Chapter 10

010122 Chapter 10 #HatemateWP

Hindi man lang ako sinabihan ni Deion kung ano'ng gagawin ko. Nakatingin lang tuloy ako sa mga ate niya at hinintay silang magsalita. Nasaan na ba si Mark? Kung nandito siya, hindi sana masyadong awkward.

Wala namang nagsasalita sa kanilang dalawa. Kilala ko sila, pero hindi na ako mag-e-expect na kilala nila ako, dahil the who ba naman ako sa buhay ni Deion noong high school, 'di ba? Nakita na nga ni Deion ang parents ko nung sinundo niya ako once sa bahay e, pero hindi ko matandaan kung nakapunta na ako sa kanila ever. Parang hindi pa.

Pasimple ko na sanang lalapitan iyong bag kong nasa tabi ng kama ni Mark nang lapitan ako ng ate ni Deion—'yong mas bata, si Ate Nikola. "Gusto mo?"

Bumaba ang tingin ko sa hawak niyang lollipop. Hindi ko alam kung kukuhain ko ba 'yon o tatanggihan dahil hindi naman ako mahilig sa candy. Umiling ako. Nagkibit-balikat lang siya at binalik 'yong candy sa bulsa bago umupo sa kama ni Deion. Sumunod 'yong panganay sa kaniya na hindi pa rin yata nakaka-recover na may nakita siyang stranger dito sa condo nina Deion.

"You slept here?" tanong niya sa 'kin habang inaayos ko ang covers ng kama ni Mark. Tumango ako. "Kayo lang ni Deion?"

Doon ako sunod-sunod na umiling. 'Kaloka. Never 'yon mangyayari. Mahal ko pa buhay ko. "Hindi . . . po." Shocks, ang awkward. "Kasama namin si Mark . . . po."

Tumaas ang isang kilay sa akin ni Ate Nadia kaya bumaling agad ako sa kama. Kahit na banat na banat na 'yong covers, pinagpagan ko ulit at inayos ang gusot na ako rin ang gumawa. Hindi ba siya naniniwala? OMG. Nakakatakot naman kasi siya e. Si Deion, mukhang snob. Siya, mukhang . . . judgmental. Iyong isa . . . hindi ko mabasa 'yung mukha niya, pero parang may tinatago siyang taray. Nakatingin lang siya sa 'kin kanina pa.

"Where's Mark?"

Nagkibit-balikat ako. "Pagkagising ko wala na siya . . . po."

"Don't po me."

"Okay po." Nagsalubong ang kilay niya at mukhang ready siyang sabunutan ako nang mag-slip ulit ako ng po. "I mean, okay," pagtatama ko sa sarili. Height pa lang, wala na akong laban sa kaniya e. Kawawa ako kapag inaway ako nito.

Natawa si Ate Nikola pag-alis niya ng lollipop sa bibig niya. Nilingon siya ni Ate Nadia nang nakasimangot. Lalo lang natawa si Ate Nikola bago tuluyang humiga sa kama ni Deion at humarap sa pader. "What? Natawa lang ako."

"Do you know her?" tanong ni Ate Nadia sa kaniya na parang wala ako rito. Niyugyog niya ang braso ni Ate Nikola. "Why does Deion tell you everything? Bakit ako walang alam? It's unfair."

"Wala siyang sinasabi sa 'kin."

"I don't believe you."

"Not my problem, Ate."

Hindi ko alam kung puwede na akong lumabas. Ibinaling ulit ni Ate Nadia sa 'kin ang tingin niya, so . . . hindi nga yata puwede.

Gusto ko lang namang umuwi, my gosh. Bakit may paganito?

"What's your name?" tanong ni Ate Nadia, mas malumanay na ngayon. Mas mukha ngang mataray si Ate Nikola kaya hindi ko alam kung bakit kay Ate Nadia ako mas kinakabahan. Gawa yata talaga ng height niya kaya ako nai-intimidate. O dahil ba sa singkitin niyang mga mata?

"Billie," sagot ko, awkward. Parang nasa interrogation room ako, ganu'n 'yung feeling. "Classmates kami 'tapos . . . gumawa kaming project kagabi," paliwanag ko kahit hindi niya hinihingi. Tumango-tango siya, pero pakiramdam ko hindi siya pleased doon sa sinabi ko. Nakatitig pa rin siya sa 'kin na parang may hinahanap, parang may hinihintay na aminin ko. Hinubad ko tuloy 'yong jacket ni Deion at tinupi. Baka mamaya bigyan niya pang malisya 'yun e.

