Chapter Forty Four


Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Angel ay kinausap ko rin si Jeb at humingi ng paumanhin dahil sa mga biglaang absences ko.

Kahit sabihin pa ni Jeb na ayos lang pero ayaw kong abusuhin ang kabaitan niya. Ayaw kong magtanim ng utang na loob sa ibang tao. Nag-usap din kami ni Karen sandali bago ko mapagdesisyonang umuwi.

Nag-offer si Angel na ihatid ako. Hindi na ako umayaw sa offer niya since madaling araw na rin kasi. Madalang na lang ang mga pampasaherong sasakyan na bumabiyahe.

Habang naglalakad kami ni Angel papunta sa sasakyan niya ay nakita ko na naman sa malayo ang may edad na lalaki na sinisigawan si Gorgie. Kahit malayo kami sa kanila ay alam kong nagtatalo sila base sa intensidad ng mga galaw nila.

Akmang susuntukin ng lalaki sa tiyan si Gorgie pero may pumigil sa kamao nito. Dali-dali kaming lumapit at nakita kong si Stalwart ang pumigil sa lalaki. Nakatalikod sila sa amin.

"Sino ka bang pakialamerong lalaki ka?!" sigaw ng medyo may edad na lalaki kay Stalwart. Umiiyak lang si Gorgie habang nasa likod siya ni Stalwart. Pinopretaktahan siya sa pagsugod ng matandang lalaki.

"Bakit nananakit kayo ng babae?" seryosong saad ni Stalwart.

"Anong pakialam mo?!" nanlilisik na singhal ng matandang lalaki kay Stalwart. Kita ang mga pulang mata nito na halatang naka-droga.

"Wala kang pakialam kung anong gawin ko sa walang kwentang babaeng 'yan?!" sigaw pa nito habang nakaturo kay Gorgie na umiiyak sa likod ni Stalwart.

"Hindi ko kayo hahayaang saktan siya," mahinahong saad ni Stalwart. Seryoso ang mga mata nitong nakipagsukatan ng tingin sa matandang lalaki.

"Eh gago ka pa lang bata ka!" Sumugod ang matanda kay Stalwart para suntukin pero napigilan ito ni Stalwart at sinuntok ito sa tiyan.

Napaatras ang matandang lalaki at muntik nang mapaupo. Tumayo ito at may kinuha siya sa likod niya. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang makintab na kutsilyo na itinutok kay Stalwart.

"Angel!" kabadong tawag ko kay Angel sa gilid ko, "tumawag ka ng security guard!"

Kabadong napatakbo si Angel pabalik ng club para humingi ng tulong. Ibinalik ko ang tingin ko sa matandang lalaki at kita ko ang demonyong ngisi nito habang iwinagayway ang kutsilyo sa harap ni Stalwart.

"Gorgie!" tawag ko kay Gorgie kaya napalingon silang dalawa ni Stalwart sa akin, "hali ka dito. Delikado diyan!"

Umiiyak siyang tumakbo papalapit sa akin pero humabol ang matanda kay Gorgie. Ngunit bago pa makalapit ang matanda kay Gorgie ay napigilan ito ni Stalwart at tinadyakan ito sa tiyan. Napaungol na napaatras ito at sinubukan na saksakin si Stalwart. Pero nakaiwas si Stalwart at muling tinadyakan ang matanda sa tiyan.

Lumingon si Stalwart sa amin at nakita ko ang seryosong mga mata niya. "Des, you stay away from here. Ako na ang bahala dito."

Nanlaki ang mga mata ko dahil kita ko ang pagsugod ng matanda. "Stalwart! Sa likod mo!"

Huli na nang maka-react si Stalwart. Kita kong nasaksak siya sa braso. Kita ko ang dugong tumutulo sa braso ni Stalwart. Napaatras si Stalwart habang hawak-hawak ang duguang braso.

"Tay!" namamaos na sigaw ni Gorgie. Umiiyak siya habang nakakuyom ang mga kamao.

Demonyong tumatawa ang matanda habang nakatingin kay Gorgie. "Kita mo na anong mangyayari sa mga pakialamero?!"

"Tay! Tama na po. Tama na po!" namamaos na pakiusap ni Gorgie sa matanda.

"Huwag mo akong tawaging Tatay! Wala akong anak na walang kwenta!" bulyaw ng matandang lalaki kay Gorgie.

Ibinaling ko ang tingin ko kay Stalwart at tinawag siya. "Stalwart! Lumayo ka muna diyan!"

Tumayo si Stalwart at mabagal na umatras. Mas lalo akong kinabahan nang sumugod ang matanda kay Stalwart para saksakin. Mabuti na lang ay nagawa pa ring makaiwas ni Stalwart sa matanda.

"Hoy!"

Napalingon ako sa likod at nakita ko si Angel, Jeb at ang dalawang gwardiya na papalapit sa amin. I felt relieved.

Dali-daling tumalikod at mabilis na tumakbo papaalis ang matanda. Hinabol ng dalawang gwardiya ang matanda pero medyo malayo na ito at nakaliko na sa makitid na eskinita.

Nilapitan ko kaagad si Stalwart na nakaupo sa daan. Hawak-hawak niya pa rin ang duguang braso niya. Lumapit din si Gorgie, Angel at Jeb.

"Stalwart," aligagang tawag ko dito, "ayos ka lang ba? Dalhin ka na namin sa hospital."

Hinang napatawa ito pero alam kong tinitiis niya lang ang natamong sugat. "Malayo lang 'to sa bituka, Des."

