Chapter 32
wala na tau sa exciting part :"-( hahaha last three parts! (33, 34, epilogue)
091922 Chapter 32 #HatemateWP
"Kain ka pa?" pabulong na tanong ni Deion sa 'kin. Umiling ako.
Inayos niya ang kumot na nakatalukbong sa legs namin. Inayos ko rin ang pagkakabalot n'un sa balikat at katawan ko bago magsumiksik sa tabi niya. Nang sumulyap sa 'kin ang ate niya ay itinago ko ang mukha sa likuran ng braso niya at hinigpitan ang yakap sa mga tuhod ko.
Nasa kabilang couch sina Ate Niko at si Mark na parehas namang nanonood ng movie at parehas ding panay ang nakaw ng tingin sa 'min ni Deion. Nakahiga si Ate Niko at nakaupo sa bandang paanan niya si Mark. Magka-share din sila ng kumot.
Tinapik ni Deion ang tuhod ko bago ilapag sa center table ang bowl ng mixed nuts. Pagkatapos ay bumalik siya sa maayos na pagkakaupo at inilalim sa kumot na tumataklob sa 'min ang parehas na braso niya. Ramdam kong tinapik niya ang binti ko kaya nilingon ko siya kasabay ng pagsandal ko nang ayos sa couch. Gumapang ang kamay niya papunta sa tuhod ko at hindi na umalis doon.
"Lamig ng kamay mo," pabulong kong comment.
Pinigilan kong makiliti nang i-drum ni Deion ang mga daliri niya sa tuhod ko. "Talaga?"
Tumango ako. Nahuli ko siyang sumilip saglit sa kabilang couch bago yumuko at mag-lean sa 'kin para bumulong nang direkta sa tainga ko. Pasimple ko siyang siniko dahil huling-huli ko ang halos synchronized na pagtingin sa 'min nina Ate Niko at Mark. "Hawakan mo nga."
"Talandi ka," saway ko. Mahina siyang natawa. After minutes nang di niya pinakakawalan ang tingin ko at di niya inaalis ang pigil na pigil niyang ngiti, bumigay rin ako. Di naman kami halata dahil nasa ilalim ng kumot ang mga kamay namin, saka in fairness, malamig talaga.
Dahil nahihiya akong masyadong magpagabi, nagpahatid na ako sa apartment bago pa lumagpas ng alas-sais. Nakarating kami around seven p.m.. Sumama siya sa pagbaba ng sasakyan.
"Ba-bye," sabi ko pagkarating ko sa hagdanan.
Lumapit siya at hinagip ang laylayan ng jacket niyang suot ko—pinahiram niya sa 'kin bago kami umalis ng condo. Pinagtama niya ang zipper at hinigit 'yon pataas. Tatawa-tawa siya nang hampasin ko siya sa kamay dahil sinadya niyang i-angat 'yon to the point na pati ilong at bibig ko ay nahagip ng zipper. "Hatid kita sa Monday? Sabay na kayo ni Mark, baka umuwi na rin ako."
"Okay," sagot ko. Bumaba ang kamay niya sa magkabilang laylayan ng sleeves at hinigit-higit ang parteng lumalagpas sa kamay ko. "Uwi ka na."
"Good night."
"Good night. Shoo!"
Mukhang labag sa loob niyang naglakad siya palayo. Panay pa ang lingon niya sa 'kin. Baka madapa pa siya.
Panay ang sulyap niya sa 'kin kahit habang binubuksan ang pinto ng sasakyan. Gumaya siya sa 'kin ng pagkaway bago tuluyang pumasok sa loob at i-start ang makina.
* * *
Posible ba 'yung dalawang araw lang naman kaming hindi nagkita ni Deion, pero miss ko na siya agad?!
E sa loob nga ng two years na kahit anino niya hindi nagparamdam, di ko naman siya na-miss nang ganito.
Factor din sigurong hindi siya masyadong nagpaparamdam, when supposedly nagpaparamdam siya, di ba? Understandable naman dahil family time dapat ang holiday break, pero may kung anong something yata siyang nilagay sa mga pinakain niya sa 'kin nitong mga nakaraan kasi ang lala ng pagka-miss ko sa kaniya. Mula no'ng umuwi ako, wala na akong ginawa kundi maligo, kumain, matulog, maghintay sa chat ni Deion, tapos repeat.
