Chapter 28

081222 Chapter 28 #HatemateWP

Salubong ang kilay ni Je pagbukas niya ng pinto ng kuwarto namin. Di ko siya masisi, dahil kung ako mismo ang magigising around 5 a.m. at makikita ang sarili kong nakaligo at nakabihis na, magtataka rin ako.

"Ang aga mong nagising?" tanong ni Je, pupungas-pungas pa habang hine-head-to-toe ako.

Tumango na lang ako, kahit na ang totoo, di ako nakatulog!

After namin kumain ng dinner kagabi, nag-half bath lang ako at dumeretso na sa kama para maagang bumuo ng tulog. Kaso ang naging ending ay ilang oras lang akong nag-stay nang nakahiga at dilat na dilat. Nakatulog na si Je at lahat-lahat, gising pa rin ako.

Around 1 a.m. na yata ako nakabuo ng tulog sa pagod kaiisip, pero nagising naman ako around 3 a.m. dahil hanggang panaginip ay dinadalaw ako ni Deion. Bumangon na lang ako, naligo, at nagbihis after dahil alam kong di na ako makakabalik sa tulog ulit.

Pahikab-hikab pa si Je habang nagre-ready para pumasok. Samantalang ako, gising na gising na. Di ko na nga kailangang magkape para pabilisin ang heart rate ko.

Dahil di ako mapakali na walang ginagawa, tinuyo ko nang ayos ang buhok ko habang nasa banyo pa si Je. Parang kailangan ko laging kumilos. Kailangang may paglagyan 'yung energy kong di ko alam kung saan galing this early in the morning, or else sasabog na lang ako on the spot.

Pagkatapos kong itirintas ang buhok ay wala na ulit akong magawa. Kinuha ko ang phone at pinagbigyan ang sariling i-check ang inboxes ko—na kagabi ko pa pinipigilang gawin.

Di ko alam kung ano'ng mararamdaman nang makitang wala akong bagong messages kahit isa.

Wala man lang pasabi kagabi kung nakauwi na?

Pinigilan ko ang sariling hilahin ang sariling buhok dahil kaaayos ko lang n'un. Hinagip ko na lang ang unan ko at do'n binunton ang halo-halong feelings. Ilang beses ko 'yon sinuntok hanggang sa humupa-hupa ang gigil na nararamdaman ko. Kung di nga lang ako naka-concealer para itago ang eyebags kong unsurprisingly ay sobrang dilim ngayon, baka binaon ko na sa unan ang mukha ko at nagsisigaw.

Napatigil ako sa pagbugbog sa unan nang makitang gumagalaw ang three dots sa screen, sign na may nagta-type. In-exit ko agad ang app, ni-lock ang phone, at nagmamadaling inilayo 'yon sa 'kin. Kinalma ko ang sarili at ilang beses na huminga nang malalim habang hinihintay na may mag-pop na notif sa lockscreen ko.

T-in-ap ko ang screen nang magsimula 'yon mag-sleep after a minute na idle lang. Kumunot ang noo ko nang kinailangan ko ulit 'yon i-tap after another minute dahil wala pa ring lumalabas na notif. Bakit wala!

'Yung kaba ko kanina ay napalitan ng stress. Dinampot ko ulit ang phone at tsinek ang inbox. Wala na 'yung tatlong dots na indication na may nagta-type. At offline na rin siya.

Napahilot ako sa sentido. Jusko, Deion.

Natapos mag-ready si Je nang wala akong nare-receive na kahit isang message. Mixed feelings ako roon. Maiinis ba ako? Sabi niya kaya gusto niya ako.

So 'yon na 'yon?

Gusto lang niya ako pero walang magbabago?

Or matutuwa ba ako kasi . . . di ko rin alam kung paano makikipag-deal sa kaniya after ng nangyari kahapon? Magiging awkward ba?

Ano na next?

Standing pa rin ba 'yung question niya sa 'kin kung puwede akong ligawan? O void na? Saka pucha, paano ko sasagutin 'yon?! Out of nowhere ba puwede ko siyang i-approach at sabihan ng, sige na ligawan mo na 'ko? Gano'n ba 'yon?

"Okay ka lang?" tanong ni Je pagkatapos niyang i-lock ang pinto. Tumango ako bago isuot ang kaliwang doll shoes ko na kanina ko pa pala hawak.

