Chapter 18
032422 #HatemateWP Chapter 18
"Deion."
Deretso lang ang tingin niya sa daan. Feeling ko nilalakihan niya ang mga steps niya on purpose para iwasan ako. Di ko nga alam kung bakit siya umiiwas! Harmless naman 'yung tanong ko.
Sinitsitan ko si Deion. Binitin-bitinan ko na rin 'yung braso niya at hinigit-higit ang manggas ng polo pero hindi siya natinag. Tinawanan lang kami ni Mark bago niya kami unahan sa pag-akyat sa hagdan. Stuck na naman ako sa kanilang dalawa dahil sa Design. Si Je, kasama ang groupamtes niya sa ibang course in preparation sa midterms.
"Deion," tawag ko ulit. Maliit na bagay lang naman pero hindi kasi mapalagay ang isip ko. "Ano nga kasi 'yon?" tanong ko, tukoy roon sa sinasabi niyang naiwan ko sa unit nila.
Pagkarating na pagkarating ni Deion kaninang umaga, 'yon agad ang tinanong ko. Hindi niya ako pinansin. Tinanong ko ulit siya after lunch, tapos ang sagot lang niya, pinasok na niya sa bag ko kung anoman 'yon habang bumibili ako ng pagkain. Tsinek ko ang bag ko pero wala naman akong napansin na bago sa mga laman n'un. Tinaktak ko na rin pero lahat naman ng laman, bitbit ko na kanina pang umaga pag-alis ng apartment. Di ko alam kung ano 'yung sinasabi niyang binalik na niya.
Nagkibit-balikat lang si Deion, na may kasamang kaunting struggle kasi dalawang backpack na mabibigat na naman ang suot niya. Napasimangot ako at hinayaan siyang umakyat ng hagdan, pero hindi ako sumunod. Nag-stay ako sa babang hagdanan hanggang sa mapansin niya.
Tinapatan ni Deion ang simangot ko. Kakamot-kamot siya sa likuran ng ulo niya bago bumaba ulit para sunduin ako. Hinagip niya ang kamay ko bago kami sabay na umakyat.
"Ano nga kasi?" tanong ko. Pinisa ko ang kamay niya nang wala na naman akong nakuhang response. 'Pag trip talaga niya, hindi siya magsasalita e!
Napadaing si Deion sa pisil ko. Inangatan ko siya ng isang kilay nang samaan niya ako ng tingin. Lumalim ang simangot niya bago iiwas ang mga mata sa 'kin. "Wala."
"Wala? Anong wala?"
"Wala ka ngang naiwan," bubulong-bulnog niyang sabi bago dahan-dahang bitiwan ang kamay ko. Napapalatak siya at iritableng hinawi ang humahaba niyang buhok sa bandang tainga. "'Wag ka na ngang magtanong."
"Hoy, bakit ikaw ang naiinis dito?" Siya 'tong magulong kausap, siya pa ang naiinis. Narinig ko siyang bumulong ng sorry. "So ano 'yon? Ano'ng pinunta mo no'ng Linggo?"
Niyakap niya ang backpack kong suot niya paharap. Pumaling siya sa 'kin saglit. "Basta."
Base sa hitsura ni Deion, mukhang wala talaga siyang balak sumagot nang ayos kaya hinayaan ko na lang. Baka gusto lang talaga niyang umalis no'ng Linggo? Hindi pa kaya sila okay ng papa niya kaya ganoon? Ayaw niyang makita? Tapos okay lang naman na umalis siya dahil nando'n si Mark 'pag dumating ang papa niya.
Napatigil ako sa paglalakad nang may makitang blonde na pumasok sa lab galing sa kabilang end ng hall. Timing nga naman.
Siguro nasa loob din si Maxine kung nando'n si Shana. Marami namang table sa lab . . . at sakalimang marami ring students, siguro naman hindi ako gaanong kamalas para sa kanila maki-table si Mark, di ba?
