Chapter 11
Author's Note
Hiii, just a gentle reminder not to use any of my covers on any of your socmed accounts (: I got permission from the artists to use them here on my Wattpad account, so please don't grab and use them somewhere else!! Thank youuu xx
011122 #HatemateWP Chapter 11
Sabay na napatingin sa 'kin sina Mommy at Daddy nang mag-ring ang phone ko for nth time today. Sabi na nga ba, dapat iniwan ko na lang 'to sa kuwarto. S-in-ilent mode ko na lang 'yon para wala nang abala. Ang persistent, ha?
"Sino ba 'yun? Baka importante," sabi ni Daddy. Umiling ako at pinilit na ngumiti. Bago pa ako makauwi, tumatawag na si Deion. Hindi ko na s-in-ave ang number niya pero nasaulado ko na dahil kanina pa labas nang labas sa phone ko. Parang every 15 minutes, magri-ring ang phone ko e.
"Oo nga, baka sa school 'yan?" si Mommy. Umiling ako at dinampot ang phone kong nasa tabi ng plato. Inilipat ko 'yon sa bakanteng upuan sa tabi ko para hindi na namin makita.
"Mamaya na po 'yun. Family time," pagdadahilan ko. Napatawa si Daddy doon kaya nabawasan ang kaba ko. Kapag nalaman niyang may nagtatanong na lalaki kung nakauwi na ako, baka hindi na ulit niya ako pabalikin ng school. Siyempre wala namang something sa amin ni Deion, at hindi rin naman super strict (yata) ni Daddy, pero baka isipin niyang landi ang inatupag ko pagtuntong ng college. As if naman may time ako para doon. Wala na nga akong oras na matulog e, lumandi pa kaya?
Kahit na wala na sa mesa ang cellphone ko at naka-silent na, napapasulyap ako roon. Nagbe-breakfast kami nina Mommy, kaya valid reason naman siguro 'yon para i-ignore 'yong tumatawag.
Saka teka nga, bakit ba kailangan ko pang humanap ng 'valid' reason? Lahat ng reason ko valid. Hindi naman ako required sumagot e. Siya nga hindi ako ni-reply-an. Quits lang.
Ni-reply-an ko lang si Jo na nagtanong sa chat kung nasa bahay na ako, bago itago ang phone sa aparador pag-akyat ko ng kuwarto. Hindi ako nakatulog sa biyahe dahil hindi ko maisubsob ang mukha ko sa bag kong amoy Deion, kaya nagsabi ako kina Mommy na iidlip muna ako sa kuwarto.
Dalawang oras din ang tinagal ng idlip ko, at pagkagising ko, nasa baba na si Joseph kasama si Daddy.
"Good morning, Billie," bati niya sa akin, nakangiti. Tinanguan ko lang siya bago siya tabihan sa plastic bench sa labas ng bahay namin.
Sanay na naman sina Mommy na dumadayo sina Jo dito sa amin. Malapit lang kasi 'yung bahay nila, saka madalas din dito sa bahay namin 'yung mga kaklase namin nung senior high, kung hindi man sa bahay nila.
Alam man ni Tita Josephine na crush ako nitong anak niya, hindi naman sinasabi ni Jo sa parents ko. Kaya hindi ko siya 100% maayawan e. At least alam niyang ibang usapan na kapag dinamay niya sina Daddy.
Pinanonood lang namin ni Jo si Daddy na nag-a-upholster. Hindi na ako nagtanong kung ano ang ginagawa rito ni Jo kasi nasanay na rin akong pumupunta siya nang walang dahilan. Tumutulong siya minsan kay Daddy, noon.
"Wala kang gagawin ngayon?" tanong ko ka Jo. Usually, kapag pumupunta ako sa kanila, super busy talaga. Wala nang ginawa si Tita Josephine saka 'yong iilang helpers niya kundi magpabalik-balik sa kusina para kumuha ng pagkain, at sa tahian area nila. Walang naitutulong si Jerica sa ganu'n kundi magdala ng kung anong inuutos ni Tita. Pero si Joseph, marunong manahi, kaya right hand siya ni Tita kapag wala kaming pasok.
"Wala masyado, hindi pa naman prom season. Puro kurtina na sa bahay, kaya na naman ni Mama 'yun," natatawa niyang sagot. Noong grad ball namin, kay Jo ko pina-adjust 'yong dress ko. Alam niya talaga 'yung ginagawa niya. Ang galing nga e.