"Billie?" Napalingon ako kay Ate Nikola na napabangon. Parehas kami ni Ate Nadia na nakaabang sa sasabihin niya. "Kaklase ka ba nila ni Mark nung high school?"

Kumunot ang noo ko pero tumango. Kilala niya ba ako? Nakikita ko naman siya kapag uuwi sila ni Deion, pero never naman akong na-introduce ni Deion sa kahit sino sa pamilya niya. Never ko ring nakausap both sisters niya. Makapal ang mukha ko pero hindi super kapal kaya hindi ko rin sila in-add sa Facebook or kahit anong social media accounts. Lagi namang naka-public 'yung mga post ni Ate Nadia e, 'tapos kontento na ako ro'n

Kumurap-kurap lang si Ate Nikola sa 'kin. Hindi ko alam kung nasa mukha ko ba talaga ang atensyon niya o may iniisip siyang mas malalim. Nilingon niya si Ate Nadia na nakatuon lang din ang tingin sa kaniya. Akala ko may sasabihin siya, pero bigla na lang siyang tumawa, tumayo, at lumabas ng kuwarto.

"Niko!" Padabog na tumayo si Ate Nadia, bago sumunod palabas. "Ano'ng secret niyo ni Deion?!"

"'Ingay mo."

Nakahinga lang ako nang maluwag nang masolo ko 'yong kuwarto. Naririnig kong kinukulit pa ni Ate Nadia 'yong kapatid niya kung anoman 'yung secret-kuno nila ni Deion. Hindi ko sila maintindihan; parang may language silang magkapatid na sila lang ang nakakaalam.

D-in-ouble check ko na lang kung kumpleto ang gamit ko at kung maayos kong iiwan ang kama ni Mark bago lumabas na rin ng kuwarto. Well, at least wala na ako sa hotseat. Akala ko gigisahin nila ako tungkol kay Deion e.

Wala pa rin sina Deion, 'yung tatay niya, saka si Mark paglabas ko ng kuwarto. 'Yung dalawang babae, nasa kitchen, nag-aaway-magkapatid pa rin. Hindi tuloy ako makapagpaalam na aalis na ako. Baka mainis sila sa 'kin kapag inabala ko 'yong pag-uusap nila.

"Ano nga?"

Nagkibit-balikat lang si Ate Nikola. Pagharap niya, may hawak na siyang plato ng pinalamanang loaf bread. Inalok niya ulit ako pero umiling lang ako. Kakakain lang niya ng lollipop, a? 'Tapos tinapay?

"Niko," tawag ulit sa kaniya ni Ate Nadia. Nalunok ko tuloy ulit 'yung pagpapaalam ko. "Ano nga?"

"Ayaw mo talaga?" tanong ni Ate Nikola sa 'kin, ini-ignore 'yong ate niya. Umiling ulit ako. Babanat na sana ako ng pagpapaalam nang bumukas 'yong pinto.

Nakahinga ako nang maluwag nang makitang si Deion 'yon at tatay niya. Mas kaya ko namang magpaalam kay Deion kaysa dito sa mga kapatid niya.

"Tsk," reklamo ni Ate Nikola nang bastang kagatan ni Deion 'yong tinapay na hawak niya. Tingan mo 'tong isang 'to, hindi man lang ako tanongin kung uuwi na. Or, magkusa man lang na i-introduce ako sa mga taong nandito. Palibahasa hindi siya 'yung nao-awkward-an e.

"Good morning po," bati ko sa tatay niya nang mapansin kong nakatingin siya sa akin. Inagaw niya iyong tinapay na hawak ni Ate Nikola at kinagatan din bago bumati pabalik. Nagreklamo si Ate Nikola dahil wala na daw sa kalahati 'yong natira sa kaniya.

Nilingon ko si Deion na kumukuha ng baso pagkatapos maghilamos. "Deion."

Nilingon niya ako.

"'Uwi na ako," paalam ko.

Tumango siya. "Sige, ingat."

Pinaling ko ang tingin sa mga kapatid niya at sa tatay niya. "Una na po ako."

"Paano ka nakarating dito?" tanong ni Ate Nikola.

"Sumabay ako sa kanila ni Mark nung dismissal," sagot ko, pero hindi ko sure kung narinig nilang tatlo dahil lahat sila, na kay Deion na naglapag ng water jug sa mesa ang tingin. Sabay-sabay pa silang lumingon kay Deion.

"She said she's going home," sabi ni Ate Nadia, na hindi ko alam kung para saan. Nilapag ni Deion ang basong ininuman niya at sinulyapan ako. Pagkatapos, nilipat niya ang tingin sa mga ate niya at tatay niyang nakatingin lahat sa kaniya.

