Chapter 24
061222 #HatemateWP Chapter 24
Papatak ng weekday ang birthday ko, at paulit-ulit na binilin sa 'kin ni Daddy Monday morning bago ako pumasok na uuwi ako no matter what. Ni-reason ko na sa kaniyang marami akong gagawin pero napagalitan pa ako dahil minsan lang daw ang birthday. Ang gulo nga niya dahil pinaalalahanan niya rin akong 'wag pabayaan ang grades ko. So saan ako lulugar?
Ang tanging solution lang do'n ay magsipag . . . which is tinatamad akong gawin. Pinauna ko na si Je na umuwi dahil hindi pa ako tapos sa mga gagawin ko. Hindi ako makaka-focus sa apartment kaya nagpaiwan ako sa lab kahit umiinit na dahil dumadami ang tao.
Napilitan lang akong umalis dahil sa gutom; bawal kasing kumain do'n. T-in-ake ko 'yon as sign na tapos na ako for the day at bukas ko na lang itutuloy ang mga gawain ko.
Umalis ako sa pagkakasandal sa pader nang imbes na tumila ay lalong bumigat ang buhos ng ulan. Hinihintay ko ngang tumila dahil wala akong dalang payong! Grabe naman 'tong kamalasan ko, pati birthweek ko, papatusin?
Bumalik ako sa pagkakasandal sa pader ng classroom nang makita 'yung ibang kadi-dismiss lang yata na nag-uunahan papuntang parking. Sana lahat may sasakyan. Kung todo lang talaga ang kapal ng mukha ko, baka hiniram ko na ang payong nila. May sasakyan naman sila e, ako maglalakad pa ako.
Lumapit ako sa gilid at sinahod ang palad ko para matantiya kung kakayanin ko bang sumugod. Base sa lakas ng tunog ng ulan, alam ko namang hindi, pero nagbaka-sakali pa rin ako. Binawi ko agad ang nakalahad kong palad nang mahagip ng tubig-ulan ang laylayan ng long sleeves ko. Kainis.
Naghahanap na ulit ng pagkain ang sikmura ko. Ako na nga yata ang umubos ng natirang sandwich sa malapit na kiosk pero dahil sa kahihintay na humina-hina ang ulan, gutom na ulit ako. Parang gusto ko tuloy bumalik ulit sa lab. At least may natatapos ako habang naghihintay.
Napako ang tingin ko sa puno sa tapat nang may ma-sense ang ilong ko. Hindi ko siya nilingon kahit narinig ko siyang tumikhim. Nag-survive naman ako ng buong araw nang di siya pinapansin e, which proves na káya ko 'yung gawin. Kaya ko rin 'yon ulitin bukas, sa susunod na bukas, at sa mga susunod pa.
"Uuwi ka na?" tanong niya.
Tumango lang ako at hindi na nagsalita. Though frankly, confused ako kung bakit siya nandito—hindi nandito sa tabi ko, kundi nandito sa campus in general. Akala ko umuwi na sila ni Mark kanina. Di ko na siya nakita paglabas ko ng CR after dismissal e, not like hinahanap ko siya or anything.
Bumaba ang tingin ko sa pinatutunog niya sa kamay niya pero hindi ko siya nilingon. Napailing na lang ako sa pagkalansing ng susi niyang pinaiikot niya sa daliri niya.
Hay, naku. Di ko na talaga kalilimutang magdala ng payong.
"Bakit nandito ka pa?" tanong ko, kasi, fine, curious ako. Napatawag ba siya ng prof sa office? Saka weird na wala siyang kadikit na kahit isa man lang do'n sa pares ng magpinsan.
Pinakita niya ang hawak niya sa kabilang kamay—graphing notebook. Nilipat ko ang tingin sa nagbabadyang bahang lalagpas na sa unang riser. Kainis talaga. Puti pa naman ang sneakers ko. Pero mukhang dito lang naman sa area ng tapat ng building naiipon ang tubig.
"Nagsusulat ako. Sa lab."
Tumango lang ulit ako. Hindi ko siya napansin kanina siguro kasi marami-rami ang tao. Architectural alphabet lang naman ang tinatrabaho niya, kayang-kaya niya gawin sa condo 'yon. Nakisiksik pa siya sa lab.
Hindi ko alam kung kailan niya balak umalis, pero hindi na ako nagbalak magtanong. May ilang minuto rin kaming tahimik na nanonood lang ng ulan nang maalala kong may ibabalik ako sa kaniya. Kinuha ko ang cap niyang nakatupi at nakalagay sa laptop pocket ng backpack ko.
Nilingon ko siya. Bakit ba hindi pa siya umaalis? May sasakyan naman siya at wala pang five minutes mababasa ng ulan kung tatakbuhin niya kung nasaan ang kotse niya. Unless super sensitive niya na kahit kaunting ulan ay ayaw niyang dumampi sa kaniya.
"Nalimutan kong ibalik," sabi ko at simpleng inabot sa kaniya ang cap pagkatapos ipagpag 'yon at ayusin ang kaunting crease galing sa pagkakatago sa bag.
Bumaba ang tingin niya roon. Mukhang nag-alangan pa siyang kuhanin 'yon. "Thanks."
Niyakap ko ang backpack kong nakasabit sa harap ko. Tsk, parang dumilim pa nga lalo ang langit. Nananadya? Parang kinukulong ako rito ng ulan sa building kasama ni Deion e.