"Si Jerica?" tanong ko kahit nai-imagine ko na siyang nakapuwesto sa harap ng drafting table niya ngayon.
"Tulog. Kahapon pa masakit ulo nu'n."
"Grabe kasi 'yun e. Hinahalimaw 'yung reqs namin." Alam ko namang masipag si Je, pero ibang level siya ngayong college. Ayaw niya nga ng nakukulangan sa tulog, pero hindi naman siya nagpapahinga pagkagising na pagkagising niya. Hindi ko alam kung paano niya kinakaya 'yun.
"Ikaw, Billie? Hindi ka naman nagkakasakit?"
Napatingin ako kay Daddy. Umiling ako. Tinamaan na naman ako ng flashbacks ng una kong plate sa Design, na hindi ko babanggitin sa kaniya dahil nakakahiya. Hindi naman ako pariwara, 'no, pero baka ganu'n 'yung maging impression e.
"Puyat lang po lagi."
Tumango si Daddy. Nilitanyahan niya kaming dalawa ni Jo na alagaan daw ang katawan dahil mararamdaman agad namin pagtanda kapag inabuso namin.
Napatingin ako sa phone ko nang mag-vibrate iyon sa hita ko.
"Tsk." Pinatay ko ang tawag imbes na hayaan iyong mawala nang kusa. Kuha na naman siguro niya 'yung hint na nakauwi na ako dahil d-in-ecline ko na.
"Sino 'yun?" pabulong na tanong sa 'kin ni Jo. Hindi pa kasi tapos si Daddy na pagsabihan kami.
"Si Deion lang. Hayaan mo siya."
Kumunot ang noo niya. "Hindi naka-save ang number ng boyfriend mo?"
Tinaob ko ang phone ko. "Eh, tanda ko naman e," palusot ko. Lalo lang lumukot ang mukha niya. Gets ko naman dahil parang tanga 'yong reasoning ko, pero half-truth naman 'yun 'no!
"'Wag mo nga 'kong niloloko. Magkaaway na naman kayo?"
"Sino'ng kaaway? May kaaway ka, Billie?"
Napalingon ako ulit kay Daddy. Tumigil siya saglit sa ginagawa niya at inangatan ako ng dalawang kilay. Narinig kong tumikhim si Jo sa tabi ko.
"Wala, 'Dy. Groupmate ko lang. E rest day ko nga ngayon, 'di ba?"
Kung hindi man ako papapasukin sa langit, baka dahil 'yon sa dami ko nang kasinungalingang nasabi.
Tumango si Daddy at bumalik sa ginagawa niya, 'tapos sinabihan akong 'wag makikipag-away. Nagpaalam akong bibili ng merienda sa kanto, 'tapos siyempre binitbit ko na rin si Jo kasama ng coin purse ni Daddy dahil baka may hindi siya sinasadyang masabi kay Daddy.
"Magkaaway na naman kayo?" tanong agad sa 'kin ni Jo nang makalagpas kami ng tatlong bahay galing sa 'min. "At hindi alam ni Tito na may boyfriend ka?"
Well, nakita na nila si Deion dati. Pero sabi ko classmate ko lang. 'Tapos turns out, hindi rin naman pala date 'yong ginawa namin ni Deion dahil may kasama kaming ibang kaklase. Nasayang 'yung kaba ko.
"Hindi alam. Kahit si Mommy, kaya quiet ka lang diyan."
"Two years? Naitago mo 'yun?"
"Ikaw nga hindi mo nalaman, 'di ba?"
Naitikom niya ang bibig niya roon. Grabe. Sana talaga hindi ko magamit sa super evil thing 'tong galing kong magsinungaling.
"Pero magkaaway na naman kayo?"
"Hayaan mo 'yun. Maliit na bagay."
"Maliit na bagay pero laging nangyayari? E di lalaki 'yan?"
"Jo." Grabe, ha. Nakaka-guilty 'yung totoong concerned yata siya sa love life kong peke naman.
"Billie." Nagbuntonghininga siya. Tumigil kami sa tapat ng tindahan ng banana cue. "Alam mo, kung kay Jerica 'yan, pinitik ko na 'yung lalaki."
Natawa ako roon. Valid naman 'yung inis niya. Ako nga naiinis din kay Deion e. Malamang nakikita ni Jo 'yun sa 'relationship' namin ni Deion.
