Chapter 31

091222 Chapter 31 #HatemateWP

Pagkatapos n'un, tuwing gigising ako, lagi kong tsinetsek na hindi ako nananaginip at totoong nangyari lahat ng 'yon. Ang magre-remind sa 'kin na hindi ako nag-i-imagine ay ang tunog ng alarm ni Je saka ang notification ping ng phone ko dahil sa good morning chat.

Hindi naman nagtatanong si Je, kahit ilang beses na niya akong nahuhuling nakangiti sa phone; kukunutan lang niya ako ng noo. Automatic kasi e! Napapansin ko na rin sa sarili ko kaya lagi kong pinipilit na alisin ang ngiti ko. Buong week akong gano'n kaya at one point, natatakot ako na baka masyado akong masanay na ganito kasaya.

"Pogi," tawag ko kay Deion bago iabot sa kaniya ang gym bag ko pagbaba ko ng apartment. Nagsalubong saglit ang kilay niya bago ako sulyapan. Sinundan ko siya papunta sa sasakyan niyang naka-park sa tapat.

Gising na gising na ako dahil alam kong susunduin niya ako saka sanay akong around 5 or 6 umaalis ng bahay. Ngayon, nagpa-late ako nang kaunti dahil gusto ni Deion mag-breakfast bago ako ihatid sa sakayan.

"Pogi," tawag ko ulit. Hindi pa maayos ang buhok niya at may feeling akong di pa siya nakakaligo. Naka-puting t-shirt, sneakers, at kulay blue na shorts lang siya pero guwapong-guwapo ako sa kaniya today. Parang mas gusto ko sa kaniya 'yung mukhang hindi ready—'yung parang kagigising lang, gano'n.

"Pst, pogi," tawag ko ulit. Nilingon niya ako pagkalagay niya ng gamit ko sa backseat. Nang tumawa ako ay nawala ang pagkaka-poker face niya na siguro ay dahil sa antok; magse-seven pa lang naman kasi. Nakangiti na siya nang isara ang pinto ng sasakyan. "Hala, bakit? Pogi ka ba? Ba't ka tumitingin?" nang-aasar kong tanong.

Pabiro niya akong inirapan bago buksan ang pinto ng shotgun seat. Pagkasakay ko ay hinintay ko siyang pumuwesto sa driver's seat para kulitin ulit. "Pogi."

Hindi niya ako nilingon. Kinalabit ko siya sa braso habang nagsusuot siya ng seatbelt. "Pogi."

Nagbuntonghininga lang siya at umiling at hindi na ako nilingon. "Pogi," tawag ko ulit.

"Si Jerica?" tanong niya imbes na i-acknowledge ang pagtawag ko sa kaniya.

"Umuwi kagabi kasama si Jo," sagot ko. "Ba't di ka lumilingon, Pogi?"

Natawa siya at ako naman ang natahimik nang hagipin niya ang kamay ko. "Ang hyper mo ngayon, B."

Siyempre, nag-shut up ako—parang batang nangungulit tapos nabigyan ng pacifier. Di na ako nakadaldal dahil pabalik-balik ang kamay niya sa akin. Hanggang sa makarating kami sa breakfast restaurant, hindi na ako nakapang-asar.

"Ganda." Napalingon ako agad kay Deion nang magsalita siya pagkababa namin. Tatawa-tawa siya bago ako puntahan.

"Ano? Tatanungin mo 'ko kung ba't ako lumingon?"

"Hindi a," mabilis niyang sagot. Muntik na akong mapaigtad nang maramdaman ang kamay niya sa likuran ko

"Sus." Dumako ang tingin ko sa kaliwa niyang wrist. Katabi ng relos niya ay isang black string. Naningkit ang mga mata ko roon. Pagpasok namin sa restaurant at pag-upo niya sa tapat ko, hinagip ko agad ang wrist niya. "Ano 'to? Panali?" tanong ko.

Tumango siya at hinubad 'yon saka inilipat sa wrist ko. Hinubad ko 'yon at binalik sa tapat niya. "Kanino 'yan? Sa babae mo 'yan, 'no?" pabiro kong sabi bago ulit 'yon damputin. Napasinghal siya bago agawin 'yon sa 'kin at siya mismo ang nagsuot pabalik sa braso ko. "Joke lang," bawi ko kaagad.

"Iyo 'yan. Dala ko kasi baka kailangan mo tapos naiwan mo sa apartment 'yung panali mo." Napaigtad ako, kahit hindi naman masakit, nang higitin niya iyon at biglang pakawalan kaya lumagitik sa balat ko. "Selosa ka ba?" deretsang tanong niya.

Napanguso ako. "Hindi a." Inangat niya ang tingin sa 'kin at tumitig, parang naghihintay na bawiin ko 'yung sinabi ko.

"Okay, slight," pag-amin ko. Pero on special cases lang naman, 'no. Di naman sa lahat ng babaeng kakausapin niya, magseselos ako.

"Pero hindi talaga, depende lang," paglilinaw ko. Tumango siya. "E ikaw?"

