Chapter 12
012122 #HatemateWP Chapter 12
Finally, uwian na rin.
Malamig at madilim na sa labas. Pag-uwi ko, for sure bagsak ako agad sa kama. Dapat talaga kanina pa ako umuwi. Gumawa na lang sana ako ng excuse para nakasibat ako agad. E di sana mahaba-haba ang tulog ko. Lamog pa naman ako sa biyahe kaninang madaling araw.
Inipon ko ang buhok ko sa kanan at itinali. Pakiramdam ko nalutang na lang ang ulo ko sa sobrang drain. Ewan ko rin kung bakit parang bigla akong iniwan ng kaluluwa ko. Pakiramdam ko tulog na ang utak ko pero dilat pa ako at kailangan lang talaga gumalaw ng katawan ko para makauwi.
Napalingon ako sa kanan at bumalik 'yong kaluluwa ko for five seconds. Sa saglit na 'yon, umayos ng tayo at binalik agad sa harap ang tingin. Ano ba 'tong si Deion? Pakiramdam ko nagiging aso na ako sa talas ng pang-amoy ko sa kaniya e.
"Uuwi ka na?" tanong niya. Hindi na siya parang cloud na may dalang mabibigat na ulan. Nag-lighten up na nang kaunti 'yung mood niya.
Hah. Gawa siguro ni Ate Maggie. E di good for him.
Ako na lang ang magpapanggap na hangin. Ang hangin, 'di siya nairrinig. 'Di rin nagre-respond. At 'di rin siya papansinin.
Hindi ako sumagot sa tanong niya. Nasaan na ba ang kambal-tuko nito at bakit nandito 'to sa 'kin?
"Uuwi ka na?" ulit niya.
"Uuwi ka na? Uuwi ka na? Uuwi ka na?"
Humigpit ang pagkakahawak ko sa cellphone ko.
Nilingon ko siya. So ito ba 'yung result ng pananahimik for the whole day? Nagiging sirang plaka siya? Lintik.
"Hindi." Inalis ko ang tingin sa kaniya. Tumigil na siya sa kaka-uuwi ka na? niya. "Maglalaba ako."
"Ganitong oras? Saan?"
Hindi ako sumagot. Hindi ba siya marunong maka-sense ng sarcasm?
"Saan? Saan? Saan?"
"Uuwi na 'ko!" Jusko, walang pag-asang manalo sa lalaking 'to, sa lahat ng aspeto! For some reason, lagi na lang niya akong naiisahan e. Kaya nga gusto kong lumayo-layo, pero wala na, imposible na 'yon. Unless, mag-transfer siya ng schools or mag-shift ng program, dahil hindi naman ako puwedeng mag-transfer at wala akong balak mag-shift pagkatapos i-endure 'yung mga nangyari for the past few weeks.
"Okay," sabi niya. Dedma siya roon sa kasasabi ko lang na maglalaba ako. "Samahan na kita."
Napakamot na lang ako sa ulo. Kanina bad mood siya, 'di ba? Nilapit ko nga 'yung upuan ko sa kaniya 'tapos ayaw niya akong tingnan e. Bakit ngayon ganito siya? 'Labo nito e. 'Hirap intindihin.
"'Wag na. Nasa'n ba sina Mark?" tanong ko. Lumayo-layo na kasi agad ako pagkalabas namin. Nagba-bye lang ako nang mabilis as courtesy 'tapos sumibat na. 'Di ko naman in-expect na didikit sa 'kin 'tong isang 'to.
"Sinamahan si Mags pauwi. Kasama nila si Yael, baka raw 'di makauwi mag-isa 'yon e."
Nilingon ko siya. Nabura agad 'yong kalmado niyang mukha dahil bigla niya akong kinunutan ng noo.
Tinaasan ko siya ng kilay. Ano na naman?! Tumingin lang ako! Bakit bad mood na naman yata siya?
"'Problema mo?" tanong ko.
Sabi pa naman ni Mark kanina, kasalanan ko raw kung bakit parang naglalakad na sama ng loob si Deion kaninang umaga. Oras na para alamin kung totoo 'yon. Ngayon na habang hindi pa natatapos ang timer at nagsasalita pa si Deion.
