Chapter Four
Actually gets ko naman ang rule ng laro. I just need clarifications galing kay Chino about sa game. Pero I didn't expect na babanatan ako ng ganun. Sarap tahiin ng bibig.
Pasalamat siya working hours talaga at tamad akong makipagbangayan.
"Sige game!" excited na sabi Chino.
"Wait," pigil ni Angel, "they haven't introduced themselves to Des yet." Tukoy niya sa dalawang babae at si Kawayan.
"What for? We already knew her," arteng sabi ni Tuko, "Des right?"
Hindi ako sumagot. I just looked at her with my straight face.
"Stacy, just properly introduce yourselves para masimulan na ang game," awat ni Gareth.
Kung normal day lang ito, baka masampolan ko ang babaeng 'to. Tingnan ko lang kong mapapanindigan niya pagiging bitch niya. At saka pagod na akong maghanap ng ibang pagtatrabahoan kung sasagot pa ako kaya shut up na lang ako.
"Fine. Stacy." Naka crossed-arms siya habang nakataas ang isang kilay.
Bakit halos lahat ng Stacy, maarte? Mga 90% ng nakilala kong Stacy ang pangalan ay ang sama ng ugali.
"Des," simpleng sagot ko na lang.
"Chastity," biglang sabi ng babaeng nagseselpon kanina. Walang emosyon ang boses at mukha niya. Parang bored face lang. Tinanguan ko na lang siya.
Tumingin ako sa huling lalaking katabi ni Stacy. Si Kawayan. Pero mga sampong segundo na ang lumipas hindi pa rin siya nagsasalita. Nakatingin lang ang madilim niyang mukha sa akin.
Problema nito?
Kaunti na lang talaga iisipin ko nang nagpapa-mysterious ang drama niya para ibigin. Jusko! hate ko ang ganyang klaseng lalaki. Pa-feeling gwapo.
Kaloka ka, Des. Assuming ng apog mo.
"Ahhh. He's Brave. So let's start." Si Angel na lang ang nagbasag ng katahimikan. Tumango na lang ako para matapos na.
Inikot ni Chino ang bote at tumapat ito kay Stacy. Nagpasalamat ako na hindi tumapat ang bote sa akin. Pero ang bruha, tuwang-tuwa pa.
"Yey! I choose Brave to guess the wrong one," arteng sabi niya. Nag-smirk lang si Brave.
"First, I am a model. Second, we have a salon and spa business. Third, I am an only child."
Hindi ko mapigilang mapangiwi. Ang arte niya talaga. Hindi na lang ako nag-react. Baka ganito talaga ang mga mayayaman. Pero siya lang naman ang maarte sa kanila. Bagay sila ni Brave. Maarte at antipatiko.
"Lahat naman 'yan totoo," sabi ni Chino kay Stacy.
"No. There's one na lie. So Brave, guess," malanding sabi niya at kumapit pa siya sa braso nito.
"The last one," bored na sagot ni Brave.
"Wrong! It's the first one," maarteng tumatawa na pahayag niya.
"Aren't you a model?" takang tanong ni Gareth sa kanya.
"I am. But not just a model. I am an international model," pagdidiin niya pa sa international.
Mapapa-facepalm ka na lang talaga. So dapat talaga may international? Jusko! Daming arte. Nagkibit-balikat na lang si Gareth.
Sarap tumawa nang malakas.
Inabot ni Chino ang baso na puno ng Bacardi. Isang lagok lang naubos na ito ni Brave. Sana talaga hindi tatapat ang bote sa akin. Mahina ang alcohol tolerance ko lalo na 'pag hard drinks.
Inikot ulit ni Chino ang bote at tumapat ito kay Brave.
"I choose her."
Tumingin kaming lahat kay Brave. Kasi tatlo kaya kaming babae. Hindi namin alam sino ang tinutukoy niya. Pero diretso ang tingin niya sa akin. So baka ako ang tinutukoy niya. Nagkibit-balikat na lang ako at diretso siyang tiningnan.
"I hate gold-digger. I hate home-wrecker. I prefer face over brain," diretso niyang sabi.
