Chapter Forty One
Naging matiwasay naman ang biyahe namin ni Brave papuntang Club. Hindi na ito kumibo at patuloy lang ito sa pagmamaneho.
Mga eleven na nang makarating kami sa club. Pero hindi ko kinalas ang seatbelt ko para bumaba.
"We're here," sabi niya sa akin pero hindi ako kumilos.
"We're here," ulit niyang sabi pero nagmatigas ako at tumingin lang sa labas.
Kinilabit niya ako sa braso. "December," hinang tawag niya sa pangalan ko.
Parang nanlamig ako sa narinig. First time kong marinig na tinawag niya ako sa buong pangalan ko.
"Kalasin mo ang seatbelt ko," pagtutukso ko na lang sa kanya. Paraan ko na lang ito para ma-divert ang kakaibang nararamdaman.
Naniningkit ang mga mata niyang tiningnan ako. "What's wrong with you today? Can't you do things on your own?"
Nagkibit-balikat ako sa sinabi niya. "Tinatamad ako eh. Paki mo ba."
"You're crazy. Tsk," iling niyang reklamo.
"Kakalasin mo ang seatbelt ko o dito na lang tayo forever?" nakataas kilay na pagtutukso ko sa kanya.
"Walang forever," ikling sabi niya. Kita ko ang multong ngiti niya sa labi habang iniiwas ang tingin sa akin.
Tumawa ako dahil sa sinabi niya. "Ang bitter at baduy mo. Haha."
Kita kong pinipigilan niya ang ngiti niya kaya mas lalo akong natawa sa mukha niya. Ang cute! Jusko!
Tumagilid siya para humarap sa akin. Nakatitig siya sa mukha kong alam kong pulang-pula na sa kakatawa.
"You are more beautiful when you laugh," nakangiting sabi niya. Kita ko ang kislap sa mga mata niyang nakatitig sa mga mata ko.
Nahihiyang napatigil ako sa kakatawa. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung naiihi lang ba ako o ano. Basta parang kinikiliti ako sa nararamdaman.
"Kung ano-ano na lang talaga ang lumalabas diyan sa bibig mo!" sita ko sa kanya. Walang preno kung magsalita ang leche.
He chuckled at parang sobrang amused niya sa mga nangyayari. "What's wrong? Is it bad if I say what I truly feel?"
Kinurot ko siya sa tagiliran dahilan para mas lalo siyang matawa. "Tumigil ka nga Brave! Hindi na ako natutuwa!"
"Haha. Damn! Your face is so red. Kinikilig ka ba?" tukso niya pa sa akin.
"Kapal mo! Bakit naman ako ako kikiligin sa 'yo, aber?" Nakataas pa rin ang kilay kong tiningnan siya.
"I don't know," natatawang kibit balikat niya, "maybe you have a crush on me."
Hinampas ko siya sa braso dahil sa sinabi niya. Ang feeling niya, nakakaloka. "Pa-check ka na kaya? Malala na 'yang guni-guni mo."
Patuloy niya lang akong tinawanan kaya mas lalo akong nainis.
"Bababa na nga ako!" Kinalas ko ang seatbelt ko at pinihit ang doorknob para makalabas na ng sasakyan. Pero naka-lock pa rin ito.
"Buksan mo nga ang pinto! Lalabas ako!"
"Haha. You know what? I have changed my mind. Let's go somehwere else."
Bago pa ako makapag-react, pinaandar niya na ang sasakyan niya paalis ng club.
"Saan mo ba ako dadalhin? Ipapa-Tulfo talaga kita kapag may mangyaring masama sa akin!" singhal ko sa kanya pero patuloy lang ang pagmamaneho niya.
"Who's Tulfo?" tanong niya habang nasa daan pa rin ang atensiyon.
"Lolo ko. Hindi mo siya kilala?" pagloloko ko sa kanya.
Umiling siya bago sumagot. "I haven't met any of your family. So why would I know him?" seryosong sagot pa niya.
"Seriously Brave? Hindi mo kilala si Raffy Tulfo?!" hindi makapaniwalang pahayag ko.
Nakanguso siyang umiling. "Is he famous?"
Natawa ako sa kainosentihan niya sa mundo. "Saang bundok ka ba nagsusuot at hindi mo kilala si Tulfo?"
Mas lalo siyang ngumuso sa sinabi ko. "I don't mind other people, okay? I have no time minding their own business."
"Haha. Ewan ko sa 'yo. Kaya ang boring ng buhay mo eh," natatawang sabi ko.
"Look who's talking," ngiting iling niya pang sabi.
Kinalma ko na lang ang sarili at itinigil ang kakangiti. Parang mapupunit na kasi ang labi ko sa kakangiti. "Saan mo ba ako dadalhin?"
Nag-isip siya bago sumagot. "I don't know. Where do you want to go?" Nilingon niya ako kaya napaiwas ako ng tingin.
Naiilang ako sa mga titig niya.
