Chapter Five
Parang may dumaang anghel sa table namin dahil walang nagsasalita pagkatapos ng huling sinabi ko. Mga sampung segundo siguro ang lumipas nang biglang bumahakhak nang malakas si Chino. Natatawang napayuko na lang si Gareth at Angel.
"Iba ka, Des," natatawa pa ring pahayag ni Chino. "Idol na talaga kita."
"Ano bang meron sa sinabi ko?" maang-maangang tanong ko sa kanila.
"Kita mo paano niya sinabi 'yon bro? Haha," tanong ni Chino kay Angel, dinedma ang tanong ko, "I choose him," ginaya niya pa kung paano ko ginaya ang pagkakasabi ni Brave. Tapos tumawa nang nakakaloko.
Loko-loko talaga.
"Yeah. Epic," amused na sagot ni Angel.
"Ikaw, bro? Narinig mo ba 'yon?" tanong ni Chino kay Gareth. Tumango lang ito habang nakangiting tuminingin sa akin.
"You girls, you saw it too?"
"Of course! Because we're also here, duh! It's just a minute ago. What's cool about it?" malditang pahayag ni Stacy.
Oo nga naman. Ano bang nakakatawa 'don? Abnormal talaga 'tong Chinito na 'to. Ang babaw ng kaligayahan. Nagawi ang tingin ko kay Brave. Nawala ang smirk nito at napalitan na ng madilim na aura. Siguro dahil pinagkakatuwaan siya ni Chino.
Mas natawa pa ako sa pulang mukha ni Brave na parang gustong manapak sa galit kesa sa kalokohan ni Chino.
"Atapang a tao," tawag ni Chino kay Brave, "you can't intimidate her," umiiling na sabi niya tapos tumawa.
"Shut up." Mas lalo pang sumungit ang mukha nito.
Ano bang meron? Akala nila ma-i-intimidate ako sa ugali ni Kawayan? Sus, dami ko ng nakasalamuhang kagaya ng ugali niya. Hindi ko kasi talaga gets anong meron. Parang iyon lang sinabi ko, wagas na kung makatawa 'tong Chinito na 'to.
"Let's get over it," sabi ni Brave. Hindi na pinatulan ang kalokohan ni Chino. "Where's the choices?" tanong pa niya sa akin. Seryoso pa rin ang mukha.
Oo nga pala, nakalimutan ko ang tatlong bagay na 'yon. Nag-isip ako ng mga hindi masyadong personal. Pero wala talaga akong maisip.
"We're waiting." Bumalik ang smirk sa mukha niya. Sarap sapakin.
Wala na talaga akong maisip. Na-pressure pa ako kasi lahat sila nakatingin sa akin. Nag-aantay sa sasabihin ko. Pati ang dalawang babae nakaabang din.
Gan'on ba sila ka excited about me? Na-flattered naman ako.
"I'm 24 years old. Valedictorian ako no'ng kinder ako. At..."
Ano pa bang iba?
"And?" si Brave.
Tss, hindi lang makapag-antay? Nag-iisip pa ako ng isa pa.
"At... maganda ako?"
Kita ko ang pagkataka sa mukha nila. Tapos sabay na tumawa si Chino at Angel. Napailing na lang si Gareth habang si Chastity nakita ko ring medyo napangiti nang kaunti. Pero si Stacy naka-maldita face pa rin. While si Brave, nand'on pa rin ang smirk sa mukha niya.
"Ahahah, Des-sensei, pahingi ng confidence," sabi ni Chino. Nag-japanese bow pa siya.
Gago talaga. Puro kalokohan. Kaya binato ko ng tansan na takip ng Bacardi ang mukha. 'Yon sapul! Kaya natawa ako. Humagik-ik rin si Angel.
"All lies," biglang sabi ni Brave. Kaya tumahimik bigla ang lahat at napatingin sa kanya.
