Chapter Eighteen
Sabado na naman at last day of work for the week. Mukhang kailangan ko nang mag-relax dahil sa mga nangyayari sa mga nagdaang araw. Baka yayayain ko si Karen gumala bukas.
Kasi nagiging madalas na ang pagiging emo ko. Masyado akong madrama at kung ano-ano-ano ang pumapasok sa kukuti. Hindi naman bagay sa akin. Lol.
"Karen, gala tayo bukas. Libre mo."
"Sige!" masayang sagot niya, "teka! Libre ko? Eh ikaw nagyaya. Dapat libre mo."
"Pili ka, libre mo o hindi kita isasama?"
"Ang user mo talaga, Des!" apila niya sa akin.
Natawa na lang ako sa mukha niya. "Pili na. Haha."
"KKB na lang!"
"Okay," kibit balikat kong sagot. Mas mabuti na KKB kesa libre ko. Lugi ako sa Bruha, sobrang takaw.
"Ang user mo talaga, Des!"
Tinawanan ko na lang siya. Patuloy lang kami sa pag-reretouch. Sabado night ngayon kaya maaga pa lang ay naghahanda na kami. Dadagsa na naman ang mga conyo at jejemon na customers. Mga ka-tropa ni Gorgie.
Speaking of Gorgie. Kanina pa sila naglolokohan ng mga kasama niya sa make-up nila at mga gamit. Nilalakasan pa nila boses nila kung gaano raw kamahal ang MAC cosmetics nila at Gucci bags. Halata namang mga emit. Hindi na lang namin pinansin ni Karen.
"Gorgonya Dilatmata!" sigaw ng kakapasok na bouncer. Natahimik ang lahat at tumingin sa bouncer.
Pero walang nagsasalita.
"Gorgonya Dilatmata!" ulit niya pa, "may naghahanap sa iyo sa labas."
Pero wa pa ring nagsasalita o kumikilos.
"Hoy!" sigaw ni Karen sa lahat ng nasa locker area, "sino ba si Gorgonya Dilatmata?!"
Dabog na nilapag ni Gorgie ang mga gamit niya at dali-daling lumabas ng locker area.
Nagkatinginan kaming dalawa ni Karen bago bumuhakhak nang malakas. Nakita ko ring napapatawa ang mga ka-berks ni Gorgie. Lol.
"Bushet na pangalan 'yan!" Hindi pa rin tumitigil si Karen sa kakatawa. Kaya napapatawa na rin ako sa ka-abnoyan niya.
"Gorgonya Dilatmata ampucha," sabi ni Karen habang nakatambay kami sa service area. Hindi pa rin siya maka-move on sa pangalan ni Gorgie.
Hindi na bumalik si Gorgie sa club simula kanina. Hindi ko alam kung nahiya siya na nalaman namin pangalan niya o baka inaasikaso pa niya ang taong naghahanap sa kanya sa labas.
Hindi ko na lang iniisip. Mas mabuti na rin para wala ng impaktang pumapasaring sa akin. Duwag at plastic naman 'iyong ibang ka-berks niya. Binabakstab na nga nila siya ngayon.
What a friendship!
******
Nagiging matiwasay ang trabaho ko kahit sabado night ngayon. Kanina pa nagsasayaw ang mga tao simula noong DJ na ang pumalit sa banda.
Nakita ko pa nga 'yong mga alipores ni Gorgie na kulang na lang kabaong sa sobrang puti ng foundation. Mukhang every saturday ang schedule nila rito. Naglilibot sila at naghahanap na naman ng mga mabebengwit.
Hindi ko na lang sila pinansin. Sa paglilibot ng mata ko ay may namataan akong familiar na lalaki sa isang table. Iba na naman ang kasama niya at may babae pang nakakandong sa kanya.
Dali-dali akong lumapit sa table para makompirma kung siya ba talaga ito.
Nakikipaglandian siya sa babaeng nakakandong sa kanya kaya hindi niya napansing nakatayo na ako sa harap nila.
"Ahem!" disurtbo ko sa kanila. Pero hindi pa rin sila nagpa-awat.