"Hmm. Sa Manila Bay tayo?" suhestiyon ko sa kanya. Hindi naman siya nagreklamo at tinatatahak na ang daan patungong Manila Bay.
Mga alas dose na ng madaling araw nang makarating kami sa Manila Bay. Wala ng masyadong tao maliban na lang sa mga magsyotang nagdi-date sa Bay. Naglalakad-lakad lanh kami sa kahabaan ng Boulevard.
"What's in here? There's no more open restaurants," reklamo niya habang sinasabayan ako sa paglalakad.
"Hindi naman tayo sa restaurant pupunta," simpleng sagot ko sa kanya, "nandito na tayo."
Kita ko ang taka sa mukha niya dahil sa sinabi ko. "What are we doing here?"
"Basta. Sumabay ka na lang, pwede?"
"Okay."
Nakita ko sa malayo si Mang Rene kaya dali-dali akong lumapit dito at binati siya. "Hello po Mang Rene. Magandang gabi po," bati ko at nagmano
"Des. Ikaw pala 'yan. Matagal na rin tayo hindi nagkita. Kamusta ka na anak?"
"Ayos lang po. Kayo po? Nasaan po si Nanay Terry at ang kambal?"
"Nasa bahay na Nak. Baka natutulog na," nakangiting sagot niya sa akin at tumingin sa gilid ko, "sino itong gwapong binata? Boyfriend mo?"
"Hin--" naputol ang sasabihin ko dahil sumabat si Brave.
"Magandang gabi po," bati niya kay Mang Rene at nagmano.
"Magandang gabi rin iho. Naparito ba kayo para kumain ng balut?"
"Opo," excited kong sabi.
"Tamang-tama kakarating ko lang. Kaya makakapili pa kayo ng maganda," sabi ni Mang Rene.
"Sige po," excited kong pahayag at kinuha ang tubig na panghinaw ng kamay na amoy downy.
Binigay ko ito kay Brave pagkatapos ko pero takang tinitingnan niya lang ito. "What would I do with that?"
"Malamang panghinaw ng kamay mo," pamimilosopo ko sa kanya.
"My hands are clean," sabi niya pa.
"Bahala ka. Malaki ka na," kibit balikat ko na lang na sabi.
Kumuha ako ng dalawa at binigay ang isa kay Brave. Pero hindi niya ito tinatanggap kaya pinanlakihan ko siya ng mata.
"I don't eat baby ducks," reklamo niya pa.
"Huwag ka na ngang madaming arte. Masarap 'to." Sinimulan ko ng balatan ang balut at nilagyan ng asin at suka.
Halos maubos ko na ang sa akin pero hindi pa rin ginagalaw ni Brave ang balut niya. Masuring tinitigan niya lang ang laman nito.
"Subukan mo. Masarap 'yan," pagpipilit ko pa sa kanya.
"I can't," parang nandidiring sabi niya habang sinusuri ang balut, "there are hairs."
Natawa ako sa kaartehan niya. "Meron talaga 'yan. Pero hindi mo na mararamdaman ang buhok kapag buong kainin mo 'yan."
Kumuha ako ng isa pa at binalatan ito. "Tingnan mo ako ha. Hindi ako kakain nito kung hindi masarap."
Nakatingin siya sa mukha ko habang sarap na sarap ako sa kinakaing balut. Kaya sinubukan niyang gayahin ang paraan ng pagkakakain ko.
"Ano? Masarap diba?"
Hilaw na nakangiting tumango siya.
Kita sa mukha niya na parang nasusuka siya. Pero pinipilit niya lang itong kainin dahil nahihiya siya kay Mang Rene na nakangiting nakatingin sa kanya.
"Ano gusto mo pa ng isa? Haha," pagloloko ko sa kanya. Kaya dali-dali siyang umiling. Natawa na lang ako sa mukha niya.
"I'm still full. One is enough."
"Arte mo," natatawang sagot ko lang sa kanya.
Nagpaalam kami kay Mang Rene pagkatapos naming kumain ng balut. Binigyan pa siya ng extra na pera ni Brave. Ayaw niya pa sana itong tanggapin pero pinilit siya ni Brave na kunin ito. Malaking nagpasalamat na lang si Mang Rene kay Brave.
Naglakad-lakad kami habang papuntang Luneta Park. "Gusto mo ng umuwi?" tanong ko sa kanya.
"No!" daling sagot niya sa tanong ko.
Napangiti na lang akong patuloy na naglakad. Pero napahinto ako dahil naramdaman kong kinuha ni Brave ang kamay ko at pinagsiklop ang mga daliri namin.
"Is it okay?" malambing na tanong niya sa akin habang tagos hanggang kaluluwa ang mga titig niya sa mga mata ko.
Nahihiyang napaiwas ako ng tingin at tumango. Nagsisimula na namang tumatambol ang puso ko.
Ano bang klaseng araw 'to? Parang roller coaster sa daming nangyayari! Maghunos-dili ka December! Kaloka!
======
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top