Chapter Ten
Prenteng nakaupo lang ako sa likod. Nakatingin sa labas habang pinagmamasdan ang kasagsagan ng traffic sa daan.
Wala na talagang pag-asa ang Pilipinas. Ang dami raw mahihirap pero ang dami rin namang mga Pilipinong may sasakyan. Kung sana nag-commute na lang sila, e hindi sana naka-save pa ng space sa daan. Pero hindi rin natin sila masisisi kasi wala rin namang maayos na public transport.
Kung ako siguro ang magiging presidente ng Pilipinas, babawalan kong bumili ng sasakyan ang mga single. Sayang ang space sa daan, isa lang naman ang nakasakay. Dapat mag-commute na lang sila.
Ang batas ko ay hindi ka makakabili kung wala ka pang asawa at anak. Kahit jowa ay bawal.
Kawawa naman ang mga single. Natatawang napailing na lang ako sa kabaliwan ko.
"Ahm are you okay, Des?"
Napalingon ako kay Angel. Nagtataka ang mukha niyang nakatingin sa akin. Kita ko ring nakatingin si Brave sa akin sa salamin.
"Ahh wala-wala. Hehe may naiisip lang ako."
Tumango lang ito at binalik ang tingin sa daan. Maya-maya pa ay may nag-play ng music.
"We were both young when I --" biglang naputol ang music. Kita kong aligagang nagpipindot si Brave sa cellphone niya.
Takang tiningnan ko siya. Bakit niya ini-stop? Favorite ko kaya 'yon. Sarap maka-throwback high school.
"It's not my playlist. It's the radio," hindi maka-tinging sabi niya. Kahit wala namang nagtatanong. Nag-play ulit ng music. Maroon 5 na.
***
Mga twenty minutes ang naging biyahe bago kami nakarating sa kakainan na sinasabi ni Chino. Naka-abang ang tatlo sa amin makababa ng sasakyan. "Ano na? Wala bang nagka-injury?" sabi ni Chino habang parang tangang bumungisngis si Karen sa gilid niya.
"Why would there be an injury?" takang tanong ni Brave sa kanya.
"Baka lang naman. Sayang," bulong pa nito, "hindi pala effective para sa love triangle."
Hindi namin rinig ang binubulong ng Loko. Nagkasundo pa talaga silang dalawa ng Bruha.
Naglakad kami patungo sa kakainan. Napansin kong may mga billiard pools at may tugtog ng banda. May mga kumakain at umiinom din sa magkabilang side. Parang multi-purpose. Pang-chill ang ambiance at mukhang tambayan ng mga sosyal at conyo. Sa taas parang iyon ang mga videoke rooms. Overlooking ito sa baba.
Umupo kami sa pangwalohang lamesa. May ilang bumabati pa sa kanila. At ang ibang mga babae kung makatitig parang sinasaksak kaming dalawa ni Karen. Sarap dukutin ang mga mata.
Kasama mo ba naman kasi 'tong apat na nag-gagwapohang lalaki. Tatlo lang pala. Ka-federasyon namin ang isa. Pero kahit na. Kahit baklita 'tong si Gareth, papatusin ko talaga 'to. Ang kisig niya kaya at gwapo.
Kaya mamatay sila sa inggit.
Binigyan kami ng waiter ng tig-iisang menu. Una kong tiningnan ay ang mga presyo ng kanilang mga pagkain. Baka KKB pala 'to, mabuti nang handa.
Jusko! Nakakakilabot ang mga presyo. Kahit mango shake 300 pesos. Baka nga pati tuyo, suka, ketchup at toothpick may bayad.
Nilapag ko ang menu. "Libre naman 'to diba?" tanong ko sa kaharap. Mabuti nang sigurado. Nagtitipid pa naman ako ngayon.
Medyo nabigla ako ng ilang segundo. Si Brave pala ang kaharap ko. Katabi niya si Chino tapos katabi ni Chino si Angel. Ako, si Karen at Gareth ang kalinya ng upuan. Magkaharap si Chino at Karen. Tapos si Angel at Gareth ang magkaharap.
Hindi siya nagsasalita. Walang reaksyon lang ang mukha niyang nakatingin sa akin. Medyo naiilang na ako sa mga titig niya. Hindi na ako natutuwa. Ako na lang ang unang bumitaw.