Nagkibit-balikat siya. "Hindi?"

Pinanliitan ko siya ng mga mata. Hindi kasi may confidence siyang crush na crush ko siya? Dapat talaga pumreno-preno ako sa pag-express ng feelings ko no'ng high school e. "Totoo?"

Tumango siya ulit, binitiwan ang kamay ko nang lapitan kami ng restaurant staff para bigyan ng service water, utensils, at menu. "Di ako seloso."

What a joke.

No'ng una, ako naman ang mali, palagay ko. Dahil magmu-move out si Ate Maggie at in-invite ako ni Deion kung gusto kong tumulong, sumama ako sa kanila. Bale ako, si Deion, si Mark, si Ate Maggie, at si Kuya Yael ang nasa inuupahan ni Ate Maggie. Nag-aayos ako ng gamit sa kusina kasama si Ate Maggie na sinasabayan ang kantang tumutugtog sa phone niyang nakapatong sa kitchen counter. 'Yung mga lalaki ang naghahakot ng box-box na gamit galing sa labas, at nagse-set up n'ung ibang de-assemble na furniture.

"Mags." Napatigil ako sa pagpupunas ng pinggan nang marinig ang boses ni Kuya Yael. Dahil mainit, pawisan siya kagaya namin. Ang kaibahan lang, siya, nakapaghubad ng t-shirt nang walang pag-aalinlangan. Iniwas ko ang tingin sa kaniya nang ngitian niya ako. "Sa kuwarto 'to?" tanong niya, tukoy sa box na bitbit niya.

"Oo, lapag mo na lang sa loob," sagot ni Ate Maggie.

"Okay."

Sinundan ko ng tingin si Kuya Yael na naglakad papasok sa kuwarto. Nilapag ko ang pinggang pinupunasan sa dish rack bago siya sundan. Naalala ko lang na di pa ako nakakapagpasalamat sa paghatid niya sa 'kin last time.

Kumatok ako nang dalawang beses sa pintong nakabukas naman. Nilingon ako saglit ni Kuya Yael na inaayos ang pagkakapatong-patong ng kahon-kahong gamit do'n. "Billie."

"Ano . . ." Di ko alam kung natatandaan niya pa na hinatid niya ako; medyo matagal na rin kasi 'yon. Katatapos lang ng birthday ko 'yon, e ngayon malapit nang mag-Christmas break. "Sabi ni Deion, hinatid niyo raw ako pauwi . . ."

Kumunot ang noo niya saglit, natawa, tapos tumango. "Wala 'yun. At least nakatikim ako ng aircon sa pagtulog."

"Ha?"

Pinagpag niya ang kamay sa maong jeans na suot. Gumilid ako nang maglakad siya palapit at tumigil sa tapat ko. "Late na 'yun, e may curfew sa dorm. Kina Deion ako natulog."

"Ah . . ." Di 'yon nabanggit sa 'kin ni Deion. Pero alam ko namang late na akong nakauwi, so baka nga gano'n ang nangyari.

"Ano? Kayo na ulit?" tanong niya. Kumunot ang noo ko. Natawa siya ulit bago punasan ang mukha gamit ang bimpong nakasampay sa batok niya. "Break na kayo no'n, a? Kayo na ulit?"

Napanguso ako. "Pa'no mo alam?"

Nagkibit-balikat siya. "Sinabi mo lang na break na kayo."

Sinabi ko 'yon? Sa kaniya? Di naman kami close. "E 'yung kami na ulit?"

Siya naman ang kumunot ang noo. "Bakit? Hindi ba?" Parang hindi pa siya makapaniwala. Aba, mukha ba akong patay na patay kay Deion? "Pagkatapos niyong mag—"

Sabay kaming napalingon sa tumikhim. Umalis si Kuya Yael sa may hamba ng pintuan para makadaan si Deion na may bitbit na box. Umangat ang dalawang kilay ko nang sulyapan ako ni Deion bago lagpasan.

Napalipat ang tingin ko kay Kuya Yael na naglakad paalis. Nang silipin ko si Deion na nasa loob ng kuwarto ay mukhang busy siya, kaya umalis na lang din ako. Pagbalik ko sa kusina, nando'n si Kuya Yael na umiinom ng tubig. Umalis din naman siya pagkatapos at lumabas.

"Di 'yon marunong mag-commit."

"Ha?" Agad na napapaling ako kay Ate Maggie nang magsalita siya. Dinampot niya ang baso na ginamit Kuya Yael at hinugasan.

May meaning ang tingin niya sa 'kin bago umiling. Nagsalubong tuloy ang kilay ko. Nakatingin lang naman ako! Saka, hello, may someone na ako, 'no. "Guwapo lang naman—crush material lang, gano'n," sabi ko.

Napaayos ako ng tayo nang makarinig ulit ng tikhim. This time, mas malakas do'n sa kanina. Napaisod ako sa gilid nang hindi alisin ni Deion ang mga mata niya sa 'kin nang pumunta siya sa kabilang side ni Ate Maggie, sa lagayan ng pinggan.