Sure akong papasok si Deion, so grabe ang kabog ng dibdib ko. Di ko alam kung mas awkward ba na kailangan ko siyang iwasan dati dahil gusto kong mag-move on, o ito ngayong wala akong kailangang pag-move on-an. Sakit sa ulo!

"Sure kang okay ka lang? Di ka nabinat?" tanong ni Je sa 'kin pagbaba namin sa campus. Tinanugan ko lang siya at tinago na ang phone ko.

Mase-stress ba akong walang chat, o mase-stress akong naghihintay ako ng chat? Naghihintay ako ng chat e ni di ko nga alam kung paano siya haharapin today.

Napatigil ako sa paglalakad nang maramdamang mag-vibrate ang phone ko sa bulsa. Kinuha ko agad 'yon at halos dumulas sa palad ko nang makita ang message ni Deion sa notification screen. Good morning.

Huminga ako nang malalim bago i-unlock ang phone ko. Pinunas ko pa ang kaliwang kamay sa square pants ko dahil sa kabang di ko malaman saan nanggaling. Good morning lang naman! Saka bakit ba ako ang kinakabahan? Di ba dapat, siya? Kasi siya 'yung naghihintay ng sagot—

Napatigil ako sa pagta-type ng reply nang mapansing tumigil pala si Je sa tapat ko at nakatingin lang sa 'kin. D-in-elete ko kaagad ang ire-reply ko sana at ni-lock ang phone.

"Okay ka lang talaga?" tanong niya.

"Oo, promise" sagot ko at inunahan siya sa paglalakad bago ilabas ulit ang phone ko. Imbes na mapatigil sa paglalakad ay binunton ko na lang sa pagkagat ng labi ko ang, ewan—excitement? kaba?—nang makitang nagta-type si Deion ng message sa end niya kahit di pa ako nakakapag-reply. Nandito na kaya sila ni Mark?

Nasagot ang tanong ko nang may mauna sa 'king magbukas ng pinto ng room mula sa loob. Kung di ko hinigpitan ang kapit sa phone ko, baka dumulas na 'yon sa palad ko at lumagapak sa sahig.

Na fair reaction lang din yata dahil si Deion mismo ay muntik nang maihulog ang phone niya. As in nag-slip 'yon sa kamay niya at mabilis lang niyang nasalo.

A, pota. Alam ko namang mahirap siyang iwasan pero shet, first thing in the morning talaga? Wala man lang akong time para mag-prep? At talagang face-to-face, nang ganito siya kalapit?

"Puwede po bang pumasok?"

Binitiwan ko ang titig ni Deion nang magsalita si Je. Tumabi ako sa gilid at gano'n din ang ginawa ni Deion kaya nakumpol kami sa isang side. Pagkadaan na pagkadaan ni Je ay sumunod na ako dahil ang aga-aga pa at ayaw kong pagpawisan sa sobrang kaba.

Sinamaan ko ng tingin si Mark na kumakain ng sitsirya. Nakanganga lang siya at mukhang nabitin ang pagpasok ng chip na hawak niya sa bibig dahil pinapanood niya kaming dalawa ni Deion na parang pelikula. Natawa siya bago ako batiin ng good morning na in-ignore ko lang bago dumeretso sa upuan ko.

Pasimple kong binawi ang tingin kay Deion nang mahuling nasa pintuan pa siya at nakatingin sa 'kin. Nakahinga lang ako nang maluwag nang, finally, itulak niya ang pinto at lumabas ng classroom.

Kakayanin ko ba 'to the whole day?

Dumating ang sagot sa tanong na 'yon sa second period which is History. Binigyan kami ng time ni sir para sa report kaya nakaupo kami by group. At kung mamalasin, magkatapat lang ang circles ng group ko at ng group ni Deion.

Binaba ko agad ang tingin sa handout na inabot sa 'kin kanina nang mahuli ulit si Deion na nakatingin sa 'kin. Bakit ba hindi na lang siya mag-focus sa groupings nila?

At dapat gano'n din ako! Ba't ba ako tingin nang tingin?

"Huy!" Napapitlag ako nang may l-um-anding na papeles sa braso ko. Hinimas ko ang part na hinampas ni Kat bago siya sikuhin. "Get a room nga kayong dalawa."

