Chapter Thirteen
Walang tigil ang pagpatak ng luha sa aking mga mata. Kahit anong laban ko sa sarili na huwag nang maging mahina, pero patuloy pa rin ang pag-agos nito.
Isang oras na ang nakalipas, pero heto parin ako. Nakahigang napatitig sa kisame. Sobrang bigat ng dibdib. Parang muling binuksan ang sugat ng nakaraan.
Tangina ka Des, ang tanga-tanga mo. Isang taon mo nang sinasanay ang sarili na huwag maging mahina. Pero heto ka ngayon, parang tangang iniisip ang sinabi ng gagong 'yon. Sanay ka nang mahusgahan. Pero bakit apektado ka masyado sa sinabi niya?
Patuloy ko nang pinaalalahan ang sarili na maging matibay dahil sa tang-inang mundong 'to, kahinaan ang pagiging mabait. Kailangan makipagsapalaran.
Tumayo ako sa pagkakahiga at pinahiran ang basang mata. I dialed the number of my Nanay. Sa mga ganitong pagkakataon ay ang Nanay ko ang tatakbuhan para pakalmahin ang sarili.
"Hello, Nak," mahinhin na sagot ng Nanay ko.
"Hello, Nay," pigil na hikbing sagot ko sa kanya.
Ilang segundo hindi sumagot ang kabilang linya. "Ayos ka lang ba Nak? Bakit napatawag ka nang ganitong oras?"
Napatingin ako sa orasan sa ding-ding. Mag-aala-una na pala ng madaling araw.
"Wala. . lang po," sagot ko habang pigil sa pagsinghot, "Miss ko na po kayo. Kayo ni Dodong."
"Miss ka na rin namin, Nak." Mas lalo kong hindi napigilan ang paghikbi. Gusto ko nang umuwi.
"Umiiyak ka ba, Nak?"
Dali-dali kong kinalma ang sarili at pekeng tumawa. "Hindi po. Sinisipon lang ako."
"Ganun ba? Ingatan mo parati ang sarili mo diyan," muling paalala niya, "matulog ka ng sa tamang oras. Kumain ka rin ng mga masustansyang pagkain."
"Opo, Nay. Sige po matulog na po kayo. Madaling araw na po. I love you."
"I love you too, Nak."
Pinutol ko ang tawag kahit gusto ko pang maka-usap Nanay ko. Pero baka hindi ko mapigilan ang sarili na umiyak. Ayaw kong mag-alala pa sila sa akin.
******
Maagang nagising ako kinaumagahan kahit late na akong natulog kagabi. Wala si Karen sa higaan niya. Parang hindi siya sa apartment natulog.
Ganyan siya kapag alam niyang may problema ako o may malalim na iniisip. Sa isang taon na naming magkasama sa iisang bubong, alam na niyang gusto kong mapag-isa at ayaw kong tinatanong niya ako kung ano ang problema.
Busy ako sa kape at tinapay ko nang bumukas ang pinto at iniluwa si Karen. Maayos pa rin ang buhok at parang nakatulog naman siya nang maayos. Hindi na ako nagtanong saan siya natulog at patuloy lang inuubos ang almusal.
"Good morning, Des," may pag-aalinlangang bati niya.
Hindi ko siya pinansin at patuloy lang sa pagkain.
"Des, may dala akong breakfast. Hehe," pekeng ngiti niya pa, "gusto mo?"
Tiningnan ko lang ang dala niya at muling itinuon ang mata sa iniinom na kape.
Lumapit siya sa akin at mahinang kinalabit niya ako sa braso. "Hoy, Des. Galit ka ba sa akin?"
Niligpit ko ang pinagkainan at dumeretso sa kusina para hugasan ito. Sumunod pa rin siya sa akin, dala-dala ang bitbit niyang pagkain.
"Bakit ka sa akin nagagalit?"