At kung malasin man ako nang todo-todo, ano naman? E sila naman 'yung nag-e-effort magpanggap sa harap ko, hindi naman ako. Sila naman 'yung dapat kabahan dahil mag-slip sila. Bakit ko ba sila binibigyan ng power over me? Saka, wala rin naman akong choice dahil bawal nga sa unit nina De—
"Billie."
"Ha?" Pumaling ako kay Deion na hindi ko namalayang hawak na ulit ang kamao ko. Nagbuntonghininga siya bago itaas 'yon, paghiwa-hiwalayin, at i-relax ang mga daliri, gamit ang dalawa niyang kamay.
"Maggupit ka nga ng kuko mo," aniya habang sinusubukang burahin ng thumb niya 'yung mga marka ng kukong bumaon sa palad ko. "Masasaktan ka niyan e," dagdag niya, umiiling, bago ibaba ang mga kamay namin.
Hindi niya binitiwan ang kamay ko hanggang sa makaupo kami sa table kung nasaan si Mark.
* * *
Dumating na ang setting ng impyerno sa academic setting—exam week. Kinaladkad ko ang bigat ko palabas ng banyo. Pang-ilang hilamos ko na tonight para magising. Kanina pa lumipas ang hatinggabi.
"May susi ka?" tanong ko kay Je pagbalik sa kuwarto. Tumango lang siya habang nagsusuot ng jacket.
Malapit sa school 'yung may bukas na A3 printing at do'n kami pupunta. Actually hindi ko naman kailangang magpa-print, pero sasamahan ko si Je dahil dis-oras na, saka baka bumigay ako sa antok kapag naiwan akong mag-isa sa apartment.
Napabuntonghininga ako bago ilugay at itali ulit nang ayos ang buhok. Sino ba kasi ang nag-imbento ng exams? After nitong midterms, mag-iipon talaga ako ng tulog.
Kumunot ang noo ko nang makitang may Messenger notification ang phone ko. Pagtsek ko, galing 'yon kay Deion, kaya lalo lang akong naguluhan. Kung meron man akong ine-expect na magaan ang workload ngayon at hindi magpupuyat, si Deion 'yon.
I guess walang sinanto 'tong midterms namin. Kahit nga si Je na sobrang sipag at dikit na dikit sa schedule niya, gising pa rin until now para makapagpasa ng midterm output bukas.
Gising pa? Kani-kanina lang niya 'yon s-in-end.
Dinampot ko muna ang wallet at jacket ko bago sumunod kay Je palabas ng apartment, saka ako nag-reply. Magpapaprint kami ni Je
Sa may school?
Yesss
Ako rin.
Nagsalubong ang kilay ko roon. Puwede namang super agahan na lang niya bukas para hindi na siya pupunta ng school ngayon. Magda-drive pa siya? Sila ni Mark?
Anlayo???
Dito lang kami ni Mark sa tabi. Sinundan agad 'yon ng picture ni Mark. Natawa ako nang wala sa oras dahil mukha na rin siyang zombie na nakatitig sa laptop niya. Medyo comforting din nang slight. Ibig sabihin may kasama akong nagdudusa ngayon. Sinamahan ko lang.
May malapit na 24-hour study hub. Di pa ako nakakapunta roon pero nadaanan at naririnig ko na sa mga blockmates ko. Malapit lang naman kasi ang apartment namin ni Je kaya do'n lang kami lagi. Pero mukhang okay ring i-try. Nang-aakit kasi ang kama sa apartment e.
Di na ako nag-reply at tinabi na ang phone sa bulsa. Niyakap ko ang braso ni Je habang naglalakad kami dahil ang lamig ng hangin.
Pagkarating namin sa printing shop sa tabi ng school, nando'n na si Deion sa labas, sukbit ang backpack niyang itim, naka-cap, at nakasandal sa isang gilid. Kung hindi lang maliwanag dito at silhouette lang niya ang kita, baka napagkamalan na siyang masamang loob.