"Umuulan. Sabay na kita."
Umiling ako.
"Parang hindi pa titigi—"
"Ayoko," pagve-verbalize ko sa iling ko kanina. Baka kasi hindi niya naintindihan na no 'yung iling ko kanina. "Umuwi ka na. 'Wag mo 'kong hintayin. Di ako sasabay sa 'yo."
Parang lahat ng angels at devils sa isip ko, sabay-sabay na nag-wow. Huh. Kaya ko naman palang tumanggi sa tukso. Ngayon ko lang na-discover 'yon.
Tinatagan ko ang loob at pinako ang tingin sa metal signage na naliligo sa ulan sa gitna ng daan. Kahit ina-attempt pa ni Deion na tunawin ako ng titig niya mula sa gilid ko, di ako nagpatinag. Alam kong 'pag sinalubong at nilabanan ko ang titig niya, ako ang talo. Lalambot ako e. Baka masayang 'yung pagtanggi ko sa kaniya kani-kanina lang.
Nasira lang ang pakikipagtitigan ko sa metal signage nang may kamay na dumaan sa line of vision ko. Akala ko nga kay Deion, pero nang ma-realize na sa kabilang gilid ko 'yon galing ay saka ako natauhan at napaisod sa tabi. Nakaharang ba ako sa daan?
"Billie?" Inangat ko ang tingin sa pamilyar na boses.
Kumunot ang noo ko kay Luke. "Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong ko.
Pinakita niya ang payong na hawak niya. "Pinabibigay ni Joseph kay Jerica, baka raw di pa nakakauwi," aniya at pinakita ang foldable umbrella sa kanang kamay niya. Sa kaliwa niya ay isang basang payong, gamit niya siguro papunta rito sa building namin.
Kinuha ko sa kaniya nang basta-basta ang foldable na payong. "Grabe, kay Je lang? Paano naman ako? Sabihin mo kay Jo na tinanong ko 'yon ha." Tinawanan lang niya ako. "Kanina pa nakauwi si Je, hindi pa umuulan."
Binuksan ko ang payong. Napangiti ako nang ma-realize na nag-pay off 'yung pagiging matatag ko kanina. See? Mahal pa rin ako ng kung sinomang nagwa-watch over me.
Bumaling ako sa hulog ng langit na si Luke. "Pero ako, wala akong payong. Kuhanin ko na 'to, a?"
Tumango siya at nginitian din ako. "Sige, ingat a? Balik pa ako ng lib."
Kinawayan ko siya bago sumuong sa ulan. Hindi ko na pinansin ang sneakers kong natitilamsikan ng tubig-ulan, gaya ng hindi ko pagpansin sa personified hangin na iniwan ko sa building.
Naligo agad ako pag-uwi at nilabhan ang sapatos. Pagkatapos, tumabi ako kay Je na nagkakape sa lapag ng kuwarto namin. "Ano 'yan?" tanong ko.
"Outline sa Arts," sagot niya, nasa laptop screen ang tingin. "Nagri-ring 'yung phone mo kanina, di ko sinagot."
"E?" Tumayo ako at kinuha ang phone kong nasa tabi ng unan ko, baka kasi si Daddy ang tumawag tungkol sa birthday ko. Nang makitang galing kay Deion ang tatlong missed calls ay hindi ko na lang 'yon pinansin.
Pumunta ang tingin ko sa upper part ng screen nang may lumabas ng message notification do'n.
Deion: Nakauwi ka na?
Napabuntonghiinga ako bago siya reply-an ng like emoji at patayin ang data connection ng phone ko.
* * *
Umuulan pa rin kinabukasan, kaya siniguro kong dala ko ang payong ni Jo bago pumasok. Pagdating ko sa room, nagsuot ako ng medyas kahit baka weird tingnan. Nag-open toe sandals kasi ako dahil baka lumakas na naman ang ulan mamayang hapon, e naiinis ako kapag nadudumihan masyado ang mga sneakers ko.
Hindi pa naman masyadong umuulan ngayong umaga—paambon-ambon lang—pero sobrang lamig sa lab pagpasok ko. Ang kapal-kapal at ang laki-laki na nga ng itim kong sweater, pero tumatagos pa rin ang lamig. Nag-leggings lang ako para madali-daling mag-skip-skip ng maliliit na puddles ng baha at makatakbo mamaya, pero nilalamig naman ang legs ko ngayon. Buti nga may dala akong medyas para hindi masyadongd malamigan ang paa ko. Hassle pa naman dahil bawal pakialaman ang air-con sa lab.
Umangat ang tingin ko sa tapat namin nang may marinig akong pagkayod ng metal sa flooring. Sinundan 'yon ng reklamo ni Mark na hinihila ni Deion sa manggas ng polo papunta sa kabilang side ng lab. Buti na lang may nakahawak do'n sa upuang hinila na ni Mark bago pa 'yon bumagsak. Muntik na kasing tumumba sa sahig dahil siguro biglaan hinigit ni Deion si Mark palayo.
"Magkaaway kayo?" mahinang tanong ni Je sa tabi ko.
Nagbuntonghininga lang ako at hindi na sumagot.