Napamulat ako nang marinig ang notification ping ng phone ko. Hinagip ko 'yon mula sa tabi ng kama para tingnan. Napangiti ako nang mabasa ang reply ni Deion sa message ko twenty-three minutes ago: Pwede naman.
Dahil nabanggit na ni Deion sa 'kin no'ng Tuesday na sa bahay lang sila magpa-Pasko, niyaya ko siyang pumunta sa bahay bukas. May balak kami n'ung kambal na kumain ng dinner sa bahay at gumala sa plaza. Huling Biyernes na kasi bago ang Pasko, kaya may pa-program do'n.
Saka, di ko man aaminin kay Deion, miss ko na nga siya! Naubos ko na 'yung amoy niya sa jacket niyang pinahiram kaya nilabhan na 'yon kahapon. Tuyo na 'yon pero no'ng inamoy ko, obviously, wala na 'yung amoy niya at napalitan na ng detergent.
Napabangon ako nang magsimulang mag-ring ang phone ko. Sinagot ko kaagad 'yon pero hindi ako nagsalita dahil tumayo muna ako para sumilip sa labas ng kuwarto. Nang makitang wala si Mommy o si Daddy sa paligid ay sinara ko ang pinto at tumakbo ulit pabalik sa kama.
"Billie?"
"Hi," pabulong kong bati. Mahirap na, sakto lang ang kapal ng mga pader sa bahay. "Miss mo 'ko?"
"Mej," sagot niya kaya napasimangot ako. Bago pa ako magmaktol ay pinahabulan niya 'yon ng tawa. "Miss. Siyempre."
Walang ano-anong bumaligtad ang simangot ko. May miss na nga, may siyempre pa—parang binusog tuloy 'yong two days kong pagliligalig.
Narinig ko siyang tumikhim. May nagsasalita sa background pero hindi ko maintindihan. "Anong oras ako puwedeng pumunta?"
"'Pag magdi-dinner na," sagot ko. "Siguro around five?" Bandang alas-siete pa yata magsisimula 'yung program sa plaza, pero 'pag mga gano'ng oras may mga mapaglilibangan na ro'n. Saka masyado nang maraming tao kapag late na kami pupunta. "Okay lang ba 'yon? Gabi ka na makakauwi, a?"
"Okay lang, sa bahay naman ako uuwi. Mas malapit kesa sa condo."
"Wala kayong gagawin sa inyo?" Baka mamaya ma-bad shot ako dahil inaagaw ko ang mahal na prinsipe sa pamilya niya.
"Bukas? Wala," mabilis niyang sagot. "Saka . . . miss mo na 'ko e."
"Wala talaga akong sinabi," depensa ko sa sarili. Wala naman talaga! Tatawa-tawa pa siya sa kabilang linya. "Ikaw lang ang may sinab—"
"Billie?"
Napatay ko ang tawag nang wala sa oras at itinago ang phone sa ilalim ng unan nang biglang nagpaulan si Mommy ng katok sa pinto ng kuwarto. Nagkunwari akong walang ginagawang masama bago umupo sa kama just in time na buksan niya ang pinto. Jusko, nilapagan lang naman ako ng mga tupiin. Kung makakatok naman kasi, parang end of the world! "Nakaluto na. Kakain na mayamaya," paalala ni Mommy.
"Opo," tugon ko habang nagtatanggal ng hanger. Lumabas din naman siya ng kuwarto pero 'yung kabog ng dibdib ko, di pa rin bumabagal. Pagkatapos magtupi ng ilang pambahay na t-shirt ay dinampot ko ulit ang phone ko para balikan si Deion.
Sandamakmak na question marks ang text at chat niya sa 'kin. Nag-reply ako sa chat niya.
Billie: sorry may pumasok ng kwarto
Deion: Sino?
Billie: si Mommy
Deion: Ah
Deion: Si Mommy lang pala e
Deion: Hahahahahaha
Deion: Joke lang :)
Binilangan ko ang sarili ko kung ilang segundo lang akong tatagal sa pagpipigil ko ng ngiti. Di pa nga umaabot ng three, mapupunit na yata ang mukha ko. Nagpaalam ako sa kaniyang may titiklupin ako. Inilayo ang phone ko sa 'kin para di ako matukso.
Napabuntonghininga ako sa tambak ng tiklupin na dinala ni Mommy. Inunti-unti ko na 'yon dahil wala namang ibang gagawa.
At least nakangiti akong nagtutupi.