"Hoy!" sigaw ko sa kanila. Kaya napatingin siya sa akin.
Nagtatakang tiningnan niya ako.
"Ako ba tinawag mo?" Turo niya sa sarili.
"Oo."
"Hindi pa kami nanghihingi ng bill, Miss."
"Hindi nga. Pero may bill ka pang hindi nababayaran," casual na sagot ko sa kanya.
Tumayo siya at lumapit sa akin. Naguguluhan pa rin ang mukha.
Hinigit niya kamay ko at dinala niya ako malayo sa table nila. Baka napahiya siya sa mga kasama niya.
"What are you talking about?" tanong niya sa akin, "are you trying to humiliate me in front of my friends?"
"Hindi," simpleng sabi ko, "gusto ko lang maningil sa bill na hindi mo nabayaran."
"What bill?"
"Last saturday. Umalis kayo nang hindi niyo nababayaran bill niyo," paalala ko sa kanya, "ako ang nagbayad dahil tinakasan niyo ako."
Si Chino naman talaga ang nagbayad. Pero sisingilin ko pa rin 'tong damuhong 'to.
Natahimik siya at parang nag-iisip sa tinutukoy kong bill na hindi nila nabayaran.
"Shit!" bulong na sabi niya, "that douchebag."
Pinagmasdan ko ang hitsura ng lalaking 'to. Parang pamilyar ang mukha niya. Nakikita ko siguro siya sa mga billboards sa EDSA o sa magazine. Hindi ako sure. Pero alam kong model 'to.
Model nga pero hindi nagbabayad ng bill. Tsk.
"Wait, can you come with me outside? Kulang ang dala kong cash."
"Okay."
Ibinilin ko muna kay Karen ang mga tables na hawak ko. Papalabas kami nitong lalaki para mag-withdraw. Sa katapat lang naman ng club ang ATM machine.
"I will fucking kill him," bulong na sabi niya habang naglalakad kami palabas, "sinisira niya image ko. Paano na lang kung makarating 'to sa mga paparazzi?"
Hindi ko alam ang pinagsasabi niya. Parang kausap lang naman niya sarili niya. Hindi ko na lang siya pinapansin.
"Here," abot niya sa akin ng sampong libo, "I'm sorry if hindi pala nabayaran ang bill namin last time. I hope you won't tell anyone about it."
"Ano naman ang mapapala ko kung ipagkakalat ko?"
"Masisira image ko."
"Lol. Akala mo naman artista ka para protektahan image mo," sagot ko sa kanya.
"Masisira image ko sa mga girls. Baka ma-turn off sila."
"Wow. Matagal nang sira image mo. Iba-ibang babae ba naman."
Tumawa lang siya sa pahayag ko. Nakatitig siya sa mukha ko. "You're so funny and . . gorgeous."
"Lol. Alam ko."
Mas tumawa pa siya lalo sa pagsang-ayon ko sa sinabi niya.
"Damn," natatawa pa ring sabi niya, "can I get your name?"
Nilahad niya kamay niya. Pero tiningnan ko lang ito. Balak pa ata ako nitong gawing sunod na biktima. Manigas siya diyan.
"Gorgonya," sabi ko sa kanya pero hindi ko tinanggap kamay niya.
Tumitig siya nang bahagya sa akin at hinihintay na sabihing nagbibiro lang ako sa pangalang sinabi ko. Pero seryoso lang ang mukha kong nakatingin sa kanya.
Sarap tumawa nang malakas.
"That's ahm. . a beautiful name," pag-aalinlangang sabi niya.
Lol. Beautiful name? Galing niyang mambola ha. Ganun siguro paraan niya para makabihag ng chicks.
"Ewan ko sayo." Iniwan ko na lang siya at pumasok pabalik ng club.
Nakita ko si Karen na nakatambay lang sa service area. Kaya umupo ako sa tabi niya at pinagmamasdan ang mga taong sumasayaw.
Ano kayang gagawin ko sa sampong libo? Hmm. Ililibre ko na lang si Karen bukas. O magpa-rebond kaya ako?
Bahala na. Basta gagala ako bukas.
==========
A.N: Yikes! Nakapag-update Haha.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top