Hindi ko masyadong narinig ang sinabi niya kasi ang bilis niyang magsalita at malayo ako sa kanya. Malakas pa ang tugtog ng DJ.
"First," sabi ko na lang. Baka kung ipapaulit ko sa kanya, babarahin niya naman ako. At wala rin naman akong alam tungkol sa kanilang lahat kaya hula-hula na lang.
"I always prefer someone with brain over someone with just a beautiful face but stupid," sabi niya.
"Ahm, so mali hula ko?" takang tanong ko sa kanya. Ang gulo niya kausap.
"Obviously."
"Okay." Nagkibit-balikat na lang ako.
Hindi ko talaga alam ang problema niya sa 'kin. Hindi naman kami magkakilala at wala naman akong natatandaang atraso ko sa kanya. Baka may pinagdaanan lang at sa akin ibinaling.
Kalma Des.
Kinalma ko na lang ang sarili at 'di na iniisip ang pag-a-attitude niya sa 'kin. Sanay na ako sa ganyang klaseng ugali.
"Ahahah inumin mo 'to, Des." Binigay ni Chino ang baso sa akin.
Grabe, sobrang dami. Baka hindi ko kaya. "Wala bang pass? Ang dami eh."
"Ahm, I can drink it for you," offer ni Angel.
Ang sweet niya naman. I gave him my sweetest smile. Namula ang tenga niya at inayos ang salamin. Ibibigay ko na sana ang baso sa kanya...
"It's not in the rule na dapat may mag-save," biglang sabi ng Chastity. Poker face pa rin. "And she's a waitress kaya sanay na 'yan sa inuman," sabi pa niya emphasizing the word 'waitress'.
Na-judge na naman ang lola mo. Kaloka! Daig ko pa ang sumali ng beauty contest sa dami ng judges.
"Oo nga naman. Sus, sisiw lang 'to sa 'kin." Binalewala na lang ang mga pasaring niya sa 'kin at nilagok ang baso. Tae! Ang hapdi sa lalamunan. Pero hindi ko pinahalata sa kanila.
"Grabe ka, Des! A-may-ziiingg!" parang tangang pahayag ni Chino. Lasing na 'ata.
Nagpatuloy ang laro at tumapat ang bote kay Gareth at si Angel ang pinili niya para mag-guess. Pero nahulaan niya ito. Kaya siya ang uminom ng puno na baso.
Mga ilang ikot pa at nagpasalamat ako na hindi tumapat sa akin ang bote at hindi nila ako pinili. Baka magkamali pa ako at makainom na naman. Hindi rin tumapat ang bote kay Brave kaya safe pa ang Lola mo. Baka ako na naman pagbalingan ng galit niya sa mundo, jusko.
Si Chino, Stacy at Angel ang parating nagkakamali sa paghula kaya sila ang mas marami ng nainom.
Nakikitawa na lang ako sa kanila. Nawawala ang pagiging maarte ni Stacy dahil sa kalasingan. Si Chastity madalas na rin ang pagsasalita. Si Gareth at Brave tahimik lang at nakikitawa. Ako at si Angel lang ang walang input na jokes. Nakikitawa lang kami.
Hindi ko bet humor nila kaya shut up na lang ako.
Patapos na sana ang game kaso tumapat ang bote sa akin. No choice kundi mag-isip ng tatlong sasabihin.
"Ako na ang mag-guess, Des!" presentar ni Chino. Nakataas pa ang isang kamay. Parang nasa classroom lang ang Loko.
Sus, lasing na lasing na kaya 'to. Baka ma-rape pa 'to pauwi kaya 'wag na.
"Let her choose," sabat ni Brave habang nakatingin sa akin. Namumula na rin ang pisngi niya. Pero ang sungit pa rin ng mukha.
Kunwaring nag-iisip ako. Kaya nakaabang sila sa sasabihin ko.
"I choose him," sabi ko at diretso ang tingin sa katapat.
Akala mo ha!
Medyo nagulat sila sa sinabi ko. Nakita kong napairap si Stacy while Brave is smirking.
Ang feeling gwapo. Jusko!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top