"Okay lang 'yan. Kaya kong pitikin 'yon si Deion mag-isa," sabi ko sa kaniya bago kagatan 'yong isang banana cue na ako na ang dumampot. Nilingon ko siya pagkatapos kumuha ng isa pa at hindi na 'yon pinabalot. "Kumain ka na lang. 'Wag mong intindihin 'yung boyfriend ko. Isasako ko na 'yun 'pag nag-away pa kami ulit."
Nagtagal sa 'kin ang tingin ni Jo. Hindi ko alam kung nag-iisip siya ng pangontra doon sa sinabi ko o natulala lang talaga siya.
Huminga siya nang malalim bago kuhain sa 'kin 'yong nakaplastik na mga banana cue. Hindi na niya ako hinintay at nauna nang maglakad pabalik.
"Huy," tawag ko sa kaniya nang maabutan ko siya. Deretso lang ang tingin niya sa daan. "Galit ka ba talaga?" tanong ko.
Alam ko namang nag-iinit lagi ang dugo niya kay Deion e. 'Tapos 'yung isa kasi, siyempre walang pakialam kung sino'ng naiinis sa kaniya 'tapos parang sinasadya niya pang mam-bad trip minsan. 'Di na 'ko magtataka talaga kapag one day nagsapakan na lang silang dalawa e. Kahit hindi na tungkol sa 'kin, actually. Iba rin kasi tabas ng dila ni Deion kapag nati-trip-an niyang magsalita, 'kala mo kung sinong basagulero, e alagang-alaga naman 'yun nung high school. Parang until now nga e.
Nilingon ako ni Jo. Umiling siya at pinatong ang palad sa tuktok ng ulo ko. "Hindi ako galit sa 'yo. Kung si Jerica ang ginaganiyan, hindi ako magagalit kay Je."
"So kay Deion, galit ka?"
"Depende. Kapag 'di 'yon umayos . . ." Inalis niya ang kamay sa tuktok ng ulo ko.
"Ano? Ano'ng gagawin mo?" natatawa kong tanong. Hindi palaaway si Jo—silang magkakambal, actually. Madami lang nangingilag kay Je dahil nagpakakamalan siyang masungit, pero hindi siya nang-aaway.
"Wala," sagot niya kaya natawa ako. Silang dalawa ni Deion 'yong parang nagbabanggaan lang ng balikat 'tapos nagtatanong kung gusto ng away o gulo, pero wala namang nangyayari.
"Wala akong gagawin. Gusto mo siya e."
Natigil ang pagtawa ko roon. Out of reflex, muntik ko nang sabihing wala akong gusto kay Deion. Kaso ano na lang ang magiging reaction nitong si Jo kapag sinabi ko 'yun?! Mako-confuse pa siya sa storyline ko.
"Okay ka lang?" tanong niya bigla. Tumango ako.
Hindi ko gusto si Deion.
Haaay, buhay. 'Di yata 'yon tunog-denial, pero parang tunog-reminder naman.
'Labo talaga.
* * *
Hindi pa rin totally okay si Je pagpatak ng Monday morning. Dumadaing siya na masakit ang ulo at parang sinisinat. At ako, kumpleto naman ang tulog ko pero parang sumasakit na rin ang ulo ko kasi ilang beses siyang pinagalitan ni Jo dahil nagpupumilit pa siyang sumama sa 'min para pumasok. Useless din naman 'yung pagmamatigas ng ulo niya dahil hindi siya pinayagan ni Tita Josephine. Kami lang ni Jo ang magkasabay na pumasok.
Maaga-aga kaming nakarating sa campus. Sinamahan niya pa ako sa apartment para iwanan 'yong gamit na dala ko. Nakabili pa kami ng breakfast on the way pabalik at nagsabi pa siyang ihahatid ako sa room. Hindi ko na lang ginawang big deal 'yon dahil may 'boyfriend' nga ako. Ia-assume ko na lang ang role ng loyal at secured girlfriend. Ew.
"Ire-review na lang kita," sabi ko kay Jo pagkatapos niyang magreklamo tungkol sa quiz niya habang naglalakad kami. Kahapon pa nga niya 'yon pinoproblema. Pagpunta ko sa kanila, nag-aaral silang parehas ni Je. Hindi naman ako pariwara, pero grabe feeling ko ang tamad-tamad kong mag-aral kapag tumatabi ako do'n sa kambal.