"Ano?"

"Tama na 'yang tinginan galore, may gagawin pa tayo," aniya at inambahan ako ng kurot kaya iniwas ko agad ang braso ko. Bago ko pa madepensahan ang sarili ko at sabihing walang gano'ng galore or whatsoever ay narinig ko ang tawa ni Mark kaya napatahimik ako. Nanonood na naman 'to e!

Nirolyo ko ang papel na hawak ko at hinampas ang tuhod ni Mark pero patuloy pa rin siya sa pagtawa. Di na ako magtataka if ever alam niya ang nangyari kahapon dahil parang kapatid na rin siya ni Deion.

Gusto kong dukutin ang mata ko dahil panay ang punta kay Deion. Buti naman at ginawan niya ako ng favor dahil nang mahuli ko ulit siya at magtagpo ang mata namin, tinago na niya ang mukha sa likod ng papel na hawak niya pagkatapos akong ngitian.

* * *

After ng morning classes, nagpaalam ako kay Je na magbabanyo muna dahil kailangan ko talagang huminga. Pagkatapos kong maghugas ng kamay, ayusin ang buhok, at mag-breathing exercises sa harap ng sink ay nagbalak na akong bumalik ng room. 'Yon nga lang, napatigil ako a few steps from the room dahil natanaw kong may nakaabang sa 'kin sa labas.

A, shit talaga. Alangan namang di ko balikan si Je?

Saka ano naman kung nakatayo si Deion sa labas ng room? Baka hinihintay lang si Mark. Or si Ate Maggie, ewan. Point is, di ko siya puwedeng alisin do'n. At saka, baka di naman ako ang inaabangan! Feelingera ko talaga minsan.

"Billie."

"Hm?" Umangat ang dalawang kilay ko at tumigil ako sa spot ko pero hindi ako bumaling sa kaniya. Nag-stuck yata ang leeg ko.

Siya ang lumipat ng puwesto sa tapat ko at yumuko para magtapat ang mga mata namin. My gosh. "Lunch?"

Ramdam kong pumilipit ang hinlalaki ko sa paa. Halos balikuin na ng kaliwanag kamay ko ang right thumb ko sa . . . di ko alam! Kaba siguro!

Bumaba ang tingin niya sa kamay ko kaya pinaghiwalay ko agad 'yon at winagwag bago ipirmi sa sides ko. "Kasama ko si Je."

Tumango si Deion bago iangat ulit sa mukha ko ang tingin. "Okay. Kasama ko si Mark, okay lang?"

Ang dali-daling sabihin ng oo or ng hindi, pero parang nagkandabuhol-buhol ang dila ko kaya hindi ako makapagsalita.

Napaatras ako nang may marinig na tumikhim. "Gutom na ako. Ahem."

"Okay," mabilis kong tugon, di na 'yon napag-reflect-an, bago dali-daling pumasok ulit ng room para sunduin si Je. Sinamaan ko ng tingin si Mark na ngising-ngisi sa 'kin habang hawak ang pintong nakabukas. Hiyang-hiya na nga ako, mang-aasar pa siya!

Napalingon ako pabalik sa kanila nang marinig na dumaing si Mark. Dahil sapo-sapo niya ang chest area niya at nasa ere pa ang palad ng nakasimangot na si Deion, I'm guessing na may nadibdiban.

Napailing na lang ako. Gaano katagal kaya 'to? At kailan ako masasanay?

"Tara na," aya ko kay Je pagkatapos kuhain ang wallet ko sa bag. It's a miracle na hindi ako natalisod papunta sa canteen habang kasabay silang tatlo.

* * *

Aside sa intensified awkward tension sa 'min ni Deion, normal naman pretty much ang lahat. Katabi ko si Je, katapat ko si Deion, at katabi ni Deion si Mark. Si Mark ang nagtanong ng gusto naming kainin pero si Deion lang ang tumayo para bumili. Tinanggap naman niya ang perang inabot sa kaniya nina Je at Mark pero mabilis na tumalikod bago ko pa mahugot ang 100-peso bill sa wallet ko.