"Wala nang ibang baso, Ate Maggie?" tanong niya.

L-um-anding sa likuran niya ang pot holder na hawak ni Ate Maggie. "Anong Ate Maggie? Sabi ko tigilan mo 'yon, a?"

Sumulyap sa 'kin si Deion. Kinuha niya 'yung basong kaliligpit lang ni Ate Maggie at humagilap ng tissue na nasa taas lang din ng lagayan ng pinggan para tuyuin 'yon. Bumalik siya sa tabi ko dahil nando'n ang galon ng tubig.

"Ang weird talaga ng Ate Maggie, kinikilabutan ako kapag sa inyo galing ni Mark," dagdag ni Ate Maggie.

Hindi sumagot si Deion. Pagkatapos niyang ubusin ang laman ng baso niya, habang sa 'kin nakatingin all throughout, mabilis niya lang na niligpit 'yon at binalik sa rack. Hindi niya pinansin ang sinabi ni Ate Maggie at lumabas na.

May nararamdaman akong . . . mali. May something weird, something off. Galit ba siya?

"No'ng isang linggo pa yata ako ina-Ate Maggie nu'n . . ." Tinulungan ko si Ate na ialwas sa plastic bag ang mga kurtinang dala niya. "Di ako sanay. Parang biglang bait galing sa Mags."

Di ako makasagot sa kaniya dahil naba-bother ako kay Deion. Nang pumasok ulit siya, kasama si Mark dahil magkatulong silang buhatin 'yung isang malaking kahon, sinulyapan niya ulit ako. Iba 'yung nararamdaman ko sa poker face niya. Galit nga yata.

Pagkatapos naming mag-ayos at maglinis saglit, nilibre kami ni Ate Maggie ng food. Napagigitnaan ako nina Deion at Ate Maggie sa sahig ng salas. Sa tapat namin ay si Mark na nakahiga sa sahig habang ngumunguya ng pizza, at si Kuya Yael na nakaupo sa upuang hinila niya galing sa kusina.

Napapitlag ako nang slight nang agawin ni Deion ang hot sauce packet na hawak ko. Siya ang nagbukas nu'n gamit ang ngipin, pagkatapos ay nilagyan ang pizza slice na hawak ko pati na rin ang kaniya nang walang imik. Nang lingunin ko siya ay nasa TV lang ang tingin niya. Hindi ako iniimik nito kanina pa.

Kinalabit ko siya sa hita. Hindi pa siya agad lumingon. Parang nag-isip pa for a few seconds bago ibaba ang tingin sa 'kin. Imbes na itanong kung galit siya ay sinandal ko na lang ang ulo sa balikat niya. Tinago ko ang ngiti sa pagnguya nang maramdamn kong ina-adjust niya ang pagkakaupo niya para mas maging komportable ako.

Pero bothered pa rin ako sa silence niya. Alam ko namang tahimik lang siya, pero iba talaga 'yung feeling ko ngayon. Parang bad mood ang baby boy. Pagkahatid niya sa 'kin sa apartment ay tinanong ko siya bago ako umakyat. "Galit ka ba?"

Binulsa niya ang dalawang kamay bago umiling. "Hindi."

"Sure ka?"

Nagbuntonghininga siya at tumango. "Akyat ka na," sabi niya bago ipatong ang palad sa tuktok ng ulo ko. Nang ibaba niya iyon ay dumeretso 'yon sa ilong ko at marahan niya 'yung pinisil. "Good night."

Di ako makaalis kasi nase-sense ko talagang hindi maganda ang timpla niya. Pero kung ayaw naman niyang aminin, ano'ng gagawin ko? "Okay, good night. Ingat."

Tumango siya. Pagkaakyat ko ay sinilip ko ang sasayan niya. Kumaway ako kahit hindi ko sure kung makikita niya.

* * *

Mula no'ng nag-move out si Ate Maggie, hindi ko na ulit tinanong si Deion kung galit siya or ano. Di naman na siya mukhang bad mood na bad mood, pero 'yung uneasy feeling ko, bitbit ko pa rin. Wala naman masyadong nagbago bukod do'n dahil madalas pa rin naman kaming magkasama.

"Tutulungan ko lang si Jo," paliwanag ko kay Deion.

Malapit na ang Christmas break, at dahil kasisimula lang din ng sem at nagko-completion pa ng grades, wala masyadong pumapasok na profs. Dahil lunch ang kasunod na period, umalis na 'yung iba naming blockmates 20 minutes after ma-announce na nasa site si Architect at di makakapasok.

"Saan?" tanong niya, di inaalis ang kapit sa panaling galing sa kaniya na nasa wrist ko. "Puwedeng sumama?"

"Bawal," sagot ko. Sabi ni Jo, 'pag sinama ko si Deion, magtatampo siya. Fair lang din, kasi ang tagal na naming di nakakapag-usap dahil hindi na ako masyadong sumasabay kay Je pauwi. "Sa lib lang naman kami."

Nakasimangot man, tumango si Deion. "Lunch?"

