Chapter 25
062222 #HatemateWP Chapter 25
Imbes na magsakay pauwi ay na-trip-an kong maglakad. Mas nakakalma ako kapag naglalakad, at at least kapag masyadong maraming tao sa paligid, nahihiyang bumagsak nang slight ang mga luha ko.
Tumigil ako sa may pedestrian lane para mag-text kay Jerica. Maya na ako uwi.
Sure? Anong oras? Dito sina Jo. Pizza.
Napangiti naman ako roon. Well, di ako puwedeng umuwi nang ganito ang hitsura ko. Mukha akong pinagbagsakan ng langit at lupa. Saka baka pag-uwi ko, umiyak lang ako kay Jo.
Wag niyo ko ubusan ha. Pagabi ako slight.
Ok ingat. Text ka pag pasundo.
Tinabi ko ang phone sa bulsa ng pantalon ko. Pinanood kong mag-change from stop to go ang traffic sign, pero hindi ako tumawid. Pagbalik ng ilaw sa stop ay saka ako tumalikod para i-retrace ang mga steps ko.
Tumigil ako sa tapat ng convenience store na nadaanan ko kanina. Meron namang mas malapit sa apartment at isang tricycle away lang 'yon kapag tinatamad, walking distance kapag masipag. Kung do'n ako tatambay, mas madaling tawagan si Je para magpasundo. Or kahit hindi na nga e, kasi kaya ko na namang umuwi sa apartment from there, kaya di ko alam bakit ako bumalik dito. Siguro kasi ito ang mas mas malapit sa 'kin ngayon?
Nagkatinginan kami ng cashier habang nasa labas pa ako. Tumabi tuloy ako sa gilid at tinigilan ang pagsilip sa mga beverage fridge na nakasandal sa pader ng opposite wall. Baka mapagkamalan pa akong nagpaplano ng masama dahil sa hitsura ko ngayon.
Dinukot ko ang phone mula sa bulsa nang mag-vibrate 'yon nang tuloy-tuloy. Di ako nagsayang ng segundo at in-off agad 'yon nang makitang si Deion ang tumatawag. I-o-on ko na lang ulit ang phone ko mamaya kapag uuwi na ako para sabihan si Je.
Hay, shet naman talaga. Bitbit ko pa 'yung cake na bigay sa 'kin. Iisipin ko na lang na compensation 'to sa pagpapasakit ng ulo ko lagi para makain ko na ngayon.
Pumasok ako sa convenience store at dumeretso sa hilera ng mga beverage fridge. Okay, isang bote lang, promise. Pampamanhid lang, tapos uuwi na ako dahil baka ubusan ako ni Jo ng pizza.
Pinigilan ko ang pag-irap ko nang hingian pa ako ng ID ng cashier. Baka ma-badtrip pa kasi sa 'kin 'tong cashier kapag nasungitan ko, e uneasy na nga ang tingin niya sa 'kin. Iisipin ko na lang na baby-faced ako kaya hiningian niya ako ng ID. Ite-take ko na lang din 'yon as compliment.
Kahit ayaw ko dahil malapit sa tukso, pumuwesto ako malapit sa mga fridge. Ayaw ko rin kasing sa tabi ng glass door umupo dahil baka magdrama na naman ako at mapanood pa ng mga dumadaan-daan.
Inangat ko ang cover ng cake box. Napailing at buntonghininga na lang ako bago tanggalin ang kandilang pumlakda sa surface ng cake, na gawa siguro ng biglaan kong pagsara sa box kanina. Di naman mukhang sobrang nabugbog ang cake sa ginawa kong pagtakbo-takbo kanina, pero sira na ang dedication icing.
Di ko alam kung dapat bang mas happy ako na gano'n. At least walang kirot dahil hindi ko na mababasa ulit 'yung greeting ni Deion at hindi na ako puputaktehin ng confusion.
Pero shit, sayang. Di ko man lang na-picture-an. Kung ginawa niya 'to n'ung high school, baka may isang album na sa phone ko na puro pictures lang ng cake. Iwo-wallpaper ko 'yon at lockscreen unless mabigyan ako ng mas magandang picture.
Kaso hindi e. Hindi na gano'n.
Kaya di ko alam kung bakit kinuha ko pa ang phone ko, binuhay, at kinuhaan ng picture 'yung cake kahit wala nang mabasa sa dedication icing bukod sa Ha ng Happy birthday, at B galing sa pangalan ko. Sa inis sa sarili ko ay nahampas ko pa ang phone ko sa table pagkatapos kumuha ng pictures. Agad-agad na pinatay ko ulit 'yon bago pa may pumasok na tawag na ayaw kong matanggap.