Pinanood ko ang likuran niya habang papunta siya sa pila. Nagdadalawang-isip pa ako kung sasamahan siya nang makita si Mark na pinapanood ako kaya napatayo ako nang wala sa oras. Di na ako nag-isip! 'Pag nag-isip pa ako, tatagal lang ang pag-spectate sa 'kin nitong isa.

Tinawanan lang ako ni Mark nang hampasin ko siya sa balikat bago ko sundan si Deion sa pila. Ugh. Bahala na talaga.

Kita ko sa gilid ng mata ko kung paano bumaling sa 'kin si Deion nang tabihan ko siya. "Hi."

Inangat ko ang tingin sa kaniya, pero sandali lang. "Hi."

Hindi na siya tumugon. Pero hindi niya rin inaalis ang tingin niya na mas awkward.

Bumaling ako sa kaniya. Bahala na talaga. "Hindi ba awkward?" deretsa kong tanong.

"Hm?" Umangat ang dalawang kilay niya bago ibalik sa harap ang tingin.

"Di ba awkward for you? Kasi groundbreaking para sa 'ki—"

"Mukha bang humihinga pa ako nang ayos ngayon?"

Natawa ako roon. At least patas kami. Unfair naman kung ako lang ang affected, 'no.

Nirolyo ko ang 100-peso bill na hawak ko at pinilit 'yon isuksok sa kamay niya. Nang makita kung ano 'yon ay sinimangutan niya ako. "Di pa nga ako bayad do'n sa dinala mong food sa apartment," paalala ko sa kaniya.

Huminga siya nang malalim bago 'yon itupi nang ayos at isama sa cash na hawak niya. "Hindi ba puwedeng date ang baya—"

"Hindi," putol ko sa balak niyang sabihin na ikinatawa niya. "Para-paraan ka. Shut up ka nga muna."

Ngingisi-ngisi siyang bumaling sa 'kin. Inilipat ko ang tingin sa harap dahil baka mapapayag talaga akong sa paraang gusto niya ako magbayad. Jusko. "Okay. Basta, I offered."

Napabalik sa kaniya ang tingin ko. "Ang kapal talaga ng mukha mo minsan," sabi ko. Tinawanan lang niya ulit ako. "Wala pang anything, ha?" pagka-clarify ko.

Aba, ang suwerte naman niya kung right after niya umamin ay may chance na agad siya. Ako nga, ilang beses umamin sa kaniya! Ang tagal ko ring naghintay sa moment na 'to 'no. Nanamnamin ko na.

"Okay," tumatango niyang sabi. "Wala pa," dagdag niya, ine-emphasize 'yung last word. Kung gusto talaga niya maging maere, gagawin niya e. "May gagawin ka mamaya?"

Napanguso ako. "Meron." Naghahabol pa ako roon sa two-day absence ko. Para bukas, wala na akong iintindihin at on track na ulit ako. Na-delay nga ako sa paghahabol gawa n'ung stunt niya. Takam ako sa landi, pero takot akong bumagsak. Mas mabigat 'yung takot ko.

Tumango siya. "Okay."

"Pero kung gusto mo talaga ng time ko . . ." Umangat ang isang gilid ng labi niya. "Magpapasa lang ako ng req after class bukas."

Di agad siya nagsalita kaya napasimangot ako. Nilalapit na ang palay, ayaw pa tumuka! "Pero kung ayaw mo, e di wa—"

"Gusto, gusto," parang nagmamadali niyang bawi. Dapat lang, aba. Tatawa-tawa niyang hinigit nang marahan ang braso ko palapit sa kaniya. "Ang bilis mo namang mag-retract ng offer, dinadamdam ko pa e."

"Walang meaning 'yon, ha?"

"Sa 'yo, wala. Sa 'kin, meron. Crush kaya kita." Kusang gumalaw ang daliri ko para pitikin siya sa braso. Di niya 'yon pinansin dahil kami na ang nasa unahan ng pila at um-order na siya.

* * *

Kinagabihan, nag-message lang si Deion kung nakauwi na ako. Tapos, di na 'yon nasundan until 10 p.m.. Nagsabi lang siya ng good night at sinabihan akong matulog na. Half past 11 ako nagbalak matulog, at napatitig ako for a long time sa phone ko dahil, 'yon na 'yon? Two messages?

