Chapter Eleven
Bawat isang videoke room ay iba-iba raw ang disenyo. Depende sa country na pinili mo. May American, Europian, African at Asian countries na theme. Japan ang pinili ni Chino kasi fan daw silang lahat ng anime.
Pagpasok namin sa room ay nakita kong Japanese style nga ang disenyo. Meron pang mga nakasabit na japanese lanterns at nakadikit na mga samurai at mga posters ng anime sa dingding. Mararamdaman mong parang nasa Japan ka.
In fairness sa may-ari ha, bet ko ang pakolo niya.
Maganda at malaki ang room na napili ni Chino. Kasya siguro ang mga kense ka tao. Naka-U ang sofa at merong lamesa sa gitna. Umupo kami ni Karen sa kanang bahagi ng upuan habang ang apat ay sa gitna umupo.
"Girls, anong drinks ang iinumin niyo?" tanong ni Chino sa amin.
"Hindi ako iinom," sabi ko.
"Ako, iinom ako," sabi naman ng Bruha habang nakataas ang kanang kamay, "gusto kong malasing kasama si Oppa. Hihi."
"Oy, Lisa baka gagahasin mo ako." Napatakip pa ang dalawang kamay niya sa dibdib. Malanding tumawa lang ang Bruha.
Tss. Parang bakla. "Hindi kami iinom. May trabaho pa kami bukas," pinal na sabi ko.
"How about lady's drinks lang, Des?" offer ni Gareth sa akin.
"Kill joy mo naman, Des!" reklamo ni Karen, "bukas ng gabi pa naman trabaho natin."
"Maybe just a few bottles, Des?" dagdag ni Angel.
Pinagtutulungan na talaga nila ako. Wala na lang akong nagawa kundi tumango. Siguro hindi rin naman kami magtatagal dito. Lunes na bukas kaya imposibleng walang trabaho ang mga 'to. Sana talaga ay makauwi kami kaagad.
"San Mig Light Lemon na lang sa 'kin," sabi ko na lang kay Chino na nakatingin sa menu. Tumango lang ito at tinanong ang iba kung ano ang sa kanila. Hindi rin naman sila nag-order ng hard drinks. Beers lang at mga pulutan.
Maya-maya pa ay dumating na ang mga inorder ni Chino para sa lahat. Ang dami na namang pagkain at inumin. Iba talaga kapag walang problema sa pera. Kahit araw-araw pa magwawaldas, hindi pa rin mamumulubi.
Nag-agawan rin silang dalawa ni Karen sa songbook para pumili ng kanta. Kung makipag-agawan ang Bruha parang ang ganda-ganda ng boses. Boses palaka naman.
Nakikitawa na lang kami sa mga asaran ni Chino at Karen. Parang mababasag ang ear drums namin sa sobrang pangit ng mga boses. Magkakalahating oras na pero silang dalawa lang ang kumakanta. Hindi binibitawan ang microphone at songbook.
"Pinapunta niyo ba kami rito para makinig sa concert niyo?" tanong ko sa dalawa, "ang sakit na ng tenga namin ha."
"Haha. Chino is a frustrated singer," sabi ni Angel, "it's his dream na maging isang singer."
Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Angel. "Chino, kung ako sa 'yo ay magpapalit na lang ako ng pangarap," sabi ko sa kanya, "wala ng pag-asa ang boses mo."
Tumawatawang napatango rin si Gareth. "Nagpa-voice lesson pa nga 'yan noong college kami."
Mas lalo akong nawindang sa nalaman na impormasyon tungkol kay Chino. "Nagpa-voice lesson na 'yan sa lagay na 'yan?" hindi ko mapigilang komento, "bakit ang pangit pa rin?"
"Inggit lang kayo sa boses ko!" sabi ni Chino, "kapag ako sumikat, who you kayong lahat sa akin."
"Itigil mo na 'yang kahibangan mo," sagot ko sa kanya, "hindi sisikat ang boses kambing na nilalamig."
