Chapter Forty Two


Gusto ko talagang bawiin ang kamay ko sa pagkakahawak ni Brave. Pero sa tuwing sinusubukan ko, mas lalong humihigpit pa ang pagkakahawak niya.

Hindi naman pasmado ang kamay ko pero parang nagsisimula na itong namawis. Kasabay ng lintik na pusong kanina pa ayaw tumigil sa kakatambol.

Tahimik lang kaming naglalakad patungong Luneta Park. Ayaw kong maunang mag-open ng conversation. Naiilang ako. At hindi rin naman siya nagsasalita.

Pero ramdam ko ang paminsan-minsan niyang sulyap sa akin.

Mamatay na talaga lahat ng pangit sa mundo, basta hinding-hindi ko talaga siya lilingunin.

Nahihiya ako. Kaloka!

Ewan ko ba kung kailan pa naging ganito ang epekto niya sa akin. Dati naman parang wala lang sa 'kin ang mga ginagawa niya. Kahit dalawang beses na niya akong nahalikan. Pero parang iba 'to ngayon kahit magkahawak lang naman ang mga kamay namin.

Parang mas grabe ang kaba ko ngayon na hindi ko mapunto kung bakit. Hindi ko ma-explain. Gusto kong umangal sa mga nangyayari ngayon pero wala ni isang salita ang lumalabas sa bibig ko.

"Ahem," hinang tikhim niya. Pero hindi ko siya nilingon.

Bakit ba ang tagal namin makarating sa Luneta? Jusko!

"Ahem!" medyo nilakasan na niya.

Kaya nilingon ko siya at sumalubong ang intense niyang mga mata na nakatitig sa mga mata ko.

"Ahh. May TB ka ba?" wala sa sarili kong tanong sa kanya.

Kumunot ang noo niyang tiningnan ako. "What?"

"Sabi ko, may TB ka ba? Ubo ka kasi ng ubo." Dinadaan ko na lang talaga sa biro para mawala ang awkwardness na namamagitan sa amin.

Hinang napatawa siya sa sinabi ko. "I'm healthy. Don't worry," nakangiting sabi niya.

"Hindi ko sinabing nagwo-worry ako," pilit na pagtataray ko sa kanya. Pero hinang tumawa lang siya at nagkibit balikat.

Bakit mas lalo siyang gumagwapo sa paningin ko kapag tumatawa? Kaloka ka December! Nasisiraan ka na ng ulo!

Kung pwede pa lang sapakin nang malakas ang sarili, baka kanina ko pa ito ginawa. Itinuon ko na lang ang paningin sa ibang direksiyon. Baka makakahalata pa siya sa pagkakaasiwas ko.

Sa wakas at nakarating na rin kami sa Luneta Park. Magkahawak pa rin ang mga kamay namin na naglakad patungo sa may fountain. Marami pa rin ang tao kahit madaling araw na. Majority ay mag-jowa.

Habang naglalakad ay tumunog ang selpon ko sa bulsa kaya dali-dali kong binawi ang kamay sa pagkakahawak ni Brave para sagutin ang tawag.

Nakita ko sa screen ang pangalan ni Apollo. Sinagot ko ito agad dahil baka tungkol ito kina Nanay at Dodong.

"Hello," bati ko kay Apollo.

Nakita kong naunang naglakad si Brave patungo sa isang bench at umupo doon. Hindi ko na lang siya pinansin.

"Ember. I'm already here sa hospital," malumanay na sabi niya.

Napangiti ako dahil sa sinabi niya. "Salamat Apollo ha. Kamusta na si Nanay at Dodong?"

"Tita Feb is already conscious pero nagpahinga siya ulit pagkatapos kumain. Pinatulog ko na rin si Agosto pagkarating ko," mahabang paliwanag niya sa akin.

Napangiti ako sa narinig na maayos na ang lagay ni Nanay. "Apollo, sobrang salamat talaga."

"Don't mention it Ember basta para sa inyo," malambing niyang sagot.

Parang hinaplos ang puso ko sa narinig. Parang pinaaalahanan ako kung gaano kababaw ang naramdaman ko kanina kompara sa feelings ko pagdating kay Apollo.

Apollo is my first and greatest love. Hanggang ngayon, siya pa rin ang laman ng puso ko kahit tutol ang tadhana para sa amin.

Nasasaktan akong isipin na wala kaming kalaban-laban dahil mismo ang tadhana ang tutol.

Gusto kong lumaban. At alam at ramdam kong gusto niya rin ipaglaban ang pagmamahalan namin. Pero marami ang masasagasan. Isa na ang pamilya ko.

Nagbabadyang tumulo ang luha ko sa mata. Dali-dali ko itong pinahiran bago pa ito pumatak sa mukha ko.

"Ember? Are you still there?" malumanay niyang tawag sa atensiyon ko dahil hindi ako nagsalita.