Hinigpitan ko ang yakap sa braso ni Je nang mapatingin si Deion sa amin. Hindi ko pinakawalan ang braso ni Je kahit ramdam kong tina-try niyang bawiin (hindi talaga siya touchy) at nasa tapat na kami ni Deion.
"Magpapa-print ako, Billie," sabi ni Je, natatawa, at sinubukan ulit na hugutin ang braso niya sa pagkakayakap ko. Napasimangot ako pero binitiwan ko na rin siya para matapos kami agad at makabalik.
Naiwan kami ni Deion sa labas. Di ko alam kung bakit merong few awkward seconds na tahimik lang kami. Binasag lang niya ang awkwardness nang guluhin niya ang bangs ko at ipabitbit sa 'kin 'yung plastik na hawak niya.
"Tig-isa kayo," aniya nang silipin ko ang laman ng plastik. Dinampot ko na 'yung isang lata ng canned coffee na malamig pa. "Marami ka pang gagawin?"
Umiling ako. "Kaunti na lang." Tinago ko sa likod ng kamay ang hikab ko. Inagaw ni Deion ang latang hawak ko at binuksan bago ibalik sa 'kin. "Thanks . . . . Ikaw? Nasaan si Mark?"
Binulsa niya ang mga kamay bago ako tabihan sa pagkakasandal sa grills na katapat ng printing shop. "Wala na akong gagawin."
Wow. E di siya na. Unfair talaga ng mundo.
Tahimik lang kami ni Deion habang hinihintay si Je na matapos sa pinapa-print niya. Hindi naman siya gaanong natagalan.
"Ba-bye," pabulong kong paalam kay Deion nang tanguan na siya ni Je at pasalamatan do'n sa canned coffee.
Sinabayan ko ang pagpapaalam ko ng sundot sa tagiliran niya dahil for some reason may something awkward talaga sa hangin sa pagitan namin. Di naman super awkward, pero may something.
Sinapo ni Deion ang tagiliran niya nang nakasimangot. "Ingat kayong dalawa."
Kumaway ako kay Deion bago kami tuluyang umalis ni Je. Nang sumulyap ako pabalik, naabutan ko si Deion na naglalakad na papunta sa kabilang direction, babalikan na siguro si Mark.
Hindi pa kami nakakalayo nang magtanong si Je, "Ano'ng pina-print niya?"
Kumunot ang noo ko. "Ha?"
"Ni Deion," aniya pagkatapos buksan ang canned coffee. "Bakit siya nando'n? Hindi ba siya magpapa-print?"
Napatigil ako saglit sa paglalakad, pero humabol ako agad kay Je. Oo nga, 'no? Parang wala naman siyang hawak na papel kanina. Baka sa short bond paper lang 'yung pina-print niya at kasya sa backpack niya?
"Di ko alam do'n," sagot ko ko. Sumulyap lang sa 'kin si Je at hindi na nagsalita.
Pagbalik namin sa apartment, nag-chat ako kay Deion at tinanong kung ano ang pina-print niya. S-in-een niya lang ako. Nag-message lang siya after twenty minutes, nagtatanong kung nakauwi na kami ni Je.
* * *
Sa third day ng midterms week, nag-decide kami ni Je na sumama roon sa mag-best friend sa study hub. Ang dahilan ko, mas gusto ko roon dahil wala ngang nakakaakit na kama. Si Je, 'yung availability ng pagkain anytime.
Hindi naman talaga kami dapat sasabay kina Mark at Deion, pero inevitably nagkasabay kami. Saka, hinahabol ako ni Mark at dinedemandahan ng regalo dahil malapit na ang birthday niya.
"Sasama ka ba ro'n sa out of town?" tanong ni Mark pagkarating namin. Napatingin kami parehas sa mga kasama naming ang unang ginawa ay magbukas ng laptop at magsalpak ng earphones pagkaupong-pagkaupo.