"Memorized ko na nga 'yung mga terminologies. Sa essay lang ako kinakabahan," sabi ni Jo. Ginawa niya ulit patungan ng kamay niya ang tuktok ng ulo ko. "Ayaw pa naman ni ma'am ng basic analogies sa examples. Gusto niya current events based lahat, e paano kung wala akong maisip na fitting du'n sa question niya?"
Natawa ako. Wala akong mabibigay na advise dahil sa current standing ko ngayon, sumasabit na lang ako sa mga courses ko. "Good luck na lang sa 'yo."
Tumigil kami sa tapat ng pinto ng lecture room. Papasok na sana ako nang makita ko si Deion at Mark na galing sa kabilang hagdan. Mukhang wala sa mood si Deion na nakasimangot lang sa kung anoman 'yung sinasabi ni Mark. Napatingin siya sa 'min, kay Jo muna bago sa 'kin, 'tapos biglang umirap bago padabog na buksan at isara 'yung pinto.
Hah.
Agang-aga ano'ng iniinarte ng isang 'yon?!
"Tsk."
"Alis ka na," sabi ko kaagad kay Jo, na for sure hindi natuwa sa nakita niya. "May quiz ka pa, 'di ba? First period? Mag-review ka na sa room niyo."
Nagbuntonghininga siya, nasa salamin ng pinto ang tingin—sinisilip siguro 'yung nag-iinarte sa loob. Hinarang ko ang sarili ko sa view niya at tinaboy siya ulit. "Good luck sa quiz mo," dagdag ko.
Nakasimangot lang siyang tumango sa 'kin. Mukhang labag pa sa loob niya 'yong pag-alis niya. Pero gaya nga ng sabi niya sa 'kin nung Sabado, wala naman siyang gagawin kay Deion. Vocal lang talaga siyang ayaw niya du'n sa tao dahil sa nakikita niya.
Well, 'di ko nga siya masisisi. Si Deion naman kasi e. Wala talagang matutuwa sa gano'ng sight nang ganitong oras. Mukha ba namang naghahamon ng away.
Pagpasok ko sa room, naabutan kong nakayuko lang si Deion, parang may tinat-type sa phone. Nilingon ako ni Mark na patigilid ang upo at kay Deion nakaharap. Kumunot ang noo ko nang sumenyas siya sa akin na parang lagot ako.
'La. Inaano ko 'yung isa? Bakit ako? Hindi ko na lang 'yun pinansin.
Malas na ko na lang nang pagpatak ng first period ay may nagdikit ng announcement sa board at sinabing nasa site si Ma'am kaya 'yong midterms daw ang pag-usapan. Wala akong choice kundi maunang lumapit doon sa dalawa dahil magkasama na sila.
Ang nahigit ko lang na upuan ay 'yong nasa kaliwa ni Deion. Inilapit ko 'yon sa kaniya bago umupo. Nagkatinginan lang kami ni Mark dahil parang naka-zipper ang bibig ni Deion at wala siyang balak buksan. Nakahalumbaba lang siya at panay ang pindot sa cellphone niya. Hindi naman ako makapagtanong kung ano'ng gagawin namin dahil feeling ko, ako 'yung weak link ng grupo.
Inilapit ko pa lalo ang upuan ko sa tapat niya, baka kasi hindi niya nararamdaman 'yong presence ko. Napatigil siya saglit sa pagpindot sa phone. Nakahalumbaba pa rin siya nang pumaling kay Mark. Kumunot ang noo ko. May problema ba siya sa 'kin? Bakit parang ako ang napagbubuntunan niya ng bad mood niya ngayong umaga?
Inilayo ko na lang sa kaniya ang upuan ko at itinabi kay Mark. Umangat saglit ang tingin niya sa 'kin bago siya pumaling ulit sa harap. Pangit yata ang gising nito e. Aba, 'wag niya sa 'king ibunton.
"Kain tayo, Billie?" tanong ni Mark.
"Okay lang. Tara." Tumayo na ako kaysa naman tumunganga lang ako rito at hintayin na mawala na 'yung pagka-bad trip nung isa. Napairap na lang ako nang tumayo rin si Deion at sumama sa 'min. 'Di ko talaga siya ma-gets!
Sanay naman akong tahimik si Deion, pero iba 'yung tahimik niya today. At nakakainis kasi naba-bother ako. Paano bang hindi ako maba-bother e ang bigat-bigat ng hangin gawa niya?