"Okay, mamaya. Chat kita," sabi ko. Pinakawalan niya ang wrist ko. Sinundot ko nang ilang beses ang pisngi niya bago umalis ng room, bitbit ang bag ko papuntang library.

Pagdating ko roon, nahanap ko kaagad sina Jo at Luke na magka-share sa isang table. May laptop sa tapat ni Jo habang si Luke ay busy sa kung anoman 'yung hina-highlight niya sa bulto ng papel na binabasa niya. Sabay silang napatingin sa 'kin nang hilahin ko ang upuan sa tapat ni Jo at do'n umupo. "Ano namang maitutulong ko dito?" tanong ko at sinilip 'yung isang folder na nadampot ko. Di ko naman naiintindihan ang pinagsasasabi ng printed journal. "Gusto mo lang akong makita e."

Natawa nang mahina si Luke. Si Jo, serious mode, kaya naitikom ko ang bibig. Parehas sila ng kakambal niya na nakakatakot kapag nag-aaral. Parang bawal salingin. Binuksan ni Luke ang laptop na nakapatong sa tapat ko. May in-open siyang document doon bago iharap sa 'kin. "Pa-alphabetical nga, Billie. May inaayos lang kami sa revision."

Tinanggap ko ang laptop at inayos ang puwesto sa tapat ko. Nalula yata ako sa ilang pages ng reference list ng nakabukas na document. "May bayad 'to, a?"

"Lunch," sagot ni Jo, di inaalis ang tingin sa ginagawa.

"Ba't andami ninyo pang ginagawa? Late ka bang nag-submit?" tanong ko.

Si Luke ang sumagot. "Hindi. Ang dami lang revisions, 7k pa 'yung word count na hinihingi."

Tumango-tango ako. Akala ko pa naman makakakuwentuhan ko si Jo, pero mapo-postpone yata 'yon hanggang mamayang lunch time . . . kung anomang time nila gustong mag-lunch. Bawal din namang magchikahan sa lib dahil ang sungit-sungit n'ung nagbabantay.

Kung di pa pinilit ni Luke si Jo na mag-lunch, baka hindi siya titigil sa ginagawa. Parehas na parehas talaga sila ni Je, mga hindi mapakali hangga't di tapos ang ginagawa. Imbes na sumabay sa 'min ni Luke papuntang canteen ay nagpaalam siyang magpapa-print at consult muna, kaya kami lang ni Luke ang pumunta ng canteen.

Bumili na kami ng pagkain, at gutom na ako, pero hindi ako makakain dahil mukhang walang balak si Luke na kumain hanggang wala si Jo. Di naman ako makapagreklamo dahil di pa kami super close. Kapag nandito na si Jo, saka ko siya bubungangaan na ang tagal-tagal niya at baka mamayat ako dahil pinaghintay niya.

Di ko alam kung super obvious lang sa mukha ko na gusto ko nang ubusin ang rice meal ko, o gutom na rin si Luke, kaya napaalok siyang kumain na kami after a few minutes. "Di na natin hihintayin 'yung isa?" tanong ko.

Umiling siya. "Baka naipit sa faculty," aniya. Hinintay kong siya ang maunang bumawas sa pagkain niya bago simulan ang akin. "Kain na tayo."

"Kuha lang akong ketchup," paalam ko. Bumalik din ako agad sa table namin. Napasimangot ako nang wala namang lumalabas sa squeeze bottle kahit ano'ng gawin ko. Ano ba 'to, display? Kainis.

Narinig kong tumawa si Luke bago 'yon kuhain sa 'kin. Hinigit niya palapit sa kaniya ang plato ko at siya ang nakipagbuno ro'n sa squeeze bottle. After ilang hampas sa palad niya at pag-squeeze, may lumabas din naman kahit papaano. "Thank you," sabi ko.

Tinanguan lang niya ako. Dahil ayaw kong tahimik kami, at gusto ko rin siyang i-friend gawa ni Jo, nag-isip ako ng pag-uusapan. Habang pinanonood ang mga lumalabas ng canteen at nag-iisip ng topic ay nakailang kurap ako nang mapansing may nakatingin sa 'kin.

Nang makita si Mark ay agad na hinanap ng mga mata ko ang kambal-tuko niya, at di nga ako nagkamali na magkasama sila. Sesenyasan ko pa lang sana si Mark na maki-table na sa 'min, pero napatigil ako sa pagnguya nang makita si Deion na naglalakad na paalis.

* * *

"Galit ka?" tanong ko kay Deion pagpatak ng Biyernes. Di ako mapakali e. Parang okay naman kami, pero hindi pa rin mawala-wala 'yung unease. Nag-sorry naman ako sa kaniya no'ng nakalimutan ko siyang sabihan na magla-lunch kami ni Luke, at tinanggap naman niya, tapos bumawi naman ako, pero may something off pa rin.

Umiling siya. Binuksan niya ang pinto ng front seat at inunang ilagay do'n ang bag ko bago gumilid at hayaan akong makapasok. Pinanood ko siyang magsuot ng seatbelt pagkaupo niya sa driver's.

