gusto ko ng umuwi!
"Why are you so silent? It's so not you," biglang sabi niya habang diretso lang tingin sa daan.
Nilingon ko siya at bumuntong hininga. "I'm computing kung magkano na lahat ang ibabayad mo sa akin."
Nakita kong medyo nagseryoso ang mukha niya at humigpit ang hawak sa manobela. "So it's still about money, huh?"
"Of course," sagot ko sa kanya. Binalik ko ang tingin sa daan. "Wala ng libre ngayon. Kaya additional ten thousand 'yong ginawa mo."
Hindi ko narinig na nagreklamo siya. Kaya hinayaan ko na lang. Hindi na muli kami nag-usap pagkatapos. Ayaw kong makipag-usap sa kanya. Parang wala pa rin ako sa huwisyo. Hindi na rin naman siya nagsasalita. Kaya ipinagsalamat ko na lang ito.
"Itabi mo ang sasakyan," sabi ko sa kanya nang namataan ko si Nanay Terry.
"Nandito na ba tayo?" tanong ni Brave nang hininto niya ang sasakyan sa tabi.
Hindi ko siya sinagot at bumaba lang ng sasakyan at binitbit ang nakabalot na take-home namin na pagkain.
"Nay Terry," tawag ko dito, "may dala po akong pagkain para sa inyo." Binigay ko sa kanya ang plastic na dala.
"Naku anak, nag-abala ka pa. Pero maraming salamat," ngiting sagot niya sa akin.
"Walang anuman man po. Bakit hindi pa ho kayo umuuwi? Nasaan po si Toto at Annie?" Tukoy ko sa kambal niyang anak.
"Nasa bahay na ang dalawa, naghihintay sa akin. Papauwi narin ako Nak. Hinihintay ko lang maubos 'tong natitirang paninda," pahayag niya habang inaayos ang natitirang panindang saging.
"Bibilhin ko na po ito. Wala na rin kaming stock ng saging sa apartment," sabi ko.
"Naku, huwag na Nak. Hindi pa nga ako nakapagsalamat sa binigay mong pagkain at pera noong nakaraang araw."
"Okay lang po talaga. Wala na rin po kasi kaming saging sa apartment."
"Salamat talaga Nak." Niyakap niya ako at niyakap ko siya pabalik.
Nakangiti siya sa akin nang kumalas siya sa yakap. "O sino itong napakagwapong binata? Boyfriend mo ba?"
Napalingon ako sa kanan ko at nakitang nakangiting nakatayo si Brave na tumingin kay Nanay Terry. Umakbay pa siya sa akin. Kaya mas lalo akong hindi mapakali.
"Hin--" hindi natapos ang sasabihin ko dahil nagsalita si Brave.
"Magandang gabi po. I'm Brave po," ngiting bati niya kay Nanay Terry at nagmano.
"Napakagwapo naman nitong bata. Bagay na bagay kayo Des," masayang pahayag pa ni Nanay Terry.
"Ahh hindi po--" naputol na naman ang sasabihin ko dahil nagsalita si Brave.
"Ako na po ang maghahatid nito sa sasakyan." Kinuha niya ang dalawang plastic bags ng saging na dala ni Nanay Terry.
"Sige iho. Salamat. Sige mga anak, dito na muna ako ha. Salamat sa pagbili ng natira kong paninda," sabi ni Nanay Terry at nagsimulang itulak ang kareton.
"Ingat po kayo Nay sa pag-uwi," sabi ko.
"Sige mga anak. Kayo rin. Ingat kayo."
"Salamat po," sabay naming sabi ni Brave. Kaya nahiya akong napaiwas ng tingin sa kanya.
Nang nakalayo na si Nanay Terry ay nahihiyang naglakad ako pabalik ng sasakyan. Hindi ko naman narinig na nagtanong si Brave. Tahimik lang siya sa biyahe hanggang sa makarating kami sa high-way ng apartment namin.
Bumaba ako agad at nagsimulang maglakad papuntang apartment. Kahit hindi ako lumilingon, ramdam kong nakatingin lang si Brave hanggang sa lumiko na ako.
Huminto ako saglit at napabuga nang malalim na hininga.
Bakit naiilang na ako sa kanya?
Iwinaksi ko na lang ang idea at pumasok ng apartment. Namataan ko si Karen na tumatawa habang nagseselpon.
"Des," tawag niya sa akin nang makita niyang nilapag ko ang dalang saging sa mesa, "kamusta ang date?"
Pinanliitan ko siya ng mata sa sinabi niya. Paano niya nalamang may date ako kanina? Kung date nga ba ang tawag d'on.
"Anong date pinagsasabi mo diyan? Libing ang pinunta ko," sagot ko sa kanya.
"Okay. Sabi mo eh," natatawang sabi pa nito at binalik ang atensiyon aa cellphone niya. Halatang hindi naniwala sa sinabi ko.
Kahit hindi ko siya tatanungin, alam kong si Chino ang nagsabi sa kanya. Baka pati na rin siguro sa ginawa ni Brave sa party, si Chino ang nagsabi sa kanya.
Paano kaya nalaman ni Chino ang date? Kalalaking tao napaka-tsismoso talaga ng Lokong 'yon.
Hindi ko na lang pinansin.
Humiga ako nang matapos kong ayusin ang sarili. Nakita kong may nag-pop na notification sa messenger. Kinuha ko ang cellphone at tumambad ang second account ni Brave.
Pusong Matapang: Thanks for the wonderful date, Girlfriend. 😊 Sweet dreams. 😘
Bigla na namang bumilis ang tibok ng puso ko. Kaya hinang hinampas ko ito.
Nakalimutan kong ipahiwa 'tong bwiset na pusong 'to. Kaasar!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top