* * *
Pinilit kong hindi pansinin ang pag-head-to-toe sa 'kin ni Mama habang nagsusuot ako ng t-shirt sa kuwarto. The more na conscious ako, the more na magmumukha akong guilty, kaya dedma lang. "Sa'n ang punta mo?" tanong niya.
"Sa baba," natatawa kong sagot. "Kakain muna po kami nina Je bago umalis."
"Ba't nakaganiyan ka?"
Pinilit kong ikunot ang noo—painosent lang. "Nakaano, 'My? Nakabihis?" Naka-shorts na maong at t-shirt nga lang ako! Nakapatong ang jacket ni Deion sa kama na dadalhin ko mamaya dahil bukod sa gusto ko lang 'yon isuot, baka lumamig din talaga mamaya. Nagkwintas lang naman ako at nagkilay, kung maka-react si Mommy parang naka-gown ako na pam-prom. "Nagbihis na ako para di na po ako magpapalit pagdating n'ung kambal," palusot ko.
"Mahaltakan ka ng alahas, ha?"
"Di po."
"Anong oras ba pupunta 'yung kambal? Mauna na kayong kumain."
"Mayamaya nandiyan na po 'yon." Sinabihan ko si Deion na kina Je muna pumunta at mag-park ng sasakyan, at kung puwede ay sabay na sila ni Luke pumunta ro'n para pare-parehas kaming safe. Magkita na lang sila sa kanto ng block. "May kasama kaming dalawa pa po."
"Sino?" tanong ni Mommy, nasa mina-mop na sahig ang tingin.
"Kaklase lang po namin." Totoo naman 'yon. Mamukhaan kaya ni Mommy si Deion? Magtatanong kaya siya? Mukhang di naman big deal sa kaniya no'ng ni-receive niya 'yung bag na regalo sa 'kin. The very same bag na nakapatong ngayon sa kama ko dahil balak ko nang gamitin. Baka ako lang talaga ang nag-o-overthink dito.
Di na nagtanong si Mommy ulit. Pinaalalahanan lang niya akong patayin ang electric fan bago bumaba, at patay ako kay Daddy kapag nasalisihan ako sa kwintas ko. Hindi naman umabot ng isang oras ang paghihintay ko sa pagdating ng kambal, ni Luke, at ni Deion. Bumaba agad ako nang marinig ang malakas na pag-greet ng Merry Christmas ni Jo kay Daddy na nasa harapan ng bahay.
Si Je ang unang pumasok, sanay na sanay nang pumunta sa 'min. Pinanood ko si Daddy na may hawak pang tacker na hayaan si Jo na magmano sa kaniya. Nanliit ang mga mata niya kay Luke, pero wala namang sinabi at tumango lang nang ipakilala nito ang sarili. Pinigilan kong matawa nang mapansing kabado si Deion nang magmano, kahit na tinanguan lang naman siya ni Daddy after niyang mag-greet. Kitang-kita ko ang paghinga niya nang malalim base sa paggalaw ng dibdib niya. Di naman mukhang terror si Daddy! Parehas kaming cute at mukhang mabait.
Nagkatinginan kami ni Deion pero di siya nakalapit. Nilunok ko na lang ulit ang tawa ko nang tabihan niya si Luke sa salas. Marunong din naman pala siyang manginig. Ang angas pa naman ng tindig niya sa puti niyang short sleeve shirt at dark gray na pants. And at this point, naniniwala na akong puro polo shirt at de-butones na shirts ang laman ng aparador niya.
Niyaya ko silang kumain na kami para nakakaalis na. Saka para nakakahinga na rin nang maayos si Deion. Parang namumutla na kasi sa kaba ang prinsipe nang pumasok si Daddy sa bahay para may kuhanin sa tools niya.
"Tita!" tawag ni Jo kay Mama mula sa hagdanan. "Kakain na po kami!"
Rinig kong um-oo si Mommy mula sa kuwarto. Lumipat kami sa kusina dahil di pa nakahain. Umupo na si Je sa usual niyang inuupuan pagkatapos kumuha ng tubig sa ref. Sina Luke at Deion na walang kaalam-alam sa bahay namin, pinaupo ko na lang. Kami na ni Jo ang nag-prepare ng table.