"Don't mind it, Des," sabi ni Gareth, "choose what you like."
Sinuklian ko siya ng ngiti. "Okay lang kahit ano. Masarap naman 'to lahat. Kayo na lang ang pumili," sabi ko. Libre naman nila at hindi naman ako pihikan sa pagkain.
Tumango si Gareth sa sinabi ko. Pero si Bruhang Karen, pumili talaga siya ng putaheng gusto niya. May pa dessert pa siya. Hindi na nahiya.
Mga ilang minuto bago dumating ang pagkain namin. Sobrang dami. Aakalain mong fiesta kahit anim lang naman kami. May mga prito at sabaw na pagkaing pinoy na baboy, manok, at seafoods. Meron ding desserts at fruit shakes.
"Bakit ang dami?" tanong ni Karen, "may iba pa bang darating, Oppa?"
"Wala na, Lisa," simpleng sagot ni Chino, "apat kaya kaming lalaki. Kaya medyo malaki ang bodega namin. Haha."
"Lisa?" gulong tanong ko kay Chino, "Karen pangalan niya."
"Lisa raw ang itawag ko sa kanya eh," sagot niya sa akin tapos nagkibit-balikat, "kamukha niya raw kasi ang isang idol niyang si Lisa ng Blackpink."
Hindi ako makapaniwala sa narinig. "Kamukha? Saang banda? Baka inggron lang 'to ni Lisa eh," bara ko kay Karen.
"Walang basagan ng trip, Desyembre!" apila ni Karen sa sinabi ko. Natawa na lang kami sa kalokohan namin.
"Inggron ni Lisa at si Pusong Inapak-apakan. Haha ang astig," natatawang sabi ni Chino.
"Ay dapat katulad ng sa amin ang code name niyo," dagdag pa ni Chino.
Ano na naman kaya ang trip ang sasabihin nito? Parang bata. Kaya siguro hindi pa nagkaka-girlfriend ang Loko dahil hindi nagseseryoso. Puro kalokohan lang ang alam.
"Anong code name niyo, Oppa?" tanong ni Karen.
"Kay Brave ay Matapang. Kay Angel ay Mabait. Kay Gareth ay Mabalbon," sabi niya pa.
"Eh ang sa 'yo?" tanong ko sa kanya.
"Magwapo," hambog na sabi niya at tumawa nang malakas.
"Sige ipilit mo 'yan," sabi ko sa kanya. Hindi talaga siya nauubusan ng kalokohan.
"Maingay," sabi ni Angel. Napatawa ang tatlo sa sinabi ni Angel. Tama ang maingay na bansag kay Chino dahil sa sobrang daldal.
"Ano ang sa 'yo, Des?" excited na tanong ni Chino sa akin.
"Maganda," simpleng sagot ko habang nagsasandok ng kanin.
"Huwag 'yan," reklamo niya, "hindi bagay sa 'yo."
"Ulol."
"Maldita na lang. Haha," tawang sabi niya. Wala akong nakitang pwedeng ibato ko sa kanya ka hinayaan ko na lang.
"Eh ang sa akin?" sabat ni Karen sa usapan.
"Mapangit," agad na sabi ko. Tinikman ko ang tinolang sabaw na manok. Ang sarap.
Tumawa ang apat dahil sa sinagot ko kay Karen. Hinampas pa ako ng Bruha. "Pakyo ka, Des!"
Nagpatuloy na lang kaming kumain. Pinagtitinginan na kasi kami ng ibang mga tao dahil sa sobrang ingay. Hindi kasi nauubusan ng kolokohan si Chino. Tapos may Karen pa na isa ring abnormal.
Pagkatapos kumain, seryosong nag-uusap sila ng tungkol sa trabaho at business. Ang pormal nila at halatang mga mayayaman dahil ramdam mo ang dedication nila sa pagpapalakad ng family business nila. Nakikinig lang kaming dalawa ni Karen. Hindi kami maka-relate.
Napagtanto kong sobrang layo talaga ng estado ng buhay namin sa kanila. Langit sila, clouds lang kami.
"Tara!" biglang sabi ni Chino at tumayo, "videoke na tayo."
Aapila sana ako na hindi na sasama. Pero mabilis na naglakad ang apat kasama si Karen.
Kainis!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top