Sila kaya ni Mark ang may problema? Or may personal problem ba siya? Family? Ilang araw na siyang parang wala sa mood. Tapos ngayon, kusang hindi sumabay si Mark sa 'min ng uwi. Sana di sila magkaaway. "Di ka talaga galit?"

"Hindi. Ba't ako magagalit?" aniya bago i-start ang makina. Hindi ko inalis ang tingin sa kaniya hanggang sa makalabas kami ng campus. Nang abutan ng saglit na traffic ay sumulyap siya sa 'kin.

Naniwala ako sa sagot niya kasi hinawakan niya ang kamay ko.

* * *

Kinabukasan, hindi kami umuwi—kami meaning ako at 'yung kambal. Nag-crash sina Jo at Luke sa 'min umagang-umaga dahil mas mabilis daw ang internet sa apartment kahit na mas mainit dito. Gumagawa na naman sila ng paper na parang di matapos-tapos. May plates na rin naman kami, mga pahabol bago kami pagpahingahin bago mag-Pasko, pero di ko masyadong ramdam. Siguro dahil kaunti pa lang, o baka dahil gumagaling na ako sa time management-kuno ko.

Nagcha-chat naman kami ni Deion, at through the screen, parang wala namang mali sa responses niya. Pero iniisip ko kung ano'ng hitsura niya habang nagta-type. Hirap kasi 'pag di naririnig; open to interpretation ang tono. Feeling ko talaga tampururut ang isang 'yon e.

Nang mag-decide ang tatlo kong kasama na umalis para bumili ng lunch, nagkulong ako sa kuwarto. Pinuwesto ko ang laptop sa kama at umupo sa sahig pagkatapos sabihan si Deion na tatawag ako. Good sign naman siguro na sumagot siya agad. So di siya galit, medyo lang? O baka galit siya, pero hindi sa 'kin?

Napanguso ako nang wala sa camera ang tingin niya. Phone lang siguro ang gamit niya base sa display. Kumakagat siya sa sandwich niya habang nasa kung saan ang tingin.

Sinitsitan ko siya para tingnan niya ako na ginawa niya naman. Nilapag niya ang sandwich sa platito sa tapat niya bago damputin ang phone at ilapit sa kaniya. "Bakit?"

Napa-pout ako sa tono niya. "Wala lang," sagot ko. "Bawal tumawag?"

Nakailang kurap siya sa screen bago nag-fade nang bahagya 'yung look niyang malamig na di ko gusto. Umamo-amo 'yon bago niya ilapag ulit ang phone sa kung saan 'yon nakalagay kanina. "Ano'ng ginagawa mo? Mag-isa ka lang?"

"Mag-isa," sagot ko. "Ikaw?"

"Pupunta si Ate Nads," sagot niya at nag-scrunch ng ilong na parang di welcome ang kapatid niya roon. Habang kinukuwento niya ang pakay ng ate niya ay hinintay kong banggitin niya si Mark pero hindi nangyari. Magkaaway nga kaya sila?

Napalingon ako sa pinto nang marinig na may kumatok sa labas. Mayamaya lang ay bumukas ang pinto ng kuwarto. Sumilip si Luke sa siwang, walang t-shirt na suot dahil diyan lang naman yata sila bumili ng pagkain sa tabi-tabi at ang init talaga. Parang uulan kasi pero ayaw pang bumagsak. "Diyan gamit ni Jo? Kulang pala dala naming pera, walang dala si Jerica."

Luminga ako sa kama ni Je. Nando'n nga ang backpack ni Jo. Sinenyas ko lang 'yon kay Luke at hinayaan siyang pumasok. Binitbit niya ang bag at umalis din, pero sumilip ulit. "Kahit anong ulam ba sa 'yo?"

"Kahit ano."

"Sigurado ka? Wala kang request?"

"Pa'no naman ako magre-request? Restaurant ba 'yang o-order-an ninyo?" pabiro kong tanong.

Natawa lang siya bago magpaalam na bababa ulit. Pagbalik ko ng tingin sa laptop ko ay nakatingin lang sa 'kin si Deion, tahimik na ngumunguya ng kinakain niya.

Nakailang kurap ako. Nasa'n na 'yung maamong Deion kanina? Ano ba'ng meron sa sandwich na kinakain niya? Nakakasungit ba 'yan? "Si Luke," sabi ko, kahit alam naman na niya ang hitsrua at pangalan ni Luke dahil napakilala ko na sa kaniya dati, no'ng nagpaliwanag ako bakit di ko siya nasabayan mag-lunch. "Kasama siya ni Jo, tapos bumibili silang pagkain sa baba," dagdag ko dahil na-feel ko ang need na magpaliwanag.

Tumango siya. A, shet naman. Ayan na naman e. Feel ko na naman naiinis siya, tapos sasabihin niya hindi. "Magka-block si Jo saka si Luke," dagdag ko ulit, na alam na naman niya. Wala naman akong ibang info na puwedeng i-share sa kaniya bukod do'n. Kung ano 'yung alam ko na si Jo ang nagsabi sa 'kin, sa 'min lang 'yon. Di naman niya sinabi sa 'king puwede ko sabihin kay Deion e.

