Chapter 22
051722 #HatemateWP Chapter 22
Wala namang nangyaring anything remarkable pagkatapos ng birthday ni Mark. Wala rin masyadong ganap sa org kaya hindi ko nakikita sina Shana, tapos ang chika sa 'kin ni Je ay naiiyak na si Jo dahil umaabot ng higit 100 pages ang readings niya per week kaya wala rin 'tong paramdam. Meaning, hindi ko kailangang dumikit kay Deion.
Di na rin big deal na hindi kami nag-uusap, kasi nga hindi naman 'yon required. Hindi naman siya special friend para kausapin ko araw-araw. Friends lang kami, walang special.
Di ko na rin masyadong in-overthink kung awkward ba kami or what. Di ko akalaing sasabihin ko 'to pero thankful akong tambak na naman kami ng mga ipapasa. Walang space for Deion sa utak ko kung takot akong ma-late ng submission or magkaroon ulit ng mababang grade.
Hindi ko na rin masyadong pinag-isipan 'yung narinig ko no'ng birthday ni Mark, partly dahil ine-expect ko na naman 'yon. I mean, hindi ko in-expect na may gusto siya kay Ate Maggie—may kaunting shock factor pa sa part na 'yon.
Pero ang hindi na shocking ay 'yung hindi ako ang gusto. Wala namang bago.
At dahil pamilyar na ako sa feeling, mas madali na siyang i-process . . . slight. Bad trip, siyempre, pero ano ba'ng magagawa ko?
Sino ba'ng naglapit sa kaniya sa akin? Ako rin naman e. Ang dami ko kasing alam. At surprisingly, kahit sa dami kong alam, hindi ko alam kung paanong iiwasang magkagusto sa lintik na Deion na 'yo—
"Billie?"
"Ha?"
Pag-angat ko ng tingin ko ay pinanonood ako nina Je, Mark, at Deion na parang may ginawa akong masama. Nang ibalik ko ang tingin sa hawak ko ay saka ko lang napansin na ginutay-gutay ko ang ilang pirasong yellow pad ko gamit ang ball-pen.
Napasimangot ako bago 'yon itago sa bag ko. Ayaw ko na sana siyang tingnan, pero sinamaan ko ng tingin si Deion para lang aware siyang naiinis ako sa kaniya at sa kaniya ko sinisisi ang pagkasayang ng papel ko. Umangat lang ang dalawang kilay niya sa 'kin, clueless as ever. Lagi na lang siyang clueless, buwisit siya.
"Uuwi na 'ko," sabi ni Je kaya lumipat ang tingin ko sa kaniya. Dali-dali kong sinuot ang bag ko at tumayo para sumunod sa kaniya dahil nandito sina Mark. Wala namang ibang reason para lapitan nila ako after ma-dismiss ang last class, puwera na lang sa . . .
"'Wag ka munang umuwi!" Napapikit na lang ako sa lakas ng boses ni Mark at sa bigat ng braso niyang bigla niyang inakbay sa 'kin. Napatigil si Je sa paglalakad at nilingon kami, parang naghihintay na kumawala ako.
"Bakit na naman?" tanong ko at puwersahang inalis ang braso niyang nakapulupot sa balikat ko. Okay lang sana kung si Mark lang, e kaso package deal nga sila ni Deion at ayaw ko n'un! Respeto naman sa nagmu-move on, jusko. Di ko na nga masyadong nararamdaman 'yung hapdi e.
"Samahan mo muna kami. Ikaw ang magliligtas kay Deion sa kapahamakan," aniya at binalik ang pagkakaakbay sa 'kin. Wala akong nagawa kundi sumabay sa paglalakad niya. Buti na lang at nahagip ko ang strap ng bag ni Je kaya napuwersa siyang tumigil. Kainis 'tong si Mark! At ano'ng paandar na naman 'yung sinasabi niya?
Bumagal din naman ang paglalakad ni Mark, walang choice kundi sumabay sa pace ni Je. Nakadagdag din siguro na hinawakan ni Je ang kamay ko, at medyo scary 'yung poker face niya kaya tumalab kay Mark. "Sumama ka na lang sa 'min, please?" pa-cute na sabi ni Mark kay Je. Dedemonyohin pa nito ang kasama ko.