"Tss." Siya ngayon ang umiwas ng tingin. Malalim ang simangot niya. Akala mo naman ang laki ng kasalanan ko sa kaniya, kung mayro'n man! "Nasabi lang si Yael e . . ."
Nakailang kurap ako sa kaniya. 'Lang 'yang 'to, ang galing talaga mag-inarte! Talent niya ba 'yan?! "For someone na 'di ko naman talaga jowa, ang laki ng problema mo."
Umawang ang bibig niya bago ako lingunin. Siya pa ang may ganang magmukhang offended. E ako nga 'tong napeperwisyo ng pagiging moody niya. Ano ba siya, bata?
Umiwas ulit siya ng tingin at binalik ang simangot. "'Di naman ako nagseselos."
"Wala naman akong sinabi," sabi ko kaagad. Anong selos-selos?! Kung sa'n-sa'n nakakarating 'tong si Deion e. "Bakit ko naman iisipin 'yon? Bakit ka pati magseselos, crush mo b—"
Hindi ko na tinuloy ang sasabihin ko. Tinikom ko na lang ang bibig ko dahil alam ko na rin naman ang isasagot niya kapag tinuloy ko.
'Kainis naman. Bakit parang bumalik sa 'kin 'yung pambabara ko dapat sa kaniya?
Hindi na rin siya nagsalita. Tumahimik na lang din ako kahit na sinamahan niya ako pauwi.
Iidlip sana ako sa daan dahil alam ko namang kahit gaganiyan-ganiyan si Deion, 'di ko naman need mag-worry kung mananakawan ako or what. Hindi dahil sa ipagtatanggol o poprotektahan niya ako or mahuhuli niya 'yung mandudukot, sadyang hindi lang ako 'yung pipiliin kasi mas maganda siyang target. Pero hindi ko naituloy dahil bigla akong nagising sa naisip ko.
Paano 'to uuwi?! Ayaw ko na siyang tanungin mamaya kung nakauwi na siya dahil the last time na ginawa ko 'yon, s-in-een niya lang naman ako. Pero paano ko pipigilan 'yong maliit na concern ko?
"Ba't mo pa ba 'ko ihahatid?" tanong ko. Bigla ko tuloy siyang gustong pakiusapang umuwi na siya. O ako na lang ang maghatid sa kaniya. Jusko.
Hindi siya sumagot. Grabe. Kapag feel niya lang, saka siya magsasalita?
"Concerned ka?" dagdag ko.
Mabilis siyang napalingon sa 'kin. "Gusto mo ba akong maging concerned?"
"Hindi," mabilis kong sagot at inalis na ulit ang tingin sa kaniya. Kaniya na 'yang concern niyang babalik din naman sa 'kin mamaya dahil kung ano-anong mai-imagine kong pagdukot sa kaniya sa daan.
Naging tahimik ang sunod na ilang minuto namin. Nakarating na kami sa apartment kaya mahihiwalay na siya sa 'kin, finally. Ang problema ko na lang e paano ko sisiguruhing makakauwi siya nang isang buo. Pakiramdam ko lagot ako kapag may nangyari sa kaniya e, kaya ayaw kong ako ang huling kasama niya. Baka awayin ako nung ate niya.
"Paano ka uuwi?" tanong ko sa kaniya habang busy siyang sipatin 'yong building as if first time niya 'yong makikita. Binaba niya ang tingin sa 'kin.
"Bakit mo tinatanong? Concerned ka?"
Wow. So marunong na talaga siyang magbalik ngayon. Epekto ba 'yan ng whole day nanahimik?
"Gusto mo ba akong maging concerned?" Marunong din akong manggaya ng statement, 'no.
Umangat ang dalawang kilay niya. "Depende. Try mo nga. 'Tingnan ko kung magugustuhan ko."
Dapat yata niligaw ko siya 'tapos tinakasan. Buwisit na lalaking 'to. "Ayoko nga. Paki ko ba kung gusto mo 'ko o hindi?"
Iniwan ko na siya roon at nagdere-deretso paakyat sa second floor nang hindi nagpapaalam. Hindi naman siya mangangahas na sundan ako sa taas dahil nasabihan ko na siyang bawal ang lalaki.