Babaguhin ko pa lang ang topic nang may tumawag sa pangalan ko mula sa labas; nakabalik na yata 'yung tatlo. Narinig kong bumukas ulit ang pinto. "Kumain ka muna," sabi ni Deion.

Bago pa ako makapagba-bye, pinatay na niya ang tawag.

* * *

Naiirita na ako kay Deion.

Huling linggo na bago ang break, pero parang may mali pa rin sa kaniya. Naiinis na ako kasi parang wala siya sa mood madalas, so feeling ko napipilitan lang siya 'pag magkasama kami at ayaw ko n'un. Di naman niya sinasabi kung ano'ng kinaba-bad mood niya! 'Pag tinatanong ko kung may mali, wala nang wala; kung galit, hindi nang hindi. Gulo niya e.

Mas naiinis ako kasi dahil sinabayan ko 'yung bad mood niya, di tuloy kami masyadong nag-uusap! E Friday na, meaning, baka di na kami magkita bukas onwards, unless may plano kami. E pa'no kami magpaplano kung ayaw niyang umayos? Kainis.

Pagdating ng dismissal ay binitbit ko kaagad ang gamit ko bago niya madampot. Napatingin siya sa 'kin pero hindi naman umimik, at di rin ako nagsalita nang sabayan ko siya palabas. Napa-pause si Mark na kumakaway sa 'kin sa corridors para magba-bye nang makita siguro ang mukha ko. Naiinis kasi ako at di ko maitago! Bahala na kung ano'ng isipin ng mga makakakita sa 'kin kung bakit ako nakasimangot.

"Ano?" tanong ko kay Deion nang titigan niya ako pagkapasok namin ng sasakyan. Di niya agad sinuot ang seatbelt o pinainit ang makina.

"Galit ka?" tanong niya sabay patong ng kamay niya sa tuktok ng ulo ko. Nilubog ko ang sarili sa upuan at hinigpitan ang pagkakayakap sa backpack ko imbes na sumagot. Narinig ko siyang nagbuntonghininga bago ilipat ang kamay sa akin. Napanguso ako. "Punta ka sa 'min bukas."

Naiinis dapat ako pero bumaling ako sa kaniya. "Bakit?"

"Uuwi ka na ba?"

"Baka Monday na."

Tumango siya. "Ako rin. Punta ka sa 'min; uuwi na si Mark mamaya."

Napakurap-kurap ako. Baka nga sila ni Mark ang may problema? Napagbubuntunan lang ba ako? Matanong kaya si Mark? "Tayo lang?"

Tumango siya. "Sunduin kita?"

"Around lunch na," sagot ko. "Babawi pa akong tulog."

"Okay. Ano'ng gusto mong lunch? Luto ako or order na lang tayo?"

Napadabog ako nang wala sa oras. Napatalon ang mga balikat niya sa pagkabigla. "Nakakainis ka!" Naiinis naman talaga ako dapat sa kaniya, e kaso the more na nag-uusap kami, bumibilis ang pagkatunaw n'un. Nawawala tuloy ako sa goal na mainis nang tunay sa kaniya.

"Ha? Bakit?" tanong niya bago isalpak ang susi sa ignition switch at magsuot ng seatbelt. Di ako sumagot. Natampal ko siya nang hagipin niya ang parehas na pisngi ko gamit ang isang kamay lang. "Inis ang bb?"

Natatawa lang niyang tinanggal ang kapit sa 'kin nang umamba akong kakagatin ang kamay niya. "Uwi na nga tayo, Kuya Driver," pabiro kong sabi. Nang ilagay niya ang kamay sa likuran ng sinasandalan ko habang inaatras ang sasakyan e parang nakalimutan ko na totally kung bakit ako naiinis in the first place.

* * *

Pagdating ko sa condo nina Deion, mukhang di naman sila magkaaway ni Mark. Bukod sa usual na napipikon si Deion at pilit na pinauuwi si Mark, na naiintindihan ko naman kung bakit, mukha namang okay sila. Bati na kaya sila? O baka di naman talaga sila nag-away in the first place?

Di ko na 'yon masyadong inisip dahil mukhang wala na naman talagang problema. Kung nag-away sila, sa kanila na lang siguro 'yon kung ayaw ikuwento ni Deion sa 'kin. Dumating ang ate ni Deion kaya napa-behave ako sa isang gilid, sa tabi ni Mark sa sofa, kahit di naman niya ako inaano. Sumulyap lang siya sa 'kin. For a second na hinawi niya ang maikling buhok palikod, nakita ko ang pagkakahawig nila ni Deion.

"Luto na ba 'yan, Deion Angelo?" pasigaw nitong tanong bago solohin 'yung isang couch. Tatawa-tawa lang si Mark bago ipasa kay Ate Nikola ang isang throw pillow na sinasandalan niya.

Nagsumiksik ako sa gilid ni Mark nang tingnan ulit ako ng ate ni Deion. Do'n sila parehas ni Deion e—may tingin sila na parang sinasabing dapat kang may ikabahala.

