Chapter Forty
Buong gabi akong nakatinghaya sa kama habang malayo ang iniisip. Hindi ako makatulog hanggang hindi ko nalalaman ang kalagayan ni Nanay at Dodong.
Kanina ko pa hawak ang cellphone ko. Pero wala ni isang text o tawag ang dumating. Mas lalo akong kinakabahan. Ayaw kong mag-isip ng hindi maganda. Alam kong lalaban si Nanay.
Napapitlag ako nang marinig ang tunog ng cellphone ko. Nakita ko ang numero ni Nanay sa screen kaya dali-dali ko itong sinagot.
"Hello," kabadong bati ko sa kabilang linya.
"Hello Ate?" rinig ko ang kalmadong boses ng kapatid ko, "the doctor said na maayos na si Nanay. She was stabbed in the abdomen. Pero mababaw lang naman daw ito."
Nakahinga ako nang maluwag dahil sa sinabi ni Dodong. Pero hindi ko pa rin mapigilang magalit nang kaunti. Sinaktan pa rin ng mga lalaking inuutusan ni Mirasol si Nanay.
"Salamat naman. Bantayan mo si Nanay Dong. Tawagan mo ako kapag gumising na siya," pahabilin ko sa kapatid.
"Okay Ate. Pero aabsent ba muna ako sa school ng ilang araw?"
"Hindi Dong. Pupunta si Apollo diyan para bantayan kayo."
"For real?" medyo excited niyang sabi, "I mean...."
Hindi niya matapos ang sasabihin. Alam kong pinipigilan niya lang ipahalata sa akin ang excitement niya para makita si Apollo.
Spoiled kay Apollo kasi si Dodong at ayon pa sa kapatid ko, si Apollo lang daw ang ka-wavelength ng katalinuhan niya. Kaya magkakasundo sila.
Nakakahiya naman talaga sa pagiging Magna Cumlaude ko.
Napapangiting napailing na lang ako sa kawerduhan ng kapatid ko.
"Sige Dong. Take care always. I love you," pagpapaalam ko sa kapatid.
"Okay Ate. You too," simpleng sagot nito at binaba ang tawag.
Napanguso na lang ako sa sagot nito. Hindi talaga 'to nagsasabi ng I love you. Pero mahal na mahal ko pa rin ang malditong 'yon.
Medyo gumaan-gaan ang pakiramdam ko sa lagay ni Nanay. At least ayos lang siya. Pero kailangan ko pa rin silang ilipat ng matitirhan. Lalo na ngayong alam na ni Tatay saan sila nakatira. Baka maulit na naman ang nangyari kanina.
Bumangon ako sa pagkakahiga at nakitang alas dyes pa lang ng gabi. Pwede pa siguro akong mag-half day sa club. Nahihiya na ako kay Jeb. Dalawang beses na akong nag-absent sa linggong 'to.
Dali-dali akong nagbihis. Nang matapos na ako sa pag-aayos, diretsong naglakad ako palabas ng eskinita.
Sana may masasakyan pa. Sabado ngayon kaya kahit gabi na ay punuan na kahit ang mga taxi.
Napatigil ako sa paglalakad nang makita kong pabalik-balik sa paglalakad si Brave sa labas ng naka-parking niyang sasakyan. Para siyang baliw dahil nagsasalita siyang mag-isa.
Parang may pinapraktis siyang speech dahil may hand gestures pa talaga. Lol.
Lumapit ako sa kanya at hindi man lang niya nahalata ang presensiya ko. Kaya tumikhim ako para istorbuhin ang ginagawa niya.
Nakita kong nabigla siyang napalingon sa akin. Kita ko ang hiya sa mukha niya.
"Anong ginagawa mo dito? Para kang baliw na nagsasalita mag-isa," sabi ko sa kanya.
Hindi siya nagsasalita at nakatitig lang siya sa mukha ko. Kaya napaiwas ako ng tingin. Ang intense naman kung makatitig ang lalaking 'to.
Baka may muta ako. Kaya dali-dali kong inayos ang mukha. Pero wala naman akong dumi sa mukha.
"Huwag ka ngang titig ng titig diyan," sita ko sa kanya. Nahihiya na ako sa paraan ng pagkakatitig niya.
"Did you cry?" tanong pa nito instead na sagutin ang tanong ko.
"Ha?" naguguluhan kong sabi.
"Your eyes are swollen," nakatitig na pahayag niya pa.
Napaiwas ako ng tingin. "Kinagat lang ng ipis," pagsisinungaling ko.
"Yeah, that's too convincing. Tsk," pagpipilosopo niya pa sa akin.
"Bahala ka kung ayaw mong maniwala," sagot ko sa kanya at nagsimulang maglakad para mag-abang ng masasakyan.
"Hey," tawag pa nito, "where are you going?"
"Sa trabaho," simpleng sagot ko sa kanya habang naka-focus pa rin ang tingin sa mga dumadaang sasakyan.
