Chapter Eight
I declined all their friend requests at nahiga para matulog.
Pero hindi ako makatulog kakaisip paano nila nahanap facebook ko. Naka-private naman 'yon tapos si Catriona Gray pa ang profile picture ko d'on. At tsaka Pusong Inapak-apakan ang pangalan. Kaya imposibleng alam nilang ako 'yon.
Sasapakin ko talaga si Karen kapag nalaman kong siya ang nagbigay ng facebook ko sa kanila. Sana bin-lock ko na lang ang Bruha.
Pero napa-isip ako na hindi naman niya naka-usap ang kahit isa sa kanila.
Paano nila nahanap FB ko?
Hindi ko na lang inalala at pumikit na para matulog. I'll just just delete the account later at gagawa na lang ng bago.
********
Bigla akong napadilat dahil sa lakas ng sigaw ni Karen. "Desyembre!"
Kakatapos niya lang atang maligo. Basa ang buhok niya at nakatapis ng tuwalya.
"Kanina pa kita ginigising pero tulog mantika ka!" muling sigaw niya.
Pumikit ako ulit para matulog. Inaantok pa ako.
Pero ang bruha hinila ang isang paa ko. "Alas dos na ng hapon oy!"
Nainis ako at pinulot ang suklay sa gilid ng bed ko at binato ito sa kanya. Tumama ito sa mukha niya.
"Ouch!" arteng reklamo niya. Kahit hindi naman masakit. "Ang sadista mo talaga!"
Tumawa ako at tumayo. "Ikaw ba nagbigay ng FB ko sa kanila?" tanong ko sa kanya.
Kita kong naguguluhan ang mukha niya. "Ha? Anong FB?"
"Huwag ka nang mag-deny!" paratang ko pa sa kanya.
Gulong-gulo pa rin ang mukha niya na nakatingin sa akin. "Ayos ka lang, Des? Ano bang pinagsasabi mo diyan? Matulog ka na lang kaya ulit? Baka kasi nanaginip ka lang ng dilat diyan."
Pinagmasdan ko sandali ang mukha niya kung nagsasabi ba siya ng totoo. Pero mukhang hindi naman siya nagsisinungaling. Kaya dumiretso na lang ako sa banyo para maligo.
Around 3:30 na kami bago nakarating sa mall. Naglalakad kami habang naghahanap ng makakainan. Hindi pa kami nakapagtanghalian.
Sa isang seafood restaurant ang napili kong kainan. Umangal si Karen kasi may allergy siya sa shrimps. Pero wala siyang nagawa nang umupo na ako at binigay ang orders ko.
"Kapal talaga ng apog mo," reklamo pa niya, "ako ang magbabayad tapos ikaw ang mamimili saan tayo kakain."
Tinawanan ko lang siya. Miss ko na kasi ang seafood. Lalo na 'pag ang Nanay ko ang nagluluto. Miss ko na ang probinsya.
Mga 20 minutes bago dumating ang orders namin. Kaya magkagalitan muna kami ni Karen. Wala munang usapan. Gutom kami pareho.
"Ahh, Des," basag ni Karen sa katahimikan habang ngumunguya, "about d'on sa sinabi mo na FB..."
"Oh? Aamin kana ba na ikaw nagbigay?"
"Gaga, hindi. Sino bang nag-add sa 'yo?"
So hindi talaga siya ang nagbigay ng facebook ko sa kanila. "Iyong apat na lalaki sa table 7," sabi ko.
Napahinto siya sa pagsubo at tumingin sa 'kin. "Grabe, haba ng hair. Sana all talaga anak ng Diyos."
Napailing na lang ako sa kanya.
"Bakit ba kasi ayaw mo silang e-accept? Dummy account mo lang kaya 'yon," pahayag niya pa.
"Ikaw nga na isang taon ko nang kilala, last week ko lang in-accept. Sila pa kaya na kahapon ko lang nakilala?" sagot ko sa kanya.