"Ba't ka ba siksik nang siksik? Di pa 'ko naliligo; gusto mo ba kilikili ko?" tanong ni Mark sa 'kin kaya natampal ko siya sa braso.

"Natatakot ako kay Ate Nikola," pabulong kong sagot.

"Shh, marinig ka. Ate Niko lang 'yan. Bad shot ka diyan 'pag narinig niya 'yung Nikola mo," pabulong din niyang sita. Naitikom ko ang bibig bago tumango. Inalis ko agad ang mga mata kay Ate Nikola—Ate Niko, nang mahuli niya akong nakatingin sa kaniya.

"Ba't ka nandito?" tanong ni Deion na may hawak pang pot holder nang magpakita sa 'min sa salas.

"Libre food," simpleng sagot ng kapatid niya. Inirapan siya ni Deion bago iangat ang legs nito para makaupo siya sa couch.

Nag-ring ang phone ni Mark na nasa center table. Di na siya umalis sa tabi ko nang sagutin 'yon. "Ano? Umuwi na 'ko . . . . Sino? Si Yael?"

Umangat saglit ang tingin ko kay Mark. Si Ate Maggie siguro ang kausap niya. Ibabalik ko sana ang tingin ko sa TV sa harap nang mahagip ng mga mata ko si Deion na nakatingin sa 'kin, nakasimangot.

O, ano na naman? Itatanong ko pa lang sana kung okay lang siya pero iniwas na niya ang tingin sa 'kin.

"Si Ate Maggie 'yon?" tanong niya pagkatapos ng tawag.

Tumango si Mark. "Pahiram nga ng isang unan, 'yung malambot."

Tumayo si Deion at t-in-oss kay Mark 'yung unang sinasandalan niya kanina. Lumagpas 'yon sa 'kin at di man lang nasalo ni Mark.

"Remote, Deion," utos ng ate niya, nakalahad na ang kamay. Parang walang narinig si Deion at dere-deretsong pumasok ng kuwarto. Kumunot ang noo ni Ate Niko bago habulin ng tingin ang kapatid.

"Problema n'un?" tanong niya. Ako na ang tumayo at nag-abot sa kaniya ng remote, baka dagdag approval points. Tama nga naman siya, ano nga ba'ng problema ng isang 'yon?

Kinuha ko na rin ang kawawang unan sa sahig at inabot kay Mark. "Puntahan mo nga," utos niya sabay siko sa 'kin. "Ilang araw nang paiba-iba mood niyan e. 'Kala mo nireregla."

"Ba't ako?"

"E sino? Alangang ako?" Tinuro niya ang sarili. "Mukha bang lalambot sa 'kin 'yon? Pauwiin pa 'ko n'un."

Napabuntonhininga ako. Nang hindi ako umalis sa puwesto ko ay siniksik ako nang siniksik ni Mark hanggang sa mahulog ako sa sofa. Di ko alam kung totoo ba 'yung sinabi niyang sa 'kin lalambot si Deion or gusto lang talaga niyang humiga sa sofa kaya pilit niya akong pinaalis.

Kumatok ako nang tatlong beses sa pinto. Nang walang sumagot ay pinihit ko ang doorknob na hindi naman naka-lock. Nang lingunin ko si Mark ay sinenyasan niya akong pumasok na lang. Pinanlakihan ko siya ng mga mata. Baka mamaya nagbibihis 'yung tao e!

Huminga ako nang malalim at kumatok ulit nang dalwang beses. Dahil mukhang wala talagang balak mag-respond 'yung tao sa loob, nakapikit na lang akong pumasok. Inunti-unti ko ang pagmulat ng mga mata at nang masigurong walang nagpapalit ng damit, nagmulat na ako nang tuluyan. Nakaupo si Deion sa study chair niya, hawak ang phone pero sa 'kin nakatingin. Nilapag niya ang phone sa table. "Bakit?"

Nakailang kurap ako dahil di ko alam ang isasagot. Lumapit ako sa kama niya at umupo do'n. Sinundan lang niya ako ng tingin at di naman sinita. Napaayos ako sa buhok ko dahil dikit na dikit ang tingin niya.

Pa'no ko ba 'to sisimulan? "Ano . . . bakit Ate Maggie na ang tawag mo kay Ate Maggie?" tanong ko.

Napakurap-kurap siya, parang di ine-expect na 'yon ang sasabihin ko. Nilapit niya ang upuan sa gilid ng kama niya. Nang hindi inaalis ang tingin sa 'kin, sumagot siya, "Baka nagseselos ka sa Mags."

Nablangko ako ro'n for a while, di alam ang ire-react. Nang makabawi ay nagsalubong ang kilay ko. "Di naman. Grabe ka!" Hindi talaga, promise. Pangalan lang naman 'yon e, saka gano'n din naman tawag ni Mark kay Ate Maggie, at baka ng everyone else. Pero 'pag tinawag siya ni Deion na M, baka magselos ako nang slight; di ko pa alam. Pero 'wag na niyang i-try, maiinis ako.

