Chapter Seven


Alas kwatro na at paubos na ang mga tao sa club. Ang mga ilang wasted at sobrang bangag na customers na lang ang natira. Naligpit na rin namin ang kalat sa mga bakanteng table. Inaantay na lang namin ang iba na umuwi. Umuwi na rin sila Chino pagkatapos niyang magbayad at ibigay sa akin ang sampong libo.

Nagtaka pa nga ang mga kasama niya bakit lumayo kami sa kanila sandali. Pero ang Loko sinabi lang na quality time daw muna kami.

Muntik nang maniwala ni Angel. Nakita kong yumuko siya at lumungkot ang mukha. Pero binulungan siya ni Chino at tinapik ang balikat. Ngumiti ito ulit pagkatapos.

Ewan ko kung anong binulong niya. Pero alam kong puro kalokohan lang 'yon.

Sinabi niya rin na pagpasensyahan si Brave. Wala raw ito sa mood at ito pa raw ang nagyaya sa kanila na mag-clubbing. Sinamahan na lang nila sila Brave at hindi na nagtanong bakit dito nito gustong pumunta para mag-inom.

Sinabi ko sa kanya na naiintindihan ko naman at hindi naman ako affected sa pag-a-attitude ni Brave sa 'kin.

"Des, saan ka kumuha ng pambayad? Bumalik ba ang mga lalaki sa Table 2?" tanong ni Karen sa 'kin.

Nakaupo na lang kami habang hinihintay na maubos lahat ng tao sa club para malinis na ang mga natirang kalat.

"Hindi. May nag-shoulder."

"Ang sa Table 7 ba?" interesadong tanong niya.

Tumango ako.

"Medyo hindi rin makapal ang muks mo, Des no?" sabi niya, "for sure hindi kana nagpa-hard to get nang sinabi niyang siya na ang magbabayad," dagdag pa niya, "kilala kita."

"Of course! Aarte pa ba ako? Hindi nakakabili ng bigas ang hiya. At tsaka barya lang 'yon sa kanila."

"Sabagay. Lakas talaga ng charisma mo, Des," manghang pahayag niya. "Kaya palagi kang napapaaway dito eh. Parati kang napagseselosan. Tapos hinahayaan mo lang sila kahit hindi naman totoo."

"Ganyan siguro talaga 'pag maganda. At nakakapagod magpaliwanag sa mga saradong utak. Nakakabawas ng ganda."

"Ay iba! Magpapahulma na rin siguro ako ng ganyang klaseng mukha. Bentahin eh," tukso niya sa 'kin.

"Baka kailangan pa ng isang-daang doktor bago mo ma-achieve ang ganitong ka-perfect na mukha," balik na tukso ko sa kanya at tumawa.

"Ang hangin ha. Edi ikaw na ang anak ng Diyos." Napangisi na lang ako sa kalokohan namin.

"Sino d'on Des ang nagbayad?" dagdag na tanong niya. Para na rin siguro may topic kami habang naghihintay umalis ang mga natitirang customers.

"Iyong Chinito."

"Hoy, grabe ang bait naman niya. Siya ang crush ko sa kanila. Kamukha niya ang idol ko na Oppa."

Marami kasi 'tong idol na artistang Koreano. At parang lahat din ng Kpop group na lalaki fan din siya. Nakikipag-away pa nga 'to online maipagtanggol lang ang idol niya.

"Gusto mo ipakilala kita?"

"Sure ka?" excited na sabi niya.

"Joke lang. Baka nga hindi na 'yon babalik dito," simpleng sabi ko.

"Paasa ka Des. Pero first time ko silang nakita dito."

"First time ko rin makita sila dito. Nagyaya lang daw si Brave na dito raw sila iinom."

"Alin d'on si Brave?"

"Iyong mukhang galing trabaho. Nakasuot ng puting long sleeve na tinupi hanggang sa may siko," describe ko sa suot ni Brave.

"Ahh 'yong mukhang foreigner. Sobrang gwapo rin n'on kaso ang sungit ng mukha. Parang mananapak."

Natawa ako sa huling sinabi ni Karen. Sakto kasing ang sinabi niya na masungit. Parang pinaglihi sa sama ng loob.

Gwapo silang lahat. Pero ewan, nalalakasan ako sa dating ni Brave. Lalong siyang gumagwapo kapag nagsusungit ang mukha. Kaya lang nakaka-turn off ang ugali.