Napailing na lang ako bago ilapag ang phone sa katabing drawer ng kama ko. At least, siya ang nag-initiate this time. Pero kulang pa 'yon. Walang-pagod kaya ako kung mag-chat sa kaniya dati!

Alam ko naman di siya madaldal pero . . . heh. Bawal bang mag-demand nang kaunti? Kaunti lang naman.

Bawal pa, di ka pa nililigawan e, sabi ng epal sa brain ko.

E di magpaligaw ka na. Para tapos na problema mo.

Gaga talaga. Itinulog ko na lang imbes na magtuloy-tuloy ang debate sa isip ko dahil baka ang ending, ako pa ang makapag-chat. E, no, ayoko. Ako naman muna. Marunong din akong magpa-hard-to-get 'no! Gaya ng ginawa niya no'ng high school. Maranasan man lang niya na magpalit kami ng role kahit for a while.

Kinabukasan, automatic ang smile ko kahit anong pilit kong ituwid ang labi nang makitang may lamang unread message ang phone ko. S-in-een ko lang ang good morning ni Deion, tapos gumulong thrice sa kama in the guise of pag-uunat para di ma-weirdo-han sa 'kin si Je na nagtutupi ng kumot niya.

Habang naliligo si Je, nag-ping ulit ang phone ko.

Deion: Breakfast? May breakfast kayo?

Di ko 'yon pinansin. Pinanood kong magtatalon ang three dots ng typing indicator.

Deion: Gusto mo coffee? Si Jerica?

Dahil di naman ako makikita ni Je, pinakawalan ko ang ngiti ko. Naghintay ako ng three minutes bago mag-reply.

Billie: Okay.

Deion: Okay :)

S-in-een ko na lang ulit 'yon. Marunong na ako mang-seen 'no, after being on the receiving end ng Seen mark for so long. Ni-lock ko ang phone ko paglabas ni Je ng banyo. Kinuha ko ang tuwalya ko at pumasok sa loob.

Nagbibihis ako sa kuwarto nang mag-ping ulit ang phone ko.

Deion: Got your drinks na.

Tumalikod ako kay Je na nagtutuyo ng buhok. Sinuot ko muna ang makapal kong sweater bago damputin ang phone. Bago pa ako magbalak mag-type ng reply ay may natanggap na ulit akong message. Picture ni Mark na nagda-drive.

Deion: See you. Ingat kayo.

Napanguso ako. Pwede bang mag-request ng picture niya?

Gaga, bawal pa nga. Di ka pa nga nagpapaligaw.

Ba't di mo na lang i-try manghingi? Malay mo pagbigyan ka, talandi.

Ila-lock ko na sana ulit ang phone ko bago pa ako makapag-reply ng pagsisisihan kong message nang mag-ping ulit 'yon. Napahugot ako nang malalim na hininga bago i-lock ang phone at ibato sa kama ko. Tinuktukan ko ang magkabilang gilid ng ulo ko dahil baka naririnig ni Deion ang pag-a-argue ng voices do'n.

Nag-send ba naman ng selfie!

Ayan na, sagutin mo na.

Tanga, ligaw muna! Na-send-an ka lang ng picture nalimutan mo na agad na nagpapa-hard-to-get ka?

Dinampot ko ulit ang phone ko para silipin ang picture, pero for five seconds lang dahil baka di ko mapigilang magtatalon.

Mukhang nag-sneak lang siya ng picture dahil, for reasons na naiintindihan ko, ayaw niyang mag-selfie nang makikita ni Mark. Or ayaw lang talag aniya mag-picture dahil hindi siya mahilig do'n. Mula sa babâ ang kuha niya, hawak siguro ang phone niya sa angle na parang nagcha-chat lang para di mahalata ni Mark na kumukuha na siya ng picture.

Banat na banat ang tight-lipped smile niya kaya umumbok nang kaunti ang pisngi niya, at pressed na pressed ang chin niya sa bandang dibdib kaya may double chin siya.

Ikaw lang may ganiyang picture niya, Bills. Sagutin mo na agad!

Ligaw nga muna!!!!!

Sinilid ko ang phone sa bag pagkadampot; halos ibato ko 'yon do'n. Pinilit kong hindi 'yon pansinin habang sinusuklay ang buhok ko.