Tumayo ako para humingi ng plastic spoon pero ayaw kong bigyan n'ung nasa cashier kaya napabili ako ng isang pack ng disposables. Pagkatapos, bumalik ako sa puwesto ko para upakan 'yung cake. Sayang kasi. Pagkain pa rin 'to at never akong tinuruang magsayang ng pagkain.
Perfect match ang beer at nagtatalong chocolate at mocha na flavor ng cake kaya hindi na ako tumayo para bumili ng panulak na tubig.
* * *
Nag-brownout. Hindi ko alam kung gaano katagal, pero pagbalik ng kuryente, may kasama nang Kuya Yael. Kinunutan ko siya ng noo at hinampas sa kamay nang subukan niyang kuhitan ang cake ko. Cake na nga lang ang akin e, di na kasama 'yung nagbigay, hahatian pa ako?!
"Bakit ka nandito?" tanong ko kahit alam kong di naman akin 'tong lugar. Wala naman siya before mawalan ng kuryente. At wala na bang ibang tables? Bakit sa 'kin siya tumabi? Bakit ba ang hilig akong dikitan ng mga poging wala namang gusto sa 'kin?
Kumunot nang bahagya ang noo niya sa 'kin. Hindi ko alam kung ano'ng nginingiti niya. "Kani-kanina pa ako dito." Pinakita niya sa 'kin ang water bottle at biscuits na hawak niya. "Bumili lang ako, tapos nakita kita."
"Sinungaling ka." Anong kani-kanina? E hindi naman ako umaalis sa puwesto ko. Mararamdaman ko naman kung sakaling may tumabi sa 'kin. At sa tangkad niyang 'yan, imposibleng di ko siya ma-notice. "Ngayon ka lang e. Naabutan mo 'yung brownout?" Feeling ko nag-sneak lang siya sa tabi ko no'ng nawalan saglit ng kuryente.
"Brownout?"
Natawa ako. "See? Di mo nga alam na nag-brownout! Sinungaling talaga kayong mga pogi," sabi ko at sinimangutan siya.
Rare breed nga siguro 'yung pogi na, matalino, at mabait pa. Parang one way or another, 'yung common breed ng pogi ay may kasamang negative of some sorts para mabalanse 'yung character nila. Hmp.
Kinapa ko sa bulsa ng pantalon ang purse ko. Nang mapansing wala 'yon ay inis akong yumuko para hanapin 'yon sa ilalim ng table dahil baka roon nahulog.
Napadaing ako nang hampasin ni Kuya Yael ang likod ng ulo ko.
"Hoy, inaano kita?" tanong ko sa kaniya pagkatapos alisin ang ulo kong parang kakalas sa leeg ko dahil sa bigat sa pagkakayuko. Tinampal ko ang braso niya para makaganti man lang. Di naman kami freinds e!
"Bakit mo hinampas ulo ko? Susumbong kita kay Ate Maggie," banta ko sa kaniya.
Tinawanan lang niya ako. Pogi nga, ang sama naman ng ugali! Magsama sila ni Deion. "Hindi kita hinampas, nauntog ka diyan sa table."
"Sinungaling."
"Hindi nga kita hinampas. Bakit ba kita hahampasin?" pagtatanggol niya sa sarili, natatawa pa rin. Kinapa ko ang parte ng ulo ko na sinapok niya. Ang sakit kaya! Tapos tatawanan lang niya. Mga pogi talaga.
"E sinong hahampas sa 'kin?" tanong ko habang hinahalukay ang bag ko para sa purse ko. Lintik, patay ako kapag umuwi ako mamaya at may nagbalak na holdapin ako. Wala akong maibibigay, so ano'ng gagawin sa 'kin? Iiwan ba ako or kukuhanan ng organs?
Shet, wait, paano ako uuwi? Wala akong cash.
"Malay mo may dumaan na ibang tao sa likuran natin, tapos 'yon ang humampas sa 'yo?"
Bumaling ako kay Kuya Yael. Puwede kaya akong magpahatid sa kaniya? "E akala ko ba nauntog ako sa table? Nuy, e di nahuli ka sa sarili mong bibig?" Inirapan ko siya dahil kahit nahuli ko na siyang nagsisinungaling, tinatawanan pa rin niya ako.
"Ano ba'ng hinahanap mo? Ito?" Lumipat ang tingin ko sa hawak niya. Inagaw ko sa kaniya ang purse ko. Hanap ako nang hanap, hawak niya pala! Tsinek ko muna kung magkano pa ang laman n'un bago tumayo.