Natapos ang Design period namin nang hindi siya nagsasalita. Kahit isang word, wala talaga! Kahit nga tango o iling, wala. Tina nong siya ni Mark kung ano'ng kakainin, pero hindi siya nag-react—parang walang narinig! Panay lang ang pindot niya sa cellphone niya. Nasilip ko kaninang parang may nilalaro siya e. Bad mood ba siya dahil sa nilalaro niya? Dahil lang do'n?
Sabi ni Mark habang bumibili kami ng pagkain, gawa ko raw. Noong pina-explain ko naman sa kaniya kung bakit ako, wala siyang nasabi. Hindi raw niya alam kung ano'ng nagawa ko, pero pakiramdam daw niya, kasalanan ko. Biased din ang isang 'yun e.
Buong araw tuloy, 'di ko mapigilang mapasulyap kay Deion. Mukha siyang tore na may dark cloud sa ulo niya, ganu'n. Iba talaga 'yung pagkatahimik niya today. Alam ko namang 'di ako ang may kasalanan, kaya baka siguro may personal problem na siya. Sa family? Ewan. 'Di ko malalaman dahil 'di ko naman tatanungin. Baka mamaya sungitan ako kapag tinanong ko e, 'tapos tanungin ako kung close ba kami, e di masusungitan ko lang siya pabalik. Ayaw ko pa naman siyang awayin dahil groupmate ko siya sa Design. Awkward na nga kami, magiging awkward pa lalo.
After dismissal, dahil wala si Je, mag-isa akong nagpunta sa meeting place na sinabi sa GC ng group ko ro'n sa org. Nakita ko kaagad si Ate Maggie, si Mark sa kanan niya, at si Deion na mukhang naghahamon pa rin ng away habang nakasandal sa tabi ng pinagpatong-patong na mga monobloc chairs. Mukhang kakaunti na lang 'yung wala. Hindi rin late si Kuya Yael.
Dahil walang upuang libre, wala akong choice kundi kumuha roon sa stack sa tabi ni Deion. Nagkatinginan kami saglit bago niya ako unuhang kumuha roon. Nilagay niya sa harapan ko 'yong kinuha niya bago bumalik sa pagkakasandal sa pader, so I assumed na para sa akin 'yun. Inilapag ko muna roon ang bag ko at hinintay kung magre-react siya at aalma na para sa kaniya 'yung upuan, pero walang dumating na gano'n, kaya hingit ko na 'yung monobloc chair sa opposite side at doon umupo.
"'Di na kayo LQ?"
Mabilis akong napalingon kay Kuya Yael na nasa tabi ko nang sabihin niya 'yon. Ang sama ng tingin ni Deion sa kaniya, at natahimik ang buong table bukod kay Mark na tumawa.
Lumagitik ang plastic ruler na hawak ni Ate Maggie sa braso ni Kuya Yael. "'Wag mo nga silang pag-trip-an," saway ni Ate Maggie.
Nagkibit-balikat lang si Kuya Yael bago ako lingunin. Nag-taas-baba 'yong kilay niya. "Nagtatanong lang naman e."
Iniwas ko na ang tingin ko. My gosh, nakakahiya. Mga paandar kasi ni Deion e.
Si Ate Maggie ang nag-lead ng discussion noong dumating 'yong dalawa pa naming hinihintay. Paminsan-minsan, tinatanong niya si Kuya Yael na kanina pa tini-tip 'yong upunan niya. Kinakabahan nga ako kasi baka mamaya tumaob 'yung monobloc o kaya mabali 'yung legs 'tapos papunta sa side ko ang bagsak niya.
"Okay na 'yan," sabi ni Kuya Yael pagkatapos mag-remind ni Ate Maggie ng mga kailangang i-secure na documents. Sa amin nakatoka 'yung venue kaya hindi raw kami puwedeng pa-late-late ng kung ano-anong requests at permits. "Tara na, kain na tayo."
Lost pa ako nung tumayo silang lahat. Hindi ko alam kung may pinag-usapan na sila bago pa ako makarating dito kaya hindi ako maka-relate kung saan sila pupunta. 'Yung dalawang latecomers naman, sumabay na doon sa friends nila. Wala na lang akong nagawa nang akbayan ako ni Mark at akayin pasabay sa kaniya.