* * *
Naka-survive na naman ako ng isang school day nang hindi kinakausap 'yung isa. Bukas, one year older na ako. Kine-claim ko nang magiging wiser din ako sa mga bagay-bagay simula bukas kung hindi man ngayon —at sana di na rin ako burara para di na ako nakakaiwan ng gamit! Nagdala nga ako ng payong, naiwan ko naman somewhere. Jusko, hindi pa naman akin 'yon.
"Ako na lang pupunta diyan," sabi ko kay Je sa phone. Sinasamaan na naman kasi siya ng pakiramdam dahil ang hina niya sa pabago-bagong panahon. Kumuha siya ng gamot sa clinic, which is di pa yata niya gagawin kung di siya inutusan ng prof namin kanina dahil namumutla siya.
"Diyan ka lang, ha? Hintayin mo 'ko," bilin ko.
"Okay," aniya bago ibaba ang tawag.
Napakamot na lang ako sa ulo habang iniisip kung bakit wala sa bag ko ang payong ni Jo. Ready na akong sunduin si Je sa clinic nang mapansin kong wala 'yon. Hassle talaga ng ulan na 'to.
Umakyat ulit ako sa lecture room. Pinasadahan ko ng maingat na tingin ang kuwarto dahil baka naligaw ang foldable na payong ni Jo somewhere. Ch-in-eck ko rin ang cabinets dahil baka mayroong nakaisip na ilagay 'yon do'n. Wala rin namang nakapatong sa tables, armchairs, at wala ring naliligaw sa sahig. Kainis talaga!
Baka may nakapag-uwi? O baka may nandekwat ng payong?
Inalala ko kung saan ko 'yon huling nakita. Nang ma-realize na baka sa lab ko 'yon naiwan ay halos tumakbo na ako paakyat. Mas mahirap hanapin kapag do'n may nakadampot ng payong. Samot-sari pa naman ang pumapasok sa lab.
Inisa-isa ko ang parada ng payong sa hallways, pati na rin ang mga nasa hagdanan. Nang hindi makita roon ang hinahanap ay pumasok ako sa lab at ch-in-eck ang lost-and-found box, pero wala rin do'n. Inisa-isa ko rin ang tables at nagtanong-tanong sa mga nakaupo kung may nakita silang payong, pero pare-parehas wala ang sagot nila.
Inis akong bumaba sa first floor. Tinanggal ko ang ipit ng buhok ko dahil nagulo na rin ang ponytail ko sa kahahanap ng lintik na payong. Birthday na birthday ko bukas, inii-stress ako ng ulan na 'to.
Kinakalkula ko pa kung puwede akong mag-sprint papunta sa kabilang building nang may tumawag sa pangalan ko.
Kusang pumunta ang kamay ko sa buhok ko para suklayin iyon nang makita si Deion. Kung kailan lumakas ang ulan, saka niya hindi suot ang green na parka na suot niya kaninang umaga. Di ko alam kung paano siya hindi nangangatog sa lamig e mukhang hindi naman makapal ang black and white na striped shirt niya.
Gano'n siguro talaga kapag balat-kalabaw. Hmp.
"O?"
"Payong mo."
Bumaba ang tingin ko sa hawak niya. See? Sa dami-dami ng puwedeng mag-abot sa 'kin, siya pa talaga. Mukhang pinarurusahan ako bago ako bigyan ng clean slate bukas.
Tinanggap ko ang inaabot niya. "Thanks."
Binuksan ko na ang payong at hinidi na hinintay na may sabihin pa siya. Hindi ko na siya tiningnan ulit at agad-agad na naglakad paalis. Naghihintay pa si Je.
* * *
Buti naman at hindi nainip si Je sa 'kin. Natanaw ko siyang nakaupo sa bench sa gilid ng clinic. Napatigil saglit ang mga hakbang ko nang may makitang pamilyar na jacket sa tabi niya. Mabibigat na ang mga paa kong tinawid ang distance namin.
"Hi!" Nakakasilaw nang slight ang ngiti ni Ate Maggie. Di ko alam kung bakit imbes na mag-hi ako pabalik, di ako nakapagsalita agad dahil gumala ang mata ko sa suot niyang pamilyar na jacket. Kung sa tunay na may-ari n'un ay hanggang hita lang bumabagsak ang hem, kay Ate Maggie ay lagpas-tuhod.
Lumunok ako. Ano naman? Maliit na bagay e, saka wala nga dapat akong comment. Parang ang sama-sama tuloy ng ugali ko dahil ang lamig-lamig na nga, iniintindi ko pa kung bakit suot ni Ate Maggie ang jacket ni Deion. Ang nice-nice pa naman ni Ate Maggie sa 'kin.
Mas mabilis nakabawi ang muscles ko kaya nauna akong ngumiti bago bumati ulit. Magpapaalam na sana ako at yayakagin si Je na umuwi nang pahabulan ni Ate Maggie ang hi niya ng, "Happy birthday! Advance."
Kunot ang noo ko pero nakapag-thank you naman ako. "Paano mo alam?" Di nga 'yun alam ng mga kaklase namin.
Ilang beses siyang kumurap bago sumagot nang nakangiti. "Kay Mark, nabanggit sa 'kin." Binitbit na niya ang shoulder bag na dala. "Alis na 'ko, may naghihintay pa sa 'king groupmates. Ingat kayo."
Kinawayan ko lang siya dahil dali-dali siyang naglakad paalis. Sabay na kami ni Je na naglakad palabas ng campus.
"Di ka ba papasok bukas?" tanong ni Je habang naglalakad kami.
