Chapter Nine
Kung pwede pa lang tumakbo papalayo sa kanila, baka kanina ko pa ginawa. Akala ko matatakasan ko na ang mga damuhong 'to.
"Des, I'm already wet," bulong na sabi ni Karen, "buti na lang nakapag-retouch tayo kanina." Kita ko ang pagnanasa sa mukha ng Bruha.
Hindi ko na lang pinatulan ang kahalayan niya at pinagmasdan ang apat na papalapit sa amin.
Lakas maka-artista ng mga pormahan. Ang tatangkad pa. Nakita kong napapalingon ang ibang mga babae sa mall sa kanila.
"Pusong Inapak-apakan," muling tawag ni Chino sa 'kin nang makalapit sila, "panyo oh." Inilahad niya sa 'kin ang puting panyo niya.
Hindi ko ito inabot at tiningnan lang siya. "Anong gagawin ko diyan?"
"Laway mo kasi tumutulo." Bumahakhak siya pagkatapos ng sinabi niya. Lalong nawawala ang mga chinito niyang mga mata.
Kinuha ko ang panyo at binato sa mukha niya. Sapul!
"Ang amazona mo talaga," natatawa pa ring saad niya. Natawa rin ang tatlo sa ginawa ko kay Chino.
"Akin na lang 'yang panyo," sabat ni Karen. Kinuha agad ang panyo bago pa makasagot si Chino. Kunwaring pinapahiran ang gilid ng bibig niya kahit wala namang laway. "Hihihi," malanding tawa niya pa.
Ang haliparot.
"Hi, Des," ngiting bati ni Angel sa 'kin. Ang inosente niya tingnan sa suot na salamin. Ang gwapo niya rin sa suot niyang puting T-shirt na pinaresan ng itim na short at puting Nike na sapatos. May suot din siyang silver na relo at kwentas.
"Hello," matamis na sukling ngiti ko sa kanya. Siya na lang kaya ang natitirang prospect ko sa kanila para maging boyfriend-material. Kasi ang isa taken na, kay Baklitang Jeb.
Iwinaksi ko na lang ang mga kalokohang naisip.
"Hi, Des," bati rin ni Gareth sa 'kin. Tango at matamis na ngiti rin ang ibinigay ko sa kanya.
Unang tingin, hindi mo talaga aakalain na butterfly itong si Gareth. May balbas at siya ang pinaka-buff sa kanila. Halatang palaging pumupunta ng gym. Totoo siguro ang sabi nila na kadalasan sa mga lalaking nagdye-gym ay mga butterfly.
Isa na namang magandang binata ang nabawasan para sa aming mga babae. Unti-unti na silang nauubos. Jusko!
Napadako ang tingin ko kay Brave. Hinihintay na bumati rin siya. Pero wala na naman siyang imik. Nakatingin lang siya sa mga mata ko.
Pinagmasdan ko ang kabuoan niya. May pagka-messy ang dark brown na medyo curly na buhok niya. Nakasuot siya ng plain na black shirt at dark blue jeans tapos puting sapatos. Simple pero ang lakas ng dating. Parang si Noah Centenio.
Mas gwapo pa nga siguro pero hindi nga lang magkasing-ugali.
"Matapang versus Pusong Inapak-apakan rematch na ba 'to? Haha," basag ni Chino sa titigan contest namin ni Brave.
Napairap na lang ako at 'di na pinansin ang kaartehan ni Brave.
"Des, ipakilala mo naman ako sa kanila," bulong ni Karen sa gilid ko.
"Ahh, si Karen pala. Workmate ko," pakilala ko kay Karen sa kanila.
"Hi," kunwaring nahihiyang bati ni Karen. Isa-isang nakipag-kamay ito sa kanya. Kahit si Brave.
"Required pala ang magaganda na waitress sa inyo?" tanong ni Chino. Nambola pa talaga. Kaya malanding napatawa naman ang Bruha.
"Hindi naman. Nakapasok nga 'to eh." Turo ko kay Karen. Napatawa ang tatlo sa sinabi ko.
Mahinang hinampas niya ako sa balikat. "Makakaganti rin ako sa 'yo mamaya," banta niya pa sa akin. Napangisi na lang ako.
"Pusong Inapak-apakan," tawag ni Chino sa'kin.
"Isa pang tawag mo sa'kin niyan, aapakan ko talaga mukha mo!"
"Haha. Iyon naman talaga pangalan mo sa facebook diba?"
"Hindi ako 'yon," tangging sabi ko.
"Ikaw daw 'yon sabi ni Gareth," confident na sabi niya pa, "sinend niya sa GC namin."
