Chapter Fifteen
Naging busy ang trabaho namin dahil sa sobrang dami ng customers. Friday is one of the busiest nights sa club dahil maraming mga customers na galing trabaho at galing sa school na dumeretso rito para mag-party.
Isa rin 'to sa mga paboritong araw ko na hindi dapat mag-absent. Malaki ang nakukuha kong tip kapag Fridays at Weekends. Pero kadalasan sa mga araw na 'to may mga nag-aaway o nagwawala or nagsusuntukan.
Simula pagka-start ng shift ay hindi na ako naka-upo man lang. Busy ang lahat. Kahit si Karen, hindi man lang kami nagkaroon ng oras para mag-tsismisan.
Nagpasalamat na rin na pre-occupied ang isip ko sa trabaho. Hindi ko na inaalala ang engkwentro namin ni Brave kanina. Hindi ko na siya nakita pagkatapos non. Hindi ko alam kong umuwi ba siya agad o uminom. Hindi ko na lang inalala pa. Wala akong paki-alam sa kanya. Kung maaari ay huwag ko na siyang makita pa.
Mga tatlong oras bago humupa ang mga orders ng mga tables na under provision ko. Kaya nagkaroon ako ng oras na umupo sa may service area. Habang ang iba ay busy pa rin.
Napalitan na ang banda kanina ng isang DJ kaya marami na ang sumasayaw sa dance floor. Habang pinagmamasdan ang mga taong sumasayaw ay namataan ko si Brave na sumasayaw sa dance floor. May kasayaw siyang seksing babae. Hawak niya ang bewang nito habang ang dalawang kamay ng babae ay nakasabit sa leeg niya.
Akala ko umuwi na siya?
Kita ko kung paano magkadikit ang mga katawan at noo nila. Nakatitig sila sa isa't-isa at tumatawa. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa biglaang pagbilis ng tibok nito. Iniwas ko na lang ang tingin at hindi na in-entertain ang maliit na kirot na naramdaman.
Dafak, Des? Pa-check up ka na kaya? Baka may sakit ka na sa puso.
Biglang nag-buzz ang table na hawak ko kaya napabalikwas ako ng tayo at dali-daling pumunta roon. Grupo ito ng tatlong lalaki at dalawang babae.
"What can I do for you, Sir?" tanong ko sa isa. Siya lang ang walang pares sa grupo nila. Kanina pa 'to lumalandi sa akin pero hindi ko na pinatulan. Baka mapahamak na naman ako sa sarili kong kalokohan.
"Miss beautiful, ako lang ang walang pares dito," malanding pahayag niya habang nakanguso.
Tss. Parang pwet ng manok. Hindi ako sumagot sa kalandian niya. Pekeng ngiti lang ang sukli ko sa kanya. May hitsura naman ang isang 'to. Pero walang lalaki ang naghahanap ng seryosong relasyon sa club. Lahat ng pumupunta ng club ay aliw lang ang hanap. At wala akong plano makipaglaro sa apoy. Baka mapaso pa ako.
"Stop it, Zed," saway ng kakarating na lalaki. "Hi, Des," bati niya pagkalingon sa akin.
Si tisoy pala. Iyong lalaking binulabog ko sa banyo. Parang kakarating niya lang kasi mukhang presko pa ang dating at walang halong kalasingan.
"Hello," tipid na ngiti ko na lang sa kanya. I feel guilty sa inasal ko noong huling usap namin. Problemado ba naman saan kukuha ng sampong libo, kaya natarayan ko siya kahit wala naman siyang ginawang masama.
"Inaabala ka ba nito?" tanong niya sa akin habang turo ang kasama niyang tinawag niyang Zed.
Umiling ako bilang sagot sa tanong niya. "Hindi naman."
"You sound like a protective boyfriend, tsk." Tumayo si Zed at umalis. Kaya naiwan kaming dalawa nitong tisoy na nakatayo. Busy ang ibang kasama niya.