Pagkapasok ko sa loob ng unit, nag-ping agad ang cellphone ko. May idea na ako kung kanino galing 'yong message. Hindi ko 'yon tiningnan agad. Baka maka-reply pa ako at asarin niya pang ang bilis kong mag-reply. Nagtanggal muna ako ng sapatos at nagwalis sa salas bago yon basahin.
Hindi pa rin naka-save ang number ni Deion sa phone ko. Lock mo yung pinto.
Malamang ila-lock ko. Hindi ko na 'yon ni-reply-an. Habang nagpapalit ako ng damit, tumunog ulit 'yong phone ko. Umuwi na ako.
Di ko naman tinatanong.
Mabilis ang reply niya roon. Sinasabi ko lang. Baka concerned ka.
'Tigas din ng mukha nito minsan e. Bakit ba siya nagre-reply pa? Mamaya madekwatan siya ng phone. 'Buti sana kung nanakawan lang siya, 'di 'yon dapat problemahin. E paano kung may gawing masama sa kaniya? Ingat ka. Tanga ka pa naman.
Thanks :)
Napairap na lang ako bago bitiwan ang phone ko. Wala akong matatapos kung doon ako tututok. Pagod na ang katawan ko pero puwede pa naman akong mag-advance reading. Ia-update ko pa pala si Jerica sa nangyari sa klase ngayong araw.
Dahil ayaw kong tingnan 'yong phone ko, 'yong laptop ko ang kinuha ko at doon nagbukas ng Messenger para kausapin si Je. Papasok na raw siya bukas, though hindi ko sure kung totoong mangyayari 'yon at magaling na siya, o siya lang ang makulit na nag-decide.
After one hour ng pagpapanggap na may naiintindihan ako, sh-in-ut down ko na ang laptop ko. Bumalik ako sa kuwarto at tinihaya 'yong phone kong nakataob sa table.
Walang bagong message.
. . .
UGH. E ano naman?! Tinaob ko na lang ulit 'yong phone ko. Tinago ko ang laptop ko sa bag at nagwalis-walis sa sahig ng kuwarto bago humiga sa kama. Kanina, nung nasa readings 'yong mata ko, inaantok ako. Ngayong wala akong ginagawa, parang nagising naman ang diwa ko.
Huminga ako nang malalim. One hour naman na. Kung may nangyari naman yatang masama sa kaniya, baka tinawagan na ako ni Mark dahil baka alam niyang ako ang huling kasama, 'di ba?
'Lang 'yang lalaki talaga 'yun. Pahirap sa buhay ko kahit kailan.
Halos mapabalikwas ako ng upo nang tumunog ulit 'yong phone ko. Akala ko si Mark 'yon kagaya ng ini-imagine ko, pero hindi pala.
Good night, b.
Mabilis kong binalik ang phone ko sa pagkakataob sa table. Lumagutok pa 'yon dahil napalakas ang pagkakapatong ko kaya sinilip ko kung nagka-crack 'yong protector. Nang makita kong wala, binitiwan ko na.
Bumalik ako sa pagkakahiga. Dinampot ko ang unan ko at nilubog ang sariling mukha doon dahil baka makabulabog ako ng kapitbahay. 'Di ko alam kung ano'ng itinitili ko.
Hay.
'Kainis.
* * *
Jusko.
WALA AKONG TULOG! Buwisit.
"Okay ba 'yun?" rinig kong tanong ni Ate Maggie, pero 'di ko alam kung saan siya nagsimula. Kanina pa siya nagsasalita pero wala talaga kong naintindihan. Hindi pa rin nakapasok si Je kaya wala akong mahihingian ng recap.
Nagsitanguan sila. Ako naman, nag-hope na lang na hindi ako patanga-tanga sa kung anoman 'yong inutos na gawin namin.
Kanina sa kalase, wala yata akong na-pick up sa pinagsasasabi no'ng History. Magre-rely na naman ako sa self-study ko mamayang gabi—kung may maiintindihan man ako ro'n.
Nilingon ko 'yong salarin kung bakit wala akong tulog. Napalingon din siya sa 'kin at inangatan ako ng dalawang kilay habang umiinom ng tubig. Nakasalamin siya ngayon.
Pakshet talaga.
Iniwas ko ang tingin sa kaniya. Nabigla na lang ako nang kalahati yata sa group namin, umalis, pati si Mark. Susunod na lang sana ako sa kaniya nang may sumitsit sa 'kin. Nilingon ko si Deion na inilingan ako. Kumunot ang noo ko. Ano ba'ng nangyayari?