"Papasok, 'no," sagot ko. Di ko afford maka-miss ng classes, kaya nga di ko rin afford magkasakit. 'Pag nagkasakit ako, made-delay ako sa lecture, tapos sayang 'yung ilang days na nakaratay ako sa kama at nagpapagaling imbes na gumagawa ng outputs.
"Pero uuwi ka, di ba?" Tumigil si Je kaya napagaya ako.
Tumango ako. "After class pa. May biyahe naman nang gano'ng oras."
"Papasok ka sa isang araw?"
Kunot ang noo ko nang bumaling ako sa kaniya. Parang nasabi ko na lahat 'to sa kaniya kahapon e. "Oo, papasok ako. Galing bahay, deretso na pasok."
Tumango-tango siya. "Papasok ka bukas, uuwi ka after dismissal, papasok ulit sa isang araw?"
"Oo. Bakit mo ba tinatanong?"
Nagkibit-balikat lang siya sa akin at tumuloy sa paglalakad. Dumagdag pa 'yon sa confusion ko kung bakit sila magkasama ni Ate Maggie kanina.
* * *
Kinabukasan, dahil wala namang nakakaalam ng birthday ko, si Je lang ang bumati sa 'kin na from college. Hindi naman shocking na siya lang dahil hindi naman siya ang type na ipagkakalat sa class na birthday ko, at mas okay nga 'yun for me. Ayaw ko ng kinakantahan sa room, na-o-awkward-an ako. Like, ano'ng gagawin ko habang kumakanta sila?
Apat lang ang ine-expect kong babati sa 'kin. Lima kung isasama ko si Luke. 'Yung apat ay 'yung kambal, si Mark, at 'yung kambal-tuko ni Mark.
Hindi ko man gustuhin, kusang hinanap ng mata ko 'yung isa pagdating ko sa room. Wala pang laman ang armchair niya, kahit bag niya wala. 'Yung katabi na inuupuan ni Mark, wala rin. Late siguro ang dalawa.
Ten minutes bago ang first period, sumaglit sina Jo at Luke sa classroom para bumati. Two minutes bago dumating si Architect Madel, hahapo-hapong dumating si Mark na binagsak ang katawan sa upuan niya.
Ang sunod na pumasok sa pinto, si Architect na. Ten minutes after, wala nang sumulpot ulit.
Absent?
Pagkatapos ng Design, lumapit sa 'kin si Mark. Tinapik niya ako nang ilang ulit sa balikat bago bumati, "Happy birthday. Bukas na gift ko, a? Gipit pa e," tatawa-tawa niyang sabi. "Pero willing naman akong sumagot kung may itatanong ka."
Pinanliitan ko siya ng mata. Wala akong itatanong, 'no. "Thanks pa rin."
"Hindi ka curious?"
Inirapan ko siya. "Wala ka na ngang regalo, manggaganiyan ka pa?"
Hindi naman pinilit sa 'kin ni Mark 'yung serbisyo niyang pagsagot ng tanong. Ilang beses kong ni-recite sa isip ko na hindi ako curious kaya kinaya kong kagatin ang dila ko. Sayang kaya 'yung progress na sinisimulan ko ulit! Passing thought lang 'to. Nasa adjustment period pa ang isip at puso ko kaya medyo makulit pa at gumugusto.
Pagkatapos ng isa pang period, 'yung kambal at si Luke ang kasama kong mag-lunch. Ako ang nilibre nila dahil bukod sa ako ang may birthday, hindi sila makakasama sa 'kin. Naiintindihan ko naman dahil super hassle talaga na bumiyahe in the middle of the week. Kung katatapos lang siguro ng exam week, puwede pa siguro, pero ngayong medyo nagpa-pile up na naman ang gawain, hassle talaga.
After lunch, pinauna ko na si Je sa room at mag-isa akong nag-CR. Nakakaisang hakbang pa lang ako palabas ng comfort room pero muntik na akong mapapasok ulit nang may sumalubong sa akin sa labas. Di ko alam kung ako lang ang nagulat dahil mukhang napatalon din ang balikat niya.
Tumikhim si Deion na sukbit pa ang backpack niya at mukhang kararating lang. Lalagpasan ko na sana siya pero sinabayan niya akong maglakad. "Nag-lunch ka na?"
Kinagat ko muna ang dila ko para wala akong masabing kahit na ano bago tumango. Imbes na lakihan ang mga hakbang ko ay tinakbo ko na lang ang papuntang room para hindi na niya ako makausap ulit.
Natapos ang last period nang apat na greetings lang nag natatanggap ko—galing kay Je, kay Jo, kay Luke, at kay Mark.
Inidlip ko sa van ang sama ng loob.
* * *
Pagkarating na pagkarating ko sa bahay ay nilahad ko ang palad kay Daddy na naabutan kong nagwawalis sa tapat. Pagkatapos punahin ang magulo kong buhok ay binigyan lang niya ako ng high-five.
"Pera ang hinihingi ko, Dy," alma ko, half-joke at half-totoo. Inambahan niyang pipitpitin ang binti ko gamit ang walis tingting na hawak niya kaya napapasok agad ako sa bahay.
Tumulong pa ako kay Mommy sa kusina dahil hindi pa siya tapos magluto. Pagkatapos n'un, naligo at nagbihis ako nang ayos dahil request ni Mommy. Kami lang tatlo ang nag-dinner, pero okay lang dahil sanay naman akong ganito lang ang birthdays sa 'min.