Tinuloy niya ang paninitig niya. Para maiwasan 'yon ay humiga ako sa kama. Kinuha ko ang nakatupi niyang comforter at niyakap 'yon para do'n itago ang parte ng mukha ko. Umalis siya sa study chaira niya at umupo sa tabihan ko. "Sure ka?"

Tumango ako. Nilapit ko lalo ang bulto ng comforter sa 'kin nang di siya nagsalita at tumitig lang sa 'kin. Mayamaya ay umiling siya. "'Wag na, okay na 'yon. Masasanay din ako sa Ate Maggie."

"Di kita pinilit diyan, ha?"

Tumango siya bago ako senysang tumabi. Humiga siya sa tabi ko pero mas mababa ang puwesto niya sa kama. Nang silipin ko ang legs niya ay lagpas ang mga 'yon sa frame. "Oo, gusto ko lang."

Dahil mukhang di na siya bad mood, inunti-unti ko ang pakay ko. "E ikaw? Nagseselos ka ba kay Luke?"

Mabilis ang sagot niyang tanong din. "May dapat ba kong ikaselos?"

Pinigilan ko ang matawa dahil baka mapikon siya. Di pala seloso, ha! Neknek niya. "Wala ah! Friends nga lang kami n'un." Nagtanim yata 'to ng sama ng loob no'ng nalimutan kong sabay kaming magla-lunch. Nakabawi na naman ako pero, hay, parang kailangan triple 'yung pagbawi para di na siya mag-inarte. "Nagseselos ka ba sa 'min ni Mark?"

Nag-scrunch ang ilong niya. "Hindi."

"Si Jo ang friend ni Luke, sabit na lang kami ni Je. 'Pag kasama ko naman si Luke, kasama ko si Jo. Saka mas close pa nga kami ni Mark kesa ro'n. See?"

Inangat niya ang katawan at itinukod ang siko sa mattress. Humalumbaba siya at, di ko alam kung ano'ng trip niya pero tumitig na naman! Tinago ko ang buong mukha ko sa comforter niya nang pumunta ang isa niyang kamay sa bangs ko at sinuklay 'yon.

"E kay Kuya Yael?" tanong ko na nagtunog medyo muffled dahil sa comforter na yakap ko. Ramdam kong tumigil ang mga daliri niyang humahaplos sa noo ko, pero wala naman akong nakuhang sagot.

Binaba ko ang comforter na tumatakip sa mukha ko. Ang mokong e nakasimangot na naman! Natampal ko siya sa hita. "Nagseselos ka ro'n?!"

Lalo lang nagusot ang mukha niya bago magpatuloy sa paglaro sa buhok ko. "Pwede ba akong magselos? Nanliligaw pa lang naman ako."

Sungit ng tono! "Ba't ka nagseselos do'n?"

Flat ang tingin niya sa 'kin, parang sinasabing, tinatanong pa ba 'yan? E bakit nga? "Crush mo 'yon e."

"Hindi a!" Hindi naman talaga. Sabi ko lang guwapo! "Crush material lang; di crush ko."

"E bakit? Hindi ba ako nagsimula sa crush material lang din?"

Hindi ko napigilan ang tawa ko. E kasi naman, mukha siyang batang nagtatampo dahil panguso-nguso pa siya. Pinilit ko lang na itigil dahil mukhang real pa sa real 'yung selos niya at ayaw ko naman siyang lalong ma-bad trip or ma-insecure. "E hindi ko nga crush 'yon. Di ka pati nagsimula sa crush material, 'no! Crush na agad kita, kainis ka."

Napairap ako nang makitang nag-waver nang slight 'yung expression niya. Binalik ko ang pagkakayakap ko sa comforter niyang ang bango-bango. "Di mo gusto 'yon?" tanong niya.

"Hindi nga."

"E sino'ng gusto mo?"

"Para-paraan ka na naman," sagot ko na ikinatawa niya. Natigil ang pagtawa niya nang biglang bumukas ang pinto. Hindi naman super bukas, may kamay lang na sumilip do'n. Tapos, sinukat ng isang dangkal 'yung layo ng pinto sa door frame.

"'Yung niluluto mo! Gutom na ako," sabi ni Ate Niko. Nakarinig ako ng palayong yabag ng tsinelas sa sahig. Di niya isinara ang pinto.

Natawa ako sa di-maipintang mukha ni Deion. Imbes na tumayo siya, bigla siyang humiga sa tabi ko, iniipit ako sa gilid sa tabi ng pader. Itinulak ko ang dibdib niya at sinigurong one arm's length away siya sa 'kin. Mapagalitan pa ako ng ate niya. Ngingisi-ngisi ang loko bago rumolyo ulit palayo.

"Tsansing ka."

Tumayo siya at inayos ang nagulong t-shirt. "Baka ikaw," walang hiyang sabi niya. Bago ko pa siya mabato ng unan niya ay nakakaripas na siya ng takbo palabas.

### Updates will be regular: every Monday at 6pm.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top