Nang ibalik namin ni Mark ang tignin sa isa't isa, parang nagka-silent agreement na kaming ibang breed ng pagka-studious 'tong mga BFF namin. Meaning, mas mahina pa dapat sa bulong ang pag-uusap namin kung ayaw namin both mapagalitan. Lumipat si Mark sa upuan sa tabi ko at hindi man lang siya napansin ni Deion na nasa laptop ang tingin.
"Di ko naman kilala 'yung may birthday," sagot ko sa tanong ni Mark. A few days from now 'yung exhibit na pinaghandaan namin. Tapos the next day 'yung may birthday na nag-invite sa place niya out of town. Pagkatapos n'un, birthday ni Mark.
"E sumama ka na, invited ka naman e," pamimilit niya.
Nagkibit-balikat lang ako. Hindi kasi sasama si Je. Hindi ko na 'yon kailangan itanong sa kaniya; alam ko nang hindi siya fan ng celebrations e. Kahit nga birthday nila ni Jo, hindi siya enthusiastic. What more do'n sa hindi naman niya kilala? E 'pag wala si Je, sino na lang kasama ko?
Nilabas ko ang laptop ko para simulan ang ambag ko sa zine project namin. Hindi pa 'yon nagbu-boot completely nang yugyugin ni Mark ang braso ko. "Sumama ka na kasi."
"Bakit ba? Si Deion isama mo," suggestion ko.
Sumulyap ako kay Deion at nahuli siyang nakatingin kay Mark pero binalik din niya agad ang mga mata sa laptop screen niya. Tumigil si Mark sa pagyuyog sa braso ko.
"Sasama naman talaga 'yan e," ani Mark. "Sama ka na dali. Imagine-in mo na lang na birthday-an ko 'yon."
Natawa ako roon. Hindi niya talaga ako tinigilan. At dahil hindi ko matapos-tapos 'yung article na naka-assign sa 'kin dahil ginugulo nyia ako, um-oo na lang ako. Kung ando'n sila ni Deion, ibig sabihin may makakasama naman akong kilala ko. Iniisip ko lang kung pupunta sina Shana. Ayaw ko silang kasama, pero hindi naman ako 'yung may birthday so di ko sila puwedeng pagbawalang pumunta.
Natahimik na naman si Mark pagkatapos kong pumayag (at mag-promise na bibilhan ko siya ng regalo). Doon na kami nag-dinner. Mag-a-alas nueve na nang magpaalam si Mark dahil nagpapasundo raw sa kaniya si Ate Maggie.
"Ikaw?" tanong ni Mark kay Deion habang inaayos ang mga gamit niya.
Sinarado ni Deion ang laptop niya. Aalis na rin siguro siya at sasabay na.
Pinagsiklop ni Deion ang mga kamay at sinandal do'n ang batok niya, mukhang nag-iisip. Nahuli ko siyang mabilisang sumulyap sa 'kin bago paghiwalayin ang mga kamay niya at isuklay 'yon nang sabay sa buhok niyang hindi pa rin niya pinagugupitan. "Una ka na. Hatid ko pa 'to."
Napatigil ako sa pagche-check for errors sa sinusulat kong article. Ang unang inutos ng isip ko sa 'kin ay tingnan ang reaction ni Mark, kaya ganoon ang ginawa ko. Mukhang ang nasa isip rin niya ay lingunin ako kaya nagkatinginan kami. Kitang-kita ko tuloy kung paano niya pinigilan 'yung tawa niya dahil bawal ang maingay rito.
"Wala na, di na kita reregaluhan," banta ko bago pa siya mang-asar. Pinakawalan na niya 'yung tawa niya pero walang sound.
Napasimangot ako at binaba ang tingin ko sa laptop screen ko. Di ako namumula. Di ako namumula. HINDI. Mainit lang ang mukha ko.