No'ng high school, nakakapag-invite naman ako ng friends after class, pero kaunti lang din dahil hindi kami kakasya sa bahay. Either that, or ako ang mag-aaya sa mga classmates ko na kumain muna kami sa labas bago ako umuwi. Di ko alam kung dahil ba super pagod na ako sa college kaya wala na akong energy for that. Mas okay na sa 'kin 'tong kami-kami lang sa bahay ang magse-celebrate.
After dinner, nagyakag si Daddy sa mga kumpare niya sa block ng subdivision na uminom. Bitbit ang bago kong laptop na sabi ni Daddy ay regalo na nila sa 'kin ni Mommy at good for five years na, tinanggap ko lang ang greetings nila bago sumibat sa kuwarto para maagang matulog. Ang ingay pa naman ni Daddy kapag nakakainom. Baka hindi na ako makatulog kung mamayang gabi pa ako bubuo ng tulog.
Pagkapalit ko ng damit, pinuntahan ko ang box na nasa edge ng kama ko. Kanina ko pa 'to nakita pero hindi ko nabuksan dahil tinawag agad ako ni Mommy at pinagmamadaling bumaba.
Sinimulan ko nang kutkutin ang scotch tape na nasa gift wrapper. Ang galante naman nina Mommy ngayong taon sa regalo, medyo nakaka-guilty tuloy maging average student lang.
Napatigil ako sa pag-unwrap nang maaninag kung ano ang binabalot ng clear plastic sa loob. Nang tanggalin completely ang gift wrapper ay ilang beses ko pa 'yung pinisil-pisil para lang ma-make sure na hindi ako nag-i-imagine—na hindi epekto ng sudden Deion-removal ang nakikita ko.
Napahiga ako sa kama, hawak-hawak ang may balot pang pamilyar na leather messenger bag. Ilang beses akong kumurap at hinintay na mawala 'yon sa kamay ko. Pero hindi nangyari. Heto pa rin siya. Hawak ko pa rin.
Umupo ulit ako maingat na inalis ang plastik n'un. Hinanap ko ang price tag pero ang nakita ko lang ay string na pinagputulan n'un. Ginupit na ang mismong papel na may bar code at presyo.
Nilapag ko iyon sa tabi ko at pumikit. Pagmulat ko after five seconds, nando'n pa rin.
Huminga ako nang malalim bago damputin iyon. Nakailang inhale-exhale ako habang pababa ng hagdan para hanapin si Mommy. True, ito nga 'yung nakita naman nina Ate Maggie no'ng naghahanap kami ng regalo for Mark, pero hindi lang naman sila ang puwedeng magpunta sa mall at bumili nito 'no. Puwedeng galing kay Mommy, or kay Daddy, or do'n sa kmbal. Hindi ko alam.
Parang hindi ko kayang i-process kung galing kay Deion. Bakit niya ako reregaluhan kung hindi niya nga ako mabati? At hindi naman sa hindi ako grateful, pero ayaw ko ng regalo galing sa kaniya. Hindi optimal sa moving on space ko. Dini-disrupt lang ang system kong sumusubok pa lang mag-recover.
"'My." Nakita ko si Mommy sa kusina, naglilinis pa. Hindi niya inalis ang tingin sa cupboards nang tumugon. "May kapalit ba 'tong gift ninyo? Di ako Laude material," pabiro kong sabi.
Kunot ang noo ni Mommy nang harapin ako. Mukhang may sasabihin siya pero hindi natuloy dahil napansin niya ang hawak ko. "'Yan pala ang laman n'un?"
Kabado akong natawa. "Si Daddy ba ang pumili nito kaya di mo alam?" tanong ko, hoping na oo ang sagot.
Please, pagod na pagod na akong umasa. Wala akong balak na i-drag out 'tong pagka-heartbroken ko hanggang maka-graduate ako.
Habang maaga pa, ayaw ko na.
Hindi na ako uulit.
Dinala ni Mommy ang basahang gamit niya sa sink para labhan 'yon. Nakapako pa rin ang mata niya sa reddish-brown na bag na hawak ko. "Hindi 'yan sa Daddy mo galing. Dala 'yan n'ung kaibigan mo kaninang umaga." Bumaling siya sa 'kin. "Kaklase niyo raw ni Jerica. Di ko na natanong kasi umalis din agad, di na nga lumabas ng sasakyan niya. Bakit? Di mo ba kilala 'yon?"
Umiling ako. "Kilala po," sagot ko.
Magtatanong pa siya kapag sinabi kong hindi. Baka mag-raise pa pati ng suspicion kung bakit ako niregaluhan, pero I doubt kung may dapat ikabahala sina Mommy. Wala namang dapat isipin sa regalong 'to.
"Akyat na 'ko, 'My. Maaga pa ako bukas."
Nakailang buntonghininga ako pag-akyat ko sa kuwarto. Di ko alam kung ano'ng mafi-feel ko. May part sa 'kin na thankful, kasi kahit naman kay Deion 'to galing, marunong naman akong maka-appreciate ng effort. Pero may malaking parte sa 'kin ang nire-reject ang regalo niya.
Kinuha ko ang phone ko. Bago pa ako mapa-overthink at mag-spend ng half an hour kaiisip kung tatawagan ko ba siya, ginawa ko na lang. Walang point sa pag-drag out ng mga bagay-bagay—mas matagal na nabababad sa isip ko, mas mahirap alisin, mas mahirap kalimutan at balewalain in the long run.