"Kahit na!" hindi ko mapigilang magtaas ng boses. Nag-aalala ako sa kanya. Muntik na siyang mapahamak kanina.

"I'm really fine, Des. Daplis lang naman ito," tipid na ngiting pahayag niya.

Umiiyak na lumapit si Gorgie at lumuhod sa harapan ni Stalwart. "Sorry po. Sorry po talaga."

"Hey," nakangiting hinang tawag ni Stalwart sa nakayukong mukha ni Gorgie, "don't say sorry. I'm fine."

"Ano ang nangyayari dito? Sino 'yong lalaki?" tanong ni Jeb.

Dali-daling lumapit si Gorgie kay Jeb at hinawakan ang mga kamay nito. "Manager, sorry po. Kasalanan ko po. Sorry po," umiiyak niyang saad.

Niyakap ni Jeb si Gorgie at nakangiting hinarap ito. "Don't blame yourself. Walang may kasalanan sa nangyari. Ayos ka lang ba?"

Sumisinghot na yumuko si Gorgie at tumango. "Thank you po, Manager."

"Let's get inside. Doon muna kayo mamalagi habang ginagamot ang sugat ni Stalwart. Paparating na rin ang mga pulis," sabi ni Jeb.

Sumang-ayon kami sa sinabi ni Jeb. Lumapit si Angel kay Stalwart at inalalayan itong maglakad.

"You haven't changed Stalwart. You're still the same Stalwart who acts like a Knight in a shining armor," hinang tawang sabi ni Angel.

Natatawang napailing at nagkibit balikat lang si Stalwart. "I can't help but to save women in distress."

Napagtanto kong parang matagal na silang magkakilala. Hindi na lang ako nakinig pa sa pinag-uusapan nila at naunang maglakad papasok ng club.

Dumiretso kami sa opisina ni Jeb at doon na namalagi pansamantala habang hinihintay ang mga pulis. Nakayukong nakaupo lang si Gorgie habang mugto ang mga mata.

Hindi na nagsampa ng kaso si Stalwart laban sa matandang lalaki dahil sa pakiusap ni Gorgie. Nabigla man kami dahil sa hiling niya pero kita sa mga mata niya na ayaw niyang makulong ang Tatay niya.

Tumayo na kami ni Angel nang ma-settle na ang lahat. "Mauna na kami ha? May trabaho pa kami mamaya eh," sabi ni Angel.

Nakangiting tumango sila Jeb at Stalwart pero nakayuko lang si Gorgie habang kinukulikot ang mga daliri.

Ngiting tumango na lang din ako sa kanila at sinimulang maglakad palabas ng office. Pero bago makalabas ay tinawag ako ni Gorgie. Nilingon ko siya at kita ko ang maamo niyang mukha.

"Des, salamat," tipid na ngiting sabi niya. Sinuklian ko siya ng ngiti at tumango.

"Salamat din sa inyo mga Sir's. Sobrang salamat talaga," nahihiyang pasasalamat rin niya kina Angel, Jeb at Stalwart.

Habang nasa biyahe kami ni Angel pauwi ng apartment ko ay hindi ko mapigilan ang mapaisip sa mga nangyayari. Parang ang haba ng araw na ito dahil sa rami ng nangyari.

Nag-uusap rin kami ni Angel ng kung ano-ano. Hindi ko ramdam ang awkwardness kahit nagtapat siya sa feelings niya for me kanina. Parang sobrang komportable ko sa kanya.

Hindi katulad ng kay Brave na parang naiilang ako kahit hindi kami nag-uusap. Kahit mga simpleng tingin at hawak niya lang ay naiilang ako at kinakabahan.

Napapitlag ako nang tumunog ang cellphone ko. Nakita ko ang hindi nakarehistrong numero sa screen na tumatawag.

"Hello," bati ko sa kabilang linya.

Mga ilang segundo bago ito sumagot. "Where are you?"

Parang tumalon ang puso ko sa lamig ng pamilyar na boses. "Pauwi na," sagot ko kay Brave. Sinusubukang pakalmahin ang sarili.

Mga ilang segundo bago ulit ito sumagot. "I went back sa plaza but you were no longer there when I got there."

Parang nanlamig ako dahil sa sinabi niya. "Ahh. Sumakay na lang ako ng Grab. Akala ko kasi iniwan muna ako."

Rinig ko ang buntong hininga niya. "I see. I'm sorry. Are you in a Grab car now?"

"Ahh hindi. Nakita ko si Angel sa club at nagpresentar siyang ihatid ako," casual na sagot ko sa mga tanong niya.

Mga ilang segundo na pero hindi ito nagsasalita ulit.

Tiningnan ko ang cellphone ko at nakitang hindi pa naman disconnected ang call. "Hello, still there?" tanong ko kay Brave.

"Yeah," malamig niyang sagot at bumuntong hininga.

"Ahh." Hindi ko alam ano ang sasabihin. Nauubusan talaga ako ng salitang sasabihin pagdating sa kanya.

"Just take care and sweet dreams," mahinahong sabi nito at binaba ang tawag.

Napahawak ako sa dibdib dahil sa lakas ng tambol nito. Kahit wala pa naman itong sinasabi ay ganito na ang epekto niya sa akin.

Hinang sinuntok ko ang dibdib para pakalmahin ang naghuhumayaw na lecheng puso.

"Are you okay, Des?" tanong ni Angel.

"Ahh oo. Hehe," nahihiyang sagot ko. Ibinaling ko na lang ang tingin sa daan.

Ano ba ang motibo mo Brave? Why do I feel like parang nahuhulog ako sa patibong mo?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top