"Je, hindi. Uuwi na tayo," kontra ko.
"Billie, parang awa mo na. Samahan mo na kami, please."
"Saan ba kayo pupunta?" tanong ko. Sinilip ko si Deion na nakasunod lang sa 'min. Inalis ko kaagad ang tingin sa kaniya dahil hindi optimal para sa moving on space ko na makita ang pagmumukha niya.
"Saglit lang, promise. Tapos, uwi na agad."
Inirapan ko si Mark. "Saan nga kasi? Di kami sasama hangga't di mo sinasabi kung sa'n tayo pupunta."
"Magpapagupit lang 'yung isa. Ito naman, ang sungit-sungit. Meron ka ngayon? Pre-birthday sungit mo ba 'yan?" natatawa niyang tanong.
"E bakit kasama pa ako?" tanong ko. "Saka ano ba, ang bigat ng braso mo."
Inalis niya ang pagkakaakbay sa 'kin pero hinagip naman ang strap ng bag ko. "E parang tanga kasi 'yang si Deion e."
Umangat ang isang kilay ko roon. Napaigtad ako nang muntik nang madapa si Mark dahil tinalapid pala ni Deion mula sa likuran. Narinig siguro niya 'yung sinabi ni Mark. Nilagpasan niya kami pagkatapos at nauna na papunta sa parking yata.
Natawa lang naman si Mark sa ginawa sa kaniya. "Sungit din ng isang 'yon, pucha," umiiling niyang sabi. "Sumama ka na, tapos sabihin mo kay Deion, hindi bagay sa kaniya ang kalbo."
Kumunot ang noo ko roon. Sa barbero ba ang punta namin? At grabe naman sa pakalbo, ha? Kumakapal na nga masyado ang buhok niya, pero parang last time trim lang ang gusto niyang gawin do'n a?
Napanguso ako. Hindi ba bagay sa kaniya ang kalbo?
E . . . parang gusto kong makita.
"Huy, Billie. Magkakampi tayo rito, 'wag mo 'yung kunsintihin, ano ka ba?" kakamot-kamot sa ulong sabi ni Mark sa 'kin. Napasimangot tuloy ako. Hindi ko pa nga nai-imagine ang hitsura ni Deion, kinausap na niya ako agad. Hindi tuloy nabuo ang imagination ko.
Ay, kainis. Bakit ko pa ba kailangang imagine-in? Saka, pakialam ko ba kung ano'ng gagawin ni Deion sa buhok niya? So what kung bagay o hindi? E wala naman akong balak tingnan siya. Hindi nga kasi optimal para sa healing space ko.
"E matanda na siya, hayaan mo siya," tugon ko kay Mark. Saka bakit ba ako ang kailangan niyang isama e may sariling desisyon naman si Deion? Di ko naman buhok 'yung gugupitan. Di rin naman ako barbero. Mukha ba akong barbero?
"Sayang 'yung buhok niya," sabi ni Mark na parang stressed na stressed at buhok niya 'yung masasayang. "Ang ganda-ganda e, baka magtampo!"
"E di suyuin niya." That is kung marunong siya. E parang hindi naman.
Hay, naku. Tinapik ko ang magkabilang pisngi bago pa ako mag-imagine ng kung ano-ano. Suyo-suyo ka pang nalalaman diyan, Billie.
"Ang sungit!" natatawang sabi ni Mark at bahagyang hinigit ang strap ng bag ko. "LQ ba kayong dalawa? Bakit sabay kayong nagsusungit? Paano naman akong anak niyo?"
Sinamaan ko siya ng tingin. Kailan pa ako nagka-anak-anakan? At kay Deion pa talaga, ha? "Isa pang ganiyan mo, di na kita sasamahan. Hahayaan kong makalbo 'yang BFF mo," banta ko sa kaniya. Lalo lang lumakas ang tawa niya roon pro mukhang effective naman dahil hindi na niya ulit ako inasar kay Deion.
* * *
"Di na 'ko sasama sa loob, amoy lalaki," sabi ni Je pagkarating namin sa tapat ng barber shop sa loob ng isang mall. Nauna na si Deion sa loob na parang wala siyang kasama. Actually pagdating pa lang namin, gano'n na siya.