May dalawang messages sa inbox ko pagbaba namin ni Je sa campus.

Deion: Dito na kami.

Deion: Iwan ko na lang sa chair mo. Samahan ko lang si Mark kumain sa canteen.

Pagdating nga namin sa room, may dalawang cup ng coffee sa armdesk ko. Inabot ko kay Je ang isa. "Ano 'to?" tanong niya. "Kape," sagot niya sariling tanong. "Bakit?" tanong niya ulit.

Nagkibit-balikat lang ako. Pinasadahan ko ng tingin ang classroom para makita kung buong block ang binili niya ng kape, which is kaya naman niyang gawin, pero mukhang hindi 'yon ang case.

"Kayo na ba ulit?" tanong ni Je. Buti na lang di ako humihigop ng kape nang magtanong siya dahil baka nabulunan ako or napaso ang dila kung sakali. Gagatong pa si Je sa voices sa utak kong di magkasundo e.

"Hindi a," sagot ko.

Pero soon, hihi.

Nando'n ka na agad e di ka pa nga nagpapaligaw!

Ugh. Manahimik ka nga, Billie.

Maingat na nilapag ni Je ang cup niya sa desk ko. "Pero magiging kayo? Minus 'yung problema mo kay Jo."

"Di ko alam."

Ang sagot ay siyempre!

Depende. Depende kung okay at stable 'to. Kung hindi, big no.

Nagtagal ang tingin sa 'kin ni Je, kaya feeling ko naririnig din niya 'yung internal debate ko. "Okay. Pero para mag-promise ka sa 'kin."

Kumunot ang noo ko. "Ng?"

"Di ka magmu-move out sa apartment. Di mo 'ko pagpapalit sa condo niya or whatever. Until grad."

Napaawang ang bibig ko roon. Kaloka naman na move in together ang nasa isip niya!

Ayaw ko rin ng gano'n, 'no. Baka bunutin ni Mommy lahat ng buhok ko sa katawan. Visits, okay lang. Next time na 'yung move in kapag graduate na.

Anubayan. Wala pa nga ako roon! Wala pa kami roon! Graduate na agad e halos igapang ko na 'tong freshman year, first sem.

Pabiro ko siyang inirapan. "Baka mauna mo pa akong iwan sa apartment. Malay mo ma-delay ako," sabi ko. Natawa lang siya bago kumatok sa armdesk ko para daw hindi 'yon magkatotoo. Nakikatok din ako dahil ayaw kong ma-delay, 'no.

* * *

Pagdating ng lunch, kasama ulit namin sina Mark at Deion. Gano'n ulit ang set-up. Kinuha ni Deion ang bayad nilang lahat puwera lang sa 'kin. At di ko alam kung sinasadya niya 'yon para sundan siya sa pila pero gano'n naman ang ginawa ko kahit di niya sabihin.

"Natapos mo na 'yung mga gagawin mo?" tanong niya nang tabihan ko siya, nasa harap ang tingin.

Napasimangot ako nang maalalang dalawang beses lang siyang nag-chat kagabi. Parehas ko pang di ni-reply-an dahil feeling ko, kapag nag-reply ako, ako lang naman ang magtutuloy ng convo. Saka, busy rin talaga ako.

"Tapos na." Inabot ko sa kaniya ang bayad ko.

Umiiling niya 'yung tinanggap. "Okay. Hatid kita mamaya?"

"Ba't di mo kagabi tinanong kung tapos na ako?"

Binaba ko sa sneakers ko ang tingin nang pumunta sa akin ang kaniya. Lintik na bibig 'to. Di talaga makapagpigil. "Sorry. Ayaw ko lang umabala."

"Di ko naman sinabing re-reply-an ko . . ." bubulong-bulong kong tugon.

"Baka di mo matiis."

Umawang ang bibig ko roon. Tinawanan lang niya ako. Bago pa ako makapagsabi ng defense ko ay tinapik niya ng hintuturo ang tip ng ilong ko bago ilipat ang tingin niya sa harap.

Natahimik na naman ako. Kainis!!!

* * *

After dismissal, nag-ayos agad ako ng gamit. Pinauna ko na si Je umuwi.

"Sure ka?" tanong niya.

Tumango ako.

"Puwede naman kitang hintayin."