Tumingin ako kay Gareth at tatanungin sana siya paano niya nalaman facebook ko nang may napagtanto ako...
'Jeb! Iba-block ko talaga ang Baklitang 'yon!'
Hindi na lang ako kumibo. Kahit kating-kati na akong tanungin siya kung si Jeb ba nagsabi sa kanya. Baka 'di pa alam ng mga kaibigan niya ang sekreto niya.
"Why did you decline my friend request?" dramang pahayag ni Chino, "akala ko pa naman friends na tayo."
"Hindi ko alam na kayo palang apat 'yon."
"Apat? Nag-send din sila ng friend request sa 'yo?" gulat na tanong niya pa.
"Oo. Apat ang nag-send ng friend request sa 'kin kanina. Kapangalan niyo pa," sagot ko sa kanya.
"Hindi raw alam na sila, tsk," bulong na apila ni Karen sa gilid ko. Kaya sinikuhan ko siya para tumahimik.
"Matapang," tawag ni Chino kay Brave. "Nag-send ka rin pala ng friend request kay Pusong Inapak-apakan? Ikaw ha." Mahinang sinuntok niya pa ito sa braso.
Namula ang tenga nito at hindi makatingin sa'kin. "I. . . didn't know it was her."
Talaga lang ha?
Tiningnan ko lang ang balisang kinikilos niya. Natatawa na lang ako sa kanya. Napaka-guilty.
"Guys, it's almost seven. Let's have dinner," biglang sabat ni Gareth, "Girls, come with us."
"Si--" naputol ang sasabihin ni Karen dahil pinandilatan ko siya ng mga mata. Ayaw kong sumama sa kanila. Wala akong plano makipag-kaibigan dito sa Maynila. Sagabal lang sa oras at paghahanap ng pera.
"May gagawin pa kasi kami ni Karen, eh," pagsisinungaling ko sa kanila, "'di ba, Karen?"
Ngumisi nang nakakaloko ang Bruha. Parang may binabalak na kalokohan. "Ahh, wala na kaming gagawin. Saan tayo kakain?"
Bwesit ka, Karedad! Nakaganti rin ang Bruha sa panunukso ko sa kanya kanina.
"Okay. Where do you wanna eat, Des?" tanong ni Angel sa 'kin. Ang amo ng mukha niya. Nakaka-guilty 'pag tinanggihan.
Napabuntong-hininga na lang ako at ngumiti sa kanya. "Ahm, kahit saan na lang. Ayos lang sa 'min..."
Pinagbigyan ko na lang. Ngayon lang naman siguro 'to.
"Let's go. May alam akong masarap na kainan," deklara ni Chino. "Videoke tayo pagkatapos."
Magrereklamo sana ako sa huling sinabi ni Chino. Pero si Karen, dali-daling naglakad kasabay ng apat.
Kainis!
***
Naglalakad kaming lahat sa parking lot patungo kung saan naka-park ang mga sasakyan nila. Huminto kami sa dalawang magkatabi na kulay itim at puting sasakyan. Parehong pick-up na Hillux.
"It's only Gareth and Brave ang nagdala ng sasakyan," deklara ni Chino, "saan kayo sasabay, Des?"
"Sa kay Gareth na lang tayo, Oppa," pa-cute na sabi ni Karen kay Chino.
Biglang napangisi si Chino. Mukhang may kalokohang naisip na naman ang loko. "Hehe, sige sabay ka na kay Anghel at Matapang, Des."
Aangal sana ako sa sinabi ni Chino pero dali-daling sumakay ang dalawa sa puting sasakyan ni Gareth habang rinig ko pa rin ang hagik-ikan nila.
Nagkasundo pa talaga ang dalawang abnormal.
No choice kundi sumabay na lang kay Brave. Binuksan ko ang backseat at nakitang naka-upo na roon si Angel. Ngumiti siya sa akin at umusog pakaanan niya para makaupo ako sa tabi niya.
Akmang papasok na sana ako nang magsalita si Brave. "I'm not your Driver. Tss."
Nilingon ko si Brave sa driver's seat. Nakita ko ang salubong na kilay at nakabusangot na mukha niya. Inirapan ko na lang ito. Isasara ko na sana ang pinto para sa front seat na lang umupo pero lumabas si Angel. "Ako na lang sa front seat, Des."
Napangiti ako sa kanya. "Ahh sige. Salamat..."
Nang nakaupo na ako, nagkasalubong ulit ang mga mata namin ni Brave sa rearview mirror. Madilim ang mukha niya pero iniwas niya agad ang tingin at ini-start ang makina.
'Bakit parang may nararamdaman akong tensyon? Weird.'
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top