Magdadahilan din sana ako kay Mark ng kung ano para makasama ako kay Je na sa katabing bookstore pumunta, pero nahigit na agad niya ako papasok bago pa ako makapag-formulate ng reasons.
"Bakit ba kasi kailangan kasama ako dito?" tanong ko ulit kahit sure akong walang maipo-provide na matinong sagot si Mark.
Umupo ako sa itim na couch sa isang gilid. Si Deion, nakaupo na roon sa barber's chair. At si Mark, kulang na lang yata agawin niya 'yung razor na hawak n'ung maggugupit kay Deion.
"Kuya, 'wag," aniya. Nilingon niya ako. "Billie kasi."
Kumunot ang noo ko. Anong ako? E hinigit nga lang niya ako rito e. Bakit ba laging nabubulabog ang buhay ko kapag nagmu-move on ako? Tapos in the end ako ang dehado? "Ano ba 'yon?"
"Di ba hindi bagay kay Deion 'pag kalbo?"
Ang sagot ko roon ay ewan, kasi ayaw ko ngang imagine-in. Pero nagma-mouth na sa 'kin si Mark ng hindi, at para matapos na lang 'to . . . "Hindi," sabi ko.
"Rinig mo 'yon, ha?" tanong ni Mark na pumaling na kay Deion. Akala ko nga tutuktukan niya sa ulo pero inambahan niya lang naman. Nilipat niya ang tingin sa barberong nag-aabang lang ng instruction. "Kuya, di ba hindi bagay sa kaniya 'pag kalbo?"
Napailing na lang ako. Nanay ba siya ni Deion? O manager? Mukha siyang manager e.
Umiling ang barbero at sinimulang suklayin ang buhok ni Deion. "Okay lang. Pero sayang ang buhok, ang ganda pa naman."
Ano ba kasing kinain nitong si Deion at na-trip-ang magpakalbo? Sayang nga talaga kasi ang lambot-lambot ng buhok niya. Pero iba rin kasi ang dating kay Deion kapag clean cut—
SINABI NANG WALA AKONG PAKI. Walang bagay sa kaniya, walang pangit sa kaniya. Balik na siya sa pagiging hangin sa isip ko.
"Kaya nga 'wag kalbo, Kuya, baka magtampo." Napakamot si Mark sa ulo niya. "Dos na lang 'yung gilid."
"Ayoko," sagot ni Deion. Ano 'yung dos? 'Yong barya lang ang alam ko.
"Kulit mo naman Paps e," parang frustrated na frustrated na sabi ni Mark. Nagpatuloy 'yung negotiations nila at panay ayoko lang ang sagot ni Deion. Nainip na nga yata 'yung manggugupit dahil bumalik na sa pagkakaupo roon sa likuran ng counter. Buti na lang walang ibang nagpapagupit.
"Siya, pabawasan mo na lang 'yang gitna. Tapos, zero undercut. Di ba, Billie?"
Napakurap-kurap ako nang mabanggit ang pangalan ko. "Oo," sagot ko na lang, ginagaya 'yung mina-mouth ni Mark sa 'kin. Binalik niya ang tingin sa salamin at tinawag 'yung manggugupit. Mukhang nagkasundo na sila sa kung anomang gupit 'yon dahil hindi na kumontra si Deion.
Abalang-abala ako sa panonood ng nalalaglag sa sahig na buhok ni Deion at pagwalis n'un ng isang staff to the point na hindi ko napansing tapos na ang gupitan session. Napabalik lang ako sa wisyo nang may neck brush na pumasok sa line of vision ko. Nang iangat ko ang tingin ay inaabot pala sa 'kin ni Deion 'yon.
Pinaglapat ko nang maigi ang bibig ko dahil delikado kung tatraydurin ako ng panga ko. Parang ang kinalbo lang sa kaniya ay 'yung dalawang gilid, kasi medyo mahaba pa 'yung gitnang part na brushed back ngayon. Mas malapit sa gupit niya ngayon 'yung gupit niya no'ng high school—'yung gupit niya lagi every first week of the month kasi monthly yata siyang nagpapa-trim dahil mabilis humaba ang buhok niya at mega obedient siya sa school haircut rules. At siyempre may kasamang memories 'yang look niya, 'no. Both good and bad.
