Chapter Fifty Two
Ang bigat ng pakiramdam ko habang paulit-ulit na binabasa ang resignation letter na ipapasa ko mamaya kay Jeb. Kahit sa kaunting panahon na pagtatrabaho ko sa Club ay hindi maipagkakaila na maraming memories ang nabuo kasama ang mga taong napalapit na rin sa puso ko.
Pumatak ang luha sa mata ko. Kahit sobrang nasaktan ako, hindi ko mapigilang maiyak dahil mami-miss ko sila. Ang kakulitan nila Karen at Chino. Ang kabaitan ni Angel, Gareth at Jeb.
At ang malditong mukha niya.
Pero ito ang nararapat kong gawin. Hindi na healthy ang lahat. Ako na lang aalis dahil ako rin naman ang puno't dulo ng lahat ng ito. Nakasira pa ako sa pagkakaibigan nila.
But hindi ko pa rin makakalimutan ang pang-gagagong ginawa niya sa akin na nagtamo ng malalim na sugat sa puso ko. I may have forgiven him, but I will never forget.
Alas otso na ng gabi nang makarating ako sa club. Alam kong nasa opisina na si Jeb. Sa gabi lang kasi siya madalas sa Club. Kaya sinadya kong sa gabi tumungo dahil gusto kong ipasa ang resignation letter at makapagsalamat sa kanya ng personal.
Napahinto ako sa paglalakad papasok ng club nang namataan ko si Chastity na nakatayo sa may entrance ng club. Parang bagot na bagot siya at hindi maipinta ang mukha. Nang makita niya ako ay mabilis na lumapit siya sa akin.
"Ano ang--" naputol ang sasabihin ko dahil malakas na sinampal niya ako sa kaliwang pisngi. Magsasalita pa sana ako pero nakita kong umiiyak siya.
"I hate you December! I hate you so much!" may pagdidiin na saad niya. Kita ang umaapoy na galit sa mata niya habang umiiyak.
Blangkong tingin lang ang isinukli ko sa kanya. "I know. I hate myself too," sagot ko sa kanya habang nakipagsukatan ng titig sa kanya. Kita sa mukha niya ang sakit at galit.
First time kong makita ang ganitong side niya. Pero alam ko na ang dahilan ng galit niya kaya hinayaan ko na lang siyang ilabas lahat ng hinanakit niya sa akin.
"Ikaw ang dahilan why their friendship was ruined!" dagdag na pahayag niya, "everything was perfectly fine until you came!"
Parang karayom ang mga salitang binibitawan niya na tumutusok sa puso ko. Siguro tama siya. Ako ang dahilan ng lahat. Kasalanan ko ang lahat. Hindi lang ako ang nasaktan sa sitwasyon, pati ibang tao rin.
Naiintindihan ko siya. She just loves her friends. Kahit sinong tao, ipagtatanggol talaga ang mga kaibigan para ma-save lang ang friendship. Even me, ganito rin ang gagawin ko for friendship.
"Please I beg you, go away," pagsusumamong hiling niya sa akin. Patuloy pa rin ang pagpatak ng mga luha niya sa mata. Nakayukong pinapahiran niya ito. "Angel is a kind man December. Please don't change him for worse."
Parang bumigat ang dibdib ko dahil sa sinabi niya. Nagi-guilty ako. "I will...." sagot ko sa kanya. Napaangat siya ng tingin sa akin. "I will go away. But with one condition."
May kaunting kislap sa mga mata niyang nakatitig sa akin. "What is it?"
Kinuha ko ang mga ginawang letters sa bag para kina Angel, Chino, Gareth, Jeb and Brave. Plano ko sanang personal na ibigay ito sa kanila. Pero baka hindi ko kayanin ang sakit. Mas mainam na siya na lang ang magbigay nito sa kanila.
"Pakibigay nito sa kanila." Halata ang tamlay sa boses ko habang binibigkas ang bawat salita. Mami-miss ko silang lahat.
"A-ano ito?" takang tanong niya sa akin.
Pinipigilan ko ang mga luha sa mata na pumatak. "Thank you letters lang ang mga 'yan." Binigyan ko siya ng matipid na ngiti.
Pinahiran niya ang mga luha sa mukha at napatango. "I will give these to them."
"Salamat," sabi ko. Napatango siya at tumalikod paalis.
"Chastity..." pigil ko sa kanya.
Huminto siya at lumingon sa akin. "Why?" Puno ng pagod ang boses at mukha niya. Alam kong labis din siyang nasaktan sa nangyari sa mga kaibigan niya dahil sa akin.
"Please don't give up on Angel. He deserves a woman who will stay by his side. Continue loving him. He deserves it," sabi ko sa kanya at binigyan siya ng sinserong ngiti.