"Kuhain mo nga 'yung kanin, sayang kamay at braso mo e," utos ni Jo kay Deion. Natawa na lang ako habang nilalapag ang placemats sa table. Tumayo naman si Deion, quietly, at sumunod sa utos sa kaniya. Very behave ang prinsipe ngayon. Walang tapang na pumatol kapag nasa paligid si Daddy na papasok-pasok sa bahay.
"B," tawag sa 'kin ni Deion nang pasimple ko siyang tabihan habang kumukuha ng kutsara't tinidor.
"Hm?" tanong ko at sumulyap sa kaniya. Iniikid niya ang wire ng rice cooker.
"Panghawak?"
"Tsk, tsk." Napalingon ako kay Jo na nasa likuran namin. Pumagitna siya sa 'min ni Deion kaya napatabi 'yong isa. Tinapik-tapik ni Jo ang rice cooker, pinapakiramdaman siguro ang init n'un, bago dalhin 'yon sa table nang wala man lang suot na pot holder. "Pakapal ka muna ng kalyo sa kamay mo," sabi niya kay Deion.
Di ko napigilan ang tawa ko ro'n. Sama ng ugali nito ni Jo minsan! Palibhasa alam niyang di siya papatulan ni Deion ngayon dahil balwarte niya ang bahay namin.
After naming mag-dinner at ayusin ang mga pinagkainan namin, nagpaalam na ako kay Mommy na aalis kami. Habang nagsusuot sila ng sapatos sa labas ay napansin kong dumako ang tingin ni Deion sa jacket niyang suot ko at sa bag na gamit ko. Natawa ako nang mabilis na bumaba sa loafers niya ang tingin niya nang kindatan ko siya nang pumunta sa mukha ko ang mga mata niya. Ganito lang pala ang kailangan gawin para magka-upper hand ako—dalhin siya sa bahay!
Makalagpas ang ilang blocks galing sa bahay, kung saan safe nang di kami makikita, ay tinabihan ko na si Deion sa paglalakad pabalik kina Je. Sumulyap siya sa 'kin bago hawakan ang strap ng shoulder bag ko na gift niya at higitin iyon paalis sa balikat ko. Pinakawalan ko 'yon at hinayaan siya sa gustong gawin. Sinuot niya 'yon nang pa-crossbody.
Dahil hassle kung magkokotse kami papuntang plaza, nag-tricycle na lang kami. Pagkarating namin do'n ay, gaya ng expected, marami nang tao. May mga nagle-late Christmas shopping pa yata kaya medyo traffic talaga dahil may sinaradong daan para sa event mamayamaya.
"Kain ulit?" tanong ni Luke habang sinusundan namin 'yung kambal sa siksikan ng tao. Ramdam ko ang kamay ni Deion na nakakapit sa jacket ko (jacket niya?) habang naglalakad kami na parang mawawala siya kung bibitiw siya sa 'kin.
Tumigil kami sa nagtitinda ng puto bumbong at bibingka. Katabi ko si Deion sa kaliwa. Pinatago ko ang wallet niya sa loob ng bag ko dahil nahuli ko siyang sa bulsa lang 'yon nilalagay; baka mamaya madukutan pa siya. Si Je naman na busy sa phone ang katabi ko sa kanan, na wala yatang kadala-dala bukod sa phone at panyo niya dahil lahat ng kinakain niya, libre ni Luke at ni Deion.
"Busog ka na?" tanong ko kay Deion dahil di siya bumili ng kaniya. Nakihati lang siya sa kung ano'ng binili niya for me.
Tumango siya, hinihimas ang tiyan. "Ang dami kong kinain sa inyo."
"Baka naman nabusog ka sa kaba," kantiyaw ko na nagpasimangot sa kaniya. Tinawanan ko lang siya bago ipag-slice ng maliit na part ng puto bumbong at isubo sa kaniya. "Joke lang."
"Di naman ako kinabahan," aniya pagkatapos ngumuya. Sinungaling!
Malala na ang inilag niya nang ambahan kong tutusukin ng plastic fork ang tagiliran niya. "Ako? Di mo ba ako ipapakilala sa parents mo?" pabiro kong tanong.
Pero sineryoso niya ang pagsagot. "Gusto ko, gusto mo ba?" tanong niya rin pabalik.
Bumagal ang pagnguya ko habang nag-iisip. Hindi ba masyadong maaga para sa gano'n? At technically, dinala ko lang naman siya sa bahay. Di ko naman sinabi kay Daddy o kay Mommy kung ano ko siya. In-expose lang, kumbaga.