Tumayo na ako. Hindi ko pinansin 'yung neck brush na inaabot niya. Puwede ko namang pagpagan ang batok at leeg niya as a friend, pero ayaw ko. Hindi healthy para sa pagmu-move on phase.
"Kaya mo na 'yan, malaki ka na," sabi ko at lumabas nang walang paa-paalam. Huminga ako nang malalim pagkalabas ko at lumipat sa bookstore para hanapin si Je.
Kaya ko rin 'to. Malaki na rin ako, 'no.
* * *
Tumupad naman si Mark sa usapan na uuwi na kami right after magpagupit ni Deion. Kahit isang tingin ay hindi ko na ulit ibinigay kay Deion, at tahimik na lang akong sumunod papuntang parking. Dahil pinili kong manahimik, si Mark lang ang nagsasalita sa aming apat.
Nilingon ako ni Mark na naka-upo sa shotgun. "Anong oras kayo bumibiyahe, Billie? Parang di ko kayo naabutan."
"Before six," sagot ko.
"Uuwi ako bukas, sabay ak—"
"Hindi ako uuwi e," putol ko sa sinasabi niya. Naaninag kong nilingon ako ni Je na siguro ay confused dahil hindi ko pa 'yon nababanggit sa kaniya. Hindi ko naman talaga babanggitin sa kaniya kasi hindi naman 'yon totoo. "Pero puwede ka namang isabay ng kambal . . . yata." Nilignon ko si Je.
Nagkibit-balikat lang si Je. "Kung aabutan mo kami."
"Di ka uuwi? Bakit?" tanong ni Mark sa 'kin, hindi pinapansin ang sinabi ni Je. Mukhang maa-activate na naman ang skills ko sa pagsisinungaling. Well, for my own good naman 'to, so sana wala 'tong balik na bad karma or something.
"Wala lang. Hindi lang ako uuwi."
"Naks, nagsisipag ka kaagad?"
Napailing ako. "Hindi a. Tambay lang." Totoo namang marami nang tatapusing outputs, pero hindi ako magkukulong bukas sa apartment para tapusin 'yon. Sinabi ko lang namang hindi ako uuwi kasi baka mamaya, maisipan n'ung bagong gupit na sumulpot sa labas ng apartment building alas-singko ng umaga bukas.
So what kung asumera? Kahit pa sabihing feeling maganda ako for assuming na ginawa na niyang duty na ihatid ako sa terminal tuwing Saturday mornings, ano naman? Ang mahalaga, safe ang feelings ko, 'no. Kahit higit isang daang beses ko pang i-remind ang sarili ko na hindi optimal ang kahit anong Deion-related figures para sa moving on space ko, hindi ako mapapagod.
Mas nakakapagod ang umasa sa wala.
At di na ulit ako magpapakapagod for that. Tapos na ako roon. Hindi naman niya kasalanang di mutual ang feelings namin. Choice kong idikit ang sarili ko sa kaniya dati despite that, kasi masaya naman ako. E kung uulitin ko 'yon ngayon . . . mukhang hindi na naman ako sasaya in the long run. So 'wag na lang.
At tutal problema ko naman ang feelings ko, at hindi naman sinasadya ni Deion na mahina ako sa guwapong matangkad at sa kaunting affection, iso-solve ko 'to sa kahit anong paraang alam ko. Asumera na kung asumera. Snobber na kung snobber. Bahala siya diyan. Basta pagdating sa kaniya, may malaking keep out sign sa perimeters ng space ko. Tatanggalin ko rin naman ang sign na 'yon 'pag naka-move on na 'ko.
Mabilis lang ako nagpasalamat at nagpaalam bago bumaba ng sasakyan pagkarating sa apartment. Sabay kaming umaakyat ni Je sa hagdan nang tanungin niya ako, "Di ka uuwi?"
"Joke lang 'yon, gisingin mo 'ko 'pag di ako nagising ha?" bawi ko. "Saka 'wag mong sasabihan si Deion. If ever magtanong siya sa 'yo—wait, nagtatanong ba siya sa 'yo?" Napatigil ako sa kalagitnaan ng hagdan. Bakit naman siya magtatanong?