Naiwan din naman 'yong dalawang babaeng kinawayan ako kahapon habang kumakain kami kaya nag-stay put ako. Nasilip ko sa ID na Maxine 'yong pangalan ng nakasalamin. 'Yong bleached ang buhok, hindi ko pa rin maalala ang pangalan niya. Ginrupo ba kami? Sa kanila ako kasama?
"We need chairs and tables," sabi ni Ate Maggie habang kinakalkal iyong file niya. Maya-maya lang, may nilabas siyang mga papel. Ini-scan niya iyon bago iabot sa 'min. Si Maxine 'yong tumanggap. "Pero need munang bilangin bago i-transfer sa hall. Check niyo rin 'yung may damages at kung kanino or saan ibabalik. Kapag kulang or may sira kasi, tayo mapapagalitan. Pero hindi kayo ang magmo-move, ah? Hayaan niyo na sina Yael du'n."
"Tayo ba ang magbabalik?" tanong ni Deion. So hindi siya hangin today. May gana siyang magsalita.
Umiling si Ate Maggie. "No, sa clean-up na 'yun." Wala akong nage-gets. "Magpapa-approve muna ako sa faculty. Kaya niyo na ba 'yang hanapin? Nandiyan naman 'yung name sa permit."
Nag-agree 'yong dalawang babae. Nag-stay akong lutang. Binalikan nila sa long table 'yong mga gamit nila kaya sumunod ako para kuhain ang backpack ko.
"Okay ka lang?"
Napalingon ako kay Deion. Dumako ang tingin ko sa shoulder bag ni Ate Maggie na kadadampot lang niya. Isinukbit niya iyon sa balikat niya bago kuhain ang backpack niyang itim.
Imbes na sagutin siya ay tumalikod na lang ako at sumama kina Maxine.
* * *
Kaming tatlong babae ang magkakasama. Sumama si Deion kay Ate Maggie at wala akong pakialam.
Sumusunod lang ako kina Maxine at Shana na kapapakilala lang ng sarili niya sa 'kin. Tinandaan ko na 'yung pangalan nila para hindi ko na sila tatawaging Ateng Nakasalamin at Ateng Blonde. Pumunta kami roon sa pagpapaalaman namin na kukuha kami ng chairs. Pagkatapos kasi ng midterms, mukhang marami-raming events 'yong mangyayari. Paunahan tuloy sa pagpapaalam na makakuha ng gamit.
"Okay na," sabi ni Shana pagkalabas niya roon sa isang office na pinuntahan namin. May pirma na 'yong papel na bigay ni Ate Maggie kanina. "Bilangin na daw kung ilan 'yung chairs at tables, 'tapos magpapirma ulit kapag sure na 'yung number," bumaba ang tingin niya sa papel na hawak, "'tapos magpa-acknowledge daw ulit sa kung sinoman 'to."
Tumango lang ako. Lutang na nga ako, 'tapos hindi ko pa sila ka-close. 'Buti sana kung tatlo kaming hindi close e. Pero sila kasing dalawa, magkakilala na, so ako lang ang out of place.
Nilingon ako ni Maxine bago ibalik ang tingin kay Shana. "Puwedeng kami na lang 'yung kumuha nung gamit, 'tapos ikaw na lang 'yung maghanap nung pipirma pa diyan."
Ayos lang naman sakin 'yon kasi parang nakikipag-tagu-taguan yata 'yong mga staff na hinahanap namin. Parang nakatatlong ikot kami bago maabutang nasa office 'yong isang hihingian namin ng pirma.
"Hala, mag-isa akong maghahanap?" tanong ni Shana. Hindi nakasagot sa kaniya si Max.
"Kayo na lang magpapirma, ako na lang do'n sa chairs," presinta ko. Wala rin naman akong silbi kung sasama ako sa kanila. Nahihilo na rin ako kalalakad dahil halos dalawang oras lang yata ang tulog ko.
Doon nga kami nagkasundo. May binilin si Shana sa 'king papel na dadalhin kay Ate Maggie pagkatapos ko. Babalikan daw nila ako 'pag maaga nilang natapos 'yong pinapipimrahan nila.
