Chapter Fifty


Hindi magkahumayaw ang puso ko habang pinagmamasdan ang mukha niya. Magkahalong kirot at saya ang aking naramdaman. Mga three weeks na ang nakalipas simula noong huli naming pag-uusap.

"Ahh... ano ang pag-uusapan natin?" Sinusubukan kong pakalmahin ang sarili. Ayaw kong mahalata niya ang epekto niya sa akin.

Diretsong nakatingin lang ang mga mata niya sa mukha ko. Blangko ang mga ito kaya mas lalo akong kinabahan. Pero nilalabanan ko ang mga titig niya.

"I just want to settle everything." Lumundag ang puso ko sa narinig. Ilang araw kong hinintay ang sorry niya.

Tipid na napangiti ako. "Magso-sorry ka na ba?"

Kita ko ang confusion sa mukha niya kaya nabura ang ngiti ko sa labi. "Why would I say sorry?"

Parang binuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa narinig. Nagsimulang uminit ang katawan ko sa galit. "E bakit ka nandito?!" Hindi ko mapigilang magtaas ng boses dahil sa kagaguhan niya.

Humalukipkip siya at nagsalubong ang mga kilay na tiningnan ako. "What's the rage all about?"

Mas lalo akong nainis sa pinagsasabi niya. "Ewan ko sa 'yo! Malaki ka na!" Tumalikod ako at tinungo ulit ang locker. Kinuha ko ang uniform at muli siyang hinarap.

"Magbibihis ako. Lumabas ka," sabi ko sa kanya. Blangko lang ang mukha kong nakipagsukatan ng titig sa kanya. Ayaw kong ipakita sa kanya ang galit ko. He's not worth it.

Hindi siya kumilos at nakatayo lang siya habang diretso ang titig sa mukha ko. Kinuyom ko ang kamao ko at lumapit sa kanya.

"Ano bang kailangan mo?" Pinipigilan ko ang sarili na bulyawan at sampalin siya. Hindi siya sumagot. Parang kahoy lang siyang nakatayo.

"Ayaw mong magsalita? E di lumabas ka na!" Sinuntok ko siya nang malakas sa dibdib. Pero hindi siya natinag at pinigilan ang kamao ko para suntukin siya ulit.

Binawi ko ang kamay sa pagkakahawak niya. "Huwag mo akong hawakan! Tangina ka! Ano bang kailangan mo? Ha?!"

Nagbabadyang tumulo na naman ang mga luha ko. Lakas niyang manggago ng tao. Pinahiran ko ang mga mata ko bago pa may pumatak dito. At muli siyang hinarap.

Seryoso pa rin ang mukha niyang nakatitig sa akin. "Why do you look so hurt?" kalmado niyang tanong.

Nanlilisik ang mga mata kong tiningnan siya. "Hindi ka naman siguro bobo para hindi mo alam! Tangina ka! Hindi ka na bata para hindi mo malaman!"

"Call me stupid but I still have no idea why you are mad at me." Blangko ang mukha niya habang nakapako ang mga titig sa mukha ko.

"Hindi ko na 'yan problema kung ganyan ka kamanhid," may pagdidiin na sagot ko sa kanya. "Lumabas ka na. Bago pa ako magtawag ng guard para palabasin ka." Tinalikuran ko siya at nagtungo sa locker ko.

"Do you have feelings for me?"

Napalingon ako sa kanya dahil sa sinabi niya. "Ano sa tingin mo?"

Mas lalong nagsalubong ang mga kilay niya. "Just answer me."

"Hindi na 'yon importante. Ikaw bahala sa kung ano man ang isipin mo," sagot ko sa kanya at tumalikod papunta sa salamin para ayusin ang sarili. Wala akong plano makisali sa katangahan niya.

"Why can't you just say it?! Damn it!"

Napatigil ako sa ginagawa dahil sa biglaang sigaw niya. Muli ko siyang hinarap at kita ko ang namumulang maldito niyang mukha.

"Sino ba ang lalaki sa ating dalawa, ha?! Wala ka pa lang bayag eh! Tangina mo!"

Mas lalong sumungit ang mukha niya at lumapit sa akin. Ilang pulgada lang ang distansya namin kaya napaatras ako at napasandal sa may lababo.

"I've already confessed my feelings for you," sagot niya. Ramdam ko ang amoy mentol na hininga niya na tumatama sa mukha ko.

Hindi ko na napigilan at malakas na sinampal siya sa mukha. Dahil sa lakas ng pagkakasampal ko sa kanya ay kita ko ang pamumula ng pisngi niya. Hindi niya ako nilingon at nakahawak lang siya sa kaliwang pisngi niya habang umiigting ang panga.

Pumatak ang mga luha ko sa mata. Hindi ko na inabalang pahiran ito. "Hindi ka pa ba tapos sa panggagago mo sa akin?"

Humarap siya at madilim ang mukha niyang nakatitig sa akin. Pero hindi ako bumitiw sa mga titig niya.

"Ano?! Sagutin mo ako! Ano bang nagawa kong kasalanan sa 'yo para gaguhin mo ako?!" Nanginginig ang buong katawan ko habang patuloy ang pag-agos ng luha.

