Chapter Forty Nine


Ilang linggo na ang nakalipas simula noong bumalik sa dati ang tahimik kong buhay. Medyo malungkot pero siguro sanay na ako sa ganitong klaseng buhay.

Nag-iba na ako ng apartment. Medyo maliit ito kompara sa apartment namin ni Karen. Ako lang mag-isa kaya ayos lang kahit medyo masikip. Basta ang importante ay mura ito.

Si Gorgie ang tumulong sa akin maghanap ng ibang malilipatan nang tinanong ko siya kung may alam siyang murang paupahan. Panay ang absent niya at minsan may mga pasa siya sa mukha kapag pumapasok sa trabaho. Hindi rin naman ako nagtanong saan galing ang mga pasa niya. Baka ayaw niyang may makialam sa personal niyang buhay. At ayaw ko na ring manghimasok sa buhay ng iba. Natuto na ako.

Ilang beses ding sinubukan ni Karen makipag-ayos sa akin. Pero hindi ko siya pinaunlakan para kausapin ako. Malamig na pakikitungo lang ang iginawad ko sa kanya.

Masakit sa akin na makitang umiiyak siya. Pero mas makakabuti na tapusin na ang ugnayan namin. Total, sanay na naman akong walang kinikilalang kaibigan sa nakalipas na isang taon kong pamamalagi dito sa Manila.

"Des. Can you come to my office?" Napatayo ako sa pagkakaupo para sundan si Jeb sa opisina niya.

May thirty minutes pa bago magsimula ang shift. Mas maaga akong pumapasok dahil ayaw kong makasabay ang ibang waitress sa locker area. At tsaka nakakabaliw ang katahimikan sa apartment.

"Bakit mo ako pinapatawag Sir?" tanong ko kay Jeb nang makarating kami sa opisina niya.

Simula noong pinutol ko ang ugnayan ko sa kanila, sinabihan ko si Jeb na ituring niya akong bilang empleyado niya, hindi bilang kaibigan. Hindi siya nagtanong sa gusto kong mangyari. Pero parang nauunawan niya at alam na niya ang rason kung bakit.

"Mali-late daw ang vocalist ng banda dahil may emergency. Thirty minutes na lang ay magbubukas na tayo. Is it okay if ikaw muna ang papalit sa kanya habang wala pa siya?" Nagtatantiya ang mukha niyang nakatingin sa akin. Parang nahihiya siya sa favor na hinihingi niya.

Tumango ako bilang sang-ayon. "It's fine Sir. Sige ako na lang muna ang papalit."

Ngumiti siya dahil sa sagot ko. "Salamat Des."

Sinuklian ko siya ng tipid na ngiti. Empleyado niya ako kaya wala siyang dapat ikahiya sa pakiusap niya. As much as possible, mas gugustuhin kong may pader na nakaharang sa pagitan namin. Kasi iyon ang dapat.

"May iba pa po ba kayong kailangan Sir?" tanong ko sa kanya.

"Ahh nothing more Des. Thank you."

"Okay Sir. Magpapalit po muna ako ng damit," pagpapaalam ko sa kanya. He nodded bilang sagot kaya tumalikod na ako at naglakad pabalik ng locker area.

Nang tapos na akong magbihis ay naglakad ako patungong stage para kausapin ang banda at makapaghanda. Habang naglalakad ay may napansin akong dalawang pamilyar na lalaking kausap ni Karen sa isang mesa.

It's Chino and Angel. Nakita sa peripheral vision ko na napatakip sila ng mga mukha nila para magtago. Hindi ko na lang pinahalata na nakita ko na sila at alam kong nandiyan sila.

Palagi namang bumibisita ang dalawang 'yan dito at nagpapabigay ng apology letters. Tinatanggap ko ang mga ito at sa apartment na binabasa.

Actually, hindi ako galit sa kanila. Siguro disappointed lang. Mas galit ako sa isa nilang kaibigan na kahit ni isang beses, hindi man lang sumubok humingi ng tawad. Magtatatlong linggo na pero ni isang beses, kahit anino nito ay hindi ko man lang nakita.

Para akong basura na ganun-ganon na lang kung itapon. Kahit sorry man lang o pagsisisi. Pero wala.

Nakakasakit ng damdamin. Pero hindi na ito importante. Ayaw ko na ring makita pa ang pagmumukha niya. E di magpakasaya siya kasama ang love of his life niya.

Tangina! Bakit ba ang bitter ko?

"Ikaw daw muna ang papalit kay Claudius?" tanong sa akin ng lalaking may hawak na gitara.

"Oo. Des pala." Nakipagkamayan at nakipagkilala ako isa-isa sa kanila.

Humingi sila ng tatlong kanta sa akin para malaman nila ang tamang tempo na gusto ko. Magaling sila bilang banda kaya kahit kapos sa oras ay nairaos naman namin ang practice.

"Magbubukas na ang club. Kantahin mo lang muna ang tatlong kanta. Pagkatapos ay hihingi tayo ng request na kanta galing sa audience hanggang sa darating si Claudius," paliwanag sa akin ng leader nila na drummer.

"Sige."

Medyo marami ang tao sa club kahit kabubukas pa lang. Basta Sabado dadagsa talaga ang mga customers. Mga bagong OPM ang pinili naming kanta lalo na't maraming millenials na customers kapag weekends na puro hugot ang gusto kahit wala namang jowa. Lol.