"Kinakabahan ako," pag-amin ko. Only child ako pero di naman super protective nina Mommy sa 'kin. E ito, bunso. May additional pa siyang bantay—'yung dalawa niyang kapatid. Tapos last time na nakita ako ng tatay niya, mukhang hihimatayin 'yon.
"Si Ate Niko na ang pinakamasama ang ugali sa 'min."
"Grabe ka!" Di naman mean sa 'kin si Ate Niko, pero tahimik lang siya kaya nakakakaba. Saka, panay ang sulyap niya sa 'min ni Deion; nagpapanggap lang ako na di ko napapansin. Di ko tuloy matimbang kung bet niya ako, or secretly bina-badmouth niya ako 'pag umaalis ako ng condo ni Deion. Maitanong kaya kay Mark?
"Gusto mo nga?"
"E . . . pa'no papa mo? Parang ayaw ka niyang magka-girlfriend," paalala ko sa kaniya. Inubos ko na ang kinakain ko nang mapansing patapos na 'yung kasama naming magjowa sa bibingka nila. Itinapon ko ang dahon ng saging sa malaking trash bin malapit sa gate ng simbahan kung saan kami nakatigil.
Inabutan ako ni Deion ng tubig pagkabalik ko. Umangat ang dalawang kilay ko nang mapansing nakatitig siya sa 'kin hanggang sa maisara ko ang plastic bottle. May nasabi ba akong masama?
Kumurap-kurap siya. Mahina niya akong hinigit palapit dahil may mga dumadaang motor. "Wala naman siyang magagawa."
"'Wag gano'n," sita ko. Very wrong! Maba-bad shot pati ako sa family niya nang wala sa oras. "Next time na lang, 'pag stable na tayo tapos sure ka na sa 'ki—"
"Sure ako sa 'yo."
Natawa ako bilis ng pagputol niya sa sinasabi ko. Wow! Parang nag-practice, a? Nag-review 'yan?
Di naman naapektuhan ng pagtawa ko ang kaseryosohan ng mukha niya. "Hindi sa gano'n! I mean, 'pag tayo talagang dalawa—"
"Tayo talagang dalawa."
Di pa rin natinag ang expression niya sa lakas ng tawa ko. Actually, naglalaban 'yung amusement ko saka kilig, pero parang lamang talaga 'yung natatawa ako sa kaniya dahil sobrang seryoso niya. Grabe pati siya mag-decide, ha? Complicated na kaya kapag involved ang family! At least for me, kasi di rin ako sigurado dahil no jowa since birth ako dahil nga crush na crush ko siya. Pa'no kung sa future, may di mag-work? E di pati parents namin, magbe-break din?
"Hay. Basta next time na lang," sabi ko. Di rin ako ready 'no. Para sa 'kin talaga, to the next level na kapag involved ang parents.
Huminga siya nang malalim bago tapikin ang tuktok ng ulo ko. "Okay. Kahit kailan mo gusto."
"Okay lang ba sa 'yong di ko pa sinasabi kina Papa?" tanong ko. E kasi, parang go na go siyang i-introduce ako sa family niya, tapos ako hindi. Baka mamaya nagtatampo na naman siya nang di niya sinasabi dahil medyo magkaiba kami ng pacing pagdating sa gano'n.
"Gusto ko," sagot niya na parang di siya namumutla sa kaba kanina. "Pero kung ayaw mo pa, okay lang."
Tinitigan ko siya, hinihintay na may mag-slip sa expression niya at ibuking na nagsisinungaling siya pero wala namang gano'ng dumating. "Next time na, 'pag tayo na."
Tumango siya. "Okay. 'Yon lang ba ang problema?"
Kumunot ang noo ko. Hinintay kong dugtungan niya 'yon, pero ang nakuha ko lang ay pag-taas-baba ng kilay niya. Kasabay ng pag-irap ko ang pagtawa niya. Para-paraan talaga 'to minsan e.
Pagkatapos namin kumain ay naglakad-lakad lang kami sa mga stalls dahil hindi pa nagsisimula 'yung program ng pageant. Tumigil kami sa mga nagtitinda ng kung ano-ano, kasama si Je na mas gusto yatang kami ni Deion ang makitang nagp-PDA kaysa sa kakambal niya at ang jowang kasama nito.