Napailing ako bago nagpatuloy sa pag-akyat. "'Wag mo na palang sagutin. Wala naman kasi akong paki kung nagtatanong siya sa 'yo. Pero if ever magtanong siya sa 'yo, 'wag mo na lang sagutin. 'Wag mo na lang i-seen para hindi ka maipit! Di naman magagalit si Deion sa 'yo kahit i-ignore mo siya. Una, kasi di ka obligadong mag-reply. Pangalawa, mahilig din naman siyang mang-ignore kaya deserve niya 'yon. Saka, wala naman siyang reason para malaman kung uuwi ako hindi. So bakit ka nga niya tatanungin in the first place—?"
"Billie." Naitikom ko ang bibig nang magsalita si Je. Nagbuntonghininga siya at umiling bago pihitin ang susi ng pinto. "Okay. Di ko siya sasabihan, tapos. Kumalma ka na."
"Kalmado naman ako e," depensa ko sa sarili. Umangat nang bahagya ang gilid ng labi ni Je bago niya ako paunahing pumasok. "Ba't naman ako di magiging kalmado? Di naman big deal sa 'kin 'yon. Nagpapaliwanag—"
"Ayan ka na naman," natatawang putol ni Je sa sasabihin ko. Nagkunwari kaong z-in-ipper ang bibig ko. Di naman ako hindi kalmado, di ba? Ayaw lang talaga ni Je ng maingay, kaya siguro ako mukhang . . . ano ba . . . ? Kinakabahan? Di mapakali? Napapa-overthink?
Hindi a. Hindi ako ganu'n. Madaldal lang talaga ako.
"Oo na. Di ko kakausapin si Deion tungkol do'n. Pero bakit? Magkaaway ba kay—"
"Magkaaway? Bakit naman kami mag-aaway e wala naman akong dahilan para magalit—para bigyan siya ng pansin, actually, wala rin. Hindi naman kami best friends, 'no, saka di na 'ko kinukulit ni Jo so wala n ring reason para—"
"Okay, okay. Di kayo magkaaway, 'yon lang naman tanong ko." Ginulo ni Je ang buhok ko nang lagpasan niya ako at dumeretso sa kusina. "Sorry, Bills. Nahihirapan akong mag-keep up 'pag ang bilis mo magsalita, parang nagja-jumble 'yung mga sinasabi mo sa utak ko," sabi niya habang nagtatakal ng bigas. Dinampot ko ang mga sapatos namin at hinelera nang maayos sa shoe rack. "Pero 'pag ready ka nang magkuwento nang naka-arrange 'yung thoughts mo, sabihan mo ako."
Napanguso ako roon. Kung di ako aware na hindi siya touchy, baka niyakap ko na siya. Pero sa two years ng pagiging friends, alam ko nang ayaw niya ng hinahawakan or dinidikitan siya nang basta. "Okay, thank you."
Nilingon niya ako saglit. "Pero wala ka namang ikukuwento, kasi wala namang problema at wala kang pakialam, di ba?"
Inirapan ko siya na siyang kinatawa niya. "Ewan ko sa 'yo. Pang-inis ka rin minsan e," sabi ko sa kaniya bago ikulong ang sarili sa kuwarto naming dalawa.
* * *
Kinabukasan, hindi umepekto ang alarm ko kaya ginising pa ako ni Je. Nakakalalim ng tulog talaga ang sama ng loob.
"Okay ka lang?" bungad na tanong sa 'kin ni Jo. P-in-at niya nang dalawang beses ang ulo ko pagkatapos kong tumango. "Tapos na midterms a?"
"Ano ba'ng sinasabi mo? Na mukha akong haggard?" Kagigising ko lang kaya. Naghilamos at toothbrush lang ako at basta-basta na lang pinilipit sa bun ang buhok ko. Sorry naman at hindi ako super gifted ng naturally-maganda genes.
"Hindi, mukha kang down," aniya na ikinasimangot ko. "Gawa ba ng midterms mo 'yan?"
Mahina ko siyang siniko sa tagiliran. "So ano'ng sinasabi mo? Bagsak ako, gano'n?"
"Hindi!" natatawa niyang tanggi. Tinapik niya ako nang dalawang beses sa likod. "So kung hindi tungkol sa midterms, tungkol saan? Sa boyfriend mo?"
Inirapan ko siya at lumipat sa kabilang side ni Je para maiwasan siya. Ilang beses niya akong sinitsitan pero di ko siya pinansin at tinago ang sarili ko sa gilid ni Je.