Una kong kinanta ang Hindi Tayo Pwede by The Juans. Hindi naman bago sa akin ang pagkanta sa harap ng maraming tao. Kaya naging successful ang unang performance ko. Sinasabayan pa nga ako sa pagkanta ng mga tao. Rinig ko rin ang malakas na palakpak at hiyaw ni Chino.

Ang next song ay Hiling by Mark Carpio. Naging maayos din ang performance namin ng banda. Parang umaayon ang nararamdaman ko sa mga OPM songs. Sobrang mapanakit at puno ng hugot.

Sobrang drama ko na talaga. Bwiset.

Ang huling kanta ay Ikaw at Ako by Moira. Lakas mang-asar ng kantang 'to. Ang mga may magandang lovelife lang naman ang nakaka-relate. Kinanta ko ito ng may sakit sa damdamin. Sa pagkanta ko na lang ibinuhos ang lahat ng sakit na naramdaman.

Ganito pala ang feeling ng masaktan kahit walang kayo. Pinaasa lang. Na-ghosting. Iniwan sa ere.

"More! More! More!" sigaw ng audience pagkatapos kong kumanta.

Napangiti ako dahil kahit papaano ay nagustuhan nila ang performance ko. "You can suggest a song po para kakantahin ko," sabi ko sa kanila.

Dali-daling lumapit ang isang babae at binagay ang tissue na may nakasulat na kanta. Napatigil ako nang mabasa ang Sana by I Belong to the Zoo.

Lakas mang-asar ng tadhana. Napabuntong hiningang binigay ko na lang ito sa leader.

"Kaya mo?" tanong ng leader sa akin. Napatango na lang ako at sinimulan na nila ang pagtugtog.

Dati pinapakinggan ko ang kantang 'to dahil kay Apollo. Pero ngayon, mukha ni Brave ang naaalala ko kapag narinig ang kantang 'to. Ang mukha niyang puno ng emosyon at sakit habang kinakanta niya ito para sa babaeng mahal niya. Hindi para sa akin.

🎶Umuwi nang tila bang lahat nagbago na
Nawalan na ng sigla ang 'yong mga mata
Ngayon ko lang naramdaman ang lamig ng gabi
Kahit na magdamag na tayong magkatabi🎶

Nakapikit kong dinadamdam ang bawat linya ng kanta. Itong kantang 'to na siguro ang theme song ng buhay ko.

🎶Bakit ka nag-iba?
Meron na bang iba?🎶🎶

Idinilat ko ang mga mata ko at sumalubong ang titig ng isang pamilyar na lalaki na nakatayo sa may malayo. Parang tumalon ang puso ko.

Brave.

🎶Sana sinabi mo
Para di na umasang may tayo pa sa huli
Sana sinabi mo
Hahayaan naman kitang sumaya't umalis🎶

Hindi ko binibitawan ang mga titig ko sa kanya. Seryoso lang itong nakipagsukatan ng titig sa akin habang nakatayo lang sa malayo at nasa bulsa ang dalawang kamay.

Puno ng hinanakit at pagsusumamo ang boses ko habang binibigkas ang bawat linya ng kanta. Tugma ang lyrics ng kanta sa gusto kong sabihin sa kanya.

🎶Sana sinabi mo
Para ang mga ayaw mo'y aking iibahin
Diba sinabi mo
Basta't tayong dal'wa'y sasaya ang mundong mapait
Diba sinabi ko
Gagawin kong lahat upang tayo pa rin sa huli
Biglang nalaman ko
May hinihintay ka lang palang bumalik
Sana sinabi mo
Dahil di ko maisip ano bang nagawa kong mali🎶

Bumitiw ako sa mga titig niya. Baka hindi kayanin ng puso ko ang sobrang sakit. Tinapos ko na lang ang kanta na puno ng hinanakit at pangungulila.

Nag-request pa sana ng ibang kanta ang audience pero dumating na ang vocalist. "Last song ko na po 'yon. Salamat po pala at nagustuhan niyo ang performance ko."

Humiyaw sila at nagpalakpakan. Lamang pa rin ang sigaw ni Chino at Karen. Napangiting bumaba ako ng stage at pumalit si Claudius sa akin. Sumigaw ang mga tao dahil sikat si Claudius at gwapo kaya maraming fans.

"Thank you Miss ha. I'm Claudius pala," pakilala niya sa sarili niya nakipagkamay.

Tinanggap ko ang kamay niya at ngumiti. "Walang anuman. Sige dito na muna ako."

Dumiretso ako sa locker area para magbihis. Habang busy sa pagkuha ng uniform sa locker ay napatigil ako dahil sa nagsalita.

"Des."

Nanlalambot ang mga tuhod ko. Hindi ko siya nilingon. Hindi ko maibuka ang bibig ko para magsalita. Nakatalikod lang ako sa kanya. Pero naninigas ang buong katawan ko sa lamig ng boses niya.

Dahan-dahan ko siyang nilingon at sumalubong sa akin ang seryoso niyang mukha. Nakaputing polo siya na nakatupi hanggang siko. Nasa bulsa rin ang dalawang kamay niya habang hindi binibitawan ang mga titig sa akin.

"Anong... kailangan mo Brave?" Sa wakas at nakapagsalita ako kahit sobrang lakas na ng tibok ng puso ko.

"Can we talk?"

===========

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top