Dumampot ako ng reindeer na headband, tumingkayad nang kaunti, at sinuot 'yon kay Deion. Kumuha ako ng dalawang santa hats para matchy kami ni Je. Baka magtampo naman 'tong friend ko kapag kami ni Deion ang magka-pair. Dinukot ko ang wallet sa bag kong suot ni Deion at binayaran agad si manong na nagtitinda bago pa ako maunahan ni Deion.
"Picture!" utos ko kay Deion at inabot sa kaniya ang phone ko. Narinig ko ang pag-angal ni Je nang akbayan ko siya para magkalapit kami. Pinitpit ko ang kamay niyang ayaw tigilan ang pagse-cellphone. Binaba niya 'yon sa gilid niya at tumingin sa camera nang bilangan kami ni Deion.
"Kayo naman," sabi ni Je bago kuhain ang phone ko nang walang pasabi mula kay Deion. Lumipat ako sa tabi ni Deion at m-in-aintain ang smile ko kahit parang nakuryente ako saglit nang maramdaman ang palad niya sa likod ko. Di ko alam kung bakit pati sa phone ni Je, p-in-icture-an niya kami.
Nang marinig na mag-start ang music galing sa mlalaking speakers na naka-set-up sa plaza, hinanap na namin sina Jo at Luke. May nakuha pa kaming puwesto sa harapang row ng mga nakalinyang monobloc chairs. Katabi ko sa kaliwa si Deion at sa kanan si Je, tapos katabi ni Je sa kabila 'yung magjowa. Mukha namang hindi bothered si Je na fifth wheel siya dahil kanina pa siya tutok na tutok sa phone at wala namang karekla-reklamo sa pagsama-sama sa 'min.
Mahigit isang oras ang tinagal ng pageant. Pagdating ng awarding, hinubad ko na ang jacket ni Deion dahil umiinit na sa venue sa dami nang tao. Tiniklop 'yon ni Deion at siya ang nagbitbit.
Kinalabit ko siya sa braso kaya nag-lean siya palapit sa 'kin. "Sino'ng maganda diyan?" tanong ko at inginuso ang parada ng candidates na mga naka-evening gown.
Inangat ko ang tingin sa kaniya. Tahimik niyang ilang ulit na ini-scan ng tingin 'yung mga nasa stage. Napabalik agad ang tingin niya sa 'kin nang tapikin ko siya sa tuhod.
"Ay, grabe siya o. Naghanap talaga," pabiro kong sabi. Kumunot agad ang noo niya at mukhang gusto nang depensahan ang sarili pero walang lumalabas na kahit anong word sa nagbubukas-sarado niyang bibig. "Joke lang kasi!" bawi ko at natawa. "Ako, gusto ko 'yung candidate number five."
Naipit ang tili ko nang hagipin niya ang parehas na pisngi ko gamit ang isang kamay. "Ito. Ito maganda. Ito gusto ko." Ilang beses ko siyang hinampas sa braso habang natatawa. Joke lang naman kasi e! Nang bitiwan niya ang mukha ko ay sinundot-sundot niya ang tagiliran ko kaya muntik na akong matumba sa upuan dahil sa kiliti.
Tatawa-tawa rin siya nang tigilan ako at hayaang makaayos ulit ng upo. Napanguso ako nang maramdaman ang braso niya sa sandalan ng monobloc na inuupuan ko.
"Deion." Napalingon ako kay Je nang magsalita siya. Na kay Deion ang tingin niya. "Mag-reply ka raw kay Mark."
Nagsalubong ang kilay ko. "Magkausap kayo?" tanong ko. Tumango lang si Je bago bumalik sa phone niya. Bumaling ako kay Deion na nakasimangot na kinuha sa bag ko at tsinek ang phone niya.
Kinalabit ko siya sa hita. Inangat lang niya ang parehas na kilay at di ako nilingon. Busy siya sa pagta-type. "Magkausap sila? Bakit?" Ano'ng kailagan ni Mark at nag-chat pa siya kay Je? Importante ba?
Lumipat ang tingin sa 'kin ni Deion at nagtagal 'yon, pero wala siyang sinabi at umiling lang. Ibinalik niya ang phone sa bag ko. Di na ulit kami nakapag-usap dahil nagsimula 'yung awarding. Mukha namang walang panic sa mukha niya, kaya baka miss lang din siya ni Mark at di naman emergency 'yung m-in-essage sa kaniya.