"O, sa'n ka pupunta?" tanong niya.
"Bibili pa," sagot ko. Maaga pa naman . . . yata. Hindi naman first period ang Design bukas.
"Kabibili mo lang."
Kumunot ang noo ko. Binaling ko ang tingin sa tinuturo ng daliri niya. Bakit hindi ko matandaan kung kailan ako kumuha n'ung pangatlong bote?
Umupo ulit ako at tinago na ang wallet sa bag para alam ko na kung saan hahanapin mamaya, at para hindi na ako pasimpleng mabatukan ni Kuya Yael. Di ko mapigilang lingunin siya from time to time kasi pinapanood niya lang ako. Hindi maubos-ubos 'yung biscuit niya dahil panay ang bali niya roon into smaller pieces.
"Bakit nandito ka pa?" tanong ko at dumukot ng bagong plastic spoon sa isang pack na binili ko kanina. Umirap na lang ako nang tumilapon ang maraming spoons sa table dahil hindi ko napansin 'yung tear sa plastic nang kuhain ko ang buong pack.
Pinag-slice ko si Kuya Yael ng very small part lang ng cake. Para naman may kasama akong mag-celebrate ng . . . break-up slash official moving on phase. Imbes na gamitin ang spoon na ginamit kong panghiwa ay dinampot niya ang pirasong s-in-lice ko gamit ang kamay at sh-in-oot lahat sa bibig niya. Takaw. Bahala siya, di ko na siya bibigyan pa. Akin na lahat 'to.
"Wala ka bang kasama?"
Umiling ako. "Mukha ba? Bakit ka nga nandito?"
"Malapit lang dorm ko; makatawid lang diyan sa tapat," sagot niya. "Bakit mag-isa ka? Paano ka uuwi? Susunduin ka ba ng jowa mo? Bakit di mo na lang siya sinama?"
Humigpit ang kapit ko sa bote. Niyakap ko na lang 'yon at p-in-ress ang pisngi ko sa katawan. Napasimangot ako dahil di na 'to masyadong malamig. Kanina pa ba 'to? Bakit di ko matandaan?
"Break na kami." Surprisingly, ang daling sabihin n'un. "Break na kami, break na kami."
Wooooow, walang kirot. "Break na kami . . . ." Ilang beses ko 'yung inulit-ulit, unaware na parang martilyo pala 'yung dinadahan-dahan lang ang pagbabaon ng pako sa 'kin hanggang sa mabasag ako. Di ko alam kung sa pang-ilang ulit sumuko ang tear ducts ko. Shit naman, ayaw kong pumasok bukas nang maga ang mata. Akala ko ba iniyak ko na lahat kanina?!
Ito kasing si Kuya Yael e! Tinanong-tanong pa . . . . Di na lang mag-shut up dahil nakikitabi lang naman siya. Nakaka-uhaw pa naman umiyak nang umiyak. At shiiit, ang pait ng tubig na dala ko, lasang alak.
"Gusto mo ba ng . . . ibang kasama?" rinig kong sabi ni Kuya Yael. Inalog-alog ko ang boteng hawak ko nang mapansing magaan na 'yon. Nasa'n na? Bakit walang laman?
Bumaling ako sa kaniya. "Bakit ka nakikiinom kung wala kang ambag?" tanong ko, kasi di naman ako nag-agree na invited siya rito sa impromptu post-break-up celebration ko. Saka di ako mayaman 'no! Di ko sasagutin inom niya.
Naitikom niya ang bibig. Pumikit siya bago nagbuntonghininga. "Ikaw lang ang umiinom diyan."
"Sinungaling na naman, hmp."
"Ikaw nga lang." Huminga ulit siya nang malalim. "Gusto mo ba ng ibang kasama? May friends kang puwede kong tawagan? Si Maggie?"
Umiling ako at umiwas ng tingin. Friends sila ni Ate Maggie. Kami rin naman ni Ate Maggie, friends din. Pero may sting pa rin sa fact na si Ate Maggie ang gusto ni Deion, so no, ayaw ko siyang makita.
Nakakainis naman kasi si Deion, 'pakagago. Pipili na nga lang, hindi pa pumili ng hindi ko kilala! Sana pumili na lang siya ng taga-ibang university, or someone naman na mas maganda ako para hindi masyadong nakakalugmok . . . . Or hello, puwede namang ako na lang! Lalayo pa ba siya?