"Ahh, sorry," bilis na sagot ko sa kanya at suminghot.

"It's fine. Siguro inaantok ka na. Sige, sleep well Ember. Take care of yourself, always."

Mas lalo akong naiyak sa sinabi niya. Miss ko na siya. Pinipilit kong huwag ipahalata sa kanya na naiiyak ako. "Ikaw din Apollo. Mag-ingat ka parati and sobrang salamat talaga."

Binaba ko na agad ang tawag pagkatapos ng sinabi ko. Baka maiyak pa ako kapag humaba pa ang pag-uusap namin.

Tinungo ko ang bench na inupuan ni Brave. Umupo ako sa tabi niya at kita ko ang seryosong mukha niyang nakatitig lang sa fountain lights.

"Ahh sorry pala ha. May tumawag lang na importante," nahihiyang sabi ko sa kanya at itinuon din ang mata sa fountain lights.

"It's fine," ikling sagot niya. Walang bahid na kahit kaunting emosiyon sa boses.

Takang nilingon ko siya. Pero seryoso pa rin ang mga mata nitong nakatingin sa harap. Nakatingin lang siya sa kawalan.

Ipinagkibit balikat ko na lang. Baka na-expire na ang version na Brave kanina at bumalik na sa dati nitong ugali na masungit.

Ilang minuto na ang lumipas pero wala ni isa sa amin ang sumubok magsalita. Ayaw kong mag-open ng topic kasi baka pipilosopuhin niya ako.

"You still love him," biglang sabi niya. Sa paraan ng pagkakabigkas niya ay alam kong hindi ito tanong, kundi statement.

"Ha?" takang tanong ko sa kanya. Bigla-bigla kasi siyang nagsalita. Ang ikli pa.

Lumingon siya sa akin at kita ko ang walang emosiyon sa mga mata niya na diretsong nakatingin sa mga mata ko.

"That Chinito guy, you still love him," ulit niyang sabi.

Parang may galit akong napansin sa mga mata at boses niya. Pero baka guni-guni ko lang.

"Si Apollo ba ang tinutukoy mo?" tanong ko sa kanya.

"Bakit? May ibang pa bang Chinito?"

Kinunutan ko siya ng noo dahil sa mga kinikilos niya. "Teka nga lang. Bakit parang nagagalit ka?"

"Am I?" taas kilay niyang sabi.

Mas lalo akong nalito sa mga kinikilos niya. "Malay ko sa 'yo kung naririnig mo ba ang mga lumalabas diyan sa bibig mo," sagot ko sa kanya.

Ang gulo niya. Jusko!

"You still haven't answered my question." Seryoso pa rin ang mukha niyang nakatingin sa akin.

"Hindi ka naman nagtanong," balik na sagot ko sa kanya. Medyo tumaas na ang boses ko dahil nalilito ako sa mga kinikilos niya.

"Nevermind. I don't want to hear your answer," malditong sabi niya at tumayo.

Nagsimula na siyang maglakad paalis kaya hinabol ko siya at hinawakan ang braso niya para pigilan siya.

Humarap siya sa akin at kita ko ang umaapoy na mga mata niya. "What?"

"Ano bang problema mo? Ha?!"

"Nothing."

"Hindi eh. May problema ka ba sa akin?!" tumaas na ang boses ko. Wala akong pakialam kung may makarinig sa pagtatalo namin.

"You wanna know?"

"Sabihin mo Brave!" singhal ko sa kanya, "hindi 'yong bigla-bigla ka na lang nagagalit diyan ng walang dahilan."

"I hate you," may pagdidiin na sabi niya. Kita ko ang galit sa mga mata niya.

"Hindi ba matagal na?" sagot ko sa kanya, "dati mo na akong hate kahit hindi ko alam kung bakit--"

"I hate you for fucking ruining everything," putol na sabi niya sa akin.

Sasagot pa sana ako pero nagpatuloy siya sa pagsasalita.

"I hate you for being so tough no matter how I tried to insult you. I hate you for being so strong to others but acting like a child when it comes to your ex," matigas na mga salitang binitawan niya. Wala akong idea sa mga pinagsasabi niya.

Pero nagpatuloy siya. "I hate you for creating chaos inside my head. I hate you for making me miss you when I can't see you even just for a day. I hate you for making me feel jealous when you cry for that fucking Chinese guy!"

"I hate you for creating panic in my heart with just your simple stares and laugh!"

"Ano ba ang sinasa--" naputol na naman ang sasabihin ko dahil nagsalita siya.

"But I fucking hate myself more for falling inlove with you inspite of the millions reasons to hate you!"

Hinihingal siya at kita ko ang pagkuyom ng kamao niya.

Napatigil ako dahil sa sinabi niya. Bago pa ako makapagsalita ay tumalikod na siya paalis at iniwan akong nakatulala. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa lakas ng tibok nito.

Ano ba ang nangyayari?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top