Umiling ako. Nang mapansing di pa rin siya umaalis sa tapat ko ay inangat ko ang tingin sa kaniya.

Napailing na lang ako. On normal days, uuwi na siya without questions. Ayaw niya kaya ng nagsasayang ng oras. Ngayong nandito siya at pinipilit akong sabayan, may ibig sabihin 'yon.

"Oo na, may maghahatid sa 'kin pauwi," pag-amin ko.

Sinubukan niyang itago ang ngiti pero nahalata ko naman. "Okay. Sa labas ka kakain?"

Umiling ako ulit. "Di. Hatid nga lang," sabi ko at hinugot ang wallet sa bag. Inabutan ko siya ng cash, share ko sa dinner namin. Tinago niya 'yon sa bulsa niya bago magpaalam at sabihan akong mag-enjoy. Di na ako nakapagtanong kung ano'ng ibig sabihin niya roon.

Pinasadahan ko ng tingin lahat ng natitira sa room after kong i-sort ang mga pakay ko sa faculty room. Umupo muna ulit ako sa seat ko at naghintay dahil baka nasa CR lang sina Deion at Mark.

Nang maramdaman kong paalis na rin ang mga natitirang tao sa room, sumabay na ako palabas.

Huh. Umuwi na kaya? 'Kala ko pa naman sasamahan ako.

E ano? Di ka naman nililigawan.

Chat mo kung nasa'n!

Ba't ikaw magcha-chat? Dapat i-inform ka, 'no.

Bakit ka naman ii-inform? Di ka nga nililigawan, 'di ba?

Napatigil ako sa paglalakad at sa pag-iisip nang may pamilyar na likod na naka-light blue na polo akong natanaw sa tapat ng faculty room pagbaba ko. Nang talikuran niya ang kung sinomang kausap niya ay napatigil din siya nang makita ako.

Lumipad saglit ang tingin ko sa kausap lang ni Deion kanina. Binuksan nito ang pinto ng faculty room at pumasok.

O, wala kang karapatang magselos.

Ano ba naman kasing nakakaselos do'n? Kausap lang naman.

"Pabalik pa lang ako ng room," sabi ni Deion paglapit niya sa 'kin.

Tumango lang ako. Nang mapansin kong parang may hinahanap siyang kung ano sa mukha ko ay pinilit kong ngumiti. Pinakita ko sa kaniya ang folder na hawak ko. "Magpapasa lang ako saglit."

"Hatid na kita?"

Nagkibit-balikat ako. "Ikaw bahala."

Narinig ko siyang nagbuntonghininga bago ako pumasok sa faculty. Natanaw ko si Ate Maggie na may kausap na isang prof sa may bandang dulo ng kuwarto. Buti na lang nakatalikod siya kaya di niya ako nakita.

After kong tapusin ang business ko sa loob ay lumabas na ako. Nakaabang sa 'kin si Deion.

"Ihahatid mo 'ko?" tanong ko. Kaya ko namang mag-commute. Ayaw ko na ring abutan ng ambush ng pasahero so uuwi na ako agad kung di naman niya ako ihahatid.

Bilis magtampo! Di pa naman kayo.

E siyempre! Di naman nakokontrol 'yon!

"Akin na gamit mo," aniya, hawak na ang isang strap ng bag ko kahit hindi pa ako nakakasagot. Pinagbigyan ko siya roon. Tahimik kaming naglakad sa hallways.

"Okay, wait." Napatigil ako sa paglalakad nang hagigipin niya ang wrist ko. Pa-exit pa lang kami ng building.

Hinagip niya rin ang kabila kong wrist at pinaharap ako sa kaniya. "Kasama namin si Mark, okay? May pinatago lang na gamit si Mags sa kotse, kinuha ko, sinamahan ko siya pabalik. Iniwan ko sa CR si Mark, do'n sa tabi ng faculty."

Taray, may pa-explain. Hingian mo ng full report.

Hala, may karapatan ka ba?

Napanguso ako. "Okay?"

Pumikit siya bago huminga ulit nang malalim.

Nagkasundo lahat ng voices sa utak ko, sabi nila: cute.

"Hindi ko gusto si Mags."