Binuksan ko ang backpack ko at hinagilap ang purse ko. Kumuha ako ng 100 pesos at puwersahang ikinulong 'yon sa palad ni Kuya Yael. "Bili mo 'ko, nakikiinom ka e," pagdadahilan ko.
Ang totoo e super bigat na talaga ng ulo ko at hindi ko na 'yon kayang panatilihing upright kaya ayaw ko nang tumayo. 'Lang ya, di ko alam kung paano ako uuwi kung hindi ako makakatayo. Gagapang na lang siguro ako.
* * *
Nakailang kurap ako para mag-adjust ang mga mata ko sa biglaang pagbalik ng ilaw. Umuulan ba . . . ? Hindi naman a. Bakit ba pawala-wala ang kuryente?
Inalog ko ang boteng hawak ko, at mabuti na lang na may laman pa 'yon. Akala ko naisahan na naman ako ni Kuya Yael at nakuha sa 'kin ang iniinom ko nang di ko namamalayan. "Bakit ba pawala-wala ang kury—"
Nakailang kurap ako just to make sure na tama ang nakikita ko sa tabi ko. Kinusot ko ang parehas na mata dahil baka nag-i-imagine pa ako, pero pota mukhang hindi dahil hindi naman 'to nawala sa paningin ko. Pumikit ako nang matagal at nagmulat muli, pinipilit na mag-focus ang mata ko dahil, shet, nagdo-double vision na yata ako.
Pinanliitan ko ng mata ang dala ni Kuya Yael. What the fuck, totoo nga. Nilipat ko ang tingin kay Kuya Yael na nasa kabilang gilid. Saan niya nakuha 'to? Bakit siya may ganito?
"Sorry, Billie." Inabot niya sa 'kin ang phone ko, na hindi ko matandaan kung kailan ko inabot sa kaniya at kung kailan ko ulit binuksan. Hala, malikot ba ang kamay niya? Kanina pa siya, ha. Una 'yung purse ko, tapos 'yung beer ko, now pati phone ko?! Pero mukha naman siyang apologetic, so palalagpasin ko ba? "Hindi ko kasi alam kung s—"
"Okay lang," putol ko sa sinasabi niya. Tinago ko muna ang phone sa loob ng bag bago ibaling ulit ang tingin sa gift niya sa 'kin.
Natawa ako. Parang nakakagagong post-break-up gift 'to, pero shit ang saya-saya ko for some reason.
"Paano mo ginawa 'tong standee? Saka kailan mo 'to dinala rito?" tanong ko, tukoy sa standee ni Deion na surprise niya yata for me.
"Wait, kanina mo lang nalaman na break kami . . . so hindi talaga 'to para sa 'kin?" Sinamaan ko ng tingin si Kuya Yael, na hopefully tumatama sa kaniya dahil masyado nang naglalayo ang dalawang images niya na rumerehistro sa mata ko.
"Para kanino 'to dapat?!" Pinulupot ko agad ang braso ko sa standee ni Deion, kasi standee na nga lang, di pa mapasasa 'kin?! "Walang bawian, akin na 'to." Binaon ko ang mukha sa braso ng Deion . . . Deion ko.
Kasi 'yung real na Deion, hindi naman akin.
"Okay . . . ? Hindi ko babawiin," sabi ni Kuya Yael. Tumango-tango ako. Dapat lang. Deserve ko ng pampalubag-loob, kahit 'yon man lang. Tatapon ko rin 'to bukas. Susunugin ko pa if ever possible. Pero for now, kahit ngayon lang, akin muna 'to. "Pero iuwi mo na 'yang . . . standee mo, okay? Late na, Billie. May pasok pa tayo bukas."
"Okay," pag-agree ko. "Pero di ako makakasakay ng trike . . . baka magusot Deion ko." Napanguso ako. Ayaw ko siyang ma-damage. Paano kung liparin siya ng hangin?
"Dala ko 'yung kotse."
Napaangat ang tingin ko sa mukha ng Deion ko dahil parang narinig ko ang boses ng real na Deion sa isip ko. Nakailang kurap ako bago bumalik sa pagkakapikit at isandal ang gilid ng mukha ko sa braso niya. Nakakatawa naman 'to. Sobrang tanga ko na talaga kay Deion to the point na nag-i-imagine na akong kasama talaga namin siya. Or baka amats lang 'to. Baka both—amats kay Deion, amats sa alak.
"May . . . may kotse," sabi ni Kuya Yael. Napamulat ako sa boses niya. Siya yata 'yung nagsalita kanina at tina-translate na lang ng utak ko into boses ni Deion sa sobrang kahibangan.