"Hindi kita ginagago," kalmadong sagot niya.

Mas lalo akong nainis dahil sa sinabi niya. "Anong tawag mo sa ginawa mo? Pinaglaruan lang? Brave tangina naman! Nagtapat ka sa akin pero wala pa ngang bente kwatro oras, binawi mo na ito agad at sinabing walang katotohanan ang lahat! Na panggagago lang ang lahat para makuha mo ulit Ex mo. Ni hindi mo nga ako binigyan ng tamang oras para makapag-isip!"

"You didn't say anything when I confessed my feelings to you."

Napailing ako dahil sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwala sa kabobohan niya. "Ano ang ini-expect mong maging reaction ko? Magtatalon sa tuwa? Eh parang sinusumpa mo nga ako araw-araw dahil sa pangiinsulto mo. Tapos biglang sasabihin mong gusto mo ako? Pero kinabukasan sasabihin mo namang hindi totoo ang lahat? Hindi ba panggagago ang tawag diyan?! Parang ang dali-dali lang sa 'yo magbitaw ng mga salita. Nagdedesisyon ka nang walang pasabi."

Hinihingal ako sa haba ng sinabi. Patuloy pa rin ang pagpatak ng mga luha sa mata. Matagal ko nang gustong isumbat ito sa kanya lahat. Mas lalo akong nasaktan dahil parang ako lang ang nasasaktan sa aming dalawa. Umabot pa talaga ng tatlong linggo bago niya naisipang magpakita sa akin para humingi ng tawad.

"I just thought you like Angel or your Ex more." Lumambot ang mukha niyang nakatitig sa akin. Wala na akong pakialam sa mukha ko.

Muling sumibol ang galit sa dibdib ko dahil sa sinabi niya. "Ano ba ang tingin mo sa akin Brave? Laruan? Parang pinagpustahan niyo ako. Brave, tao rin ako. Babae. Nasasaktan." Mas lalong bumigat ang puso ko sa sakit.

Umamo ang mukha niya at akmang lalapit sa akin pero tinaas ko ang kanang kamay ko para senyasan siya na huwag lumapit. "Brave nga pangalan mo pero napakaduwag mo. Wala kang bayag."

"I'm... sorry. I just got confused and I didn't know that you feel the same way too," malumanay na saad niya. Kita ko sa mga mata niya ang pag-aalala at sakit.

"Nagdedesisyon ka kasi agad-agad. Hindi--" naputol ang sasabihin ko dahil may nagsalita.

"Hon..."

Parang nanigas ang buong katawan ko sa narinig. Dumapo ang paningin ko sa pumasok na babae. Kita ang maamo nitong mukha habang parang nalilitong nakatitig sa amin. Lumapit siya sa gilid ni Brave. Napatalikod ako at dali-daling pinahiran ang mukha.

Tangina! Tangina talaga!

"Hon... did it go well? Nag-sorry ka na ba sa kanya?" mahinhin na sabi ni April.

Parang sinasaksak ang puso ko sa narinig. Parang hinayaan ko ang sarili na pukpukin ang ulo gamit ang parehong bato. Ito pala ang ibig niyang sabihin ng 'settle everything' niya. Pumunta siya dito para humingi ng sorry. At alam ito ni April.

So totoo ngang nagkabalikan sila? Tangina!

Bumuhos ang luha sa mata ko at parang hindi ko kayanin ang sakit sa puso. Parang hinihiwa ang puso ko sa sakit. Napakatanga ko para muling umaasa na this time it means something else.

"Des..." pag-iingat na tawag ni Brave sa akin. Pero hindi ko siya nilingon.

"Des. I'm sorry. Let me explain," dagdag na sabi niya.

Pinahiran ko ang mga luha sa mukha at buong tapang na hinarap sila. Maamo pa rin ang mukha ni April habang parang hindi mapakali ang mukha ni Brave na nakatingin sa akin.

"I will make you pay for this. Sisiguraduhin kong you will all pay for this!" mariin na sabi ko sa kanila habang kinukuyom ang mga kamao.

"Des..."

Tumakbo ako palabas ng locker area habang umaagos ang mga luha sa mata. Diretsong pumasok ako sa opisina ni Jeb kaya nagulat ang mata niya nang makita ang hitsura ko.

"Des..." nag-aalalang tawag niya at lumapit sa akin, "what's wrong?"

"Last day ko na ngayon. Bukas magpapasa ako ng resignation letter," sabi ko sa kanya. Walang emosyong tinitigan lang siya sa mukha.

"Des..."

Tumalikod na ako at tumakbong lumabas ng opisina niya. Nakita sa gilid ng mata ko na papapalapit si Angel, Chino at Karen sa akin. Mas lalo kong binilisan ang pagtakbo palabas ng club.

"Des!" tawag nila sa akin pero hindi ko sila nililingon.

Pumara ako agad ng taxi at diretsong pumasok sa loob. Kita kong hinahabol ni Angel ang taxi pero pinigilan siya ni Chino at Jeb.

Iniwas ko ang tingin sa kanila at hinahayaang pumatak ang mga luha sa mukha.

Sisiguraduhin kong pagbabayaran niya ang ginawa niya sa akin!

********

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top