Pagkatapos kong hugasan ay dumeretso ako sa higaan at umupo. Sinaksak ang headphone at pumikit. Hindi naman masyadong malakas ang volume ng music kaya rinig ko pa rin ang ginagawa at sasabihin niya. Mga ilang minuto hindi na ito umimik.
Narinig kong parang umiiyak siya. Kaya napadilat ako at nilingon siya para makumpirma. Umiiyak nga siya habang kinakain ang dala niyang almusal.
"Bakit ka umiiyak?" hinang sabi ko sa kanya. Dali-dali siya lumingon at lumapit sa akin na nakaluhod sa may paanan ko.
"Des," garalgal na tawag niya sa pangalan ko, "sorry talaga. Sorry."
"Tumayo ka nga diyan."
Dali-dali siyang tumayo at niyakap ako. Hindi ko siya niyakap pabalik. Tinulak siya ng bahagya para makakalas sa higpit ng yakap niya.
"Sorry talaga, Des."
"Bakit ka nagso-sorry?" bagot na tanong ko sa kanya.
"Kasi alam ko nang dahil sa akin ay kaya tayo sumama sa kanila," sagot niya sa akin, "sana umuwi na lang tayo no'ng sinabi mong may gagawin pa tayo."
Alam niyang ayaw kong makipagkilala o makipagkaibigan kahit kanino. Meron kasing isang beses na pinilit niya akong dumalo ng party ng mga nakilala niya sa club. Ayokong sumama pero pinilit niya talaga ako. Pagdating namin don, hindi ko alam na party pala ito ng isang anak ng politiko. Puro mga conyo at mayayaman ang dumalo. Tapos naka-jeans lang ako at t-shirt. Ang resulta, pinagtatawanan kami ng isang grupo ng brats na babae at may tumulak sa akin sa pool kaya basang-basa akong umuwi.
Lakas maka-teleserye ang peg ko 'non. Syempre parang bida rin ako sa time na 'yon. Hindi lumalaban. Ina-api. Ayaw ko kasing gumawa pa lalo ng eksena lalo pa't anak ng politiko ang nag-birthday. Kaya isang linggo kong hindi pinansin si Karen pagkatapos non.
"Ayusin mo nga mukha mo," sabi ko sa kanya, "ang pangit."
Humiga ako ulit at sinaksak ang headphone para matulog. Medyo inaantok pa ako dahil ang aga kong nagising. Pero ang Bruha tumabi sa akin at niyakap pa ako.
"Umalis ka nga sa higaan ko. May kuto ka!" Nahulog siya pagkatapos ko siyang tinulak.
Tumatawa siyang tumayo at parang abnormal na nakangiting nakatingin sa akin. "Bati na tayo Des, ha?"
"Hindi pa."
"Haha alam kong bati na tayo."
"Basta huwag mo na akong damayin sa kalokohan mo," sabi ko sa kanya at pumikit ulit.
"Ey Des," rinig kong reklamo niya, "mabait naman sila Oppa ah."
Hindi ko alam kung alam nila ang sinabi ni Brave sa akin kagabi. Actually, hindi naman talaga ako ganun nasaktan sa mga sinabi ni Brave. Nasaktan lang ako dahil akala ko kaibigan na rin ang turing niya sa akin. Kasi ganun na ang tingin ko sa kanila.
Kaya nakakatakot mag-invest ng feelings para sa tao.
"Sino ba ang kaibigan mo?" tanong ko sa kanya, "sila o ako?"
Parang baliw lang na ngumiti ang Bruha. "First time mong sinabi 'yon."
"Ang alin?"
"Na kaibigan mo ako." Wagas pa rin ang ngiti niyang nakatingin sa akin.
"Hindi ko sinabi 'yon. Guni-guni mo lang 'yon," sagot ko sa kanya at nagtakip ng habol.
Rinig kong bumalik siya sa mesa para iligpit ang pinagkainan niya. "Thank you, Des," hinang sabi niya pero rinig ko pa rin.
Napangiti na lang ako at hindi na siya sinagot.
=======
A.N. Listen to "Gift of a friend" by Demi Lovato while reading this chapter.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top