Isang taon na kaming magkakilala ni Karen pero last week ko lang in-accept friend request niya sa FB. Hindi ko alam paano niya nalaman dummy account ko. Sinabi ko naman sa kanya dati na wala akong facebook.
"Ang feeling artista mo talaga. Jejemon naman pangalan mo sa FB," angal niya sa 'kin. "May utang na loob ka pa nga kay Oppa Chinito dahil binayaran niya ang bill ng table 2," dagdag niya pa
"Siya ang nag-offer no. Tsaka sabi niya tip niya na lang daw sa 'kin 'yon kasi napasaya ko sila."
"Wow ha. Mas malaki pa pala ang tip kesa sa mismong bill. Ang mahal mo namang entertainer," sarkastikong pahayag niya.
Tinawanan ko lang siya at nagkibit-balikat. "Ganyan talaga..."
*********
Bitbit ko ang dalawang large na popcorn at dalawang orange juice habang hinihintay si Karen makabayad ng ticket sa movie na papanuorin namin.
Nagreklamo na naman siya dahil abuso raw ako sa kabaitan niya. Sinabi kong ito ang kabayaran niya sa pag-aksaya ng oras ko para masamahan siyang gumala.
Sa bandang likuran ang pinili naming seats kasi horror ang movie. Mas ramdam ang takot at masarap mambulabog ng mga mag-jowang nagla-laplapan kahit horror movie.
Ang kakati.
Malapit nang magsimula ang movie kasi naka-lights off na. May napansin akong dalawang lalaki na kakapasok pa lang. Pamilyar ang dalawa.
"Des, 'di ba si Sir Jeb 'yon?" tanong ni Karen, "teka, diba kaibigan ni Oppa Chinito ang kasama niya? Friends pala sila," dagdag niya pa.
Tahimik na pinagmasdan ko lang silang dalawa. Hinihintay na baka may iba pa silang kasama. Pero nakaupo na sila, wala pa rin ang ibang mga kaibigan ni Gareth.
Silang dalawa lang at medyo malayo at madilim na parte sila naka-upo. Hmm.
"Des, tatawagin ko si Sir Jeb." Akmang tatayo si Karen nang pinigilan ko siya.
Ang slow talaga ng pakiramdam ng Bruhang 'to. "Huwag na," pigil ko sa kanya, "magsisimula na ang movie."
Naupo siya ulit at nanuod na lang ng movie.
Iniisip ko pa rin bakit silang dalawa lang. Ayaw ko sanang mag-judge pero ang lakas talaga ng kutob ko. Wala namang masama. Naiinggit lang ako kay Jeb. Tinalo pa ang beauty ko. Jusko!
Sa kalagitnaan ng movie, napadayo ang paningin ko sa banda nila Gareth. Nakita kong nagsuboan sila ng popcorn. Napangiti ako sa nasaksihan. Confirm!
Mapapa-China oil ka na lang talaga. Iba rin kamandag ni Ate Jeb mo.
Pagkatapos ng movie. Pinigilan ko si Karen na lumabas agad. Hinihintay kong unang lumabas sila Jeb at Gareth. Ayaw kong makita nila kami. Baka makakahalata pa 'tong si Karen anong meron sa dalawa. Madaldal pa naman 'to.
Nang wala na sila, lumabas kami ni Karen at pumunta muna ng C.R para makapag-retouch. Hindi naman siya nagtanong pa kung bakit magkasama si Jeb at Gareth.
Ang slowpok talaga ng Bruhang 'to.
Mga isang oras na kaming naglalakad lang sa may department store nang may sumigaw na pamilyar na boses.
"Pusong Inapak-apakan!"
Napalingon kaming dalawa ni Karen sa tumawag. Nakita namin si Chino na sobrang lawak ng ngiti. Kasama sila Angel, Gareth at Brave.
"Nasa heaven na ba ako?" nakatulalang sambit ni Karen habang nakatingin sa apat na gwapong lalaking papalapit sa amin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top