"Nasa'n si Jerica?" tanong niya. Tinapik ko iyong kamay niya para alisin 'yong braso niya sa balikat ko dahil ang bigat-bigat! Inalis niya rin naman iyon agad.
"Absent. Masama ang pakiramdam," sagot ko.
Napatingin ako kay Deion nang lagpasan niya kami. Nakasukbit na naman sa balikat niya iyong brown na shoulder bag. Kasabay niya si Ate Maggie sa paglalakad. Sa kabilang side ni Ate Maggie ay si Kuya Yael at mukhang may pinag-uusapan sila.
Inalis ko ang tingin sa kanila at sinulyapan si Mark. "Saan tayo pupunta?"
"Kakain nga," aniya. "Samgyeop."
Sumama na lang ako dahil wala ring matinong makakain sa apartment. Pagdating namin do'n, nahatak ni Ate Maggie si Mark kaya nawalan ako ng kasama nong pumipili sila ng tables. Dahil wala namang puwestong kakasya kaming sampu, iyong magkatapat na table for six at table for four ang in-occupy nila. Hindi ko tuloy alam kung saan ako pupunta dahil hindi ko pa kilala 'yong iba.
"Dito ka na." Napatingin ako kay Kuya Yael. Tinapik niya 'yong upuan sa tabi niya. Sa tapat niya umupo si Mark, kaya pumuwesto na ako roon sa ino-offer niyang upuan. Katapat ko si Ate Maggie na tumabi kay Mark. At sa kabilang side niya, si Deion. Nagkatinginan kami bago ako umiwas at ituon sa lights ang tingin ko.
Nahigit ko ang paghinga ko nang lumipat si Deion sa tabi ko. Ang awkward-awkward kasi talaga, ewan ko kung bakit! Kung nung nakaraan ang dali-dali niyang i-ignore kasi parang hangin siya, ngayon, hindi. Hangin pa rin naman siya, pero parang anytime may back-up na siyang kulog at kidlat.
Sinubukan ko na lang 'yong hindi pansinin habang kumakain kami. Si Kuya Yael, si Ate Maggie, at si Mark na nagluluto 'yong nag-iingay sa table namin. Paminsan-minsan, sumsagot 'yong katabi ni Ate Maggie na pumalit sa puwesto ni Deion. Ako rin, 'pag tinatanong. Pero 'tong si Deion, grabe. Kanina pa yata siyang umaga hindi nagsasalita.
"May pasok bukas," sita ni Ate Maggie kina Mark at Kuya Yael nang magpasabi sila ng soju doon sa server. Hard pass talaga ako do'n. Hard pass sa kahit anong may alcohol, kahit gaano ka-light, dahil sobrang scarring nung nangyari sa 'kin sa Design. Hangga't 'di ako guma-gruduate, hindi ako iinom ng weekdays. Jusko, nakakatakot.
Si Ate Maggie, si Deion, at ako lang ang nag-pass sa soju. Nag-uusap-usap sila, kasi sabi ni Kuya Yael, getting to know each other daw. Nakikinig lang naman ako sa mga kuwento nila habang nag-aabang ng oras para umuwi. Maaga-aga pa naman kaya puwede pa akong mag-stay, saka ayaw ko namang masabihang KJ.
Nakikinig ako sa sinasabi ni Mark tungkol sa kanila ni Ate Maggie nang maramdaman kong may nakatingin sa 'kin. Napalingon ako sa katabing table kung saan nakapuwesto 'yong apat naming kasama na hindi kakasya dito sa table namin. Kumaway sa 'kin 'yong blonde na hanggang balikat ang buhok, at 'yong katabi niyang naka-round frame na salamin. Nginitian ko lang sila. Ano nga ulit ang pangalan ng mga 'to? Nalimutan ko na nung nag-introduce sila e. Ang natandaan ko na lang kasi noon ay 'yung paandar nitong katabi kong naka-zipper ang bibig.
"Ito, ito, sino 'to?" sabi ni Mark at pinakita 'yong phone niya, pati roon sa apat na nasa kabilang table. Nang ipaling niya ulit 'yon sa 'min, napatayo ako at sinubukang agawin sa kaniya 'yong cellphone niya.
Buwisit na 'to! Ako na naman ang naktia! "Ang epal mo."
Tinawanan lang niya ako nang hindi ko maabot 'yong phone niya. Dapat talaga pinagrere-remove tag ko na 'yong mga childhood pictures ko sa Facebook e.