Agad kong tinampal ang kamay ni Kuya Yael na papunta sa pants na suot ni Deion. "'Wag mo ngang hawakan! Di naman na 'to iyo," saway ko sa kaniya at hinila ang Deion ko palapit sa 'kin. Hinigpitan ko ang pagkakayakap ko sa bewang ng Deion ko.
"Nakadikit 'yung susi sa may bulsa ng pants niya," sabi ni Kuya Yael bago ako ngitian. Tumango ako pero pinanood ko kung saan pupunta ang kamay niya, making sure na di 'yon maliligaw kung saan-saan. Nakangiti na iwinagayway ni Kuya Yael sa 'kin ang susi nang makuha niya.
"Okay, hatid mo na kami," pagpayag ko. Di naman ako marunong mag-drive ng kotse. At kahit naman marunong ako, hindi puwede kung nagdodoble na ang paningin ko. Baka masagasaan or makasagasa pa kami ng Deion ko.
"Ayaw mo ba kaming ihatid?" tanong ko dahil kakamot-kamot si Kuya Yael sa ilong niya instead na tulungan akong itayo ang Deion ko. "Bakit ayaw mo? Iiwan mo kami ng Deion ko? Wala kang puso."
Nakangiti pa rin si Kuya Yael nang ibalik ang tingin sa 'kin. Nawiwirdohan na akong lagi siyang nakangiti. What if may balak siya sa 'min ng Deion ko? What if pagkasakay ko sa kotse, i-drive niya na lang kung saan tapos itapon kami ni Deion sa gitna ng kalsada? "May curfew kasi sa dor—"
"Ikaw na ang mag-drive, hayaan mo na. Sa 'min ka na lang ni Mark matulog, sorry."
Kumunot ang noo ko. Shet namang utak 'to, parang 24/7 bukas para sa thoughts about Deion. "Narinig mo 'yon?" tanong ko kay Kuya Yael.
Ayan na naman ang weird, wide smile niya. "Ha? Ang ali—"
Ilang beses kong tinuktukan ang gilid ng ulo ko kahit na masakit para lang mawala ang boses ni Deion na nagpe-play sa utak ko. Nakakainis! Nagdodoble na nga ang paningin ko sa alak; kulang pa ba 'yung ininom ko?! Hindi ba dapat fogged up na ang utak ko para hindi siya maisip nang ganito?
Inangat ko ang tingin sa kamay ko nang mapansing hindi na nagla-land sa ulo ko ang mga hampas ko kahit na sigurado akong 'yon ang sinusubukan kong gawin. Luluwa yata ang mga mata ko sa gulat nang makitang ang pumipigil sa kamay ko ay ang kamay ni Deion na nakakapit sa wrist ko. Ilang beses akong kumurap at pinanliitan 'yon ng mata. Tapos ay natawa na lang ako sa sarili dahil sa pang-ilang kurap ko ay wala na ang kamay ni Deion. Swerte nitong si Deion e, laging nasa isip ko.
Binaba ko na ang kamay ko at bumalik sa pagkakayakap sa Deion ko. Hindi na talaga 'to happy crush. Una, hindi na naman ako happy. Pangalawa, may happy crush pa bang miski details ng kamay ay memoryado?! Nai-imagine ko pa talaga sa kung paano ko gustong imagine-in, ha! Kung nagagamit ko lang 'tong imagination na meron ako sa mga plates namin . . .
Dahil sa kahibangan, di ko man lang napansin na naiayos na ni Kuya Yael ang mga gamit ko at nailagay sa backpack. Yakap-yakap ko ang Deion ko palabas dahil baka liparin siya ng hangin. Tinulungan ako ni Kuya Yael na makasakay sa backseat nang hindi natutumba. Sinunod niyang iakyat ang Deion ko bago lumipat sa driver's seat.
"Di ka talaga uminom, ha?" tanong ko kay Kuya Yael. Sana nga hindi siya nagsisinungaling no'ng sinabi niyang di siya nakiinom sa alak ko.
Nilingon niya kami ng Deion ko sa backseat. "Hindi, Billie. Tulog ka muna, alam ko na naman daan papunta sa inyo."
"Sure?" tanong ko pa rin kahit bumibigay na ang mga mata ko. Parang gusto ko na lang pumikit dahil lalo lang kumikirot ang ulo ko kapag doble-doble at slowed down ang frames ng vision ko. Amoy Deion pati 'tong kotse niya, nakakaantok.