Parang naghihintay ako ng end of the world habang pinapakinggan ang pagri-ring ng kabilang linya.
"Hel—"
"Happy birthday, Billie." Nabitin ang paghinga ko. May narinig akong pag-shuffle sa background, tunog na parang galing sa TV, tapos ay pag-click ng kung ano. "Happy birthday," halos bulong niyang dagdag. "Nakauwi ka na?"
Inabot ko ang handle ng closet ko. Maingat kong nilagay ang bag sa likuran, sa hindi ko makikita. "Oo. Thank you. Sa greeting at sa gift."
Di na ako magtatatnongkung paano niya 'yon nadala sa bahay. Hati ang isip at nararamdaman ko sa suspicion na baka kaya siya absent kaninang umaga ay pumunta siya rito sa 'min. I assume na isa sa kambal ang pinagtanungan niya ng bahay namin at ng plano ko tonight. Di naman na mahalaga kung sino sa dalawa ang kinausap niya, kaya hindi ko na rin tinanong.
"Galit ka b—"
"'Yun lang. Tumawag lang ako para mag-thank you. Ibababa ko n—"
"Good night. Happy birthday," parang nagmamadali niyang putol sa sinasabi ko. "Good night, Billie."
Napalunok ako bago isara ang pinto ng aparador ko. "Bye," paalam ko at pinatay na ang tawag.
Kinuha ko ang gift wrap na nakapatong sa kama ko. Imbes na tupiin iyon nang maayos at itago ay kinuyumos ko na lang at tinapon sa trash bin sa sulok ng kuwarto.
* * *
Kinabukasan, wala namang nagbago sa araw ko. Umuna na ako sa campus at hindi na dinaanan si Je sa apartment, lumipas ang morning classes, sumabay sa kambal at kay Luke na mag-lunch, tapos nakasabay si Deion ulit sa hallway after habang pabalik sa room.
"Thanks," sabi ko nang hindi tinitingnan si Deion nang mauna niyang higitin ang doorknob at paunahin akong pumasok sa room. Hindi ko na narinig kung nag-reply siya ng you're welcome dahil malalaki ang hakbang ko papunta sa seat ko.
Di sinasadyang bumalik ang mata ko sa kaniya pagkaupo. Nauna akong umiwas nang mapansing nakatingin siya sa 'kin. Nagpasalamat na naman ako kahapon sa kaniya sa gift, di ko na kailangang ulitin ngayon, di ba?
Pagka-dismiss sa huling period, nagpaalam si Je na pupuntahan si Jo. Sabi ko nga ay sasamahan ko na siya pagkatapos kong mag-CR, pero mukha siyang may deadline na hinahabol dahil nagmamadali talaga siya. Hinayaan ko na lang tuloy.
Nakatambay pa ako sa harap ng water dispenser at nag-iisip kung uuna na akong umuwi or hihintayin ko si Je nang lapitan ako ni Mark . . . at ni Ate Maggie na nag-appear from nowhere. Saan kaya ang huling class niya? Ang bilis niya laging sumulpot sa tapat ng lecture room namin.
"Happy birthday!" bati ni Mark at inabot ang kamay kong hindi busy sa cellphone. Binuksan niya ang palad ko at may nilagay roon.
Napairap na lang ako kasabay ng pagtawa ni Ate Maggie nang mapansing kandila ang nilagay ni Mark sa palad ko. Maliit pa! Mas mahaba pa yata ang hintuturo ko. Kahit na gano'n ay tinabi ko iyon sa front pocket ng jeans ko. "Di mo man lang sinamahan ng cupcake," pabiro kong sabi.
Pasimple akong luminga sa magkabilang end ng hallways. Wala ang kambal-tuko niya, himala.
Well, good for me.
"Next year na," sagot ni Mark. Sinimangutan ko lang siya.
Maglalakad na sana ako palayo at lilipat ng pagmumuni-munihan nang sabay pa nilang harangan ang dadaanan ko. Kumunot ang noo ko. "Bakit? Wala akong handa."
"Puwede favor?" Lumipat ang tingin ko kay Ate Maggie. Natakluban ng line of vision ko ng pile of papers na buhat-buhat niya at mukhang inaabot pa sa 'kin. "Okay lang padala sa org room?"
Napanguso ako. Bakit ako? "Kay Mark na lang." Tinapik ko si Mark sa balikat. "Pa-birthday mo na sa 'kin."
"Tapos na ang birthday mo e!" alma niya at hindi ako pinalagpas. Napaaawang nag bibig ko. Ang tamad naman ng magpinsan na 'to! "Dali na, Billie. May pupuntahan pa kami ni Mags, emergency lang," dagdag niya sabay ngisi, kaya nakaka-doubt 'yung emergency na sinasabi niya.
Nagbuntonghininga ako at tumango na lang bago kuhain kay Ate Maggie 'yung tore ng papel na singkapal ng halos tatlong ream ng bond paper. Pasalamat sila wala akong gagawin. "Saan dadalhin?"
"Third floor, kaliwa, tapos kaliwa ulit, dulong room!" Halos isigaw na ni Ate Maggie 'yung padulong part dahil higit-higit na siya palayo ng nagmamadaling si Mark. Bakit ba puro nagmamadali ang mga tao ngayon?