"Grabe ka, Des!" natatawang reklamo niya sa sinabi ko, "sinaktan mo feelings ng boses ko. Mag-sorry ka sa kanya!"
Napatawa na lang kaming lahat kay Chino. At dahil naapakan daw ang ego niya, pinapapili niya kami ng kanta. Para siya naman daw ang mamimintas. Ako raw ang susunod na kakanta kasi narinig na niya ang boses ng mga kaibigan niya.
Tinanggap ko ang hamon niya at kinuha ang songbook. Sus! Ako pa talaga ang hinahamon niya. Kontesera kaya ako sa probinsya namin tuwing may fiesta.
Pumili ako ng isa sa mga paboritong kong kanta, ang Angels Brought Me Here ni Guy Sebastian. Tinanong pa ako ni Chino kung para kanino ang kanta.
"This song is dedicated to Angel. Hope you like it," sabay ko sa kalokohan ni Chino. Napahiyaw pa si Chino at Karen sa sinabi ko. Inayos ni Angel ang salamin habang kita ang pamumula ng mukha sa hiya. Nakangiti rin si Gareth habang walang reaksyon si Brave.
Tahimik na nakikinig ang lahat habang sinimulan ko ang pagkanta. Walang nagsasalita at nakatutok lang ang mga mata sa T.V. habang sinasabayan nila ng paggalaw ng kanilang mga ulo sa bawat bigkas ko ng mga lyrics.
Kita ko sa peripheral vision ko na hindi sa T.V nakatitig si Brave, kung hindi sa mukha ko. Hindi ko siya nilingon at patuloy lang sa pag-awit hanggang malapit nang matapos. Na-miss ko na rin ang pagkanta. Kahit papaano ay nakakalimutan ko ang mga problema sa buhay sa tuwing ginagawa ko ito.
Nakangiting tumingin ako kay Angel bago kantahin ang huling linya ng kanta. Namumulang napa-iwas siya ng tingin.
Pagkatapos ng kanta, napatayo at malakas na pumalakpak si Karen. Nakangiting tiningnan rin ako ni Gareth at Chino. Pagkatapos ay nag-bow ako sa kanila na aakalain mong nag-perform sa isang singing contest. "Thank you. Thank you."
"Ano? Pasado ba?" mayabang na tanong ko pa kay Chino.
Humalukipkip pa siya habang ang isang kamay ay nasa baba niya. Kunwaring nag-iisip. "Hmmm. Pwede na," sabi niya, "pero may mga nota ka na hindi natatamaan."
Wow! Sa kanya pa talaga nanggaling ang mga katagang 'yan?
"Tsaka. Kulang sa emosyon," dagdag niya pa, "kaya ang score mo ay 75/100."
"Wow ha! Pasang-awa," reklamo ko sa sinabi niya.
"Actually 74 lang talaga ang score mo," seryosong sabi niya pa, "pero dahil sa audience impact ay nadagdagan ng 1 point."
Natatawang napailing na lang ako sa pinagsasabi ng damuho. "Palinis ka na kaya ng tenga mo?" sabi ko sa kanya.
Tumawa silang lahat dahil sa naging bangayan namin ni Chino.
"Give me the songbook."
Natahimik ang lahat dahil sa sinabi ni Brave. Nakatingin kaming lahat sa kanya habang nag-aantay sa susunod niyang sasabihin. Kasi ang seryoso ng mukha niya.
"What?" confused na tanong niya dahil sa mga gulat na mga mukha namin na nakatingin sa kanya, "I just wanna sing. Tss."
"Owww," sabay na reaksyon ni Karen at Chino.
"May humahamon sa defending champion. Hahaha," deklara ni Chino. Hawak niya pa ang tiyan niya sa katatawa. Napailing na lang si Gareth habang sumeryoso ang mukha ni Angel.
Tiningnan ko si Brave at nakita ko na naman ang nakaka-badtrip niyang ngisi.
Ang hangin. Jusko!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top