"Oo, ako nang bahala."
"Okay." Niyakap ko nang mahigpit ang Deion ko dahil baka magpataob-taob siya sa ride papunta sa apartment. Saan ko kaya siya idi-display? Baka mawirdohan si Je kapag sa kuwarto namin, do'n pa naman kami nagbibihis minsan.
"Deion, saan ang daan?" rinig kong sabi ni Kuya Yael bago ako tuluyang martilyuhin ng amats ko sa ulo. Nag-emergency shut down ang utak ko sa takot na marinig ang boses ng tunay na Deion na tinawagan yata ni Kuya Yael sa phone para magpaturo kung paano ako iuuwi.
* * *
Nagising akong lumilindol.
Shit, hindi pala lumilindol. Pero parang tinali ako sa elesi ng electric fan tapos pinaikot-ikot. Ilang beses kong tinapik si Kuya Yael para senyasan siyang itigil ang sasakyan dahil 'pag binuka ko ang bibig ko, may paglalagyan 'tong kotse niya.
Pagkatigil na pagkatigil ng sasakyan ay tinulak ko agad ang pinto pabukas. Muntik na akong magpagulong-gulong palabas sa kamamadali. Sinabayan pa ng hapdi ang pagpilipit ng tiyan ko dahil tumagos sa bandang tuhod ng jeans ko ang gaspang ng daan, bukod pa sa hapdi ng pagkayod ng kamay ko sa magaspang na daan para hindi ako tuluyang pumlakda.
Pucha di na talaga ako iinom! Tang ina ka, Deion. Kasalanan niya 'to e!
Nang mag-time out ang sikmura ko sa pagtulak ng lahat ng ininom at kinain ko palabas, umupo ako nang ayos sa gilid ng daan at pinagpag ang kamay kong nagkasugat-sugat na. Parang gusto ko ring maiyak sa hapdi ng kanang tuhod ko.
Shit, ayoko nang umuwi. Dito na lang ako tutulog sa daan. Pagod na ako.
Sinenyasan ko si Kuya Yael na sinama pa ang Deion ko palabas ng kotse. Madudumihan 'yon dito sa labas e! 'Yan na nga ang favorite kong version ni Deion, madudungisan pa.
Bago ko pa magawang i-verbalize ang utos kong itago ang Deion ko sa loob ng kotse kung saan safe, bumanat ulit ang sikmura ko. Nakakainis, huhuhu.
Gusto kong hugutin ang dila ko at ibabad sa isang palanggana ng maligamgam na tubig, putulin ang ulo ko at i-hanger muna dahil sobrang bigat niya talaga, at i-disassemble muna ang ribs ko dahil ang pangit ng mabigat na feeling sa dibdib kapag may tumatalon palabas na something galing sa sikmura ko.
Parang nag-marathon ako sa lagkit ng pakiramdam ko. Hinayaan ko si Kuya Yael na hawakan ang buhok ko at alisin ang pagkakadikit ng ilang strands sa pisngi ko. Kaso, parang biglaang umurong lahat ng lalabas pa dapat sa akin nang mapansing may isang kamay na iniipon ang buhok ko sa likuran, isang nagtatanggal ng buhok ko sa mukha, at dalawang tumutulong sa 'kin patayo.
Parang naging yelo ang pawis ko at bigla akong nanlamig.
Apat ang kamay ni Kuya Yael?
"Dumudugo ba ang palad mo?" tanong ni Kuya Yael . . . kung siya man ang nagpapagpag sa bandang tuhod ng pantalon ko. Ilang beses akong kumurap at pinilit na ipokus ang mata ko sa kaniya.
Shit . . . shit shit shit shit. Nagdodoble pa ba ang paningin ko, o sadyang hati ang bibig ng kausap ko at tatlo ang mata? Ano'ng oras na ba? On duty na ba ang mga aswang?
Tinulak pabalik sa sikmura ng tili ko ang lahat ng dapat na isusúka ko. Nagmamadali akong tumakbo pabalik sa kotse at sumampa sa backseat. NASA'N ANG DEION KO?!
Bumaling ako sa pinto at ilang beses 'yung sinubukan buksan pero ayaw nito gumalaw. For some reason, hindi ko rin siya ma-unlock. Paano kung sabayan kami n'ung aswang pauwi? Paano kung sumabit 'yon dito sa kotse tapos—
"Billie." Napalingon ako sa driver's seat nang may tumawag sa 'kin. Split second lang yata, pero sure akong nakita ko na normal si Kuya Yael bago bumalik sa pag-slowmo ang pag-register ng movement frames sa mata ko. By normal, as in dalawang mata at hindi tatlo, at hindi rin slashed ang bibig niya. "Okay ka lang?"