Binitbit ko na lang 'yung pinadadala ni Ate Maggie paakyat. May mga nagkaklase pa sa third floor kaya tahimik. Walang tao sa mga katabing room kung saan ako papunta. Buti na lang maliwanag pa kasi kung hindi, parang nakakatakot maglakad dito mag-isa.
Struggle na hagipin at pihitin ang doorknob dahil sa bitbit ko. Nabuksan ko nga ang pinto nang walang problema, pero muntikan ko nang mabitiwan ang mga papel ko sa gulat nang makitang may tao sa loob.
Tumigil si Deion sa pagkalikot sa Rubik's cube na hawak niya at dali-dali 'yung nilagay sa katapat niyang shelf. Ilalapag ko lang sana ang pinaiiwan sa 'kin ni Ate Maggie at aalis na agad pero inagaw ni Deion 'yun sa 'kin at siya ang nagpatong n'un sa table. Bago ko pa mahagip ang doorknob para tumakas ay naiharang na niya ang sarili sa pinto habang hawak-hawak ang doorknob sa likuran niya.
"Thirty minutes," aniya.
Ano na naman ba 'to?
"Uuwi na 'ko."
"Thirty minutes, Billie."
Humigpit ang kapit ko sa straps ng backpack ko, nilalabanan ang urge na ayusin ang salamin niyang tagilid. "Ten."
"Twenty."
Umiling ako. "Five."
"Fifteen."
Hindi ko inalis ang tingin ko sa mata niya. "Five."
Pinasada niya ang isang kamay sa buhok niya. Hinubad niya ang salamin at ilang ulit na tumango sa 'kin. "Okay, okay. Five, okay." Mukhang nag-aalangan pa siyang umalis sa puwesto niya sa tapat ng pinto. Sinundan ko siya ng tingin nang tumungo siya pabalik sa tapat ng shelf kung nasaan siya kanina.
Kinuha ko ang panyo sa bulsa ng pantalon at pinaypayan ang sarili gamit n'un kahit na wala masyadong effect. May isang ceiling fan lang na bukas. Naka-stack ang chairs sa isang gilid, at frankly, mukhang inabandona 'tong room. Kaamoy ng kuwartong di nagagamit, pero malinis naman kung titingnan.
Lumipat ang tingin ko sa nilapag niya sa table. Bago ko pa makita nang maayos kung ano iyon ay humarang na ulit siya. "Mag-uusap tayo. Okay, five minutes." Sinipat niya ang relos sa kaliwang wrist niya.
"Bakit dito?" tanong ko. At bakit din siya nandito? Nasa third floor pa 'to at mukhang di nagagagamit. Puwede namang sa labas ng room, sa tapat ng lab, sa may gate, or anywhere else na puwede niya akong makasalubong or abangan.
Paano niya naisip na abangan ako rito sa third floor? Di naman ako para pumunta rito.
Napaayos siya sa kuwelyo ng polo shirt na suot. Humahawa yata 'yung maroon na kulay ng top niya sa leeg niyang namumula. "Ayaw ko kasi ng maraming tao."
Tumango ako at naghintay ng karugtong. Sabi niya mag-uusap kami. Siya ang nag-aya, kaya ine-expect kong magre-reply lang ako rito at hindi magbubuhat ng usapan.
Ilang beses siyang huminga nang malalim, base sa pag-angat-baba ng dibdib niya.
"Ano ba 'yun? Ang init."
"Sorry. Di naman kasi ginagamit 'tong room unless important. Kinausap ko lang si Mags para humingi ng permission—"
"Okay," putol ko sa sinasabi niya dahil kahit na naguguluhan ako kung bakit dito kami mag-uusap, hindi naman 'yun ang main concern ko. "Ano'ng sasabihin mo?"
Ako naman napabuntonghininga nang mapansing parang nag-freeze lang siya.
Actually, wala na akong ine-expect. Walang plot twist or anything.
Last time I did that—'yung mag-expect—walang nangyaring mabuti. And wala rin namang nagbago. Hanggang ngayon, kung anuman 'yung sasabihin niya, di niya masabi.
And nakakainis kasi sa paghihintay, somehow, lumalakas 'yung tiny voice—'yung tatanga-tanga kahit kailan—sa isip ko na may hope pa rin. Na baka bigla siyang may amining gugustuhin kong marinig.
Kaya ayaw kong naghihintay e.
Imbes na magsalita ay tinalikuran niya ako. Napailing ng lang ako. Naghanap ako ng wall clock pero wala akong makita. Hindi pa ba ubos ang five minutes?
"Happy birthday to you . . ." Hindi ko agad naalis ang tingin ko sa mga pader. "Happy birthday to you . . ."
Mabilis na binaba ni Deion ang tingin niya sa maliit na cake na hawak niya nang tagpuin ko ang mata niya. Kusang humakbang paatras ang isa kong paa nang makita ang lettering ng icing sa heart-shaped na cake. Happy birthday, B.
"Happy birthday, happy birthday . . ."
Nagawa niya akong ngitian kahit pansin kong nanginginig nang bahagya ang kapit niya sa cake. Sa takot na matapon iyon sa sahig at masayang ay kinuha ko 'yon mula sa pagkakahawak niya. "Happy birthday to you."