Si Chino naman, ayos sana ang ugali at gwapo rin. Kaso na-trauma na ako sa mga Chinito. Mga paasa ang mga 'yan. At tsaka puro kalokohan lang ang alam.

Siguro si Angel at Gareth lang ang pasok sa lahat ang qualities bilang isang boyfriend-material. Natawana lang ako sa mga pinag-iisip ko.

Jusko! Sarap managinip nang dilat!

"Des, bukas ha. Gala tayo," muling paalala ni Karen.

Oo nga pala nagyaya siyang gumala bukas kasi off namin. "Basta ba libre mo."

"Oo na. Ang user mo talaga."

Tinawanan ko na lang siya. "Ganyan talaga. Para may pakinabang ka naman."

"Pasalamat ka talaga, pinagtitiisan kitang bruhang ka," kunwaring tampo niyang sabi. Napangisi na lang ako sa kaartehan niya.

Sabay kaming napatayo at tinungo ang mga huling table para linisin. Mag-aalas singko na rin kasi kaya wala ng customers sa club.

**********

Mag-aalas sais na nang nakarating kami sa apartment. Diretsong bagsak lang si Karen sa higaan. Hindi man lang nagpalit ng damit ang Bruha. Pumunta ako sa banyo para linisin ang mukha.

Tinawagan ko sa messenger si Nanay para makipag-video call habang nililinis ang mukha. Mga dalawang ring lang bago ito sinagot.

Napangiti ako nang nakita ko ang magandang mukha ng Nanay ko.

"Ang ganda naman nitong bumungad sa 'kin," matamis na ngiting sabi ko kay Nanay.

"Ang aga mong mambola, 'nak," mahinhin niyang sabi, "kakagising mo lang ba, 'nak?" tanong niya pa sa 'kin.

"Ahh . . . oo Nay," sinungaling na sagot ko kay Nanay. Nagi-guilty pa rin talaga ako hanggang ngayon kapag tinatanong niya ako about sa trabaho ko.

Hindi niya kasi alam na waitress sa Restobar ako dito sa Manila. Ang sabi ko sa kanila ay sa opisina ako nagtatrabaho. Ayaw kong mag-alala pa sila sa 'kin.

Ngumingiti lang siya habang nakatingin sa akin. Ang bait talaga ng Nanay ko. Sobrang hinhin ng boses at ang amo ng mukha.

"Ahh Nay, gising na po ba si Dodong?"

"Oo, 'nak. Nagbabasa ng libro. Gusto mong kausapin?"

"Sige po..."

Binigay niya ang selpon sa kapatid ko. Tumambad ang malditong mukha ng fifteen years old na kapatid kong lalaki.

Ang sungit talaga.

"Dodong, ang aga mo namang magbasa ng libro," sabi ko sa kanya, "linggo ngayon. Gumala ka."

"I have to study," ikling sagot niya.

"Sus, wala namang aagaw sa pagiging Top 1 mo sa klase. Lalo kang hindi magkaka-girlfriend niyan," ngiting tukso ko sa kanya.

Mas lalo pang sumungit ang mukha nito. Natawa na lang ako sa mukha ng kapatid ko. Ang gwapo sana nitong kapatid ko kaso sobrang pihikan sa babae. Gusto raw niya ng babaeng mas matalino sa kanya.

Eh since grade one top 1 siya. Kaya wala talagang babaeng nakaabot sa main standard niya.

"Malapit na birthday mo Dong. Anong gusto mong gift?"

"Subtle art of not giving a fuck."

"Hoy, minumura mo ba ako?"

"Tss. It's a book," bagot na sagot nito. Bipolar talaga 'tong kapatid ko.

"Iyon lang ba?" Tumango lang siya at binalik kay Nanay ang selpon. "Nay, sa susunod na sabado ko na lang ipapadala ang pera para sa gamot at birthday ni Dodong ha?"

"Sige, 'nak, salamat. Ingatan mo parati sarili mo diyan ha?"

"Opo. Kayo rin po. I love you."

"I love you too, 'nak," sagot niya at in-end ang video call.

Pagkatapos kong maglinis ng mukha, umupo muna ako sa higaan at binuksan ang facebook. Napakunot ako ng noo nang makita ang mga pangalan sa friend request list.

Charles Niño Tan

Angel Felipe de Loyola

Samuel Gareth Pareja

Brave Christiano de Loyola

Putrages?! Decline ko kaya lahat?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top