Parang may nabunot na tinik sa dibdib ko nang makita ang Deion ko sa tabi ko. Wala 'to dito kanina! O baka naman tanga lang akong maghanap? Niyakap ko ito agad para hindi na siya mawala kahit kailan. "Uwi na tayo, please. May aswang."
Tumango si Kuya Yael. Hindi ko alam kung bakit bigla siyang natawa, pero pumikit na lang ako at nagdasal na hindi siya aswang na nakipagpalit lang sa real na Kuya Yael kanina.
Ayaw kong mamatay nang single.
* * *
Wala nang lindol paggising ko. Ang meron na lang ay nakakabulag na lights sa hagdan ng apartment. At . . . ngalay . . . kasi ang taas ng batok ni Kuya Yael at pilit niya roong sinasabit ang braso ko. At si . . . si Je . . . na pilit hinahawakan ang paa ko at pinapatong sa isa-isang steps ng hagdan. Kung kanina nasa ulo ko lang ang bigat, ngyaon nasa paa ko na rin.
"Ilang steps pa ba?" Kahit ayaw ko, parang kusang bibigay ang tear ducts ko. Nakakaiyak ang everything. Ang sakit ng katawan ko, ng ulo ko, ng wallet ko, ng heart ko. "Pagod na 'ko."
Walang sumagot sa tanong ko. Ilang beses tumama ang katawan ko sa railing, pero maya-maya lang, wala na ang nakakabulag at sobrang liwanag na ilaw ng hagdan at napalitan ng less harsh ilaw ng salas namin ni Je.
"Thank you," sabi ko kay Kuya Yael. Sinikap kong tumayo nang ayos at in-ignore ang umiikot na walls at floor. Imagination mo lang 'yan, Billie. Hindi ikaw 'yung umiikot, 'yung paningin mo lang. So focus mo lang weight mo sa paa mo para hindi ka tumumba.
Binaling ko ang tingin sa Deion ko. Kinukuha ko siya nang harangin ni Kuya Yael ang mga kamay ko. Sinimangutan ko siya. Akin na 'to e! "Uwi ka na. Akin 'to e. Sama ko 'tong standee ko sa loob."
"Ibabalik ko sa 'yo bukas."
Umiling ako. "Ayaw. Akin nga 'to."
"Billie—"
"Ten minutes." Dahan-dahan akong bumaling kay Je dahil kung hindi ko dadahan-dahanin, sure akong magmumukhang marble swirl ang paligid ko. "Ten minutes, Billie. Tapos, ibalik mo muna."
Bumigat lalo ang pakiramdam ng balikat ko. "Di mo ba ako susuportahan? Standee na nga lang e . . . . Nakakatampo ka naman." Kung hindi lang paasa si Deion, good naman siya as a person e. Bakit ayaw ni Je? Saka hindi naman 'to 'yung real Deion. Wala namang harm 'tong standee, puwede ko namang sunugin bukas. Hmp.
Natahimik sila, siguro nakaramdam ng pagka-guilty na ayaw nilang pagbigyan ang heartbroken. Hmp.
"Mapagkakamalan kasi 'yang totoong tao," katuwiran ni Je. "Until 8 p.m. lang dapat ang lalaki dito. Bawal na nga si Kuya Yael dapat dito e. Baka mapagalitan tayo, Billie."
Lalo lang akong napasimangot nang ma-realize na may point siya. Inangat ko ang tingin sa Deion ko at tumango. Pinulupot ko ang braso ko sa bewang nito bago pumayag, "Okay." Nilipat ko ang tingin kay Kuya Yael, or at least sa pagitan ng dalawang images niya. "Ten minutes, a? Akyatin mo after."
Pinasok ko ang Deion ko sa loob sa tulong ni Je. Ipinuwesto ko siya sa isang gilid at tumayo nang tuwid sa harap niya bago tumingkayad.
Napanguso ako. Need pala niyang mag-crouch nang kaunti kung magki-kiss kami. So di na ako aasa roon kasi kailangan ng cooperation niya, na sure akong di niya ibibigay. Hmp.
"Billie?" rinig kong sabi ni Je from a distance.
"Yes?" tanong ko, nakapokus pa rin ang tingin sa Deion ko. May favoritism talga ang system ko dahil pagdating sa kaniya, hindi ganoong kalala ang pagdo-double vision ko. Puwede pala 'yon? 'Yung magka-crush nang super lala to the point na parang every cell mo may gusto sa kaniya.