Hindi ko inalis ang titig ko sa kaniya kahit gusto nang g-um-ive up ng tuhod ko nang lumapad lalo ang ngiti niya. "Happy birthday, Billie." Siya ang naunang umiwas dahil may kinuha siya sa bulsa ng pants niya.
Bumaba ang tingin ko sa cake nang itusok niya roon ang maliit na kandilang kahawig ng binigay ni Mark sa 'kin kanina. Mabilis 'yung nasindihan ng lighter na dala-dala rin niya. "Make a wish."
Humugot ako ng malalim na hininga at dahan-dahan 'yung pinakawalan. Nahawa pa ang paghinga ko sa panginginig ni Deion kanina.
Pumunta sa bahay para dalhan ako ng regalo. Tapos ngayon, 'eto.
Pero di naman ako 'yung gusto.
'Tang ina naman kasi ano ba?
Bakit ba nalilito na naman ako? Paulit-ulit na lang.
Nakakapagod mag-isip.
Mabilis na namatay ang ilaw ng kandila kahit mahina lang ang pag-ihip ko. Agad kong sinara ang cake box at tiningala siya. Kunot pa nang bahagya ang noo niya, siguro dahil sa pagasara ko ng box. "Thank you, pero kahapon pa ang birthday ko. So hindi na 'to birthday gift."
Nawala ang pagkakasalubong ng kilay niya. Dahan-dahan siyang ngumiti at pucha kung di lang pagkain 'tong hawak ko, baka naihampas ko na sa dibdib niya sa frustration.
Kasi nakakainis. Nakakainis kasi di naman niya ako inutusang magkagusto ulit sa kaniya kaya di ko alam kung puwede ko siyang sisihin. Nakakainis kasi ako naman 'yung nag-connect ulit sa 'min. 'tang ina parang naghukay ako ng sarili kong libingan. Nakakainis kasi alam ko namang friends lang kami pero nilalagyan ko lahat ng meaning e—Hindi. Nga. Ako. 'Yung. Gusto!
"Post-midterms gif—"
"Hindi. Break-up gift 'to," sabi ko nang hindi inaalis ang tingin sa mata niya. Kitang-kita ko tuloy kung paano nag-fade 'yung ngiti niya, na sana hindi ko na lang napansin kasi bibigyan ko na naman 'yon ng meaning. Umawang ang bibig niya at parang bumalik sa kung paano siya nag-freeze kanina bago niya iabot sa 'kin ang cake.
Pinilit kong ngumiti. "Okay na si Jo, 'wag mo na 'yon problemahin. Thanks sa time, and sorry sa abala. Pero okay na lahat, okay? Ayoko na nito. Kung tayo lang talaga, break na tayo." Inangat ko nang bahagya ang cake kong hawak pero hindi man lang natinag ang tingin niya sa 'kin. "Thank you rito sa break-up gift."
"Hindi ako nakikipag-brea—"
"Ako, okay? Ako 'yung nakikipag-break."
Hindi ko na siya nilingon kahit narinig kong tinawag niya ako bago ako lumabas. Kahit hirap na hirap akong tingnan ang dinadaanan ko dahil lumalabo ang mga mata ko dahil sa mga pesteng luha 'ko, tinakbo ko pa rin ang daan pababa ng first floor. Hindi ko pinansin sina Mark at Ate Maggie na paakyat at nakasalubong ko pa kahit sabay nila akong tinawag.
Nakakainis! Parang tanga talaga! Ano ba'ng iniiyak ko?
Di ko alam kung saan ako pupunta dahil rinig kong hinahabol ako ni Mark. Kusang gumalaw ang binti ko papasok sa pinakamalapit na building at nagdere-deretso paakyat. Sana lang talaga walang maka-recognize sa 'kin bukas sa mga makakasalubong ko ngayon.
Tumigil lang ako nang makatapat ako ng dead end. Pumasok ako sa pinakamalapit na female restroom at hinayaan munang malaglag sa sahig ang backpack kong mabigat. Nilapag ko ang cake sa gilid at hinintay na magsawa muna ang mga mata ko sa kaiiyak bago maghilamos. Buti na lang walang ibang tao sa CR dahil may mga klase pa yata.
Lumabas ako pagkatapos. Umupo ako sa tabi ng railings at sinilip ang ground floor. Di ko man lang namalayan na naakyat ko ang five floors ng engineering building nang gano'n kabilis.
Napabuntonghininga kao nang mag-vibrate ng saglit ang phone ko. Mahapdi sa mata ang liwanag ng screen pero nabasa ko pa ang message ni Je kahit halos papikit na ako. San ka na? Apartment na ko.
Itinabi ko ang phone sa loob ng bag bago pinilit ang sariling tumayo. Mabigat man sa loob ay binuksan ko ang cake box at, as much as I hate to admit, nakahinga nang maluwag nang makitang hindi naman naalog nang sobra at nasira ang cake.
Hay, shit talaga.
Pucha ayoko na kasi.
Nilapitan ko ang tatlong trash bins sa may hagdanan. Hinintay kong magkaroon ako ng lakas ng loob na i-shoot sa food waste ang cake pero nagparamdam na ang ngalay sa binti ko ay hindi pa rin 'yon dumadating.
Huminga ako nang malalim bago talikuran iyon at bumaba ng hagdan, maingat na hawak ang cake box.
Hindi ko kaya.
For someone na hindi pa naman nagkaka-boyfriend, bakit ba ilang beses na akong nakikipag-break?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top