Napakurap-kurap ako roon. Marahan kong hinila ang wrists kong hawak niya at pinakawalan naman niya. "Wala naman akong sinabi." Tumuloy ako sa paglalakad kaya napilitan siyang sumabay.

Di naman ako nagseselos. I mean, siguro medyo, pero parang di naman tama dahil friends sila. Tapos pinsan pa ni Mark si Ate Maggie. Close na close sina Mark at Deion, so di na rin surprise kung close din si Deion at si Ate Maggie.

At wala naman akong dapat problema roon. Kaya ayokong iniisip ni Deion na nagseselos ako, 'no. Wala naman kasi sa lugar.

"Wala kang sinasabi, pero sinasabi ko lang. Parang ate ko na 'yon si Mags," pahabol niya. "Billie."

"Ano?"

"Hindi nga si Mags yung pinag-uusapan namin no'ng birthday ni Mark. Ikaw, okay?"

"Alam ko."

"Billie."

Napatigil ako sa paglalakad dahil hinawakan niya ulit ako. Bumaling ako sa kaniya. "Ano?"

"Ikaw lang ang gusto ko, okay? Bago ka pa mag-isip ng kung ano-ano."

Ayun, tunaw ang selos agad.

Di niya ako pinayagang mag-process ng kilig dahil natawa ako nang mamula ang leeg niya. Mukhang alam niya rin 'yon dahil siya ang umiwas ng tingin bago ako higitin paliko sa kabilang direction.

Tumigil kami sa canteen. Bumili siya ng dalawang boteng tubig at isang bowl ng fries. Inabot niya sa 'kin 'yung fries, tapos nilaklak nang isang inuman 'yung bottled water niya. Napailing na lang ako, natatawa pa rin, dahil di pa humuhupa 'yung kulay ng leeg niya.

"Kailan mo 'ko unang nagustuhan?" tanong ko habang naglalakad kami pabalik ng parking. Puwede ko naman siguro siyang interview-hin. Unfair naman na alam niya kung kailan ko siya naging crush tapos ako, di ko man lang alam kung kailan siya nagka-feelings.

"Kung binasa mo 'yung letter ko sa 'yo dati, e di sana alam mo."

Muntik ko nang mabitiwan ang fries na hawak ko. Ano?

Nakangiti lang siya habang naglalakad habang di ako maka-move on sa pagkawindang.

Hinigit ko ang polo niya para mapatigil kami sa tabi ng isang pole sa walkway papunta sa parking. Kunot ang noo niya nang ibaba ang tingin sa 'kin. "Ano?"

"Jino-joke time mo ba ako?"

"What? No." Natawa ulit siya. Hinagilap niya ang braso ko at iginiya akong maglakad ulit.

Parang pinagbagsakan ako ng langit at lupa.

So crush na niya ako dati pa?

As in dati pa?

Bakit ang tagal ko pang naghintay?!

"Ano'ng nakalagay do'n?" tanong ko. Nagkibit-balikat lang siya, mukhang natutuwang makita akong di mapakali sa curiosity. "Ano nga?"

"Fries."

"Ha?"

Binuka niya lang ang bibig. Parang naka-program ang kamay kong kusang dumukot ng fries at inilagay sa bibig niya. Ngingiti-ngiti siyang ngumuya.

"Nakakainis ka," sabi ko nang ma-realize na naisahan na naman niya ako. "Wala ka bang kamay?"

Tinawanan lang niya ako ulit. "Meron naman."

Inirapan ko siya. Kinulit ko siya nang kinulit tungkol sa letter pero nakarating na kami ng sasakyan niya ay hindi pa rin siya sumasagot.

Di ako sumakay kahit after niyang hilahin ang pinto ng front seat. Napakamot lang siya sa noo kahit todo-todong pagpapa-cute na ang ginawa ko para i-spill niya. Di ko alam kung mao-offend ba ako na hindi man lang 'yon um-effect! "Next time na 'yon, okay? Ang importante gusto pa rin kita hanggang ngayon."

Nagkunwari akong maisusuka ang fries na kakakain ko lang. Napatigil lang ako sa acting nang maramdaman ang palad niya sa small spot sa likod ko. Oblivious naman ang loko sa pag-backflip ng heart ko sa simpleng gesture na 'yon dahil natatawa pa rin siya. "Tara na, iuuwi na kita."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top