Hindi pa rin ba siya tapos sa sumpong niya? Jusko! Daig pa niya ang isang dalagang kakaregla pa lang.
"Isang lie lang kaya dapat," balik na sagot ko sa kanya.
"It's my answer. All are lies." Nag-smirk na naman siya. Parang tuwang-tuwa pa siya.
"Sa akin, all are true," sabat ni Chino habang tumatango-tango pa, "sa 'yo, bro?" tanong niya kay Angel.
"Ahm true," nahihiyang sagot ni Angel.
"Sa 'yo, bro?" tanong na naman ni Chino kay Gareth. Tumawa lang si Gareth. Para kasing pinagkakaisahan nila si Brave.
"Hey!" sabat ni Stacy. "It's Brave who will answer it. So why are you guys also guessing?" Nagkibit-balikat lang si Chino at napangisi.
Oo nga naman. Bakit sumasagot din sila? Wala kaya sa rule na mag-guess din sila. Puro talaga kalokohan 'tong Chinito na 'to.
"She doesn't look that young to be 24 years old," biglang sabi ni Brave habang nakatingin sa akin.
So mas mukha akong matanda? Gan'on? Kaloka!
"Ahh, okay?" Hindi ko alam ang sasabihin. At saka parang wala naman sa rule na dapat may explanation sa sagot. Hinayaan ko na lang siya sa kaartehan niya.
"If she's smart, she won't be working here," pagpapatuloy niya pa.
Aba't ayaw talaga paawat ni Kuya.
"Wow ha! Lakas maka-judge. Simon Cowell, is that you?" react ko sa sinabi niya. He went a little bit overboard there.
"And she just looks... average. So my guess is, all are lies," patapos na sabi niya at sumandal sa upuan habang naka crossed-arms at de-kwatro while the smirk is still on his face.
Ang hangin niya ha. Wala na talaga akong masabi. Grabe.
"Galing! May tama ka! Ahahah." Pumalakpak pa ko pagkasabi 'non. Akala niya siguro ma-o-offend ako sa sinabi niya. Asa pa siya.
Itinawa ko na lang lahat ng sinabi niya. As usual, na-judge na naman ang Lola mo. So deadma. Ayaw kong mag-aksaya ng laway. He can judge me all he wants. Bigyan ko pa siya ng criteria for judging diyan eh.
At bahala siyang mag-isip sa sinabi ko kung tama ba siya or may tama ang utak niya.
Ang 'maganda ako' lang naman ang false sa tatlo. Kahit maganda naman talaga ako. Lol.
Valedictorian din kaya ako noong kinder. At ang dami kayang nagsasabi na mas mukha akong bata sa edad ko na 24 years old.
Kaya dapat ang sagot ay true lahat.
Natawa na lang talaga ako sa mga pinag-iisip. "Asan na ang baso? Akin na. Haha," basag ko na lang sa awkwardness sa paligid.
"Akin na lang 'to, Des," sabi ni Chino. Bago pa ako makapag-react ay nainom na niya ang Bacardi.
"Okay, spin the bottle," excited na sabi ni Stacy. Parang wala lang naman sa kanila ang mood swings ni Brave. Baka sanay na.
Bago pa huminto ang bote, nakita kong papalapit si Karen sa table namin.
"Ahhh, excuse muna ha." Tumayo ako at hindi na hinintay ang sagot nila.
Nakita ko kasi si Karen na parang natatae ang mukha.
"Des!" salubong niya sa 'kin. Gan'on pa rin ang mukha. Parang constipated na parang natatae.
"Anong nangyari sa 'yo? Para kang natatae diyan," saway ko sa kanya.
"Diba under provision mo ang Table 2?" aligagang tanong niya sa akin.
"Oo, bakit?"
"Kasi wala na sila sa table nila. Eh hindi pa nagbabayad ang mga 'yon..."
Nasapo ko ang noo ko sa narinig.
Bwiset na spin the bottle talaga ang dahilan nito!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top