Sinunod ko 'yung instructions ni Shana. Pagdating ko roon sa lumang gym na hindi na ginagamit, akala ko naman madali na 'yong trabaho ko. Itatabi ko lang naman sa isang side 'yong 200 na monobloc chairs at kukuha ng sampung table. Pero jusko naman, ang tataas nung tore ng chairs. Hindi ko alam kung kaya ko silang itulak sa isang gilid nang ako lang. Ang alikabok pa at ang creepy ng vibes. 'Pag may multo dito, bahala na sila Mark na magbukod nitong upuan kasi tatakbo na 'ko pauwi.
Inuna ko 'yong folding tables. Nagka-muscle yata ako kahihila. Hinanap ko pa 'yong pare-parehas ng simula ng item code na nakadikit sa gilid dahil ang daming alam na kaartehan ng school. Para daw alam nila kung sino ang makakawala kung may mawawala man. Paano naman kaya 'to mawawala e? Sino namang mag-uuwi nito sa bahay nila e ang bigat-bigat?
Ang real challenge e 'yung monobloc chairs. Akala ko magkakasunod ng number 'yong mga nakapatas, pero halo-halo pala. Pagkatapos ko tuloy pagbabaklasin do'n sa stack, hinanap ko pa 'yong mga naka-indicate na hihiramin namin at pinagsunod-sunod. Natapos akong pawis na pawis at parang galing sa workout. Ang sakit pa ng braso ko kabubuhat at kahihila. Hindi na ako pinuntahan nina Shana at Max; baka hindi pa rin sila tapos magpapirma.
Napakamot na lang ako sa ulo nang maalalang may ibibigay pa ako kay Ate Maggie. Hindi ko alam kung puwedeng bukas na 'yon o hindi, kaya mas safe na ngayon ko ihabol sa kaniya. Ang problema nga lang, wala akong number ni Ate Maggie at nahihiya naman akong i-chat siya or mag-chat sa GC.
Wala akong choice. Number lang ni Deion ang mayroon ako at ayaw ko namang maghanap sa buong campus dahil pagod na talaga ako.
San si ate maggie? tanong ko sa text. Umupo muna ako sa bleachers habang naghihintay ng reply. Lumipas ang 10 minutes at wala akong napala, kaya tumayo na ako at lumabas ng gym dahil mainit sa loob. Wala yata akong choice kundi mag-walkathon today.
Nag-text ulit ako kay Deion, pinauulit-ulit lang 'yong tanong ko. Low batt ba ang phone niya? O hindi niya hawak? Malaman ko lang na ayaw niya lang akong reply-an, gagantihan ko siya.
Baka puti na lahat ang buhok ko, hindi pa rin nagre-reply si Deion. Kaya tinyaga ko na lang na hanapin si Ate Maggie sa lahat ng offices na madadaanan ko. Sinilip-silip ko na rin ang mga classrooms na may ongoing classes pa dahil baka doon siya napadpad.
Pati yata sa binti ko, tumigas na ang muscles ko, pero hindi ko pa rin nahahanap sina Ate Maggie at Deion. Bumalik ako roon sa meeting place namin pero wala kahit isang tao roon. Wala tuloy akong mapag-iwanan o mapakisuyuan nung papel.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Baka kapag nagpabalik-balik pa ako nang hindi alam kung saan talaga pupunta, tumumba na lang ako sa daan dahil sa antok at pagod. Hindi naman siguro magagalit si Ate kung bukas ko na ibibigay? E ano bang magagawa ko kung 'di ako nire-reply-an nung kasama niya kaya hindi ko alam kung saan sila hahapin?
Uuwi na lang ako. Dumaan muna ako sa canteen para bumili ng malaking bottled water.
Palabas na ako nang may mahagip ang mata ko. Si Ate Maggie.
Napatigil ako sa tapat ng binilhan ko ng utbig. Pinanood ko muna sila ng kasama niya. Nakailang kurap pa ako para sure akong sila nga ni Deion 'yong nakikita ko—baka kasi umeepek na 'yung puyat ko.
Hah. Sila nga. Kay Ate Maggie a'yong shoulder bag na nakapatong sa tapat ni Deion. Hindi ko alam kung ano 'yong tinitingnan nila sa phone na nakalagay sa pagitan nila. Pero ang alam ko, masarap 'yong bucket ng fries na pinagshe-share-an nila.