"'Wag mo nang tanungin, Jo. LQ yata sila."
Agad akong napalayo kay Je. Bahagya ko siyang tinulak para magdikit sila ng kakambal niya. "Di nga kami LQ. 'Wag niyo na ngang babanggitin 'yung lalaking 'yon sa 'kin."
Inunahan ko na silang dalawa sa paglalakad. Di ko sila nilingon kahit sabay nila akong tinatawag.
* * *
Deretso tulog ulit ako pagkarating ng bahay. Nagising ako before lunch dahil biglang umulan nang malakas. Maliligo na sana ako pero tinatamad akong bumangon, so nag-stay na lang ako sa kama at hinintay na dumating ang sipag para tumayo na ako at simulan ang araw ko.
Napabuntonghininga ako nang may makitang nakapatong sa tokador ko—something na wala dapat sa moving on space ko. 'Yon ang nagpabangon sa 'kin. Grabe, pati pahinga ko, naaapektuhan ng lintik na pagmu-move on na 'to.
Dinampot ko ang dark blue na ball cap. Di ko pala to nai-bring up do'n sa isa. Di ko rin naiuwi sa apartment kaya nawala na sa isip ko. Mabilisan kong sinuklay ang buhok ko gamit ang mga daliri bago 'yon isukat ay tingnan ang hitsura ko sa salamin.
Napailing na lang ako bago 'yon hubarin. Hindi ko alam kung masyadong malalim 'yung cap pero hindi ako makakita nang ayos unless titingala. Kailangan ko na 'tong isauli dahil hindi naman 'to akin at hindi ko naman magagamit.
Hay. Pero kung isasauli ko naman, e di lalapitan at kakausapin ko pa 'yon, e ayaw ko nga.
Bumalik ako sa pagkakahiga at pinaikot-ikot ang sumbrero sa daliri ko. Tumalsik 'yon sa sahig dahil biglang nag-ring ang phone ko. Nang damputin ko 'yon at tingnan kung sino ang tumatawag ay dinaganan ko na lang ang mukha ko ng unan. Ano namang tinatawag-tawag niya?
Kapag pinatay ko ang tawag, uulitin lang niya. Kapag pinatay ko ang phone ko, baka i-bring up niya sa Monday. So para matapos na lang ang dilemma in the fastest way possible, sinagot ko na lang. "Hello?"
"Walang tao sa inyo?"
Kumunot ang noo ko. Ha? "Saan?"
"Umalis ka ba? Di ba hindi ka umuwi?"
"Nandiyan ka?" tanong ko pabalik imbes na sumagot. Sinungkit ko ng daliri ang sumbrero niyang tumalsik kanina sa sahig. "Ano'ng ginagawa mo diyan?"
Matagal na natahimik ang kabilang linya; akala ko nga pinatayan na niya ako ng phone—na hinihiling kong gawin niya, actually. Pag-check ko naman, tumatakbo pa ang tawag.
"Hello?" Sayang ang load niya kung hindi siya magsasalita. Kawawa naman ang nagbabayad ng phone bills niya. "Bakit ka nandiyan?" Ano'ng kailangan niya?
Narinig ko siyang tumikhim, sign na buhay pa naman siya at hindi biglaan na lang natumba sa tapat ng apartment kaya hindi siya makapagsalita. "Wala ka rito?"
"Wala. Umuwi ako. Bakit?" Natahimik ulit siya. "Bakit ka nga nandiyan?"
Naghintay ako ng sagot niya, pero dinadalaw na ulit ako ng antok at hindi pa rin 'yon dumadating. Panay lang ang hinga niya nang malalim. Napagaya tuloy ako. "Umuwi ka na kung wala kang gagawin diyan," sabi ko.
Baka mamaya may makapansing nakatambay siya roon. E for sure namumukhaan naman na siya no'ng mga nasa first floor, baka mapagkamalan pa akong nagsi-sneak ng lalaki sa taas at maisumbong sa may-ari. Lagot ako.
"Okay," mahina niyang tugon.
Kung no'ng dati, siguro inubos ko na ang energy ko kaiisip kung paano pahahabain ang tawag, ngayon hindi na. Hindi na ako nagba-bye bago patayin ang tawag at ilayo sa 'kin ang phone ko.