"I thought you don't have work today. I went there early but you didn't show up. Kaya I came here instead."
Napalingon ako sa kanya dahil sa sinabi niya at pinanliitan ko siya ng mata na hinarap. "Bakit? May kailangan ka na naman ba?"
Nahihiyang napakamot siya ng batok bago ako sinagot. "Kailangan ba na may kailangan ako para puntahan ka dito?"
Hinarap ko siya at humalukipkip. Alam kong may binabalak 'to eh. Magtatatlong araw na nga na hindi ko 'to nakita simula noong naglasing 'to, tapos bigla-bigla na lang susulpot dito at sabihing wala siyang pakay?
"Spill it Brave. I am a Psych major kung hindi mo maalala," taas kilay na sabi ko sa kanya. Halata kaya sa mukha nito na may gusto itong sabihin.
Nahihiyang napaiwas siya ng tingin. "Tss. Fine. I just want to..."
Hinintay ko ang sasabihin niya pero hindi niya tinapos. "You just want to what?"
Napabuga siya ng malalim na hininga at diretsong tumitig sa mga mata ko. "I just want to see you."
Nabigla ako sa sinabi niya at parang lumukso ang puso ko sa narinig.
Bwiset na Brave 'to. Ginulat pa ang lecheng heart na 'to.
"Hindi ako naniniwala," salubong na tingin na sagot ko sa kanya.
"I don't care if you believe me or not. But I told you the truth. I came here to see you."
Sarap tampalin ng bibig. Kung anu-ano na lang ang lumalabas. Isa pa itong lecheng puso ko. Kung makatambol, paniwalang-paniwala sa pinagsasabi ng lalaking 'to.
Sarap ipahiwa.
"Ewan ko sa 'yo," tumalikod ako at nagsimulang maglakad palayo sa kanya. Ayaw kong mahalata niya ang epekto niya sa akin.
"Hey," tawag pa nito at naramdaman ko ang kamay niyang humawak sa braso ko. "Hatid na kita. You're going to work, right?"
Binawi ko ang ang braso sa pagkakahawak niya at napaisip ako sa offer niya. Sobrang sakayan ngayon. Baka abutin pa ako ng umaga bago makasakay.
"Okay. Mapilit ka eh," sabi ko sa kanya at naunang maglakad patungo sa sasakyan niya.
"I didn't pilit you. I only offered once." Rinig ko pang natatawang bulong nito. Pero narinig ko naman. Napangiti na lang ako.
"Buksan mo ang pinto," utos ko sa kanya nang nakarating kami sa sasakyan niya.
"What?!" reklamo niya sa sinabi ko, "don't you have hands?"
"Meron naman. Pero dahil pinilit mo akong sumabay sa 'yo, so buksan mo ang pinto," pigil na tawang pahayag ko.
"Hindi kita pinilit," sagot niya. Nagsimula na namang magsalubong ang mga kilay niya.
"Edi hindi. Okay hindi na ako sasakay," pag-iinarte ko pa.
"You're impossible!" apila niya pero binuksan din naman ang pintuan.
Napangiti akong pumasok at umupo sa front seat. Kita ko ang nakabusangot na mukha nito habang sinisimulang paandarin ang sasakyan. Natatawa na lang ako sa mukha niya.
Habang nasa biyahe, hindi ko pa rin maiwasang hindi isipin ang mga nangyari ngayong araw. Parang muli na namang naghihimagsik si Mirasol.
"What are you thinking?"
Naputol ang pagmuni-muni ko dahil sa tanong ni Brave. "Hmm?"
"Do you really love him that much?" sabi nito habang nasa daan pa rin ang tingin.
"Anong bang punagsasabi mo diyan?" kunot noong tanong ko sa kanya.
"He's the reason why you cried, right? And now he's still the reason why you're spacing out," seryosong sabi pa nito.
Hindi ko mapigilang matawa sa sinabi. Kaya nakangusong nakabusangot ang mukha niya dahil sa pagtawa ko.
"What's funny?"
"Bagay kayo ni Karen. Haha. Kung saan-saan na lang umaabot ang imahinasyon niyo."
Mas lalong tumulis ang pagnguso nito. Parang bata. Lol.
"Karen is for Chino," sagot pa nito. Tumaas ang isang kilay ko sa sinabi niya.
"You even had a double-date this afternoon right? Tsk," dagdag pa niya.
"Sinong nagsabi sa 'yong double-date 'yon?" nakataas na kilay na tanong ko sa kanya.
"Chino said you had a great time. He sent me the pictures of the four of you," nakangusong sabi pa niya.
Natatawang napailing na lang ako sa mukha ni Brave. Puro talaga kalokohan ang nasa utak ng Chino na 'yon.
Kahit papaano ay nagawa ko pa ring tumawa sa kabila ng lahat ng nangyari. Napangiting ibinalik ko na lang ang atensiyon sa daan.
Sana ganito na lang parati ang buhay. Sawa na ako sa puro pagsubok at pasakit.
=========
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top