Huminga ako nang malalim at hindi inalis ang tingin sa ginagawa ko, kahit na sa gilid ng screen ay naaaninag ko si Deion na for some reason ay pinanonood ako. For sure nanti-trip lang siya at tinitingnan kung affected ako.
Di ko na natiis at nilingon ko na si Deion para lang irapan. Umangat ang isang gilid ng labi niya bago ilipat ang tingin kay Mark na t-in-ap siya sa balikat bago umalis.
Pagkaalis ni Mark ay tinampal ko ang parehas na pisngi ko. Kung namumula man 'yon, e di may excuse ako kung bakit. Tumayo ako nang narinig kong tumawa nang mahina si Deion. Ang lalaking 'to. Kung trip niya, trip niya talaga.
"Magsi-CR lang ako," paalam ko. Hindi siguro ako narinig ni Je na nakasalpak pa rin ang earphones at busy ang mga daliri sa pagta-type. Tinanguan lang ako ni Deion. Sinamaan ko siya ng tingin bago ako tuluyang umalis. Ngumiti lang siya. See? Aware siya sa pinaggagagawa niya.
Nagtali lang ako ng buhok sa banyo, tsinek kung mainit pa ang mukha ko, at naghugas ng kamay. Kalalabas ko pa lang ng corner papunta sa banyo, kita ko na agad si Deion na nakahabol-tingin sa 'kin. Inangatan ko siya ng kilay nang makabalik sa tbale namin. Hindi naman siya nagsalita—talagang nakatingin lang siya. Nagbuntonghininga ako. Mukha ba akong may built-in interpreter sa utak ko para malaman kung ano'ng gusto niyang sabihin?
"Do'n ka na sa tabi niya." Napatingin ako kay Je nang magsalita siya. Tanggal na ang earphone sa isang tainga niya. Kinuha niya ang backpack niyang nasa kaliwang upuan sa tabi niya at nilipat sa seat ko.
Kumunot ang noo ko. "Ayaw ko n—" Hindi ako pinatapos ni Je dahil sinalpak niya ulit ang earphones niya bago itulak ang laptop ko papunta sa opposite side, sa tabi ni Deion.
Pinanliitan ko ng mata si Deion. May sinabi ba siya kay Je? Idadamay niya pa sa trip niya. Inangatan lang niya ako ng dalawang kilay. Doon na ako sa tabi niya umupo para lang hindi na humaba ang usapan. Baka asarin pa niya ako e.
Pansin kong nakaayos na ang mga gamit ni Deion, puwera na lang sa laptop niyang nakapatong pa sa table. Sumubsob din agad siya sa table kaya ako komportableng nakagawa ng ambag ko sa zine dahil hindi niya mababasa ang tina-type ko.
I assume wala na talagang siyang gagawin. Sasabihan ko sana siyang umuwi na, kaso pakiramdam ko, nakatulog na siya dahil hindi siya nag-react nang i-tap ko siya sa braso. Ayaw ko namang sirain ang idlip niya.
Hinayaan ko na lang siya sa tabi ko dahil choice din naman niya 'yon. T-in-ry ko na lang na patahimikin ang pagta-type ko as much as possible para hindi ako makaabala sa pahinga niya.
Mag-a-alas-diez nang tamaan ako ulit ako ng gutom. Tapos na naman ako sa part ko, pero di pa kasi kami tapos as a group so hindi ko ma-pack-up ang mga gamit ko. Baka may ipahabol pang gawain sa 'kin e. Isa pa, mukhang di pa tapos si Je sa ginagawa niya kaya hindi pa ako uuwi.
Maingat na maingat kong tinulak ang upuan ko paatras para hindi gumawa ng ingay, pero napatingin pa rin sa 'kin si Deion galing sa pagkakasubsob niya. Umayos siya ng upo at inunat ang leeg niya.
Mabilis na pinasadahan ng isang kamay niya ang nagulo niyang buhok. "Saan ka pupunta?"