May secret language ba silang pamilya? Puwede na ba akong umalis?

Tumikhim si Deion. "'Hatid na kita, wait lang," aniya at sumulyap sa 'kin bago pumasok ulit sa kuwarto. Tumanggi ako at sabing mauuna na pero parang wala siyang narinig. Ganon din 'tong tatlong iniwan niya. Bumalik lang sila sa pag-aalmusal. Hindi ko tuloy maintindihan kung hindi ako welcome sa kanila o wala lang silang pakialam sa 'kin.

"'Lika na," sabi ni Deion sa 'kin pagkalabas niya ng kuwarto, sabay hatak sa braso ko. Hindi na tuloy ako ulit nakapagpaalam sa mga ate at sa tatay niya.

"Marunong kang mag-drive?" tanong ko habang nasa lift kami. Tinanguan lang niya ako habang sinusuklay 'yong buhok niya gamit ang mga daliri. "E 'di ba mahina ka sa directions? 'Di ba tayo maliligaw?"

Tinigilan niya 'yong pagsusuklay sa buhok niya at nilingon ako, nakasimangot. "Hindi 'yan." Inayos niya ang pagkakasuot ng salamin. "Tinakot ka ba ni Ate Nads?"

Umiling ako. "Hindi naman." Binaba ko ang tingin sa mga paa ko. Pahamak na eyeglasses 'yan. Parang sinasadyang asarin ako. Naka-move on na 'ko, 'kainis. "'Wag mo na 'kong ihatid. Kaya ko namang umuwi mag-isa." At saka, ayaw ko na ring magtiis sa amoy ng kotseng gagamitin niya.

Hindi na siya nag-comment. Nag-transform na naman siya into hangin na hindi marunong magsalita, so I assume hindi siya pumayag sa gusto kong mangyari. Wala tuloy akong choice kundi sundan siya papunta sa parking at masampal na naman ng amoy niya pagkapasok ng kotse. 'Tapos, titiisin ko pa 'yung awkward silence kasi mukhang wala na siyang balak magsalita.

Napailing na lang ako nang i-input niya 'yong gasoline station malapit sa apartment sa navigation app. Good luck na lang sa kaniya pauwi.

Yakap-yakap ko lang ang bag ko sa biyahe. Hindi ko alam kung anong oras ako makakarating sa apartment, pero sana ASAP kasi ang awkward talaga, o baka ako lang 'yon. Lalo na kapag napapasulyap ako sa kaniya, 'tapos titingin din siya, pero wala namang nagsasalita. Napahinga na lang ako nang malalim. Wala rin yata siyang balak tanggalin 'yong salamin niya, so double dead na ako rito sa puwesto ko.Stiff neck na naman ang aabutin ko dahil ayaw ko siyang tingnan.

"Gusto mong mag-breakfast muna?" tanong niya sa kalagitnaan ng biyahe.

"Hindi na," sagot ko, umiiling. Ayaw ko nang magtagal dito sa amoy na 'to at sa nakakatuksong view niya, 'no. "Nagmamadali na ako," pagdadahilan ko.

"Drive-thru lang," kontra niya at lumiko na papunta sa drive-thru ng isang fast food restaurant.

Tingnan mo 'to, nagtanong pa, 'di naman pala ako susundin. Napapikit na lang ako at napahawak sa noo. 'Wag kang mag-imagine ng kung ano-ano, Billie. Magkaklase lang kayo niyan. Classmate nga ang pakilala niya sa 'yo kay Ate Maggie, 'di ba? Groupmates, okay?

"Ano'ng gusto mo? Ako nang magbabayad."

Napalunok ako bago sumagot, "Ikaw na ang bahala." My gosh, bakit ba kasi may paganito? Kilala ko ang sarili ko at alam ko ang weakness ko e. Weakness kong asumera ako, 'yun 'yon. Kaya nga ako nasawi nung high school dito kay Deion e, nilagyan ko ng malisya 'yung wala naman pala.

"Kain ka muna," aniya bago iabot sa 'kin 'yong paper bag. Napabuntonghininga ako bago iyon kuhain sa kaniya. Hindi nakakatulong 'yong malumanay siyang magsalita. Akala mo tuloy naglalambing, 'kainis.

Nilunok ko na lang tuloy 'yung thank you ko dahil baka mag-'you're welcome' siya at manginig na naman ako.