"Palit ka muna ng damit mo."
Pagtalikod ko sa Deion ko, nasa tapat ko na si Je at hawak ang matchy kong striped pajamas. Inangat ko ang dalawang braso ko sa kaniya para maalis niya ang blouse ko. "Okay, Mommy," pabiro kong sabi.
Di ko sure kung ilang beses ba siyang kumurap sa 'kin, o ako 'yung ilang beses na kumurap kaya ganoon ang rumehistrong image niya. "Dito?"
"Yes, sayang ten minutes ko sa Deion ko." Baka hindi tumupad si Kuya Yael at kuhanin siya rito habang nagbibihis ako sa kuwarto.
Tumikhim siya. "Makikita ka ng standee mo . . . na super realistic. Hindi ka ba nahihiya?"
Kumunot ang noo ko. Itatalikod ko sana ang Deion ko nang mapansin kong nakapikit naman pala siya. Hindi ko 'yon napansin kanina. "Pikit siya o!" sabi ko kay Je sabay turo sa mata ng Deion ko. "Okay na 'yan!" Inangat ko ulit ang dalawa kong braso.
Malalim ang buntonghininga ni Je bago ko naramdaman ang daliri niyang pumunta sa hem ng blouse ko. "Buti naman nakapikit 'yan. Kung hindi, kukuyumusin ko 'yan. 'Pag nagmulat 'yan habang binibihisan kita, papaliguan ko ng gas tapos susunugin ko sa likod . . ."
Alam ko namang nakakatakot minsan si Je magsalita, lalo na kapag leader siya sa groupings no'ng high school. Pag sinabi niyang may internal deadline, dapat sundin 'yon. Kapag sinabi niyang ito ang gagawin, 'yon talaga dapat ang gagawin mo. 'Pag sinabi niyang kicked out ka sa group, sobrang bihira na magbago ang isip niya.
Di ko in-expect na may pagka-literally violent pala ang thoughts niya. Sa buong time na binibihisan niya ako, hindi tumigil ang bibig niyang parang armalite sa pagbabato ng kung ano-anong ways para sirain ang standee ko. Ngayon ko nga lang nalaman na ang dami palang ways para sirain ang papel.
"Okay, tapos na," sabi ko pagkatapos ayusin ang garter ng pajama pants ko. Nilingon ko ang Deion ko at tumayo lang sa harap niya. Di naman kasi ako nakakatayo nang ganito ka-close sa real na Deion e.
Nilapat ko ang pisngi ko sa dibdib niya at pumikit. Ito lang o . . . okay na ako sa ganito e. Kaso wala, bawal daw talaga kami. Di kami meant-to-be.
Nakakainis na sumunod talaga si Kuya Yael sa 10-minute rule na sinabi ni Je. "Ibabalik mo 'yan, ha?" sabi ko kay Kuya Yael na bitbit na ang Deion ko sa tapat ng apartment.
"Siyempre naman."
"Teka, one last na," sabi ko at niyakap ang Deion ko bago pa siya makapag-complain. Once pa lang kaya akong nakakatikim ng hug ni Deion. Ang sarap kaya sa feeling—parang favorite movie na nakaka-love at first watch, tapos kahit ilang beses ulitin, ganoon pa rin 'yung feeling. Parang nakaka-in love nang paulit-ulit.
That . . . or baka favorite ko lang din talaga 'yung feeling ng chest at shoulders niya.
Sinagad-sagad ko na ang imagination ko at hinayaang isipin na niyakap niya ako pabalik. "Good night, B. Magpahinga ka na, okay? See you bukas."
Tumango ako sa dibdib ng Deion ko. Sana ganito na lang kami. Sana ganito na lang kami lagi. Sana totoo na lang 'to. "Okay . . . . Labyu, D."
Sinulit ko na dahil bukas gigising akong sakit ng ulo at lungkot lang ang meron dahil hindi naman 'to totoo. Natawa pa ako dahil kahit na hindi totoo, parang kinuryente ako nang slight nang lumapat ang lips niya sa noo ko.
Gosh, what if totoo na? Baka mamatay ako. "Love you too, Billie," inisip kong sabi niya, at parang nawala bigla lahat ng sakit ng ulo ko.
"Love you . . . I love you, I love you . . . ." dagdag niya, sine-secure na ang tulog ko mamaya ang magiging pinakamahimbing na tulog ko ever.
# please drink responsibly! wag tularan most esp if walang on-call person. :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top