"Bibiling pagkain," sagot ko. "Sorry, nagising ka ba?"
Umiling siya, kahit obviously, nakatulog na siya kanina at nasira ko 'yon. Halata naman sa mga mata niya e. "Umuwi ka na kaya?" suggestion ko. Di hamak na mas komportableng matulog sa kama kaysa rito sa table.
Di niya ako pinansin, na parang wala siyang narinig completely. Tumayo siya at sinabihan lang akong mauuna na siyang pumila roon sa bilihan ng food sa baba.
Tinanong ko muna si Je kung may gusto siyang kainin. Nang sabihin niyang wala, saka lang ako sumunod kay Deion. Nakita ko siya sa pilang naka-cross arms, nakapikit, at nakatungo—mukhang naghahanap ng continuation 'yung idlip niya kanina. Tsk, tsk. Ayaw pa kasing umuwi.
"Upo ka muna do'n," sabay nguso ko sa bench sa tabi ng water dispenser. "Ayaw ni Je ng nakakaamoy ng food habang nag-aaral. Diyan ko na uubusin 'yung sandwich ko."
"Okay," matamlay niyang sagot at dumeretso na roon sa upuan. Buti naman at wala siyang energy na kontrahin ang utos ko.
Pagkatapos kong bumili, umupo muna ako sa tabi ni Deion dahil niluluto pa raw 'yung pagkain. Sumilip ako sa nilalaro niya sa phone niya.
Natawa ako nang makitang naglalaro siya ng rabbit na nagbe-bake. Ang cute nga e. Pero kung titingnan kasi siya mula sa malayo, mukha siyang may super serious business na ginagawa base sa seryosong mukha niya at focused na focused na pagta-tap niya sa screen.
Sinundot ko ang sleeve ng padded jacket niya. Ang kapal e, parang unan. Sinandal ko roon ang ulo ko habang pinanonood siyang maglaro at pinisil-pisil ang paddings sa braso niya. Ang lambot-lambot, tapos ang bango pa. Ang sarap hiramin tapos 'wag nang ibalik. Makapagpabili nga rin ng padded jacket.
"O, mali," puna ko nang imbes na heart-shaped ay triangle na dough 'yung pinili niya. Nalungkot tuloy 'yung customer niya sa laro.
Winagwag ni Deion ang kaliwang kamay at pinunas sa slacks niya. Pinatalbog ko ang pisngi ko sa padding ng jacket niya. Lambot talaga. "Sayang tuloy 'yung coins."
Panay ang punas niya ng palad niya sa hita niya. Tatanungin ko sana siya kung tapos na ang group nila sa zine, pero nalunok ko ang tanong ko nang iangat ko ang tingin sa kaniya. Dahil maliwanag ang ilaw ng striplights, kitang-kita ko kung gaano kapula 'yung leeg niya. Kumunot ang noo ko, hanggang sa ma-realize kong yakap-yakap ko pala ang braso niya na parang hotdog na unan.
Inalis ko kaagad ang kapit ko kay Deion. Di ko napansin na nakayakap na ako roon. Tapos di rin naman niya ako sinita, di ko tuloy alam na hindi siya comfy. "Ay, sorry . . . ."
Tumikhim lang siya at tumango, tapos pinunas ulit ang palad sa hita iya. Ayan na naman yong awkward air na napapansin ko sa pagitan namin minsan. Buti na lang tinawag na ako ni ate na nagbebenta kaya may reason ako para tumayo ako at umalis. "Kuhanin ko lang 'yung binili ko," paalam ko.
Tumango siya at tumikhim ulit, hindi pa rin ako tinitingnan. "O—Okay . . ."
Pula pa rin ang leeg niya hanggang sa maubos ko ang sandwich ko at bumalik kami sa table. Hindi na kami nag-usap the whole night, pero hinatid niya kami ni Je sa apartment.
The next day, natapos ulit ang araw nang hindi kami nag-iimikan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top