Tahimik na ulit kami pagkabili ng pagkain. Inuunti-unti ko 'yung burger ko at nagsa-struggle na hindi mag-react kapag dudukot siya ng fries sa paper bag na yakap-yakap ko. Kukuha lang naman siya ng pagkain pero 'yung dibdib ko, 'kala mo may nagpapatugtog ng bass music sa sobrang pagkalabog. Ano ba naman kasing situation 'to? Ito 'yung dine-daydream ko nung high school e. Saka naman nangyari kung kailan ayaw ko na. Inaasar talaga ako ng universe.

Feeling ko maririnig niya 'yong kalabog ng dibdib ko dahil sa sobrang tahimik namin, kaya dumaldal ako. Para na rin ma-distract ko ang sarili ko mismo. "Nasa'n si Mark?"

"Baka nagja-jogging."

Wow. May morning routine pala 'yun. Binago ko ang topic. "Ang ganda ng mga ate mo, 'no?"

"Ewan ko lang."

Napatigil ako sa pagnguya at nilingon siya. Napailing na lang ako at medyo natawa sa sinabi niya. "Ang ganda kaya nila. 'Tapos si Ate Nadia, ang daming beauty mark sa mukha . . . ." Bumagay nga sa kaniya, parang dumagdag sa appeal niya, gano'n.

"Marami rin si Ate Niko, sa balikat nga lang," sabi niya bago abutin ng kamay niya ulit ang fries na nasa loob ng paper bag na hawak ko.

"Ikaw?"

"Sa likod 'yung akin."

Ah.

Gano'n?

Bakit ko pa ba 'yun tinanong?

Napapikit ako at inalala 'yong plate kong 77 para mawala 'yong mental image ng likod ni Deion.

Kapag lumandi ka, Billie, babagsak ka sa Design. So tigil-tigilan mo 'yan.

Pagkarating namin sa apartment building, hindi ko in-expect na bababa pa siya. Kinunutan ko siya ng noo. "Ano 'yun? Bawal ang lalaki sa loob."

Tumango siya. "Hindi ba mabigat 'yong iuuwi mo?"

"Hindi." At kung mabigat man 'yon, hindi ko 'yon ipapakisuyo sa kaniya, 'no. Kaya ko 'yong buhatin. Nakakainis naman 'tong isang 'to e, bakit ba 'to biglang bumait? "Uwi ka na. Baka maligaw ka, ha?"

"Ihahatid na kita sa terminal." Pinaningkitan ko siya ng mga mata. Umangat lang ang dalawang kilay niya. Sinenyasan niya akong umakyat na. "Malapit na lang naman 'yon."

"'Wag na," tanggi ko. Bakit ba 'to dikit nang dikit sa 'kin?! "Umuwi ka na lang."

"Hintayin kita rito," sabi niya na parang hindi naririnig 'yong mga sinasabi ko. Sumandal siya sa kotse. "Dali na, Billie. Akala ko ba nagmamadali ka?"

Napairap na lang ako bago siya talikuran at umakyat sa second floor. Kinuha ko 'yong gym bag na nai-prepare ko na kahapon bago pa pumasok, siniguradong bunot lahat ng dapat bunutin, at ni-lock ang lahat ng dapat i-lock, bago bumaba ulit. Andu'n pa nga siya at naghihintay. Nilingon niya ako at parang gusto ko nang magtatakbo ulit paakyat nang lumapit siya at kinuha sa 'kin 'yong gym bag ko. Mabuti na lang at maaga pa kaya wala 'yong lola na laging nakatambay sa sari-sari store sa first floor. Sabihin na lang nu'n, ang aga-aga pa, may lalaki akong kasama. 'Tapos hindi pa ako umuwi kagabi.

"Sakay na," sabi ni Deion pagkatapos buksan 'yong pinto sa front seat. Hindi ko talaga alam kung paano kakalma, at kung bakit ako natataranta e wala naman siyang ginagawang kahit anong extreme! Nilapag niya iyong gym bag ko sa may paanan ko bago isara ang pinto at lumipat sa driver's seat. Nakailang buntonghininga ako.

"Ilang oras binibiyahe mo?" tanong niya out of nowhere. Hindi na ba siya bnabalik sa pagiging hangin?! Sana mag-transform na siya ulit, now na.

"Ano . . ." Alam ko naman 'yung sagot, pero parang hindi ako makapagsalita nang deretso. "Ano e. . . Uh . . ." Napatingin ako sa kaniya nang hindi sinasadya. 'Tang ina. Ang guwapo mag-drive, 'kala mo hindi tanga sa directions.

"Ano?" tanong niya at sumulyap sa 'kin. Napaiwas ako ng tingin agad.

"Basta saglit lang," sagot ko at napakamot sa noo. "Napagalitan ka ba kanina ng tatay mo?" pagbabago ko ng topic. Hindi ko keri kapag siya ang interesado sa 'kin. Hihimatayin yata ako.