Lumapit ako sa kanila. Sabay na napaangat ang tingin nilang dalawa sa 'kin nang ilapag ko iyong papel sa table.
Ngumiti ako kay Ate Maggie. Sana hindi creepy tingnan kasi pilit. Pilit kasi pagod na ako. 'Yun lang.
Dumako ang tingin ko roon sa phone sa pagitan nila ni Deion. May kung anong sheet na tinitingnan sila roon. May crack 'yong tempered glass kaya alam ko na kung kanino. Hindi naman pala low batt. Hindi ba nag-send 'yong mga texts ko kanina?
Dinampot ni Ate Maggie 'yong papel at sinipat. "Bakit hindi mo kasama sina Shana? Sabi nila kanina bago umuwi, hindi ka raw nila makita."
Napakurap-kurap ako. Baka nakaalis na ako ng gym saka sila pumunta. Nagkibit-balikat lang ako. "Okay na 'yung chairs at tables. Uh . . . uwi na 'ko."
"Okay," aniya at nginitian ako. Na-guilty tuloy ako na badtrip ako at muntikan ko nang sa kaniya 'yon maibunton. Sumulyap siya sa katabi niya bago ibalik ang tingin sa 'kin. "Ingat ka pauwi."
Tumango lang ako bago sila talikuran. Hindi ko na tiningnan 'yong kasama ni Ate Maggie at nagdere-deretso na ako palabas. Kanit noong narinig kong tinawag niya ang pangalan ko, nagkunwari na lang akong walang narinig. Lugi lang talaga ako na mahaba ang legs niya kaya naabutan niya ako bago pa ako makalayo.
"Uuwi ka na?" tanong niya. Hindi ako sumagot. Ano sa tingin niya? Saan ako pupunta? Sa Mars? Malamang uuwi. Kasasabi ko lang kanina kay Ate Maggie, 'di ba?
Hindi pa ba halatang pagod na ako? Dumidikit na nga 'yong bangs ko sa noo ko dahil sa pawis kahahanap sa kanila ni Ate Maggie e. Malamang uuwi na ako. Hindi na ako para mag-stay sa canteen at kumain ng bucket ng fries.
"'Samahan na k—"
"Ayoko," putol ko sa sasabihin niya. Nilakihan ko ang mga hakbang ko kahit na alam kong wala 'yong magagawa para mauna ako sa kaniya. At least nag-effort, 'di ba? Tumakbo na kaya ako, 'tapos iligaw ko siya?
"Galit ka ba?"
Umiling ako. Bakit ako magagalit? Anong ikagagalit ko?
"Billie."
Nilingon ko siya at tinaasan ng kilay. Hindi nga ako galit. Magagalit ako kasi ang kulit-kulit niya. "Ano ba 'yon, ha?"
Naitikom niya ang bibig at lumunok. Naghintay ako ng sasabihin niya pero panay lang ang kurap niya sa 'kin. Hindi ko alam kung sobrang pagod lang talaga ako ngayon pero wala talagang epekto 'yong salamin niya ngayon. Gusto ko na lang talaga umuwi.
"Kung wala kang sasabihin, aalis na ako," sabi ko bago siya talikuran. Maglalakad-lakad na lang ako at sa kabila sasakay.
Mabilis kong binawi ang braso ko nang maramdaman kong may humawak doon. Sinamaan ko ng tingin si Deion na napalunok ulit. "Ano ba kasi 'yon?" tanong ko.
Akala ko this time may sasabihin na siya dahil bumuka na 'yong bibig niya. Pero walang nangyari. Sumimangot lang siya at kumurap-kurap sa 'kin. Ano ba'ng ginagawa nito? Nagpapa-cute?
Inirapan ko lang siya bago talikuran ulit. Dahil alam kong susunod siya, nilingon ko ulit siya. Tama nga ako dahil napatigil agad siya sa paglalakad.
"Diyan ka lang," sabay turo ko sa puwesto niya. Napatuwid siya ng tayo habang nakakapit sa dalawang straps ng backpack niya. Pinanliitan ko siya ng mata bago tuluyang iwan doon.
Mainit talaga ang ulo ko. Gawa siguro ng antok.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top