Sa kalagitnaan ng awarding ay tinapik ako ni Je sa braso. Paglingon ko ay may inaabot si Luke na malaking paper cup ng fries. Isinigaw ko ang thank you ko dahil nakakabingi ang speakers na ilang hakbang lang ang layo sa 'min.
"Gusto mo? Libre ni Luke," alok ko kay Deion. Ngumanga lang ang mahal na prinsipe kaya sinubuan ko na. Di ko alam kung nagpapa-baby siya or ayaw lang talaga niyang madumihan ng cheese powder ang mga daliri—prinsipe talaga. "May tanong ako."
Tumango siya at yumuko para mas ilapit ang tainga niya sa 'kin. "Ayaw mo pa rin kay Luke?"
"Hindi." Agaran ang sagot niya kasabay ng pag-iling. Pumunta ang kamay niya sa likuran ng ulo ko at ilang beses humaplos do'n. "Friend niyo siya, di ba?"
Tumango ako. "E kay Jo?"
Napasimangot siyang umiling. "Hindi naman sa gano'n. Naiinis lang ako nang kaunti, ang yabang niya kasi."
"Mas mayabang ka kasi," pagtatanggol ko kay Jo. Lalo lang lumalim ang simangot ni Deion. "'Pag mabait ka sa kaniya, babait din siya sa 'yo."
"Mabait naman ako," aniya sabay singhal. Pinakain ko na lang ulit para cute na siya at di mukhang nagmamaktol. Mabait naman talaga siya kanina, in fairness.
Pagkatapos ng pageant, naglakad-lakad lang kami para makapag-picture pa. Tapos, nagyakag akong umuwi na kina Jo na dahil gagabihin si Deion sa daan. Nag-decide na rin si Deion na isabay si Luke na makikipagsiksikan pa sa sakayan para makauwi.
Pagdating namin, si Je at Luke lang ang pumasok para magpaalam kay Tita. Naiwan si Jo sa pintuan na nagpapalit ng tsinelas. Siya na ang maghahatid sa 'kin pauwi sa bahay. Katabi ko lang si Deion na naghihintay kay Luke na lumabas.
Sinitsitan ni Jo si Deion pagkatapos niyang maghubad ng sapatos. Nilingon lang siya ni Deion nang hindi umiimik. "Mag-iingat ka, ha?"
"Ikaw rin," sabi ni Deion sabay sulyap sa 'kin.
"Lalo ka na," mas mariing sabi ni Jo. Napabaling siya sa loob ng bahay nang marinig ang boses ni Tita na sinasabihan si Luke na mag-ingat sa daan.
"Mas lalo ka na," hirit pa nitong isa.
Naitikom niya ang bibig nang iangat ko sa kaniya ang tigin. Nagbuntonghininga siya bago ako hawakan sa balikat at paharapin sa kaniya. Inabot niya ulit sa 'kin ang jacket niya at dahil ayaw ko nang magbitbit, sinuot ko na lang 'yon. Tinulak niya ang kamay ko palayo nang izi-zipper ko 'yon pasara at siya na ang gumawa n'un. Pagkatapos kuhanin ang gamit niya sa loob ay hinubad niya ang shoulder bag ko at inabot na sa 'kin.
"Ingat, okay?" halos bulong niyang sabi.
Tumango ako. "Daming sasakyan ngayon. Ingat kayo. Saka kausapin mo 'yon si Luke, ha? Baka awkward kayo buong biyahe."
"Tatawag or chat ako pag-uwi," aniya sabay tango.
"Naks."
Napangiti siya. Tinanggal niya ang reindeer headband na suot at sinuklay palikod ang buhok gamit ang daliri.
Tumunog ang sasakyan nang i-unlock niya 'yon sa key fob. Sabay kaming napabaling sa pinto nang marinig si Tita Josephine na nagtanong kung sino'ng magda-drive. Pinurga niya muna si Deion ng paalalang mag-iingat bago kami iwan at pumasok ulit sa loob ng bahay.
Napapitlag ako sa gulat nang may gumapang na kamay sa bewang ko.
"Merry Christmas, B," bulong ni Deion sa 'kin kasabay ng magaan niyang pagpisil sa bewang ko bago ako iwan para pumasok sa driver's seat.
Hanggang sa makaatras ng bakuran at makaalis ang sasakyan niya ay pakurap-kurap pa rin ako. At hanggang sa pagtulog, ramdam ko ang kamay niya sa bewang ko.
### See you next week, 6pm! :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top