"Ang cute!" sabi ni Ate Maggie. Inabot niya 'yong phone ni Mark at tiningnan iyong nasa picture, 'tapos ako. Binalik niya kay Mark ang phone. "Parehas na chubby 'yung cheeks."
"'Di nga lang pantay 'yung bangs," sabi ni Kuya Yael. Napailing na lang ako at pinuno ang bibig ko ng meat. "Pero cute pa rin naman."
Kung hindi ko siguro katabi si Deion na sobrang nakakabigat ng vibes, baka kinilig na ako nang very slight doon sa sinabi ni Kuya Yael e. Kaso hindi. Umuurong 'yung kilig ko dahil nakakadamay ng mood 'yong katahimikan nitong nasa kaliwa ko.
For the next few minutes, puro childhood pictures namin ang pinakita ni Mark para may pag-usapan kami. Ewan ko nga kung saan niya nakuha 'yong mga pictures ng iba, pero knowing him, baka pinag-a-add niya na agad sila sa Facebook after makuha ang mga names nila. Pero mas nakakagulat 'yong may picture siya ni Deion, dahil sobrang rare find ng childhood pictures ni Deion. Noong crush ko pa siya, elementary graduation picture lang 'yong nakita ko sa Facebook niya. Tagged post pa 'yun ah. Bilib na talaga ako sa kapit nitong si Mark dahil may picture siya ni Deion na may hawak na isda, dumidikit 'yong buhok na bao sa noo dahil sa pawis, 'tapos may bungi sa harapang ngipin.
"Oh my God!" natatawang sabi ni Ate Maggie. "Bakit ganito? Bakit ngayon ko lang 'to nakita?"
Masama ang tingin ni Deion kay Mark. Nakita ko pa siyang umirap bago ibalik ang tingin sa kinakain niya.
Panay ang tap ni Ate Maggie sa table habang pinagpapasa-pasahan ng mga kasama namin 'yung phone ni Mark. "Hoy ka!" Natawa si Ate Maggie. "Nagmukhang dugyot ka rin naman pala at one point of your life!"
Napangiti ako roon sa sinabi niya, pero agad ding nawala nang mahuli kong nangingiti rin si Deion habang kumakain.
Pumait 'yung kinakain ko.
Nasunog yata masyado 'yung beef.
Sinalinan ko ng iced tea 'yong baso ko para ma-wash out 'yung pait. 'Di nakatulong na may naglipat sa love life nung usapan . . . at crushes.
"Ikaw, Billie . . ." Napalingon ako kay Kuya Yael nang magsalita siya. Pumaling siya sa 'kin. 'Di ko alam kung tumatalab na sa kaniya 'yong iniinom niya dahil parang iba na 'yong tono ng pananalita niya, at kung ano-ano na 'yung sinasabi niya, actually. "No offense, I mean, may boyfriend ka." Tinuro niya si Deion. Napalunok ako. "Pero nagkagusto ka na dati? Elementary, high school, gano'n?"
Tumango ako. "Oo naman."
Gumaan 'yong dibdib ko dahil akala ko kung ano'ng tatanungin niya dahil nabanggit niyang may 'boyfriend' ako, e 'yon lang naman pala. Hindi na rin naman siya nagpa-elaborate kagaya nung ginawa ng iba, so hindi ko na na-reveal na si Deion din 'yong crush na tinutukoy ko. Kinabahan ako kasi baka manghingi ng detalye e. Ayaw ko ngang i-recall 'yong mga ganap no'ng high school! Sa harapan pa ni Deion? Magpapabaril muna ako.
Tumango-tango si Kuya Yael bago ako bigyan ng thumbs up. Baka ayaw niya ring magtanong masyado dahil nga taken ako. Sinitsitan niya si Deion na tumitipa na naman sa cellphone. "Ikaw, Deion? May crush ka dati? Hindi naman ma-o-offend si Billie. Crush lang naman bago siya e."
Hinagip muna ni Deion ang baso niya at uminom. Nagbuntonghininga ko dahil alam ko na ang isasagot niya. 'Di ko alam kung gusto niya akong inisin kaya sumulyap muna siya sa 'kin bago ipaling ang tingin kay Kuya Yael.
Umiling si Deion. At tama nga ako dahil parehas lang ang sagot niya kay Kuya Yael sa sagot niya noong tinanong siya nang tinatanong ni Mark kung may gusto ba siya sa 'kin. "Wala."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top