"May kailangan pa kayo, Sir?" casual na tanong ko sa kanya. Baka may order pa 'to para makilos ko na ang order niya.
Tumawa siya nang mahina. "Don't call me Sir. Just call me Stalwart." Nilahad niya ang kamay niya sa akin.
Tinanggap ko ito at sinuklian siya ng ngiti.
"Sige. Beep the buzzer na lang if you need my assistance."
"Ahm I need a drink pala," medyo nahihiya niyang sabi.
"Ahh okay. Anong sa iyo?"
"I can't choose. Maybe just beer? Pero huwag lang red horse," pahayag niya pa.
"Parang first time mo naman dito," hinang tawang sabi ko sa kanya, "baka nga may suki card ka na rito eh."
"Grabe naman sa suki card Haha."
Tumawa na lang ako sa ka-echosan niya. "So kahit anong beer na lang? Basta 'di red horse?"
"Yes, please?"
Parang timang. Nagpapa-cute pa. "Sige. I'll be back for your orders na lang."
Napa-iling akong tumalikod at tinungo ang service area. Pero namataan ko si Brave na seryosong nakatingin sa amin o kay Stalwart. Naka-upo lang ito sa bar nakatalikod sa bartender. Wala na ang babaeng kasayaw niya kanina.
Iniwas ko na lang ang tingin ko sa kanya at kinuha ang order ni Stalwart.
******
Lumalalim na ang gabi at nagiging wild na rin ang mga tao. Hindi na rin ako masyadong busy dahil wala ng masyadong dagdag na orders. Sinisigurado ko na rin na nababantayan ko ang mga Tables baka matakasan na naman ako. Mabuti na ang sigurado.
Inalok din ako ni Stalwart na maupo sa table nila. Pumayag na lang ako pero hindi ako nagtagal. Sinabi ko na medyo busy.
Uupo na sana ako malapit sa may service area nang may narinig akong tili at sigaw. May nagkakagulo. Kaya dali-dali kong pinuntahan ang pinagmulan ng gulo.
Nakita kong pinalibutan ng ibang customers si Brave at Stalwart. Sinuntok ni Brave si Stalwart kaya natumba ito. Bumangon si Stalwart at sinuntok din sa Brave sa mukha. Natumba si Brave at inawat na si Stalwart ng mga bouncers. Habang nagpupumiglas si Brave sa hawak ng mga bouncers. Lasing na ito kasi hindi na masyadong makatayo.
"You will never win against me, Christiano," matigas ni sabi ni Stalwart kay Brave.
Umaapoy ang matang nakatingin si Brave kay Stalwart. "Fuck you!" Akmang susugurin niya sana ito para gantihan ng suntok pero dalawang bouncers na ang humahawak sa kanya.
"Get your hands off me!" pagpupumiglas ni Brave sa hawak ng mga bouncers.
"That's why she left you, right?" maangas na sabi Stalwart, "because you are no better than me."
Hindi ko alam anong pinagsasabi nila. Pero alam kong magkakilala sila dahil sa mga sinasabi ni Stalwart kay Brave.
Sinusuntok ni Brave ang mga bouncers para makawala sa hawak nito. Kaya dali-dali akong lumapit kay Brave. Baka masuntok pa siya ng mga bouncers dahil sa pinaggagawa niya. Eh 'di mawawalan pa ng trabaho ang mga bouncers kapag nangyari 'yon.
"Des," rinig kong sabi ni Stalwart nang lumapit ako kay Brave. Medyo lumambot na ang mukha nitong nakatingin sa akin.
"Lumayo ka na muna rito please?" paki-usap ko kay Stalwart, "mukhang sobrang lasing na kasi nito."
Hindi siya nagsalita ng ilang segundo bago tumango at umalis. Hinarap ko si Brave na hawak-hawak ng mga bouncers.
Halos hindi na makatayo nang maayos dahil sa sobrang lasing.
Ano bang nangyayari? Kaloka!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top