Kita ko ang gulat sa mukha niya. Siguro hindi niya ini-expect na alam kong may gusto siya kay Angel. Pero sobrang halata niya naman kahit unang araw ko pa lang silang nakilala. I just hope na makita rin iyon ni Angel.
Naluluhang napatango siya. "T-thank you..."
Tumalikod na ako at sumakay ulit ng taxi papunta sa dati kong apartment para makausap si Karen. Alam kong day off niya ngayon. Sana nandoon lang siya.
Na-miss ko na ang Bruha. Kahit sa huling sandali gusto kong mayakap at marinig ang kalokohan niya. Naiiyak ako sa isipang ito na ang huli naming pagkikita. Pero ito ang nararapat. Ako na lang ang mag-a-adjust para sa ikabubuti ng lahat.
Excited akong tinatahak ang eskinita papuntang apartment. Nang makarating ako sa harap ng apartment ay nagtaka ako dahil medyo nakabukas ang pintuan. Nakapatay rin ang ilaw.
Dahan-dahan kong pinihit ang pintuan. "Karen..."
Pero walang sumasagot. Binuksan ko ang ilaw at tumambad ang kalat sa sala. May nakatumbang upuan. May mga nakakalat na damit sa sofa. May plato rin na may rice at ulam sa lamesa ng kusina. Parang hindi natapos ang taong kumakain nito.
Hinawakan ko ang rice at naramdamang medyo mainit pa ito. "Karen..."
Pero walang sumasagot. Sumibol ang kaba sa aking dibdib. Ayaw kong mag-isip ng masama pero hindi ko mapigilang mag-alala. Parating naglilinis ang Bruha sa apartment. Ayaw n'on ang sobrang kalat.
Binuksan ko ang banyo pero walang tao. Mas lalo akong kinabahan. Ang kwarto na lang ang hindi ko na-check. Dahan-dahan kong pinihit ang pintuan ng kwarto. Pero napapitlag ako bago ko mabuksan ang pintuan dahil sa lakas na tunog ng cellphone ko.
Shit!
Dali-dali kong kinuha ang cellphone at nakitang tumatawag si Apollo. "Hello Apollo..."
"Ember where are you now?" Ramdam ko ang kaba sa kanyang boses dahil sa malalim at malakas na hininga niya.
"N-nasa apartment... b-bakit Apollo?" Mas lalong tumambol ang dibdib ko. Hindi ko mapigilang manginig.
"Shit!" mura niya, "get out from that house now! I just heard Tita Mirasol ordered someone on the phone to abduct you!"
Parang tumayo ang lahat ng balahibo ko sa katawan dahil sa sinabi niya. Naestatwa ang buong katawan ko nang maramdaman ang presensiya ng isang tao sa likod ko.
"Ember! Umalis ka na diyan!" aligagang sabi ni Apollo sa kabilang linya.
Bago pa ako makalingon ay nahawakan na niya ako sa leeg at tinakpan niya ang bibig at ilong ko ng panyo. Sinubukan kong magpumiglas pero sobrang lakas niya.
Parang nanghihina ang katawan ko. Nagsimula ring umikot ang paningin ko. Naramdaman ko na lang ang dahan-dahan kong pagbagsak sa sahig.
Bago ako tuluyang mawalan ng malay ay nakita ko sa kwarto si Karen na nakagapos at may duct tape sa bibig. Umiiyak rin siya.
Gusto kong bumangon at labanan ang kung sino man ang lalaking ito pero nanghihina na ang katawan ko at anumang segundo ay mawawalan na ako ng malay.
Sinubukan kong gumapang papunta kay Karen kahit alam kong nakatayo lang ang lalaking may takip sa mukha sa likod ko. Umiiyak at umiiling si Karen na nakatingin sa akin. Parang gusto niyang sabihin na huwag akong lumapit sa kanya. Pero hindi ako dapat sumuko. Nasa kapahamakan kami.
Ilang distansya lang ang nagapang ko ay naramdaman ko ang paang umaapak sa ulo ko para pigilan ako. Napadiin ang pagkakaapak niya kaya mas lalo akong nanghilo. Hindi ko na nakayanan at tuminghaya ako.
Hilong-hilo na ako. Naramdaman ko na lang ang mga luhang pumapatak sa mata ko. Nasa kapahamakan si Karen! Tangina! Bakit pati kaibigan ko dinadamay nila?!
Tumambad ang mukha ng isang may edad na lalaki na nakangising nakatingin sa akin. Isang pamilyar na may edad na lalaki na minsan nang naglagay kay Stalwart sa kapahamakan.
Hindi na nakayanan ng mata ko ang pagkahilo at tuluyan na akong nawalan ng malay.
*********
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top