"Hindi naman. Tinanong niya lang kung sino ka."

"Ah. Ano'ng sabi mo, classmate?" tanong ko kahit alam ko na namang 'yon ang sinabi niya.

Sumulyap ulit siya sa 'kin. "Friend."

Hindi ko napigilang tumawa nang kaunti. "Friends pala tayo, ngayon ko lang nalaman."

"Ano ba dapat ang sinabi ko . . . ex?"

Sinamaan ko siya ng tingin. Iniwas ko rin naman agad dahil nahuli ko siyang nakangiti, at jusko, mahina ako.

Nakarating kami sa terminal nang hindi naliligaw. Huminga ulit ako nang malalim nang kuhain ni Deion ang phone niya bago naunang lumabas ng sasakyan at binuksan 'yong pinto sa tabi ko. Naunahan niya rin akong buhatin 'yong gym bag ko. Inabot niya lang 'yon sa 'kin nang makababa na ako ng kotse at maisuot ko nang ayos ang backpack na dala ko.

"Thanks," sabi ko at inilipat ang tingin sa mga vans. Ayaw ko nang tingnan si Deion. Quota na for today.

"You're welcome," tugon niya. "Puwedeng makuha ang number mo?"

Muntik ko na yatang mabitiwan 'yong gym bag ko. Tumunghay ako sa kaniya, bago ibaba ang tingin sa phone niyang nakaabang sa 'kin. Nananaginip ba 'ko? Nagpapantasya?

"Bakit?" Paano kung ayaw ko? Ano'ng gagawin niya?

"Para alam ko kung nakauwi ka na."

Kailan pa siya natuto nito? E ako nga hindi niya ni-reply-an! "'Di ko naman sasabihin sa 'yo kung nakauwi na 'ko."

"Itatanong ko."

"Pa'no kung hindi ako mag-reply?"

Inilapit niya lang lalo sa akin ang phone niya. "Tatawag ako."

"Hindi ko sasagutin."

"Q pa rin ba tayo, Billie?" tanong niya, mas mahina ang boses.

Okay, confirmed.

May something doon sa fries na nabili namin kanina. Nasaan si Deion? Lord, ibalik mo.

Tumunghay ako sa kaniya. Tatarayan ko pa sana siya pero umurong lahat ng pagmamaldita ko nang makita 'yong mukha niya. Nasabunutan ko na lang ang sarili ko mentally. Pesteng salamin talaga 'yan. Dumagdag sa armor niya. Buwisit.

Napapalatak ako bago kuhain 'yong phone niya at i-type doon ang number ko. Hindi pa rin niya pinapalitan 'yong screen protector niyang may linya ng crack. Nakangiti siya sa 'kin nang ibalik ko sa kaniya ang phone niya kaya naman napairap ako.

Dapat dito hindi na pinapakain ng fast food. Kung ano-ano'ng nangyayari sa kaniya. Asin lang ba ang katapat niya para magsalita nang marami?

"Una na 'ko. Salamat." Hindi ko na hinintay 'yong response niya dahil baka may sabihin na naman siyang something na iisipin ko habang nasa biyahe. Mamaya dumalaw pa siya sa panaginip ko, mahirap na. Nagdere-deretso ako sa van para makasakay na at makalayo-layo sa kaniya.

Habang naghihintay ng pasahero, biglang nag-ring ang phone ko. Unregistered number, pero hindi ko sigurado kung kay Deion o kay Daddy dahil mahilig 'yong magpalit ng sim nang basta-basta. Sinagot ko na lang tuloy. "Hello?"

"Ingat ka."

Nasapo ko na lang ang noo nang marinig ang boses ni Deion. Ayaw ba talaga akong palayain ng lalaking 'to? Tama na 'yung four years ko siyang crush, please lang. Ayaw ko nang dagdagan 'yon.

"Ikaw ang mag-ingat. Baka maligaw ka sa daan."

"Hm." Sinundan niya iyon ng tawa. Napahigit ako sa bangs ko sa frustration. 'Hm'?! Lintik na 'Hm' 'yan! Masama pati talaga ang epeketo ng French fries sa kaniya, napapatawa siya. "Sabihan mo 'ko kapag nakauwi ka na, ha?"

"Ayoko nga."

"Tatawag ako."

"Hindi ko sasagutin, bahala ka," sabi ko at in-end na ang tawag. Naisubsob ko na lang ang mukha ko sa backpack na yakap ko, pero lalo lang kumalabog ang dibdib ko nang maamoy si Deion doon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top