Na-stress na naman ako emotionally dahil hindi napagbigyan ang tunay na gusto ng sutil, emotionally fragile, at affection-hungry kong self, kaya bumalik ako sa tulog. Mahirap na, baka traydurin ako ng mga kamay ko at mapatawag pa ako pabalik.
* * *
Nagising ako nang maramdaman kong parang lumilindol. 'Yon pala, inuuga lang ni Mommy 'yung paanan ng kama ko. Hinigit niya ang kumot na tumataklob sa katawan ko nang hindi pa rin ako bumangon kahit na papuntang Intensity V na 'yung pagyanig niya sa kama ko. "Kumain ka na sa baba! Sumabay ka na sa daddy mo."
Tumango ako pero pumihit lang pakabilang side at hindi bumangon. Niyugyog na naman ni Mommy 'yung kama ko. "Susunod ako, 'My."
"Masama ba ang pakiramdam mo?"
Medyo. Counted ba 'pag related sa feelings? "Hindi po."
"Kumain ka na do'n. 'Pag ako bumalik at nandiyan ka pa sa kama . . ."
Napaingit na lang ako roon. Hindi ako pinansin ni Mommy at lumabas na ng kuwarto ko. Hay. Okay, wala akong choice kundi simulan ang araw ko. Hindi lang naman ako ang heartbroken (slight) sa mundo. Kung di titigil ang mundo para sa kanila, gano'n din sa 'kin.
Nai-toss ko sa paanan ko ang sumbero ni ano na hindi ko napansing yakap-yakap ko. Yakap-yakap ko pa yata buong idlip ko. Kainis.
Inayos ko muna ang pinaghigaan ko at tinago ang sumbrero sa bag ko bago bumaba. Sumakit nga ang ulo ko pagkatapos. Di ko alam kung dahil ba nasobrahan ako sa tulog, biglaan 'yung pagbabago ng panahon, o dahil p-in-oint out ni Daddy na mukha raw akong namatayan. Grabe, gano'n ba talaga ka-transparent ang mukha ko? At saka grabe rin 'yung parang namatayan a. Mas okay pa ako roon sa sinabi ni Jo na mukha akong down.
"'Dy, punta ako kina Je," sabi ko habang tinatapos ang nililigpit. Hindi ako papayagan ni Mommy kasi umuulan. Si Daddy rin naman, pero siya kasi 'yung madaling i-bend ang decisions kaya mas okay na sa kaniya magpaalam.
"Umuulan a?" sabi niya, as predicted. "Bakit?"
"Saglit lang naman, 'Dy, aantukin ako 'pag sa kuwarto ako gagawang output. Puwede rin hatid mo 'ko."
"Ay, malaki ka na—"
"Kaya puwede rin akong pumunta ro'n kahit umuulan."
Inilingan ako ni Daddy bago ilapag ang baso niya sa sink. "'Pag nagtanong ang mommy mo, ikaw lang sasalo, ha?"
Natawa ako roon pero tumango. Agad akong umakyat sa kuwarto para maligo at magbihis nang mabilisan lang. Baka mapigilan pa ako ni Mommy e.
Ch-in-eck ko ang phone ko bago lumabas ng kuwarto. Walang bagong messages do'n.
Napabuntonghininga ako. Mas okay nga 'yon e. 'Pag malapit pero bawal kuhain, nakaka-frustrate lang. 'Pag naman malayo, kailangan ko lang aralin paano ko hindi hahabulin ng tingin.
* * *
"Hello, tita," bati ko kay Tita Josephine pagkarating ko kina Je. Pinapasok na ako n'ung isang helper ni tita sa tahian.
Umangat ang tingin niya sa akin mula sa mga patterns na hawak niya. In-adjust niya ang suot na salamin at sinenyasan akong lumapit para makipagbeso. Mabait naman sa 'kin si Tita Josephine, except na lang sa times na inaasar niya ako kay Jo. Iniintindi ko na lang minsan; ang hirap din kasing mainis sa mas matanda. Mas madaling mainis kay Jo na direct kong sinasabihan ng no pero ayaw akong tigilan.
"Kumain ka na ba?" tanong ni Tita. Tumango ako. "Ay, sakto ang dating mo. Akyatin mo nga 'yung si Jerica sa taas, baka hindi binabantayan ni Joseph."
