Chapter Nineteen


Nakabihis na ako at hinihintay ko na lang si Karen matapos mag-ayos ng sarili. Nagreklamo pa siya dahil ang aga raw namin gumising.

"Des, tatlong oras lang ang tulog natin." Kanina pa siya nagrereklamo. "Akala mo naman tatakbo ang mall."

"Mas mabuti na ang maaga. Para malaki kikitain natin."

"Kikitain? Saan ba tayo pupunta?"

"Basta," sagot ko sa kanya, "dalian mo diyan. Iiwan talaga kita kapag nag-alas dyes na."

"Teka nga lang!" reklamo niya habang pinaplantsa ang buhok, "hindi ako kagaya mo na dyosa na kaagad kahit walang ligo."

Tinawanan ko na lang siya at binilang ang tig-iisang libo na sobrang tuwid sa bago na binayad ng Scammer na Model kagabi. Binilang ko isa-isa pero siyam na libo lang talaga. Pang-tatlong ulit ko nang bilang. Pero kulang ng isang libo.

"Nangupit ka ba ng isang libo dito, Karedad?!"

"Pakyo ka, Des!" agad na apila niya, "kung makabintang ka diyan."

"Bakit kulang ng isang libo 'to?"

"Ewan ko sa iyo. Baka siyam na libo lang talaga 'yan no'ng binigay ni Henry 'yan sa iyo."

Napa-isip ako baka naloko na naman ako ng scammer na model na 'yon. Sabi ni Karen isang sikat na model daw 'yon. Mga artista ang naging Ex kaya kilala niya.

E-blackmail ko kaya? Tapos ipagkakalat ko ang pag-iscam niya sa 'kin. Hmm.

"Des," tawag ni Karen. Tapos na pala siya sa ginagawa niya. "Ibalik mo kaya 'yan kay Oppa Chino. Hindi naman 'yan sa iyo."

"Akin na 'to no. I texted him kanina kung kukunin niya ba," sagot ko sa kanya, "binigyan ko siya ng isang oras na palugit para sumagot pero hindi pa siya nag-reply. Kaya akin na 'to."

"Ang demonyo mo, Des."

"Kung makademonyo ka diyan. Practical lang."

Ang totoo ay sinabi ni Chino na huwag ko na raw ibalik. Humingi ako ng number niya kay Jeb at tinawagan siya kanina na isasauli ko ang pera. Pero sa akin na lang daw 'to kapalit na makikipagkita kami sa kanila mamayang hapon.

Na-miss na raw ako ni Angel. Puro talaga siya kalokohan. Umangal ako sa pinagsasabi ng Loko pero pinatayan niya ako ng tawag.

Sarap tirisin!

******

Mga isang oras na kaming naglilibot ni Karen sa palengke. Madami na rin ang dala niyang plastic bags. Kanina pa siya nagrereklamo kasi akala niya raw sa mall kami gagala. Sana nag damit pambahay na lang daw siya.

"Des!" tawag niya patakbong papalapit sa akin, "hinay-hinay naman sa paglalakad. Dami na kaya nitong plastic bags na bitbit ko."

"Huwag kasing bagal-bagal kumilos."

"Wow ha!" singhal niya sa akin, "hindi mo ako pinapasweldo no. Tsaka isang plastic bag lang ang bitbit mo."

Tinawanan ko na lang ang Bruha at sumakay kami ng Jeep papuntang Manila Bay.

"Des, ang kuripot mo," sabi pa niya nang naka-upo na kami sa jeep, "kinurakot mo na nga pera ni Oppa. Sana nag-Grab na lang tayo."

"Naubos na ang pera sa pinambili."

"Ano bang gagawin mo dito?" turo niya sa mga binili naming tinapay, sabon, at iba't-ibang groceries.

"Basta."

"May stock pa tayo sa apartment. Tapos mapapanis lang 'tong tinapay sa dami," reklamo niya pa pero hindi ko na lang siya pinansin.

Maya-maya pa ay nakarating na kami sa Manila Bay. Medyo mainit na kaya nagrereklamo na namn ang Bruha.

"Okay let's start!" excited na deklara ko.

Kinuha ko ang binili namin na plastic bag. Kumuha ako ng isang piraso at nilagyan ng iba't-ibang pagkain, sabon at shampoo.

Naglalakad kami ni Karen sa kahabaan ng Manila Bay. May nakita akong isang pulubi na Ale na nakaupo sa may malapit sa skywalk kaya binigay ko ang plastic sa kanya.

"Para po sa inyo."

"Salamat po."

"Walang ano man po."

"Des," hinang tawag ni Karen sa akin.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at nagbalot ng isa pa. Kukuha sana ako ng tinapay pero hindi ko nakita si Karen sa gilid. Kaya nilingon ko siya sa likod.

Nakatayo lang ito habang pahid-pahid ang mukha. Kaya binalikan ko ang Bruha.

"Ano bang ka-dramahan 'yan, Karedad!"

"Des," iyak na tawag niya at niyakap ako.

Kumalas ako sa pagkakayakap niya. "Ano bang iniiyak mo diyan."

"Des." Umiiyak pa rin ang Bruha. "Ang bait-bait mo. Sana sinabi mo na ipamimigay pala natin lahat 'to sa mga bata at pulubi. Sana--" naputol ang sasabihin niya dahil sinaksak ko ang isang buong cheese bread sa bibig niya.

"Hep! Bawal madaming tanong. Bawal magsalita. Okay?" sabi ko sa kanya.

Nginuya niya ang tinapay. Pinahiran ang luha sa mukha at nakangiting tumango sa akin.

Nagpatuloy lang kami ni Karen sa pamimigay ng pinamili namin sa mga bata at pulubi sa Manila Bay. Hindi naman nagtanong pa ang Bruha at enjoy na enjoy siya sa ginagawa. Hindi alintana ang init at alikabok.

"Ate Des!" tawag ng isang bata sa akin at yumakap.

"Toto. Saan kapatid mo?" tanong ko sa bata.

"Eh Ate." May pag-aalinlangang sampit niya.

"Toto, Saan kapatid mo?" muling tanong ko. May pagbabanta nang konti.

"Sumakay po ng jeep. Nanglilimos," nakayukong sagot niya.

Lumuhod ako sa harap niya at hinuli ang tingin. "Hindi ba sabi ko sa inyo na huwag na kayo sasakay ng jeep? Paano kung mahulog kayo? Delikado 'yon."

"Sorry po, Ate."

Niyakap ko siya. "Sa susunod dito lang kayo mag-antay sa mama niyo. Dadaan naman ako dito kapag may oras ako."

"Opo Ate Des. Sorry po."

Tumayo ako at ginulo ang buhok niya. Kumuha ako ng pera sa bulsa at binigay sa kanya ang 500.

"Ibigay mo sa mama mo 'yan ha. Tatanungin ko siya kapag nagkita kami."

Tinanggap niya ito at niyakap ako ulit. "Opo Ate Des. Salamat po."

"Sige na. Dito ka lang malapit sa dagat maglalaro ha? At itago mo ang pera at bantayan mo ang binigay namin ni Ate Karen na pagkain."

Lumawak ang ngiti niya at niyakap din si Karen. "Salamat po Ate Karen."

Umiiyak ang Bruhang niyakap din ang bata.

Naubos na lahat ng grocery na pinambili namin at nakatambay lang kami ni Karen sa Manila Bay. Nakatingin sa dagat. Ang gaan sa pakiramdam.

"Ito ang ginagawa ko kapag nawawalan na ako ng pag-asa sa mundo. Kapag may problema ako o kapag stress," sabi ko habang nakatingin pa rin sa dagat.

"Des--" naputol ang sasabihin niya dahil nagsalita ako.

"Just . . don't say anything. Please."

Nilingon ko siya at nakatitig na nakangiti siya sa akin.

"Salamat Des. Salamat."

Napangiti na rin ako at binalik ang tingin sa dagat. Sobrang sarap ng pakiramdam ko. At hindi ko na lang iniisip na I opened my vulnerable side to her.

May tiwala ako sa kanya.

========
A.N: Early update Hehe. Your thoughts about this chapter? I will appreciate it. Naks Hehe

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top