"Bakit po? May sakit?" tanong ko. May sakit na naman?
Umiling si Tita, nasa tela at patterns na ang tingin. "Umakyat ka na roon sa kuwarto ni Je at babain mo ako rito kung wala si Jo sa kuwarto. Pinasasamahan ko dahil dala ni Jerica ang boyfriend niya."
"A, sige po." Dumeretso na ako sa hagdan paakyat kung nasaan ang mga kuwarto. Most likely, hindi naman ako bababa para mag-report kay Tita kahit na malaman kong hindi binabantayan ni Jo si Je at ang boyfriend nito sa kuwar—BOYFRIEND?!
Napakapit ako sa railings ng hagdan nang muntikan na akong magkamali ng yapak. 'Yong pagkakahoy pa naman ng hagdan nina Je, talagang lalagutok ang buto-buto mo kapag nadapa ka.
Ilang seconds yata akong nakanganga lang sa gitna ng hagdan, hindi ma-process 'yung concept na may boyfriend ang friend ko of two years at kasama ko sa apartment. Bakit hindi ko 'yon alam?! Imposible namang may gimik si Je na boypren-boyprenan. Saka sa pagkakatanda ko, si Je mismo ang naiinis kapag bini-bring up ni Tita Josephine 'yung tungkol sa gano'n dati. Lagi niyang sinasabi na hindi siya interesado, tapos ngayon naunahan niya pa ako?!
Nang makabawi ay nagmamadali akong umakyat. Malalaki ang hakbang ko papunta sa kuwarto ni Je at mabibigat ang katok ko sa pinto. Hindi ko na hinintay na may magpapasok sa 'kin at ako na mismo ang nagbukas n'un.
Nalaglag ang panga ko nang makitang may lalaki sa kama ni Je, nakaupo at naksandal sa pader, at katabi ni Jo na nagla-laptop. My gosh, totoo nga!
Mukhang delayed ang reaction ni Je sa biglaan kong pagpasok sa kuwarto niya dahil naka-earphones siya at nagbabasa. Agad ko siyang nilapitan pagkatanggal na pagkatanggal ng earphones niya. "Ang daya mo, ba't di ako updated?" tanong ko.
Napahilot si Je sa magkabilang sentido niya. Pinihit niya ang swivel chair niya paharap sa kama at humalukipkip. Gusto niya bang 'yung boyfriend niya mismo ang magpakilala sa 'kin?
Nilingon ko 'yung jowa niya. Pinanliitan ko siya ng mata, kahit for sure na-scan na 'to ni Jo for virus, pero para lang sure. Hmm. For some reason, mukha siyang pamilyar. Schoolmate ba siya namin no'ng senior high?
Nilapag ni Jo sa kama ang laptop na kanina ay gamit-gamit niya. Pinagsiklop niya ang mga kamay at nilipat ang tingin sa kakambal niya. Nang bumaling ako kay Je ay nagkibit-balikat lang siya kay Jo. Nahilo na ako kalilipat-lipat ng tingin sa magkakambal pero wala akong ma-gets sa mga non-verbal cues na pinagpapalitan nila.
Huminga nang malalim si Je bago tumayo. "Billie, okay lang labas ka muna?"
Kumunot ang noo ko pero agad na tumango. Pangit ba ang timing ko?
Kumaway ako sa boyfriend niya bago lumabas at bumalik sa may hagdanan para di ko marinig kung ano'ng pag-uusapan nila sa loob. Dapat bang umuwi na lang ako?
"Billie?" Umangat ang tingin ko sa hindi pamilyar na boses. Napaayos ako ng tayo nang makitang boyfriend ni Je 'yon. 'Yong hitsura niya kasi, mukhang I-have-my-life-together. Hindi na siya shocking kung gusto nga siya ni Je, although di ko pa rin ma-imagine si Je na nagkaka-crush, dahil swak ang tipo niya sa lifestyle ni Je. Nahiya naman 'yung bahala-na-bukas self ko.
Magaan ang ngiti niya sa 'kin bago siya tumigil sa tapat ko. "Luke."
Tumango ako. "Billie."
"Luke."
"B-Billie."
Natawa siya. "Kuha muna natin silang meryenda sa baba?" aya niya sa 'kin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top